logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

Continuation.
"Who are you?" Dahan-dahan kong nilingon ang taong nagtanong noon. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ang mukha nito.
He looks so familiar.
Matagal na napatitig ako sa mukha nito, malaki ang pagkakahawig nito kay manager at kahit hindi mo na itanong ay malalaman mo kaagad na anak niya ito. Kulay abo ang buhok nito. Maga-ganda rin ang mga mata nito, matangos ang ilong, at ang mas nakaagaw sa akin ng pansin ay ang makakapal na kilay nito.
"What are looking at?" Nakakunot noong tanong nito bago humakbang palapit sa akin.
"I said, who are you?!" Napitlag ako nang magtaas ang boses nito. Ano bang problema niya?
"Hindi ka sasagot?" nakangising anito bago inilabas ang kanyang cellphone at may tinawagan doon. Hanggang ngayon ay nakakunot noo pa din ito kaya halos magsalubong na mga kilay nito. Napabalik naman ang tingin ko sa hawak nito nang i-loudspeaker niya ang kanyang cellphone.
'Hello? Police Director, Dave Santillan speaking. What can I do for you?'
A-Anong g-ginagawa n-niya?
But wait.
His voice is very familiar to me. Parang narinig ko na ito somewhere.
Dave what again? Sanlian? Sanleyan? Santolan? Shanihal?
Pinilit kong alalahanin ang narinig ko kanina at napangiti na lang ako nang kusang maalala ko ito.
S-Santillan, right?
Napanganga na lang ako nang makilala kung sino iyon. Secretary Dave Santillan. Isa s'yang secretary ng council sa El Dorado University. Ibig sabihin ay natupad niya ang pangarap niyang maging Police Director? Wow.
'Hello? What can I do for you?' Tanong ni Dave sa kabilang linya.
'Ah, hello, Tito. This is Miel Ulysses Lazaro.' pagsagot ng lalaking nasa harap ko sa tawag ni Dave.
'Iho, ikaw pala 'yan? Napatawag ka?' tanong ni Dave na nasa kabilang linya.
'May ire-report lang po sana ako, Tito.'
'Tungkol saan?' Nakatitig lang ito sa akin habang nakikipagusap kay Dave. Agad naman akong napatingin sa hagdanan nang tawagin ni Manager ang lalaking nasa harap ko. Humarap ito sa kanyang ama at pinatay ang tawag bago itinago amg kanyang cellphone.
"Nandito ka lang pala Miel." Anito nang makalapit sa amin. Tumingin saglit ito sa akin bago bumaling muli sa kanyang anak. "Ah Miel si ano nga pala." Anito sa kanyang anak.
"Sino siya Dad? Bakit nagdadala ka nang kung sino-sinong tao sa pamamahay natin?" Tanong nito sa kanyang ama bago ako sinamaan ng tingin. Tahimik na napayuko lang ako. "Ni pangalan nga niyan ay hindi niyo muna inalam. Malay ba natin na isa pala siyang kriminal." Nag-angat ako nang tingin dahil sa huling sinabi nito. Naikuyom ko agad naman ang aking kamao.
Anong karapatan niya na nasabihan akong kriminal? Hindi n‘ya pa nga ako kilala pero kung pag salitaan niya ako ay parang walang bukas. Napakasakit niya magsalita.
Huminga ako nang malalim bago nag pakilala. "Ako nga po pala si Twe-Twendale." Nahihiyang pakilala ko. Alam kong hindi ko maaaring sabihin ang tunay kong pangalan dahil baka isa lang din si Manager sa mga schoolmate ko noon. Mahirap na kapag makilala nila ako. Baka mawindang sila sa malalaman.
Napayuko naman ako saglit bago humingi ng pasensya. "Pasenya na po kayo kung hindi man lang ako nagpakilala kanina." Paghingi ko ng paumanhin. Napatunghay ako nang tinapik ni Manager ang balikat ko. Saktong pagtunghay ko ay hindi ko na nakita si Miel, mukhang umalis na ito.
"It's okay. H'wag mo na lang siguro pansinin si Miel. Palagi 'yong high blood eh, akala mo naman nireregla." natatawang ani nito kaya napatawa na lang din ako.
"Maupo ka iha, pababa na din si Misis ko. Gusto ka daw niya kasing makilala." Pilit na napangiti lang ako bago tumango. Ewan ko pero kinakabahan ako sa asawa nito. Baka kasi kung anong isipin n‘ya sa akin.
Napailing na lang ako bago naupo sa isang sofa. Maya-maya lang ay may isang babae na bumaba mula sa hagdan, nakapaganda pa din nito kahit may edad na.
"Si Miel?" Tanong nito nang makalapit kay Manager.
"Nasa kwarto niya siguro." Sagot nito bago lumapit sa kanyang asawa at hinalikan sa pisngi. How I wish na ganoon din ka-sweet ang mga magulang ko. Iniwas ko agad ang paningin ko sa mga ito.
Dumiretso ang asawa ni Manager sa kusina para magluto ng hapunan. Lalapit na sana ako para tulungan ito nang pinigilan ako ni Manager. "Kaya na ni mahal 'yon." nakangiting anito kaya nahihiyang napangiti na lang din ako.
Nang matapos magluto ang asawa ni Manager ay dumiretso na ito sa hapag at isa-isang hinayin ang mga putaheng kanyang niluto. Napapikit na lang ako nang masanghap ang mabangong amoy ng ulam.
It's my first time na makakain ng ganito. Sa tanang nang buhay ko ay hindi ako hinahayaan ng magulang ko na kumain ng ganito. Hindi ko alam kung bakit, wala naman siguro akong allergy, right?
Halos magningning ang mga mata ko habang nakatingin sa lamesa. May sinigang na tahong, may adobong manok, minudong baboy, inihaw na tilapia at nilagang okra.
Nakangiti naman ang mag asawa habang nakatingin sa akin. "Favorite mo ba iha ang mga iyan?" Mabilis na tumango ako.
"Tatawagin ko lang si Miel para sabay sabay na tayong kumain." Ani ng asawa ni Manager bago tumalikod.
"Bakit ba ang init ng ulo niya ngayon mahal? Pati itong si Twendale pinaginitan niya." Napatigil ito nang magtanong si Mr. Manager.
"Okay lang po 'yon." napapahiyang ngiti ko bago kinuha ang baso at uminom. Siguro natural lang 'yon sa anak niya. Kahit ako siguro ay magiging ganoon din ang pakikitungo ko kung may ibang tao na pumunta sa bahay namin.
"May nakaaway yata 'tong si Miel sa school, eh. Pinapatawag nga ako ng Dean. Jusme, bakit ba sa'yo nagmana 'yang si Miel? Napakabasag ulo." Iling-iling na sabi ng asawa ni Manager. Natawa lang nang mahina ang kanyang asawa. "Hindi ko din alam, Mahal."
"Pero kung tutuusin ay gusto kong sa'yo siya nagmana. Para kahit lalaki siya ay katatakutan pa din siya nang lahat, hindi dahil mayabang ito, kun'di dahil marespetado siyang tao. At nirerespeto ng mga tao dahil sa pusisyon nito sa paaralan." Napanganga ako sa sinabi ni Manager sa kanyang asawa.
Edi kung gano'n ay karespe-respetong tao ang asawa niya.
"Kumain na nga lang tayo. Ikaw din Twendale, feel at home, okay? Sasamahan kita later sa magiging kwarto mo ngayon."
"Thank you po, Tita?"
"Tita Yunnie." napangiti ako sa sagot nito.
Kaya pala pamilyar din siya sa akin.
She's Yunnie Tenorio our vice president.
Sa totoo ang ay puro mga myembro lang ng council ang nakilala ko sa loob ng aking pagpasok sa EDU. Kaya gulat na gulat ako noon nang nahuli ako ng President nila. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan.
Pumunta na si Tita Yunnie sa kwarto ni Miel para sunduin ito. Nang makalapit sila sa amin ay umupo na sila sa harap ko at taintim na nagdasal. Napapikit na lang din ako at tahimik na nagpasalamat.
"Dear Lord, salamat po sa pagkaing nakahayin ngayon sa aming mesa."
"Okay, let's eat." Masayang ani Tita Yunnie. Tahimik na kumain lang ako pero minsan ay nappapatigil ako sa pagnguya kapag napapansin kong nakatingin sa akin si Miel. Napailing na lang ako at nagfocus sa pagkain.
NANG matapos kaming kumain ay nag volunteer ako na maghuhugas ng plato pero hindi pumayag si yunnie kaya nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Bisita daw kasi nila ako, at ang bisita dapat itinuturing daw na prinsesa.
Hindi ko yata keri ito, masyadong nakaka-ilang.
---

Comentário do Livro (5)

  • avatar
    Jbriel Belarmino

    okay

    27d

      0
  • avatar
    Andrea Dollete Zuñiga

    nakakakilig♥️

    15/08

      0
  • avatar
    Roygan Troimenz

    ok bro congrangts

    02/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes