logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"HATID ka muna namin ni Eric sa apartment mo, Ylona." Sabi ni Jazzmine ng nasa labas na sila ng Simoun Hospital. Tapos na kasi ang duty nilang dalawa at uuwi na sila.
"Hindi na. Matatagalan pa kayo sa pag-uuwi. Bibilisan ko na lang ang paglalakad para makarating agad ako sa apartment ko."
"Pero, paano kung makasalubong mo iyong sinasabing serial killer sa daan pauwi?" Ani Jazz. Mababakas sa boses nito ang pinaghalong takot at pag-alala.
Nakakaramdam din si Ylona ng takot pero pilit niyang itinago iyon sa kaharap. "Malamang mala-lie low iyon. Pinaghahanap na siya ng awtoridad eh. At saka may romoronda naman sigurong pulis ngayon gabi. Kaya huwag niyo na akong alalahanin." Aniya na nakangiti sa mga ito.
"Oh, sige. Pero in case of emergency ay tawagan mo kami, ha?"
"Oo na po." Nagbibirong wika niya.
"Bruha ka talaga!" Sabi ni Jazz sabay hila ng mahina sa nakapusod na buhok niya. Natawa na lang siya.
"Oh, sige. Alis na kayo." Pagtataboy na niya sa dalawa. Bahagya din niyang itinulak si Jazz patungo sa dereksiyon kung saan matatagpuan ang bahay ng mga ito.
"Mag-iingat ka ah."
"Kayo din." Sabi din niya. Pagkatapos niyon ay nag-umpisa na rin siyang maglakad patungo sa kabilang dereksiyon. Halos lakad-takbo ang ginagawa ni Ylona makarating lang siya agad sa apartment na tinutuluyan. Pasulyap-sulyap din siya sa kanyang likuran at gilid baka kasi may sumusunod sa kanya. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng mapatili siya ng biglang may humawak sa balikat niya.
"Huwag po!" Aniya sa pagitan ng pagtili. "Huwag niyo po akong sasaktan..."
"Ylona..."
Napahinto si Ylona sa pagtili ng marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Sapo ang kaliwang dibdib ay dahan-dahan siyang lumingon sa likod niya.
"Draven..."
"I'm sorry if I scare you, Ylona." Hingi nito ng paunmanhin sa kanya. "Ang lakas ng tibok ng puso. Mukhang natakot ka sa biglang pagsulpot ng presensiya ko."
"Paano mo nalaman na ang lakas ng tibok ng puso ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti si Draven dahil para makita niya ang maputi at pantay-pantay na ngipin nito. "Ipinalagay ko lang base sa reaksiyon mo. At ganoon naman talaga ang nararamdaman ng isang puso kapag natatakot o kinakabahan. Bumibilis at lumalakas ang tibok niyon, hindi ba?"
Isang tango lang naman ang isinagot ni Ylona. Pagkatapos niyon ay huminga siya ng malalim para payapain ang naramdamang takot at kaba sa biglaang pagsulpot ng presensiya ni Draven.
"Pasensiya ka na rin sa naging reaksiyon ko. Kinabahan at natakot lang ako sa biglang pagsulpot mo. Akala ko kasi...iyong gumagala na serial killer iyong humawak sa'kin." Paliwanag ni Ylona kay Draven sa naging reaksiyon niya ng hawakan siya nito sa balikat.
Napatitig si Ylona sa mga mata ni Draven ng pumula iyon. At ng minsang pagkurap ay itim na ang kulay niyon. Namalikta na naman siguro siya.
"Napanuod ko nga sa balita na may pagala-gala na serial killer." Habang sinasabi ni Draven ang mga salitang iyon ay napapansin niya ang pag-igting ng mga panga nito. "At hindi nakakabuti para sa isang babaeng katulad mo ang maglakad mag-isa sa ganitong oras." Ani Draven, mahihimigan din sa boses nito ang pag-alala. At hindi maipaliwanag ni Ylona sa sarili kumg bakit parang may mainit na bagay ang humaplos sa puso niya ng mabakasan niya sa boses ng binata ang pag-alala.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "May mga rumuronda namang mga pulis sa gabi. Hindi siguro mag-iisip ang serial killer na gumala pa." Sabi niya kay Draven.
Sa pangalawang pagkakataon ay napansin na naman ni Ylona ang pag-igting na mga panga ni Draven. "Hindi natin alam kung ano ang nasa isip ng mga iyon. At sa tingin ko ay walang magagawa ang mga pulis para huliin ang sinasabi nilang Serial Killer." Ani Draven.
Bahagya namang nagkasalubong ang mga kilay niya. "Paano mo naman nasabi na walang magagawa ang mga pulis?"
Hindi naman sinagot ni Draven ang tanong niya. Sa halip ay tumitig lang ito sa mukha niya. At sa sandaling iyon ay parang may paro-parong naglalaro sa kanyang tiyan habang sinasalubomg niya ang mainit na titig ng binata.
"Hatid na lang kita sa tinutuluyan mo, Ylona." Mayamaya ay wika ni Draven.
Umiling siya. "Huwag na. Nakakahiya naman sa'yo. Saka malapit lang naman ang tinutuluyan ko rito eh."
"No buts, Ylona. Uulitin ko, hindi ligtas ang isang babaeng katulad mo ang maglakad ng gabi na mag-isa." Ani Draven. "Hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari." Pagpapatuloy na wika nito.
Mukhang pursigido si Draven na ihatid siya nito kaya pumayag na lang siya.
Ngumiti naman si Draven. "Let's go?" Yakag na ng binata. Nag-umpisa na silang maglakad na dalawa. Namayani naman ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Draven. Tahimik lang din naman siya habang binabagtas nila ang daan patungo sa tinutuluyang apartment. Wala naman kasing maisip na itanong si Ylona sa lalaking katabi. At saka nahihiya din siyang maunang kumausap rito dahil isa ito sa boss niya sa pinagta-trabahuan.
"Mag-isa ka lang ba sa tinutuluyan mo?" Napatingin siya sa katabi ng marinig niya ang tanong nito.
Kabilin-bilinan ng magulang ni Ylona na huwag siyang magbigay ng impormasyon sa taong hindi niya kilala masyado o sa taong kakikilala lang niya. Pero hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit ang gaan ng loob niya kay Draven. Hindi niya maipaliwanag sarili kung bakit hindi siya natatakot na magbigay ng impormasyon rito tungkol sa kanya. And she felt secured and protected sa tuwing nasa paligid niya si Draven. Pakiramdam niya kapag kasama niya ang binata ay walang mangyayaring masama sa kanya.
"Uhm, oo." Sagot niya. "Sa probinsiya kasi nakatira ang pamilya ko. At mag-isa lang akong naninirahan rito sa Maynila." Kwento niya.
Tumango-tango naman si Draven sa sagot niya. "Matagal ka na bang nagta-trabaho sa Simoun Hospital?"
"Hmm...mag-tatatlong taon na rin."
"Matagal na rin pala. Bakit ngayon lang kita nakita?"
Tumawa siya ng mahina. At napansin niya ang paghinto ni Draven sa paglalakad. Kaya huminto din siya sa paglalakad at sumulyap siya rito.
"Bakit?" Tanong niya ng mapansing nakatitig ito sa mukha niya.
"Kapag tumatawa ka ay kumikislap ang mata mo na parang isang bituin." Puna ni Draven habang nakatitig ito sa mga mata niya.
Hindi napigilan ni Ylona ang pag-iinit ng magkabilang pisngi sa pagpuna ni Draven. "Thank you."
"You're welcome." Wika ni Draven na nakangiti. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila ni Ylona sa tapat ng apartment niya.
"Dito na ako." Sabi niya kay Draven ng huminto na sila sa paglalakad ng nasa tapat na sila sa apartment niya. "Uhm, gusto sana kitang yayain pumasok sa loob para magkape man lang sana bilang pasasalamat sa paghatid mo sa'kin pero gabi na eh."
Ngumiti si Draven na mapag-unawa sa kanya. "Okay lang iyon, Ylona."
"Pero babawi ako next time." nginitian niya ito.
Kumislap ang mga mata ni Draven. "Talaga?"
"Oo."
"Papasukin mo ako sa bahay mo?"
Tumango siya. "Papasukin mo pa rin ako kahit na hindi mo ako masyado kilala?"
Saglit na hindi nakapagsalita si Ylona sa tanong na iyon ni Draven. Napatitig lang siya sa itim na mga mata nito. "Hindi mo naman ako gagawan ng masama 'di ba?"
"Paano kung masama pala akong tao?"
"Ang tanong masamang tao ka ba?" Hindi napigilan ni Ylona ang pagtaas ng isa niyang kilay.
"Hindi ako masamang tao. At salamat sa pagtitiwala sa'kin, Ylona." Si Draven. "Pero sa susunod ay huwag kang magtitiwala basta-basta sa taong hindi mo kilala. At huwag ka din basta-basta magpapasok sa bahay mo na hindi mo kilala. Kasi hindi mo alam kung kakampi ba sila o hindi." Bilin ni Draven. "Sige, pasok ka na sa loob. I-lock mo mabuti ang pinto ng bahay. Siguraduhin mo din na nakasara mabuti ang mga bintana." Dagdag pa na bilin nito. Lihim naman na napangiti si Ylona sa ipinapakitang pag-alala ng binata sa kanya. Daig pa nito ang magulang niya sa pagbibilin.
"Nagkaka-intindihan ba tayo, Ylona?"
"Oo."
"Pasok ka na sa loob."
"Salamat uli. At mag-iingat ka."
"Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Pero, salamat na rin."
Nginitian niya si Draven bago siya naglakad patungo sa apartment niya. Pero nakakadalawang hakbang lang siya ng mapahinto siya ng tawagin ni Draven ang pangalan niya.
"Bakit?" Aniya ng lingunin niya ito.
Naglakad naman si Draven palapit sa kanya. Huminto ito ng nasa harap na niya ito. May dinukot ito sa bulsa na suot nitong pantalon. At ng tingnan niya kung ano iyon ay nakita niya ang isang bracelet—parang tribunal bracelet.
"This is protection bracelet. Kapag suot mo ang bracelet na ito ay mapapalayo ka sa kapahamakan." Ani Draven. "And I want to give this to you to protect you from danger." Pagpapatuloy nito. Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang kamay niya upang isuot sa pulsuhan niya ang nasabing bracelet. Tinitigan naman ni Ylona ang bracelet na isinuot ng binata sa kanya.
"Look at me." Utos ni Draven. Inalis niya ang pagtitig sa bracelet at inilipat niya iyon sa mukha ni Draven. Tumingin siya sa itim nitong mga mata. "Huwag na huwag mong tatanggalin ang bracelet sa kamay mo, Ylona. Ito ang magsisilbing proteksiyon mo." Utos ni Draven. "Maliwanag ba?"
"Oo."
"Mabuti." Pagkatapos niyon ay lumayo na ito bahagya sa kanya. Napakurap-kurap siya ng mga mata. "Pasok ka na."
Sinunod naman niya ang sinabi nito. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang nasa harap na siya ng pinto ng apartment niya ay hindi niya napigilan ang lingunin muli ito.
Nasaan na si Draven? Tanong niya sa sarili ng hindi na niya nakita ang bulto ng binata sa lugar na kinatatayuan nito kanina.
NAPATINGIN si Ylona sa suot na bracelet. Ang bracelet na iyon ay bigay ni Draven sa kanya. At tulad ng sinabi ni Draven kagabi ay hindi niya tinanggal ang protection bracelet na ibinigay at isinuot nito. Pinanghawakan niya ang sinabi ni Draven na ilalayo siya sa kapahamakan kapag suot niya iyon. At simula no'ng isuot ni Ylona ang bracelet ay nakaramdam siya ng kapanatagan. Katulad ng nararamdaman niya sa tuwing kasama niya si Draven. Nakakaramdam siya ng kaligtasan. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya iyong nararamdaman para sa binata, gayong, estranghero pa rin ito sa paningin niya.
Hinaplos ni Ylona ang bracelet na suot.
"Wow! Ang ganda naman ng bracelet mo. Saan mo binili iyan, Ylona?" Napatingin si Ylona kay Jazz ng marinig ang sinabi nito. Napansin niya na sa bracelet nakatutok ang tingin nito. Sa pangalawang pagkakataon ay hinaplos niya iyon.
"Binigay lang sa'kin."
Inalis ni Jazz ang tingin sa bracelet at inilipat nito iyon sa kanya. Tumaas pa bahagya ang kilay nito. "Binigay? Nino?"
Nais sana ni Ylona na sabihin kay Jazz kung sino ang nagbigay niyon sa kanya. Pero kapag sinabi niya rito na si Draven ang nagbigay ay baka tuksuhin siya nito. Kilala pa naman ni Ylona ang kaibigan. Mapang-asar ito kapag may umaaligid sa kanyang mga lalaki. "Secret." Sabi na lang niya na may bahagyang ngiti sa labi.
Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi ng makita ang pagsimangot ni Jazz. "May pa-secret-secret ka pang nalalaman ngayon. Baka kapag may boyfriend ka na ise-sekreto mo din sa'kin." May himig pagtatampo sa boses ng kaibigan.
She made a low laugh. "Huwag kang mag-alala, Jazz. Kapag nagka-boyfriend ako, ikaw ang unang makakaalam. Pangako ko iyan sa'yo." Ngingiti na wika niya.
"At kailan naman iyan? Sabi mo no'ng nakaraang araw. Magkaka-boyfriend ka na. Pero nasaan?" Biro ni Jazz.
"Na-traffic siya eh. Kaya hindi pa dumadating." Biro din sagot niya. Mayamaya ay napatingin siya sa suot na relong pambisig. "Oh, sige. It's time to work na. Puntahan ko lang iyong isang pasyente ko. Kailangan ko ng i-check ang mga pasyente ko." Pagpapaalam ni Ylona kay Jazz.
"Okay."
Kinuha ni Ylona ang chart na kung saan nakalagay ang impormasyon na kinakailangan niya para sa pasyente bago siya naglakad patungo sa pedia ward kung saan siya naka-assign.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na si Ylona kinaroroonan ng pedia ward. Nagtutuloy-tuloy siyang pumasok roon hanggang sa makarating siya sa hospital bed ng kanyang pasyente.
"Magandang gabi po." Magalang na bati ni Ylona sa bantay ng bata.
"Magandang gabi din." Ganting bati nito sa kanya.
"Check ko po ang pasyente." Imporma niya sa bantay ng pasyente.
Pagkatapos niyon ay inilapag niya ang hawak na chart sa ibabaw ng bedside table katabi ng higaan ng pasyente niya. Saka niya kinuha ang thermometer sa bulsa ng suot niyang uniform at inilagay niya iyon sa kilikili ng batang pasyente para malaman niya ang body heat nito. Habang naghihintay ay chineck na niya ang suwero nito kung gumagana ba iyon ng maayos. Pagkatapos niyon ay kinuha na niya ang thermometer at tiningnan kung ano ang body heat.
Kinuha naman niya ang chart na inilapag niya at isinulat do'n ang body temperature ng bata.
"Nurse makakalabas na po ba kami?" Napatingin si Ylona sa nanay ng pasyente ng magsalita ito.
"Uhm, kung patuloy pong bababa ang lagnat niya ay baka po makalabas na po kayo. Obserbahan po muna natin ang anak niyo." Sagot niya. "In the mean time ay ipagdasal po natin na gumaling na ang anak niyo. Para makalabas na po kayo rito." Dagdag na wika niya sa ginang.
"Sige. Salamat." Anang ginang sa kanya.
"Wala pong anuman." Magalang na wika niya. "Uhm, sige po. Puntahan ko lang po iyong ibang mga pasyente." Paalam na ni Ylona sa ginang. Nang tumango ito ay lumipat siya sa ibang pasyente. Ginawa din niya sa pangalawang pasyente iyong ginawa niya noong una. Cheneck din niya ang body temperature at ng mga suwero nito. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng pedia at bumalik sa nurse's station. Nasa hallway na siya ng ospital ng marinig niya ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone niya. Inilabas niya iyon sa bulsa upang tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Napakunot noo siya ng makitang unregistered number iyon.
FROM: 090767****
Ylona?
Basa ni Ylona sa laman ng mensahe na ipinadala sa kanya. Mabilis naman siyang tumipa ng mensahe para rito.
To: 090767*****
Ako nga. Sino ito?
Nang maitipa ni Ylona ang mensaheng iyon ay agad niya iyong ipinadala. Wala pang ilang segundo ng tumunog ang cellphone niya. This time, hindi message alert tone ang tumunog. Kundi ang ringtone niya. Ilang segundo din siyang nakatitig sa cellphone niya hanggang sa napagpasyahan niyang sagutin iyon.
"Hello?" Bati ni Ylona ng sagutin niya ang naturang tawag. "Who's this?"
"Ylona." Kumabog ang tibok ng puso niya ng marinig ang pamilyar at baritong boses ng nasa kabilang linya. "It's me Draven." Pakilala nito.
Hindi agad nakapagsalita si Ylona. "Still there, Ylona?" Untag ni Draven.
Tumikhim siya. "Uhm, yes." Aniya. "Paano mo pala nalaman ang numero ko?" Tanong niya.
"Connections." Maikling sagot ni Draven. Sa sagot nito ay may ideya na siya kung saan nito kinuha ang numero niya.
"Uhm, so, bakit ka pala tumawag?"
Matagal bago sumagot si Draven. "Gusto ko lang itanong kung sinunod mo ang sinabi ko sa'yo kagabi. Suot mo pa rin ba iyong protection bracelet na binigay ko?"
"Oo. Suot ko pa rin." Sagot ni Ylona habang nakatingin siya sa bracelet na nakasuot sa pulsuhan niya.
"Good. Don't ever remove that bracelet, Ylona. It's for your sake."
Tumango siya kahit na hindi siya nito nakikita. "Oo."
"Okay. I'll hang up na. See you later, Ylona."
Comments and votes are well appreciated! Thank you!

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Olive Bigalbal

    maganda Yong storya

    29/02

      0
  • avatar
    Yammhie1993

    💚💚

    21/08/2023

      0
  • avatar
    Larcen Zaxis DE Castro

    its so good

    17/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes