logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

INABOT na ako nang ala singko sa pag lalakad, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang daan pauwi sa amin. Maraming nagbago sa lugar na ito kaya nahihirapan ako sa paghahanap. Dapat siguro ay nagtanong ako sa kapatid ni Waviel kanina. Kung bakit ba kasi nawala sa isip ko 'yon. Aish!
Para akong lantang gulay na naglalakad sa tabi ng daan.
Simula umaga pa kasi akong hindi kumakain at wala din naman akong dalang pera para makabili ng pagkain. Naiwan ko kasi sa classroom ang bag ko at nandoon rin ang wallet ko na may laman na credit card.
Nakakapagsisi tuloy na iniwan ko sa room. Kung lagi ko lang sana dinadala ang bag ko edi sana hindi ako nagugutom ngayon. Kung alam ko lang din na mangyayari 'to edi sana... edi sana sa room na lang ako natulog. Aish! Is this parusa for me ba? Tsk.
Na-engkanto ba ako kaya napunta ako dito?
Nang makatanaw ako ng isang convenience store sa malapit ay naglakad ako palapit doon at naupo sa isang upuan na nasa labas. Malamig na ngayon at tanging uniporme lang ang suot ko. Hindi ko din alam kung saan ako matutulog ngayong araw.
What should I do?
Saglit akong napatingin sa loob ng convenience store pero agad na napaiwas din. Mas lalo lang akong magugutom kung papanoorin ko sila.
Ibinaling ko na lang paningin ko sa mga kotseng dumadaan. Na-miss ko tuloy bigla ang sasakyan ko.
“Ang sakit-sakit! Alam mo 'yon?”
Naagaw ang atensyon ng mag asawang nag aaway sa gilid ko. 'yong babae kasi ay nag i-inom at halatang gusto nang iuwi ng kanyang asawa dahil lasing na ito.
“Mahal, kumalma ka please.” Pakiusap pa ng asawa nito.
“H-hindi mo alam ang n-nararamdaman ko, k-kasi h-hindi naman i-ikaw ang n-nawalan ng k-kaibigan!” humihikbing sigaw nito bago muling tumungga ng alak.
Napahilamos lang sa mukha ang kanyang asawa. Hindi ko alam kung bakit pa ba ako nakikinig sa usapan ng mga ito. Nagmumukha tuloy akong chismosa. Psh
“Kaya ano, gagayahin mo din siya ganoon ba ha?! Unti-unti mo din bang papatayin ang sarili mo?!” pansin kong kaunti na lang ay iiyak na ang asawa ng babae dahil pumipiyok na ito sa pagsigaw. “Pero Twelixs, Paano naman ako kapag nawala ka ha? Sa tingin mo ba magiging okay ako kapag nangyari 'yon?”
T-twelixs? A-ako ba 'yon, o kapangalan ko lang?
“Hindi ko alam. B-bakit ba kasi ang kulit mo ha? Bakit ba kasi hindi mo na lang ako iwanan ha? Masyado ka nang nagiging mabait, Psyleb. Pwede bang sa ngayong pagbigyan mo naman ako? Hindi ka sasaya sa'kin kaya mas mabuti pang iwanan mo na lang ako, baka sakaling maging masaya pa ako. Wag mong sayangin ang oras mo kakaalaga sa'kin. Matanda ka na, kaya dapat sarili mo naman ang inaalagaan mo.”
Napasabunot sa sarili 'yong lalaki. “Sa tingin mo ba magagawa ko 'yang gusto mo? Twelixs, mahal kita! Asawa kita! Kaya kahit na itaboy mo pa ako papalayo hindi pa rin ako lalayo. Mananatili lang ako sa tabi mo hanggang sa magsawa ka na sa kakataboy mo.”
Tatayo na sana ako para magtanong nang maunahan ako ng isang babae at lalaki na kasing edad ko lamang. Lumapit ito sa dalawang nag a-away.
“Mom, Dad. let's go home.” Bulong ng lalaki pero dahil malapit lang ako sa mga ito ay narinig ko ang ibinulong niya.
“H'wag kayo ditong mag away please, nakakahiya.” Pilit na itinayo ng babae ang kanyang ina. Matagal bago ito napasama ng tuluyan, ayaw kasing sumama no'ng babaeng kapangalan ko.
Agad humarap sa aming direksyon ang lalaki na nagngangalang Psyleb. Yumuko ito at humingi ng pasensya. Nagulat ako nang naglakad ito papalapit sa akin at mas lalong nagulat ako nang nilampasan niya lang ang katawan ko.
P-p-paano n-nangyari 'yon?
Bakit ganoon? Nakikita ako ng anak ni Waviel pero bakit siya ay hindi?
P-patay na ba a-ako?
Sinundan ko ng tingin ang lalaking nilampasan lang ang katawan ko. Dumiretso ito sa lalaking sa tingin ko ay manager ng convenience store. Naglabas ito ng pera at binayaran lahat ng nagastos ng kanyang asawa. Matapos itong magbayad ay sumakay na ito sa kanilang kotse. Mahahalata mo talagang napaka-luma na niyon base sa kulay at istilo nito.
Pinanood ko silang makaalis bago naupo sa kinauupuan ko kanina. Yumuko ako sa table at akmang matutulog na nang may tumuktok sa table na iyon kaya naiangat ko ang aking paningin.
“Why?”
“Anong why? Hey, student. Alam mo ba kung anong oras na ngayon?” Napatingin ako sa relo ko bago sinagot ang tanong nito. “6:50 pm po.” kumunot naman ang noo ng lalaking nasa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang kausap ko pala ay manager ng convenience store na kinatatayuan ko ngayon. Medyo pamilyar sa akin ang kanyang mukha pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Sa palagay ko din ay nasa edad kwarenta eto pataas.
Alam ko naman, e. Pero wait...
“Nakikita niyo po ako?” Takang tanong ko dito, mahinang natawa naman ito. “Aba'y natural. Ano tingin mo sa sarili mo, may kapanyarihan gano’n?” Nahihiyang napakamot ako sa aking batok. “Hindi naman po sa gano’n.” Kung sila ay nakikita ako bakit 'yong Psyleb ay hindi? Sadyang nakakapagtaka.
“Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.”
“Gustuhin ko man pong makauwi ay hindi ko kaya.” malungkot na ani ko. Tumaas naman kaagad ang kilay nito. “May atraso kang ginawa 'no? Nako kayo talagang nga kabataan oo.” Napapahiyang napailing ako.
“Kung hindi ka uuwi saan ka tutuloy ngayong gabi?”
“Hindi ko nga din po alam, e.” Kamot-batok ko pang sabi.
“Wala ka bang kaibigan?” Umiling ako. “Kawawang bata naman 'to. Tumayo ka na d’yan. Isasarado ko muna ang tindahan ko tapos hintayin mo ako dito.” Nakangiting tumango lang ako. Kung babalik ako ngayon sa kasalukuyan gusto kong hanapin ang taong ito at i-treat ng masasarap na pagkain. Napaka-bait niya.
Nang matapos niyang isarado iyon ay sumakay na siya sa kotse. Sumunod naman ako dito at naupo sa front seat.
“Saan ka pumapasok ngayon?” maya maya'y tanong nito. Napatingin naman ako sa uniporme ko bago sinagot ang tanong nito. “
“1st year ka ba?” mahinang tumango ako. “Kabatch mo lang pala si Ulysses, ang anak ko.” napanganga na lang ako. Siguro kasing bait din niya 'yong anak niya. “Woah.” manghang sagot ko na lang.
“Alam ba ng magulang mo na umalis ka?” umiling ako. “Wala din naman po silang pakialam sa akin kahit maglayas ako.” napailing na lang din ito sa sagot ko.
“Hindi totoo 'yan, iha. Minsan nakikita natin sa mga magulang natin na wala silang pakialam dahil wala silang ginagawa para pigilan tayo, pero ang totoo niyan may pakialam pa rin sila sa atin pero hindi pang nila pinapakita kaya pumapasok sa isip natin na wala talaga silang paki.” Napabuntong hininga na lang ako.
Kung hindi lagi sila busy siguro ganyan ang iisipin ko, pero malabo eh.
Naramdaman ko na lang tumigil na pala ang kinasasakyan namin. “Nandito na tayo.”-anito bago tinanggal ang kanyang seatbelt, gano’n din ang ginawa ko sa akin.
Nang makababa ako ay inilibot ko ang  paningin sa kanilang bahay. Hindi ito kalakihan kumpara sa bagay namin pero napakaganda naman. Lalo pang gumanda ang labas dahil sa mga iba't ibang ilaw na nakasabit sa mga puno. Idagdag mo pa ang napakasarap na simoy ng hangin. Naagaw ang pansin ko nang tawagin ako ng manager.
“Tara na.” Tumango lang ako bago sumunod dito papasok sa kanilang bahay. Hindi ko pa pala alam pangalan nito kaya hindi ko alam kung among itatawag ko dito. 
Kung kanina ay namangha ako sa labas ng kanilang bagay ngayon naman ay mas nadagdagan iyon. Lalo akong namangha sa loob ng kanilang bahay. Malawak ang sala nito na mayroong sofa naman sa gitna. Ang table din ay nasa gitna, babasagin ito animo'y kapag pinatungan ng mabigat na bagay ay mababasag kaagad.
Sa kanang bahagi ay nandoon ang kanilang kusina, kumpleto din ang kasangkapan na kagamitan nila. Isa lang ang masasabi ko. Maunlad sila sa buhay.
Naglakad lakad pa ako at nag libot libot ng paningin habang si manager ay nagpaalam muna na tatawagin ang kanyang asawa.
Ngayon ko lang napansin na wala silang katulong sa bahay. Edi ang ibig sabihin noon ay asawa mismo ni Manager ang gumagawa ng mga kagawing bahay? Napakasipag niya naman kung ganoon.
Saglit akong napatigil sa paglilibot nang maramdaman kong may tao sa aking likuran. Hindi ko agad ito nilingon dahil kakaiba ang kutob ko sa isang ito. Napaka unfamiliar ng kanyang amoy. Maging ang tindig nito na kita ko mula sa anino ay ibang iba kay manager.
Itutuloy ko na sana ang paglilibot nang marinig ko ang biglaang pagtikhim nito.
“Who are you?”
---

Comentário do Livro (5)

  • avatar
    Jbriel Belarmino

    okay

    27d

      0
  • avatar
    Andrea Dollete Zuñiga

    nakakakilig♥️

    15/08

      0
  • avatar
    Roygan Troimenz

    ok bro congrangts

    02/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes