logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

HINDI napigilan ni Ylona ang pagkabog ng dibdib pagkalabas na pagkalabas nila ni Jazz sa ospital na pinagta-trabuhan. Kumakabog ang dibdib niya sa isiping makikita niyang muli si Draven. Nang sabihin kasi nito sa kanya na 'See you later, Ylona' no'ng tumawag ito kanina ay alam niyang totohanin nito iyon. Katulad na lang no'ng sabihin nito sa kanya ang salitang iyon noong sa pangalawang pagkakataon ay nakita niya ito sa Simoun Hospital na pag-aari ng mga ito. Dahil no'ng sabihin nito sa kanya na 'I'll see you, later' ay nagkita nga silang dalawa ng binata. Hinatid pa nga siya nito sa apartment na tinutuluyan niya.
Kaya alam ni Ylona na makikita niya muli si Draven ngayon. At sa isiping muli iyon ay domoble ang tibok ng puso niya. Hindi lang iyon, nakaramdam din siya ng bahagyang excitement sa isiping makikta muli niya ang binata. Ylona couldn't explain to herself why she felt that kinds of feelings towards Draven. It was foreign feeling to her. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay ngayon lang niya iyon naramdaman sa isang lalaki. At nalilito din siya sa nararamdaman. Pero aaminin niya, may isang bahagi ng puso niya ay gusto ang nararamdaman niyang iyon.
"Alam ko namang hindi ka magpapahatid sa'min, Ylona. Kaya mauuna na kami. Mag-ingat ka na lang, ha?" Napasulyap si Ylona kay Jazz ng magsalita ito.
"Sige. Ingat din kayo, ha?" Aniya sa mga ito. Tinanguhan lang naman siya ng dalawang magkasintahan. Nang humakbang na ang mga ito paalis ay humakbang na rin siya paalis. Kung noon ay halos lakad-takbo ang gawin ni Ylona makarating lang siya sa apartment niya ay ngayon naman ay halos naglalakad lang siya sa ibabaw ng buwan sa bagal ng paglalakad niya. Palinga-linga din siya sa kanyang paligid baka kasi makita niya si Draven. Pero natingnan na niya ang magkabilang gilid, sa likod sa harap pero hindi niya makita ang bulto nito. Nakaramdam si Ylona ng bahagyang pagkadismaya.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Ylona at nagpatuloy na sa paglalakad. Pero mayamaya ay nagulat na lang siya ng biglang sumulpot sa tabi niya si Draven.
"S-saan ka nanggaling?" Nagtatakang tanong niya kay Draven. Palipat-lipat din ang tingin niya rito at sa likuran kung saan ito posibleng nanggaling. Nasisiguro kasi ni Ylona na hindi niya nakita ang bulto ni Draven kanina ng palinga-linga siya upang tingnan ito. Kaya nagtaka siya kung bakit sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito?
"There." Simpleng sagot ni Draven sabay turo sa gilid nito. Napatingin naman si Ylona sa itinuro ni Draven. Napakunot noo na naman siya. Sigurado kasing hindi niya ito nakita roon kanina no'ng palinga-linga siya. Kaya imposibleng do'n ito nanggaling.
"Pero...
"Don't think to much, Ylona." Sabi ni Draven.
Nagpakawala na lang si Ylona ng malalim na buntong-hininga.
"So, how's your day—night should I say?" Mayamaya ay tanong ni Draven sa kanya. Nag-umpisa na rin na maglakad.
"Uhm, okay lang naman." Sagot niya. "Ikaw. Kamusta buong araw mo?" Tanong din niya sa binata.
"Tiring." Ani Draven.
"Tiring? Ano ba ginawa mo buong araw?"
"Fighting."
Namilog ang mata niya. "Nakipag-away ka!" Hindi niya napigilang ibulalas.
Draven made a low laugh. "Not literally."
"Not literally? Anong ibig mong sabihin?"
"Basta." Sabi lang ni Draven. Hindi na rin naman siya nagtanong pa. Hindi naman siguro nakipagbasag-ulo si Draven, tulad ng nasa isip niya ng sagutin nito ang tanong niya kung ano ang ginawa nito buong araw. Saka wala naman sa personality ni Draven ang makipagbasag-ulo.
"By the way, Ylona. Pasensiya ka na pala kung kinuha ko ang numero mo ng hindi ko man lang ipinaalam sa'yo." Hingi ni Draven ng paunmanhin. "Hindi ko kasi naitanong sa'yo no'ng minsang nagkita tayo."
"Okay lang. Basta ba huwag mong ipaglat ang numero ko. Baka kasi maraming makipag-textmate sakin." Biro niya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipagkakalat ang numero mo." Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya ng ngitian siya ni Draven. Iniwas din niya ang tingin rito dahil ayaw niyang makita nito ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya.
"Shit!"
Napatingin si Ylona kay Draven ng marinig niya ang mahinang pagmumura nito. Nakita niyang umigting ang mga panga ng binata. Napansin din niya ang pagkasalubong ng mga kilay nito. Bumaba din ang tingin niya sa nakakuyom na mga kamay nito.
"Bakit, Draven? May problema ba?"
Ganoon pa rin ang ekspresiyon ng mukha nito ng sumulyap ito sa kanya. Pero ng magtama ang mga mata nila ay bumalik sa dati ang ekspresiyon ng mukha nito.
Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya ng hawakan siya ni Draven sa kamay at hilain palapit sa katawan nito. Inbolontaryong tumaas naman ang dalawang kamay ni Ylona at napahawak siya sa matitipunong dibdib ni Draven.
Gamit ang isang kamay ng binata ay hinawakan nito ang baba niya upang i-angat para magtama ang mga mata nila. Ngayon ay nakatitig si Ylona sa maiitim na mga mata ni Draven.
"Huwag kang matakot sa lahat ng masasaksihan mo. Kinabukasan ay isa lang itong panaginip. Isang masamang panaginip." Ani Draven habang nakatitig ito sa mga mata niya.
Tumango lang si Ylona bilang sagot.
PAGKATAPOS tumango si Ylona bilang sagot sa sinabi ni Draven ay awtomatikong nagkulay pula ang mga mata niya. Inilagay ni Draven ang dalaga sa gilid niya upang proteksiyonan ito sa Amiss na umaaligid ilang metro lang ang layo sa kinaroroonan nilang dalawa. Naamoy na agad kasi ni Draven ang dugo ng Amiss.
Bilang isang bampira ay malakas ang pang-amoy nila. Kahit na ilang kilometro pa lang ng layo niyon. At bilang pure vampire ay may kakayahan din silang kilalanin kung ang naamoy nila ay dugo ba iyong ng isang mortal, dugo ng isang Amiss o ng isang bampirang tulad nila—mga mababait na bampira. Magkaiba kasi ang amoy ng dugo ng tatlo. Parang halimuyak ng isang mabangong bulaklak ang amoy ng dugo ng mortal, katamtamang amoy naman ang mababait na mga bampira. Samantalang kabaliktaran naman ng mortal ang amoy ng dugo ng mga Amiss—umaalingasaw. At iyon ang naamoy ni Draven sa sandaling iyon.
Ilang sandali ay nasa harapan na sila ng Amiss. Mukhang naamoy nito ang dugo niya. Hindi nila katulad ang Amiss. It takes a lot of seconds' bago maamoy ng mga Amiss ang mga bampirang kagaya nila. At alam niyang dugo niya at hindi dugo ni Ylona ang naamoy ng Amiss kung bakit ito nasa harapan nila ngayon. Dahil sa protection bracelet na ibinigay niya sa dalaga at sa suot nito sa sandaling iyon ay naitago ang amoy ng dugo nito sa mga bampira tulad ng mga Amiss.
Hindi lang simpleng bracelet ang suot ni Ylona sa sandaling. Galing pa iyon sa pinakamahusay na sorcerer sa mundo. Personal pa ngang pinuntahan ni Draven ang lugar kung saan nalalagi ang nasabing sorcerer para makakuha siya ng protectional bracelet—at matatagpuan ang sorcerer na iyon sa dulong bahagi ng Europe.
Hindi maintindihan ni Draven sa sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa mortal—kay Ylona. Simula kasi no'ng una niyang makita ang dalaga no'ng iligtas niya ito sa kamay ng Amiss na si Lucas ay parang may kakaiba siyang naramdaman. Hindi lang niya matukoy kung anong kakaiba iyon. Pero simula no'n ay parang may magnetikong naghihila sa kanya patungo sa dalaga. Parang may malakas na pwersang nagsasabi sa kanya na kailangan niyang proteksiyonan ito laban sa mga Amiss o sa mga masasamang tao. Kaya ayon siya, sa tuwing tapos na siya sa pagiging Amiss Hunter niya, ay pinupuntahan niya ang dalaga upang bantayan at proteksiyonan.
Hinapit ni Draven ang dalaga palapit sa kanya ng mag-umpisang maglakad ang Amiss patungo sa kanila.
Sumilip ang matatalas na ngipin sa bibig nito no'ng ngumisi ito.
"Mukhang sinusuwerte ako ngayong gabi." Nakangising wika ng Amiss.
"Isang Royal vampire ang mabibiktima ko ngayong gabi at isang magandang mortal—
huminga ito upang amuyin ang dugo ni Ylona. "Hindi ko maamoy ang dugo ng taong iyan. Pero mukha siyang masarap." Anang Amiss habang nakatingin ito kay Ylona. Sa huling salitang binitawan nito ay pumula ang mga mata niya. Sumilip din ang matatalalim na pangil sa kanyang bibig. Nakaramdam siya ng matinding galit sa Amiss na kaharap niya.
"At sa tingin mo hahayaan kita sa gusto mo?" Seryoso at mariing wika ni Draven sa Amiss na kaharap. At kung nakakamatay lang sana ang tinging ipinagkakaloob niya rito ay baka kanina pa ito abo sa klase ng tingin niya.
"At sa tingin mo ay magpapagil ako sa isang tulad mo?" Anito na nakangisi. Lalong lumitaw ang mga pangil nito.
Umigting ang mga panga ni Draven. Inilagay niya si Ylona sa likuran bandang likuran. At sa isang iglap ay nakalapit na agad siya sa Amiss at hawak na hawak na niya leeg nito.
"Hindi kita papayagan hawakan kahit dulo ng buhok ng babaeng iyan." Mariing wika ni Draven. Humigpit ang pagkakahawak niya sa leeg nito. Pilit na kumakawala ang Amiss mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito pinagbigyan. Sa halip lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa leeg nito. Kinuha din niya ang kanyang silver dagger na nakasuksok sa likod ng suot niyang pantalon. Pagkatapos niyon ay isinaksak niya iyon sa puso nito. Ilang segundo lang ang lumipas bago naging abo ang Amiss na sinaksak niya.
Akmang isusksok ni Draven ang hawak na silver dagger sa likod ng suot niyang pantalon ng matigilan siya.
May naamoy kasi siyang anim na Amiss na malapit lang sa lugar na kinaroroonan nila ni Ylona. Sunod-sunod siyang napamura. Hindi siya nababahala kahit na madaming Amiss ang nakapaligid sa kanya. Kayang-kaya naman niyang ipatumba ang mga ito. Pero nababahala siya para sa kaligtasan ni Ylona. Hindi siya pwedeng makipaglaban sa anim na Amiss kung nasa paligid lang si Ylona. Paano na lang kung sabay-sabay sumugod ang mga ito sa kanya. At sa pakikipaglaban niya sa mga Amiss ay may sumugod din kay Ylona?
Mayamaya ay nakahinga si Draven ng maluwag ng maamoy niya ang dugo ni Draegan at ni Drake. At alam niyang nasa malapit lang ang mga ito sa kinaroroonan niya.
"Draegan...Drake..." tawag niya sa pangalan ng mga ito sa kanyang isipan. Ilang segundo din ang hinintay niya bago siya makakuha ng response sa dalawa.
"Bakit?" Boses iyon ni Drake.
"I need help from both of you." Aniya. "May anim na Amiss na nasa paligid malapit sa kinaroroonan ko."
"What's wrong with you?" Si Drake.
"Hindi mo ba sila kayang labanan ng mag-isa? Kaya kailangan mo pa ng tulong namin?" Sa pagkakataomg iyon ay boses na ni Draegan ang narinig niya. "Mukhang tumatanda ka na at nababawasan na ang lakas mo." May himig na pang-aasar sa boses ni Drake.
"Stop talking!" Naasar na wika niya. "Shit!" Mayamaya ay napamura siya ng ilang sandali ay nagsilitawan na ang anim na Amiss sa harapan niya. "Just go here. And stop talking shit!" Angil niya sa dalawa. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Ylona. Hinawakan niya ang dalaga sa baywang at hinapit niya ito palapit upang proteksiyonan sa mga Amiss. Ylona was oblivious of what happen. Mulat ang mga mata ng dalaga pero ang diwa nito ay natutulog. At bukas paggising nito ay ang akala lang nito ay isang panaginip lang ang mga nasasaksihan nito sa sandaling iyon.
Inihanda ni Draven ang sarili ng makitang sabay-sabay na lulusob ang mga ito sa kanya. Pero bago pa makalapit ang mga ito sa kinaroonan nilang dalawa ni Ylona ay dumating na ang dalawang pinsan niya na si Drake at Draegan.
Nakipaglaban si Drake at Draegan sa mga Amiss. Gusto naman niyang tulungan ang dalawa pero hindi niya maiwan-iwan sa tabi niya si Ylona. Kaya nanatiling nasa tabi niya ang dalaga habang pinapanuod ang dalawa sa pakikipagtunggali sa mga Amiss. At hindi siya nababahala sa dalawa kahit mukhang dehado ang mga ito—dalawa laban sa anim na Amiss. May tiwala kasi siya sa kakayahan nu Draegan at Drake. Bilang isang upper class vampire—mayroon silang katangi-tangi na kakayahan. They have superior strenght.
At hindi nga nagkamali Draven sa sapantaha dahil ilang sandali ay naitumba nang dalawa ang mga kalaban ng wala man lang kahirap-hirap.
"Mga walang binatbat." Narinig ni Draven na wika ni Draegan. Mayamaya ay lumapit ang dalawa sa kanila. Napansin niya ang pagtutok ng mga tingin ng mga ito kay Ylona.
"Who is that girl?" Tanong ni Draegan. Nginuso nito si Ylona.
"She's Ylona." Tanging sabi niya.
"And?" Sabi ni Draegan. Tila nais nito na dugtungan ang pagpapakilala niya sa dalaga.
Draven didn't speak he just glared at him. Nakita niya ang pagtaas ng suok ng labi ng kaharap at ang pagtaas ng kilay nito.
"Is she is single?"
"Why are you asking?"
"Because I'm single, too."
Sa sinabi nito ay awtomatikong nagkulay pula ang mga mata niya.
"You're smitten with mortal." Narinig niyang wika ni Drake sa seryong tinig. At hindi iyon isang pagtatanong kundi pagkukumpirma. Nanatili namang tikom ang bibig niya. "And that's not good." Dagdag na wika ni Drake bago ito naglaho na parang bola sa harapan nila.
"Ikaw? Hindi ka pa ba aalis?" Tanong niya kay Draegan.
"Thank you so much." Sarkastikong wika nito bago din ito naglaho na parang bola sa harapan niya.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Ylona..." tawag niya sa pangalan nito.
Napakurap-kurap ang dalaga. "Ano'ng nangyari?"
Comments and vote are well appreciated! 

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Olive Bigalbal

    maganda Yong storya

    29/02

      0
  • avatar
    Yammhie1993

    💚💚

    21/08/2023

      0
  • avatar
    Larcen Zaxis DE Castro

    its so good

    17/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes