logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

“WAKE UP…”
            Isang mahinang ungol lang ang isinagot ni Faith sa gustong gumising sa kanya. “Wake up.”
            “Give me more five minutes, Ma. Inaantok pa ako. But promise after five minutes ay babangon na ako.” groggy na wika niya habang ang mata’y nanatiling nakapikit. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “Hmm…” wika niya ng maamoy niya ang amoy ng kanyang unan. Pamilyar kay Faith ang amoy pero dahil inaantok pa siya isinawalang kibo na lang niya. Idinilat niya ang isang mata ng maramdamang parang may gumalaw mula sa kinahihigaan niya. Bigla niyang idinilat ang isang pang mata nang mabungaran niya ang mukha ni Xavier na ilang dipa lang ang layo sa mukha niya. Nanlaki ang mata niya ng mapagtantong ang unang niyakap niya ay katawan pala ng binata. Mabilis pa sa alas kwatrong humiwalay siya rito at bumangon. At nasisiguro ni Faith na namumula na ang pisngi niya. Bigla ding nawala ang antok na nararamdaman sa sandaling iyon.
            Napasulyap siya sa mga unang inilagay niya sa gitna nilang dalawa ni Xavier. Noong tulog na kasi ang binata kagabi ay naglagay siya ng unan sa gitna nila. Proteksiyon na rin niya iyon para sa sarili at para na rin sa binata. Malikot kasing matulog si Faith.
            “G-good morning po, Sir Xavier.” bati ni Faith kay Xavier habang pinapasadahan ng suklay ang magulong buhok gamit ang mga daliri sa kamay. Isang simpleng tango lang naman ang isinagot ng binata sa pagbati niya at para kay Faith ay napakalaking improvement na iyon sa parte ng binata. Bakit? Dahil kahit papaano ay tumango ito sa pagbati niya. Napangiti ay napakagat labi si Faith ng maalala kung ano ang nangyari kagabi. Hindi talaga inaasahan ni Faith na maririnig niya ang pagtawa ni Xavier. Wala kasi sa personality iyon ng binata. Napakaseryoso kasi nito. At tingin niya ay napakamahal ang ngiti nito dahil hindi pa niya nakikitang ngumiti ang binata. Kaya nagulat na lang siyang biglang tumawa si Xavier kagabi dahil lang sa sinabi niya. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kagabi kung bakit nakaramdam siya ng pagmamalaki sa sarili. Bakit? Dahil sa isiping siya ang dahilan kung bakit tumawa si Xavier.
            “What that’s smile for?” tanong ni Xavier mayamaya sa kanya.
            Tumingin siya rito. Napakagat muli siya ng labi ng mapasadahan niya ng mabuti si Xavier. Magulo ang buhok nito. Namumungay din ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Kahit kagigising lang ng binata ay ang gwapo-gwapo pa rin nitong tingnan. Hindi ito nakakasawang tingnan. Kasi habang tumatagal na tinititigan niya ang binata ay lalong guma-gwapo ito sa paningin niya.
            “Staring is rude.” napakurap-kurap si Faith ng marinig niya iyon mula sa binata. Then she saw amusement in her eyes. Nag-iwas ng tingin si Faith para itago sa binata ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.
            Tumikhim si Faith. “I’m not staring at you.” pagtatangol niya sa sarili.
            “Yeah right. And tell that to the marines.” si Xavier.
            “Stop assuming.” mahinang sambit niya sa binata. “And FYI, I’m not staring at you.” dagdag na sambit niya bago siya bumaba ng kama at dumiretso patungo sa banyo.
KUMATOK si Faith sa pinto para ipaalam ang presensiya niya kay Xavier na ngayon ay nakatutok ang atensiyon sa hawak nitong Laptop. Nag-angat ito ng tingin upang balingan siya.
            “Sir Xavier, breakfast is ready.” sabi niya rito ng magtama ang mata nila. Kanina, pagkalabas niya sa banyo ay agad siya nitong inutusan na tumawag siya sa staff sa YB Resort para magpadala ng pagkain sa cottage nila. Tinanong din niya ang binata kung ano ang gusto nito at ang sinabi nito sa kanya ay bahala na daw siya kung ano ang o-order-in niya para sa almusal nilang dalawa sa umagang iyon. Ang nais sana ni Faith na magluto na lang siya para sa breakfast nilang dalawa. Wala naman kasi siyang ibang gagawin. Saka kahit masarap naman ang mga pagkain sa resort ay mas gusto pa niyang kumain ng lutong bahay. Iyong tipong siya ang magluluto para sa kakainin niya. Subalit, wala namang pagpipilian si Faith kundi tumawag sa resort dahil wala namang masyadong stock ang laman ng fridge sa private cottage na tinutuluyan nila.
            “Dalhin mo lang dito ang pagkain ko. Dito na lang ako sa loob kakain.” utos ng binata sa kanya bago nito ibinalik ang atensiyon sa laptop nito.
            Nagpakawala si Faith ng marahang buntong-hininga. “Okay, sir.” tatalikod na sana si Faith para bumalik sa kusina upang dalhin ang breakfast ng binata sa kwarto tulad ng pinag-uutos ng binata sa kanya. Pero hindi pa siya tuluyang nakakatalikod ng tawagin nito ang pangalan niya.
            “Miss Faith.” hindi maipaliwanag ni Faith kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon ng bigkasin ni Xavier ang pangalan niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may tumawag sa kanya na ‘Miss Faith’ pero bakit parang kapag ang binata ang nagbigkas sa mga iyon parang may kakaiba. Hindi lang niya maipaliwanag sa sarili kung anong ‘kakaiba’ na iyon na nararamdaman niya. “I change my mind. Huwag mo nang dalhin rito ang breakfast ko. Doon na lang ako sa dining area kakain.” sabi ng binata. Pagkatapos niyon ay isinara na nito ang hawak na laptop at ipinatong lang nito sa ibabaw ng kama.
            Humakbang naman si Faith palapit sa gawi ng binata. Huminto siya ng nasa gilid na siya ng kama. Hindi siya agad lumapit rito para alalayan ito. Siyempre, nadala na si Faith, hindi siya kikilos basta-basta hanggang sa hindi sinasabi ni Xavier, hanggang sa hindi nito humihingi sa kanya ng tulong. Ayaw naman ni Faith na masungitan sa umagang iyon. Ang ganda-ganda kaya ng sikat ng araw para lang masungitan.
            Nang makaupo ng maayos ang binata sa gilid ng kama ay kinuha niya ang saklay nito at inabot niya iyon rito. Kinuha naman nito ang saklay na inabot niya. Lumayo siya rito ng kunti ng dahan-dahan itong tumayo gamit ang saklay nito. Kahit gusto niya itong alalayan ay nagpigil si Faith. At mukhang naka-adjust na si Xavier sa sitwasyon nito dahil kayang-kaya na nitong maglakad gamit ang saklay ng hindi ito nawawalan ng balanse. Kaya hindi na lang niya ito inalalayan. Ang ginawa na lang ni Faith ay sumunod sa binata habang dahan-dahan itong naglalakad patungo sa kusina sa cottage.
            Nang makarating sila sa kusina ay humila si Xavier ng silya at umupo roon. Itinabi naman nito ang saklay na sa gilid nito. Nag-angat ng tingin ang binata sa kanya. Agad na nagsalubong ang mga kilay nito ng makita siya nitong nakatayo lang.
            “What are yo still standing there?” salubong ang mga kilay na wika nito sa kanya. “Sit down.” utos ng binata saka nito iminuwestra ang silyang katapat nito.
            “Okay lang na sumabay ako sa inyo sa pagkain?” tanong ni Faith sa halip na umupo siya tulad ng pinag-uutos ng binata.
            Lalong nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Hindi kita pauupuhin sa silyang iyan kung hindi okay sa’kin na sumabay ka sa aking pagkain.” wika ng binata.
            Hindi na lang sumagot ang dalaga. Napanguso na lang siya. Malay ba niya? Mamaya ay ayaw ni Xavier na makasabay siya nito sa pagkain. Ganoon naman lagi ang mga mayayaman na tulad ng binata.
            Duh! Faith, sabay nga kayong kumain ni Xavier kagabi? So, ano iyang sinasabi mo na ayaw ka niyang makasaay sa pagkain. paalala kay Faith ng mahaderang isipan. Duh! Hindi Iyon counted sa usapan. Dahil kagabi ay naawa lang siya sa akin dahil napansin nitong gutom na gutom na ako. pagtatanggol naman ni Faith sa kanyang sarili sa mahaderang isipan.
            “What are you still doing there? You sit down here para makapag-breakfast na tayo. Madami pa akong gagawin.” napapitlag si Faith ng marinig ang malakas at baritonong boses ni Xavier. Kaya mabilis pa sa alas kwatrong umupo siya sa silyang imunuwestra ng binata sa kanya. Dinampot na ni Faith ang kutsara at tinidor. Akmang kukuha siya ng bacon sa plato ng mapatigil siya. Sabay kasi sila ni Xavier na kumuha. Iisang bacon lang din ang kukuhanin nila. Napakagat labi tuloy si Faith at mabilis niyang inalis ang tinidor sa pagkakatusok niya sa bacon.
            “Are you teasing me, Miss Faith?”
            Nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang sinabi ng binata. “Ha?” tanging sambit niya. Hindi nagsalita si Xavier, umiiling lang ito. At sa buong pagkamangha ni Faith ay noong nilagyan ni Xavier ng bacon ang plato niya.
            “Eat well, Miss Faith.” sabi nito na hindi inaalis ang titig sa mukha niya. Napayuko na lang si Faith para itago ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.

Comentário do Livro (273)

  • avatar
    M De Jesus angelica

    goods

    3d

      0
  • avatar
    Christine Najera

    tagi ak

    4d

      0
  • avatar
    Sachi Sophia Gravador

    maganda

    12d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes