logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

"WHERE are you?"
Napatigil si Draven sa akmang pagtalon sa pangatlong palapag ng mansion ng marinig niya ang boses na iyon ng pinsan na si Draegan mula sa kanyang isipan.
"Draven."
Ipinikit niya ang mga mata bago siya nagsalita sa pamamagitan ng kanyang isip."What?" Sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
"The Elders were looking at us." Imporma ni Draegan.
"Why?"
"May sasabihin daw sila importante." Sagot ni Draegan.
"Do you have an idea what it is?"
"I think is about the Amiss Vampire. And please don't asked question anymore. Pumunta ka na lang sa may library. Nando'n na sila lahat."
Bumuntong-hininga si Draven. Tuluyan na siyang umalis mula sa pagkakasampa niya sa bintana at naglakad patungo sa pinto ng kwarto niya para lumabas.
Nang makalabas siya ng kwarto ay inilang hakbang lang niya ang kinaroroonan ng library sa mansion ng mga Simoun. Sa isang iglap ay nakarating na agad siya sa tapat ng pinto ng library. Hindi na nag-abalang kumatok si Draven do'n. Sa halip ay binuksan niya iyon at tuloy-tuloy siya sa pagpasok. Tama nga si Draegan. Naroon na nga sa loob ang mga Elders—kasama ang kanyang ama. Naroon na rin si Draegan at ang isa pa niyang pinsan na si Drake. At ilan pa nilang kasamahan na mga Amiss Hunter. Na sina Nolan at Sancho.
Mukhang siya na lang ang hinihintay roon kasi pagkaupong-pagkaupo niya ay agad na nagsalita ang pinakamatanda sa kanila na nasa loob ng library.
"Mas domoble ang pinapatay ng Amiss na mga mortal." Umpisa ni Amatheo. "Simula noong napatay si Lucas." Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya si Draegan na sumulyap sa kanya. Alam kasi ni Draegan kung sino ang pumatay kay Lucas. "At ang mga kawawang mortal ang pinaghihigantihan ng mga Amiss.
Naikuyom ni Draven ang mga kamay sa huling sinabi ni Amatheo. At kahit hindi siya tingnan ang sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pumula na ang kanyang mga mata.
"Control yourself, Draven."
Saglit na sinulyapan ni Draven si Draegan ng marinig niya sa kanyang isip ang sinabi nito. Pagkatapos niyon ay pumikit siya at nagpakawala ng buntong-hininga. At alam niya sa pagkakataong iyon ay bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata niya.
"And we the upper-class vampire, need to stop them. We should stop them." Mariing wika ni Amatheo. "Dahil kung hindi ay mas madami pang mga mortal ang masasawi dahil sa kanila." Pagkatapos ni Amatheo na sabihin iyon tumingin ito sa gawi nila ni Draegan at ni Drake. At sa mga ibang Amiss Hunter na naroon din sa loob.
"Draven, Drake and Draegan." Banggit nito sa pangalan nila. "You should stop them." Ani Amatheo sa kanilang tatlo. Tiningnan sila ng matiim na para bang sinasabi ni Amatheo na nasa kanilang mga kamay ang kaligtasan ng mga mortal.
Nagsitanguan na lang silang tatlo. Siya, si Draegan at si Drake ay isa lang sa mga Vampire Hunter. Pero silang tatlo ang pinakamalakas na vampire hunter sa lahat ng bampira. Hindi kasi sila basta-basta na bampira lang. They were belong to the upper-class vampire or the royal one.
Upper-class or the royal Vampire, sila ang pinakamakapangyarihan at pinakamalas na bampira. Ipinanganak sila na purong bampira. Hindi din basta-basta ang taglay nilang lakas. May taglay silang kakaibang kapangyarihan na tanging upper-class vampire lang nagtataglay. Malalakas sila kompara sa ibang bampira, kaya nilang bumuhat triple pa sa bigat nila. Kaya nilang kontrolin ang isip ng isang bampira o mga mortal. Nababasa din nila ang iniisip ng mga ordinaryong bampira o mga mortal. May kakayahan din silang ipalimot ang isang bagay o pangyayari na naganap sa isang bampira o sa isang mortal. At lalong lumalakas ang kanilang mga kapangyarihan sa tuwing bilog ang buwan o Full moon kung tawagin. Pero, taliwas naman ito kapag sumasapit ang Half-moon dahil nawawala ang espesyal nilang katangian at kapangyarihan.
May tinatawag din na, Middle class vampire, sila ay kalahating bampira at kalahating tao. Hindi lang dugo ng bampira ang nananalantay sa katawan ng mga ito—may dugo din ng isang tao. Sumunod ay, lower class vampire or the ex-human, dati silang mga tao na naging bampira.
Sa mundong ibabaw, hindi lang mga tao, mga hayop, mga insekto, mga puno ang naninirahan. May kakaiba din nilalang naninirahan sa mundong ibabaw, katulad nila—mga bampira. At kabilang si Draven sa mga bampirang iyon. Kabilang siya sa kakaibang nilalang na naninirahan sa mundong ibabaw. Mahigit isang daang taon na siyang nabubuhay at naninirahan kasama ang mga tao sa mundo. Nakasaksi na nga siya ng taong ipinanganak, lumaki hanggang sa mamatay ang mga ito. Ang mga Elders—tawag sa mga pinakamatanda na bampira na ilang daan libong taon na naninirahan sa mundong ibabaw. Palipat-lipat ang mga ito ng lugar hanggang sa mapadpad ang mga ito sa Pilipinas, at do'n na tumira at dumami. Mahigpit na ipinagbabawal sa lahi nila ang kumitil ng buhay ng isang tao. Kaya kapag uhaw sila sa dugo, ay sa blood bank sila kumukuha o hindi kaya dugo ng hayop ang pwede nilang inumin. Hindi sila pwedeng kumitil ng buhay ng isang tao dahil labag iyon sa napagkasunduan nila. Pero may mga kalahi sila na lumabag sa kasundaan na iyon. Kumikitil sila ng buhay ng tao para maibsan iyong pagkauhaw na nararamdaman nila. At ang tawag sa mga ito ay mga Amiss Vampire o mga masasamang bampira. Tuluyang tumiwalag ang mga ito at bumuo ng sariling angkan hanggang sa dumami ang mga ito. Hanggang sa utusan sila ng Elders na tugisin ang mga ito at supilin upang magkaroon ng kapayapaan sa mundong ibabaw. At may pananagutan din naman sila ro'n dahil kahit pagbaliktarin pa ang mundo ay kalahi din nila ang mga Amiss na iyon kahit na kabaliktaran ang paniniwala nila. At wala namang ibang tutulong sa mga ito. Ano naman kasi ang laban ng mortal sa mga bampira?
Wala ding kamuwang-muwang ang mga sa existence nilang mga bampira. Ang alam ng mga ito ay isa lang silang gawa ng isang malilikot na imahinasyon. Hindi alam ng mga ito na totoo sila. Na may bampirang naninirahan din kasama ang mga mortal sa mundong ibabaw.
Nang matapos ang pagpupulong na iyon ay nagsilabasan na sila lahat sa library.
"What now?" Tanong ni Draegan ng makalabas sila ng library.
"Dating gawi. Kailangan nating bawasan ang mga Amiss na iyan." Sagot ni Draven.
"Okay." Sagot ni Draegan, Nolan at Sancho. Si Drake naman ay tumango lang na tila nababagot. Naglakad na sila patungo sa labas ng mansion ng Simoun.
Nang makalabas sila ay sinuot niya ang hood ng kanyang jacket sa ulo. Pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang maglakad hanggang sa unti-unting bumibilis. Isa iyon sa mga kakayahan nilang isang bampira. May kakayahan silang tumakbo ng mabilis. Tumakbo lang siya ng tumakbo hanggang sa may mamataan siyang isang Amiss na pagalagala na tila na naghihintay ng mabibiktima. Hindi na hinintay ni Draven na makahanap ito ng mabibiktima. Mabilis niyang inilabas ang punyal na nakasuksok sa kanyang tagiliran at mabilis na lumapit sa Amiss. Hindi na nakahuma agad ang kalaban dahil mabilis niyang itinarak ang hawak na punyal sa dibdib nito. Hindi nagtagal ay naging abo na ang bampirang kalaban niya.
Vampires are immortal. Kapag isa ka sa upper class vampire ay matagal ang buhay mo. Pero namamatay din ang isang bampira, mapa-upper-class, middle class o nasa lower class kapag napupugutan ang mga ito ng ulo o hindi kaya kapag nababaril o nasasaksak ang mga bampira eksakto sa puso.
Nang naging tuluyan na naging abo ang Amiss na pinatay niya ay umalis na siya sa lugar na iyon at naghanap muli ng pagala-galang mga Amiss. At sa loob lang ng isang oras ay naka-sampu si Draven na Amiss na napatay. Nang masiguro niyang wala ng Amiss na gumagala-gala sa lugar na kinaroroonan niya ay mabilis siyang tumakbo patungo sa Simoun Hospital. Tumalon siya paakyat sa rooftop ng katapat na establishemento ng nasabing hospital at hinintay lumabas ang taong pino-proteksiyonan niya laban sa mga Amiss...
"MAY pagala-gala daw na Serial Killer sa lungsod."
Napatingin si Ylona kay Jazzmine ng marinig niya ang sinabi nito ng minsang nasa nurse's station sila.
"Serial Killer?"
Tumango si Jazzmine. "Oo. Napanuod ko sa balita kaninang umaga." Sagot ni Jazz. "Ayon sa balitang napanuod ko, may gumagala daw na Serial Killer. At marami na daw itong nabibiktima. At hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng awtoridad ang nasabing killer." Pagbibigay impormasyon ni Jazz. "At habang hindi pa daw nahuhuli ang killer na iyon ay kailangan daw nating mag-ingat. Huwag daw tayong pagalagala sa gabi kasi sa gabi daw umaatake ang killer na iyon. At sa loob lang ng isang linggo ay marami na daw itong napapatay."
Nakaramdam ng bahagyang kilabot si Ylona sa balitang ipinaalam sa kanya ni Jazz. Wala siyang kaidi-ideya sa serial killer na pagalagala. Hindi naman kasi siya mahilig manuod ng balita. Mas gusto na lang niyang matulog buong araw. Para sa gabi ay may lakas siya sa pagta-trabaho. Hindi din niya maiwasan ang makaramdam ng takot para sa sarili dahil sa nalaman. Mag-isa lang kasi si Ylona sa inuukupang apartment. At natatakot siya para sa sarili na baka pasukin siya sa loob ng apartment niya ng serial killer na iyon. Paano na lang siya? Ano na lang ang kalaban-laban niya sa serial killer na iyon, eh, wala naman siyang kaalam-alam sa self-defense?
Mayamaya ay nabaling ang atensiyon ni Ylona sa cellphone na nasa bulsa ng suot niyang uniform ng tumunog iyon. Inilabas niya iyon upang tingnan ang caller. Nakaramdam ng kaba si Ylona ng makitang numero ng nakakabatang kapatid na nakarehistro sa screen ng kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag ng kapatid baka emergency iyon. Hindi naman ugali ng kanyang kapatid na tumawag ng ganoong oras ng gabi. Alam kasi nito na duty niya sa ospital.
"Anong nangyari?" Bungad na tanong ni Ylona ng sagutin niya ang naturang tawag. Medyo lumayo din siya bahagya sa Nurse's Station na kinaroroonan niya para makausap ng maayos ang kapatid.
"Wala naman, Ate Ylona." Nakahinga siya ng maluwag. "Sina Papa at Mama, hindi makatulog dahil sa balitang napanuod kanina tungkol do'n sa Serial Killer na pagalagala diyan sa Maynila." Imporma ng kapatid na si Yvette.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Ylona. "Kausapin ko nga sina Mama." Sabi niya sa kapatid.
"Oh, sige, Ate. Bigay ko sa kanila itong cellphone ko." Wika ni Yvette. Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang boses ng kanyang Mama.
"Ylona...anak."
"Ma, magpahinga na po kayo ni Papa. Huwag niyo po akong alalahanin dito. Lagi po akong mag-iingat. Bahay-trabaho at trabaho-bahay lang naman po ako eh."
"Anak...hindi mo naman kami masisisi ng Papa mo kung mag-alala kami sa'yo. Napanuod kasi namin sa balita iyong serial killer na pagalagala diyan sa Maynila. Tapos...ayon rin sa balita sa gabi umaatake ang serial killer. Hindi namin maiwasang mag-alala ng papa mo lalo na't night shift ang duty mo diyan sa ospital." Mahabang wika ng Mama. "Anak...hindi ba pwedeng magpalipat ka ng oras ng duty mo? Pwede bang sa halip na pang-gabi ang duty mo ay maging pang-umaga na lang. Para naman mabawasan iyong narararamdaman namin pag-alala ng Papa mo."
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Ma...subukan ko pong i-request sa Management kung pwede akong ilipat sa umaga. Pero habang hindi ko pa po na-i-re-request sa Management ay huwag niyo muna akong alalahanin. Mag-iingat po ako." Sabi ni Ylona kanyang Mama. Marami pa siyang sinabi rito para gumaan ang pakiramdam ng mga ito. Para kahit papaano ay mabawasan kahit kunti ang narararamdamang pag-alala ng mga ito sa kaligtasan niya.
"Oh, sige. Basta mag-ingat ka na lang diyan lagi, anak. Kapag may problema, tumawag ka sa'min o hindi kaya tumawag ka sa pulis. I-lock mo lagi ang pinto ng apartment mo. Huwag kang basta-basta magpapapasok ng ibang tao sa apartment mo na hindi mo kilala." Bilin ng kanyang Mama bago ito magpaalam. Nagpakawala siya ng marahang buntong-hininga bago niya ipinasok ang cellphone sa loob ng bulsa ng suot niyang uniform. Pagkatapos niyon ay pumihit siya patalikod upang bumalik na sana sa Nurse's Station. Pero ng pagpihit niya ay nagulat na lang siya ng may mabunggo siya.
"Uhm, sorry po." Hingi niya ng paunmanhin kung sino man ang nabunggo niya. Nag-angat din siya ng tingin patungo sa mukha ng taong nabunggo niya para mapagsino ito. At ganoon na lang ang pagkagulat at panlalaki ng mata niya ng makilala ito.
"Sir!" Hindi niya napigilan ang ibulalas. "Sorry po." Paghingi niya ng paunmanhin.
"Tatlong beses na tayong nagkita at sa tatlong beses na iyon ay lagi mo na lang ako na nabubunggo." Sabi ni Draven na bahagyang nakangiti. Hindi naman maiwasan ni Ylona ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. Inaalala din niya sa kanyang isipan kung tatlong beses na ba niya na nabunggo ang binata. Pero, ang pagkakatanda niya ay dalawang beses pa lamang.
Una, iyong nasa cafeteria siya kung saan nabunggo niya ito at aksidenteng nabuhos sa kamay niya ang mainit na kapeng hawak. Pangalawa, ay ngayon lang.
"Don't think too much, Ylona." Narinig niyang wika ni Draven. Awtomatiko naman bumalik ang normal ang ekspresiyon ng mukha niya. At tulad ng sinabi nito ay hindi na siya nag-isip pa tungkol sa sinabi nito kanina.
"And stop saying sorry to me. Kasalanan ko naman kung bakit mo ako nabunggo."
Tumango si Ylona. "Sige po, Sir Draven." Sabi niya.
"And stop calling me, Sir. Just Draven only. And drop the word 'po'." wika pa ng binata.
"Okay, Draven."
"Much better." Ani Draven na nakangiti. At hindi maipaliwanag ni Ylona kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya bigla ng ngumiti ito. Ipinilig na lang niya ang ulo.
"Uhm, ano ang ginagawa mo rito, Draven?" Tanong niya sa lalaki mayamaya.
Napansin niya ang pag-angat ng sulok ng labi nito. "This is my hospital, Ylona."
Nakagat ni Ylona ang pang-ibabang labi sa paghahiyang naramdaman. Bakit ba kasi siya nagtanong. Napahiya tuloy siya.
Mayamaya ay napansin ni Ylona na nakatitig ang binata sa labi niya.
"Huwag mong kagatin ang labi mo. Baka dumugo iyan." Ani Draven. At ng tingnan niya ang mga mata nito ay namangha siya ng makita ang pagtingkayad ng kulay itim na mga mata nito. Hindi niya magawang kumurap ng makita iyon. Hindi din niya maalis ang titig sa mga mata ng binata. At sa sandaling iyon habang nakatitig siya sa mga mata ni Draven ay parang nakatitig si Ylona sa mga nagkikislapang mga bituin sa langit. Napakaganda.
"And thank you." Bahagyang na namang kumunot ang noo niya ng magpasalamat ang binata sa kanya.
"Thank you for what?"
"For—
Napatigil si Draven sa pagsasalita ng marinig nitong tumunog ang cellphone nito. Inilabas nito iyon sa bulsa ng suot nitong pantalon. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. "I'll just take this call." Pagpapaalam nito. Nang tanguan niya ito ay agad nitong sinagot ang tawag.
"Draegan." Narinig na tawag ni Draven sa kabilang linya. Napansin ni Ylona ang pagkakasalubong ng mga kilay ni Draven habang nakikinig ito sa sinasabi ng kausap. "Okay...I'll be there in a minute." narinig niyang wika ni Draven bago ito nagpaalam sa kausap.
"I need to go, Ylona." Paalam sa kanya ni Draven.
"Okay."
"I'll see you later."
Bubuka sana ang bibig ni Ylona para magtanong kung ano ang ibig sabihin sa sinabi nito ng tumalikod na si Draven sa kanya at nag-umpisang itong humakbang paalis. Nasundan na lang ni Ylona ang papalayong pigura ni Draven.
Comments and vote are well appreciated guys.

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Olive Bigalbal

    maganda Yong storya

    29/02

      0
  • avatar
    Yammhie1993

    💚💚

    21/08/2023

      0
  • avatar
    Larcen Zaxis DE Castro

    its so good

    17/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes