logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Dark Knight 1: Draven Simoun

Dark Knight 1: Draven Simoun

Fiona Queen


Chapter 1

"SIGURADO ka bang ayaw mong magpahatid sa'min, Ylona?" Tanong kay Ylona ng kaibigan at ka-trabahong si Jazzmine ng dumating na ang boyfriend nitong si Eric sa ospital kung saan sila kasalukuyang nagta-trabaho na dalawa.
Umiling si Ylona. "Salamat na lang. Pero huwag na." Nakangiting tanggi niya kay Jazzmine.
"Okay. Ikaw ang bahala." Hindi na rin nagpumilit pa si Jazzmine. Alam naman kasi nitong hindi siya magpapapilit rito. "Basta mag-ingat ka na lang, ha?"
Nginitian niya ang mga ito. "Oo." Sagot niya. Pagkatapos niyon ay binalingan niya ang boyfriend nitong si Eric na katabi nito. "Deretso sa bahay, ha?"
Ngumiti si Eric. "Don't worry, Ylona. I-uuwi ko ng buong-buo si Jazz sa bahay nila."
"Good answer." Tatangong wika niya.
"Mag-boyfriend ka na kasi para may susundo at maghahatid na rin sa'yo." Mayamaya ay wika ni Jazz.
Ylona rolled her eyes. "Don't worry, Jazz. Bukas ay may-boyfriend na ako." Biro niya sa kaibigan.
Jazz and Eric softly chuckled on what she said. "Bilis-bilisan mo na ang paghahanap, Ylona. Limang taon na lang at mawawala ka na sa kalendaryo." Natatawang wika ni Jazz.
She rolled her eyes for the second time. "Yeah, right." Ani Ylona. "Sige na, umalis na kayo." Mayamaya ay pagtataboy niya sa mga ito.
"Sige. Ingat ka. Bye!" Pamamaalam na rin ng magkasintahan.
Nang mag-umpisang maglakad ang mga ito ay nag-umpisa na rin si Ylona maglakad patungo sa kabilang dereksiyon.
Ylona Marie Vasquez is a nursing graduate. She was also a board passer. At staff nurse din siya sa isang prestiyosong ospital sa bansa ang Simoun Hospital. Tatlong taon na rin si Ylona na nagta-trabaho sa ospital na iyon. And so far so good ay wala siyang balak na umalis sa pinagta-trabahuan dahil malaki naman ang sinasahod ni Ylona sa nasabing ospital.
Nakakatulong din ang kinikita ni Ylona sa ospital sa pag-aaral ng kanyang dalawang kapatid at sa maintenance na gamot para sa High Blood ng kanyang ama na nasa probinsiya.
Laking probinsiya si Ylona. Pero no'ng magkolehiyo siya ay lumuwas siya ng Maynila upang do'n mag-aral.
Nasa High School pa lang si Ylona ay pangarap na niyang mag-aral sa Maynila. Nagpapasalamat siya dahil sinuportahan siya ng mga magulang sa pangarap niyang iyon. Pinag-aral siya ng mga magulang sa lungsod. Mabuti na lang din at nakakuha siya ng scholarship sa kolehiyo. Nakatulong iyon kahit papaano para mabawasan iyong tuition fee niya. Hindi naman kasi biro ang bayarin sa kolehiyo, lalo na iyong ibang bayarin pa niya, katulad na lang ng libro, uniform. Isama na rin ang pang-upa sa Apartment at ang araw-araw niyang pamumuhay sa lungsod. At para naman matulungan niya kahit paano ang mga magulang ay nag-working student si Ylona, isa siyang kahera sa gabi sa isang coffee shop malapit lang din sa eskwelahang pinapasukan niya. And she was very thankful, dahil iyong sakripisyo ng mga magulang sa pagpapa-aral sa kanya at ang pagod din niya sa pag-aaral ay nagkahalaga. Dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral na may matataas na marka at nakapasa ng kumuha siya ng exam.
Tatlong buwan din si Ylona na naging volunteer sa isang ospital, hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa isang prestihiyosong ospital—ang Simoun Hospital.
Sa Simoun Hospital din niya nakilala ang kaibigang si Jazzmine. Naging malapit na kaibigan niya ito dahil tulad niya ay ito din ang breed winner ng pamilya nito.
Tinakpan ni Ylona ang bibig ng humikab siya. Inaantok na kasi siya eh. At sa sandaling iyon ay ang tangi niyang gusto ay ang makarating siya sa tinutuluyang apartment, mahiga sa kanyang kama at matulog ng mahimbing. Dahil do'n ay mas binilisan pa niya ang paglalakad upang makarating na siya agad sa apartment niya. Walking distance lang naman ang ospital na pinagta-trabahuan at sa tinutuluyan niya.
Pero hindi naman nagtagal ay unti-unting bumabagal ang mabilis niyang paglalakad ng may mamataan ang mga mata niya. Hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad. Ylona narrowed her eyes para mas makita o mas maging malinaw sa paningin kung ano ang kanyang namataan.
Nang naging malinaw para kay Ylona ang nakita ay hindi niya napigilan ang pag-awang ng bibig at ang panlalaki ng kanyang mata sa nakita at nasaksihan sa sandaling iyon. Kitang-kita kasi ni Ylona ang isang babae habang pumipiglas ito mula sa pagkakahawak ng isang malaking lalaki rito. Kitang-kita din ni Ylona ang paglapit ng mukha ng lalaki sa leeg ng babae. At ilang sandali ay hindi na gumagalaw ang babae.
Nais ni Ylona na sumigaw o kung hindi kaya ay tumakbo paalis para sana makahingi siya ng tulong. Pero hindi niya magawa. Para kasing may tumakip sa bibig niya dahil hindi siya makasigaw, para din may dumagan sa kanya dahil hindi niya maigalaw ang mga paa.
Oh, god!
Nakaramdam ng matinding takot si Ylona ng bumagsak ang katawan ng babae sa semento. Lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ng biglang lumingon sa kanya ang lalaki.
And her eyes grew wide when she saw blood dripping at the mouth of the man.
Hindi alam ni Ylona kung anong klaseng tao ang lalaki na nakikita ng mata niya o kung tao ba na matatawag ito?
Triple na ngayon ang nararamdaman ni Ylona na takot ng mag-umpisag humakbang ang malaking lalaki palapit sa kanya. At she was thankful dahil naihakbang niya paatras ang mga paa. Pagkatapos niyon ay tumalikod siya at tumakbo. She runs fast as she could. She also screamed at the top of her lungs. Mukhang malas niya dahil wala siyang makitang ibang tao na pwede niyang mahingian ng tulong sa sandaling iyon. Sana hindi na rin siya nagpakipot pa, sana nagpahatid na lang siya kina Jazz. Pero sa kabilang banda okay na rin iyon, baka kapag nagpahatid pa siya baka pare-pareho pa sila malalagay sa panganib.
O, god! Iligtas mo po ako, Piping dalangin ni Ylona habang patuloy siya sa pagtakbo.
Ang akala ni Ylona ay hindi siya nito maabutan pero nagulat at napasigaw siya ng malakas ng nasa tapat na niya ang lalaking tinatakbuhan. Hindi niya alam kung paano nito nagawa na sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito bigla?
"Saan ka pupunta?"
Kinilabutan si Ylona ng makita ang matatalas na ngipin sa bibig nito ng magsalita ito. Puno din iyon ng dugo na nasisiguro niya na ang dugong iyon ay nagmula sa babaeng humandusay sa semento kanina.
Halimaw.
Iyon agad ang pumasok sa isip ni Ylona habang nakatingin siya sa matatalas na ngipin ng lalaki at sa mapupulang mga mata nito.
"Tamang-tama ang dating mo. Nagugutom pa ako." Wika nito sabay dila sa labi nito na may dugo.
Napaatras ng isang hakbang si Ylona, hanggang sa isa pa, hanggang sa sunod-sunod na. Tumakbo muli siya ng mabilis, nanalangin din siya na sana makalayo siya sa halimaw na iyon. Ayaw pang mamatay ni Ylona, gusto pa niyang mabuhay dahil gusto pa niyang makasama ang mga pamilya niya.
Hindi napigilan ni Ylona ang lumingon sa kanyang likod. Nandoon pa ang halimaw sa kinatatayuan nito pero ang titig nito ay nanatiling nakatuon sa kanya.
Mayamaya ay napasigaw si Ylona ng malakas ng biglang bumangga siya sa isang matigas na bagay. Muntik na siyang natumba kung hindi lang may matigas na braso na pumaikot sa baywang niya para hindi siya tuluyang matumba. Napasigaw na naman siya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa mga mata, inaakalang baka ang halimaw ang may hawak sa kanya sa sandaling iyon.
"P-please, d-dont hurt me... don't kill me..." kahit impossible ay nagawa pa rin ni Ylona na mag makaawa rito. Halos nakapikit na din siya dahil natatakot siyang makita ang mukha nito. Natatakot siyang muling makita ang matatalas na ngipin nito na sumisilip sa bibig nito, natatakot siyang makita ang halos pulang mata nito.
"I'm not going to hurt you." Narinig ni Ylona na wika ng taong hawak sa kanya. Siyempre, hindi naniniwala si Ylona sa sinabi ng lalaki. Paano siya maniniwala rito kung kitang-kita niya ng dalawang mata niya kung paano nito nilagutan ng buhay ang walang kalaban-laban na babae?
"I'm not going to hurt you. Believe me." Anang lalaki. Mukhang nabasa nito kung ano ang nasa isip niya. Sa pagkakataon iyon ay do'n lang naglakas ng loob na imulat ni Ylona ang mga mata upang tingnan ang lalaking nasa harap niya. At sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki na matamang nakatingin sa kanyang mukha. At kahit nanlalabo ang mga mata ni Ylona dahil sa luha ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang gwapong mukha ng kaharap. At parang pamilyar ang mukha ng lalaki, hindi lang niya maalala kung saan niya iyon nakita.
Nakita din niya ang pagsilay ng ngiti ng lalaking kaharap.
"Huwag kang makialam rito, Simoun."
Napahawak siya ng mahigpit sa braso ng lalaking nagsabing hindi siya sasaktan ng marinig niya ang boses na iyon. At kahit hindi tumingin si Ylona sa sariling repleksiyon ay alam niyang nababakas sa kanyang mukha ang matinding takot sa sandaling iyon.
"Huwag kang matakot." Narinig niyang wika ng lalaking kaharap. Nang mag-angat siya ng tingin patungo sa lalaki ay nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Sinalubong ni Ylona ang titig ng lalaki sa kanya. At hindi maipaliwanag ni Ylona sa sarili kung bakit biglang naglaho na parang bola ang takot na naramdaman niya sa sandaling iyon.
Nang tumango siya sa lalaking kaharap ay nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. Pero no'ng inalis nito ang tingin sa kanya at inilipat iyon sa lalaking nasa likod niya ay nakita niya ang pagdilim ng mga mata nito. Pagkatapos niyon ay pinagpalit nito ang posisyon nilang dalawa. Ngayon ay nasa likod na siya nito na tila pino-proteksiyonan siya nito mula sa halimaw na iyon.
"Makikialam ako dahil nilalabag niyo kung ano ang napagkasunduan natin, Lucas." Matigas na wika ng lalaki sa halimaw.
"Wala akong pakialam sa kasunduan na iyan!" Kitang-kita ni Ylona ang mapupulang mga mata ng halimaw na iyon. "Ibigay mo sa kin ang babaeng iyan." Napaatras siya ng isang hakbang ng tumingin ang mapupulang matang iyon ng halimaw sa kanya. Nag-umpisa na ding maglakad ang halimaw na iyon palapit sa gawi nila—sa gawi niya. Pero bago pa ito tuluyan makalapit sa kanya ay mabilis ng nakalapit ang lalaki rito at itinulak ang halimaw ng malakas.
Tumilapon ang halimaw ilang metro sa kinatatayuan nilang dalawa.
Paano nagawa ng lalaking iyon sa halimaw?
At bago pa ito makatayo ng maayos ay nasa tabi agad na ito ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. Paano din nakarating agad ang lalaki sa tabi ng halimaw ng ganoong kabilis? Halos walang makita si Ylona dahil sa sobrang bilis ng mga kilos ng mga ito. Hanggang sa nakita niyang hawak na ng lalaki sa leeg ang halimaw.
At lalong nanlaki ang mata ni Ylona ng makitang may inilabas ang lalaki na isang punyal mula sa baywang nito. Nakita din niya ang pag-umang ng lalaki sa punyal sa gawi ng puso ng halimaw. At bago pa itarak ng lalaki ang punyal sa puso ng halimaw ay nawalan na siya ng malay.
At kinaumagahan, nagising si Ylona sa loob ng kwarto ng kanyang apartment na hinihingal at pinagpapawisan dahil sa masamang panaginip na iyon.
"ALAM mo na ba iyong balita, Ylona?" Tanong ni Jazzmine habang naglalakad silang dalawa sa hallway ng ospital patungo sa nurses' station. Kagagaling lang nilang dalawa sa Pedia Ward ng Simoun Hospital kung saan sila naka-assign na dalawa.
Saglit niyang sinulyapan si Jazzmine at nagpatuloy sa paglalakad. "Anong balita iyan?" Nakakunot ang noo na tanong ni Ylona.
"Darating daw ngayon ang may-ari ng Simoun Hospital." Sagot ni Jazz.
"Iyong ama o iyong anak?" Tanong ni Ylona. Hindi kasi malinaw sa kanya kung sino sa Simoun ang tinutukoy ni Jazz. Kung si Sir Dave ba na ama o si Sir Draven na anak.
"Si Sir Draven daw."
Tumaas ang isang kilay ni Ylona. "O, talaga?"
"Yup." Mabilis na sagot ni Jazz. "Sa wakas ay lalabas na rin sa kaharian si Sir Draven." Natatawang wika nito. "At sa wakas ay makikita na din natin siya ng personal." Dagdag na wika pa ng kaibigan. Mababakas din sa boses ng kaibigan ang excitement. Hindi naman masisisi ni Ylona si Jazzmine kung mabakasan man niya ng ito ng excitement. Sa tatlong taon kasi na pagta-trabaho nila Jazzmine sa Simoun Hospital ay kahit isa ay hindi pa nila nakikita ng personal ang pagmumukha ni Draven—ang anak na panganay ni Sir Dave Simoun. At madalas na si Sir Dave lang ang bumibisita sa pagmamay-ari ng mga ito na ospital.
Tulad ni Jazz, ay hindi pa din nakikita ni Ylona ng personal si Draven. Sa isang Bachelor Magazine lang niya nakita ang pagmumukha nito ng ma-feature ito roon noong nakaraang buwan. Hindi lang naman si Draven ang na-feature sa nasabing magazine. Pati ang pinsan ni Draven na sina Drake at Draegan ay na-feature din sa Bachelors Magazine na iyon.
"Sa tingin mo ano hitsura ni Sir Draven sa personal?" Mayamaya ay tanong ni Jazz.
"Gwapo pa rin siguro." Sagot niya sabay kibit balikat.
"You think so?"
"Gwapo sa picture eh." Sabi niya.
Jazz chuckled. "May point ka."
Ngumiti lang naman siya. Gwapo naman talaga ang binata no'ng makita niya ang pictures nito sa nasabing Magazine. Kaya siguradong gwapo din ito sa personal. Saka gwapo din si Sir Dave kaya paniguaradong gwapo din ang anak nito. Alangan naman mamunga ang manga ng santol?
Hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila Ylona sa Nurse's station.
"Eh, ano naman daw ang dahilan kung bakit naisipan ni Sir Draven na bisitahin ang Simoun Hospital?" Mayamaya ay tanong niya.
"Nabo-bore siguro sa loob ng palasyo at naisipan na lang niyang pasyalan ang buong kaharian nila." biro ni Jazz. "O, hindi kaya lumabas ng palasyo si Draven dahil naghahanap ito ng prinsesa na ipapakilala nito sa buong kaharian." Dagdag pa na biro nito.
Natawa naman ng mahina si Ylona sa biro ni Jazz. "Sino naman ang prinsesang mahahanap ni Sir Draven dito sa ospital?" Pagsasakay niya sa biro ng kaibigan.
"Hindi ako pwede kasi may sarili na akong prinsipe." Sabi ni Jazz. "Ikaw pwedeng-pwede kasi single ka." Anito sabay kindat sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataon ay natawa si Ylona. "As if naman na magustuhan ako ni Sir Draven." Natatawa pa ring wika niya. Alam naman kasi ni Ylona ang tipo na babae na gusto ni Sir Draven. At malayong-malayo si Ylona sa tipo ng babae na iyon. Oo, marami na ang nagsasabi sa kanya na maganda siya. Bagay daw sa kanyang mukha ang bilugang mga mata na biniyayaan ng malalantik na pilik mata. Maliit pero matangos na ilong at mayroon siyang manipis at mapupulang labi.
Nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo ay marami ng nagpapalipad hangin sa kanya. Pero kahit isa ay wala siyang pinapansin. Naka-focus kasi ang atensiyon niya sa pag-aaral at ayaw niya ng distraction. Ngayong naman ay naka-focus siya sa trabao niya bilang staff nurse kaya hindi niya mapagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife.
"Malay mo baka matulad ang kwento ninyong dalawa ni Sir Draven sa kwento ni Cinderella. Baka ma-in-love siya sa'yo kapag nasilayan niya ang beauty mo."
"Fictional story lang ang kwento ni Cinderella. Hindi iyon nangyayari sa totoong buhay." Sabi ni Ylona.
"Malay mo din, mangyari din iyon sa totoong buhay. At sa inyo pang dalawa mangyari iyon." Hindi sumusukong wika ni Jazz.
Ylona just rolled her eyes. "Hay naku, sa kakapanuod mo ng Fairy tale movie at sa kakabasa mo ng romance book, kung ano-ano tuloy pumapasok sa isip mo." Ingos na wika niya kay Jazzmine. "Siya nga pala pupunta ako sa cafeteria. Gusto mo magpabili ng kape?" Mayamaya ay tanong ni Ylona kay Jazz.
"Uhm, sige."
"Okay, punta lang ako sa Cafeteria." Nang tumango si Jazz ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng cafeteria sa loob ng ospital.
Hindi naman nagtagal ay nakarating siya roon. Kinuha niya ang barya sa bulsa ng suot niya uniform at inihulog niya iyon sa vending machine. She was humming habang hinihintay niyang mapuno ang Styrofoam. Nang mapuno iyon ay kinuha niya iyon. At gamit ang libreng kamay ay muli siyang naghulog ng barya sa vending machine. Hindi naman nagtagal ay napuno ulit ang Styrofoam. Kinuha muli niya iyon.
At noong pumihit siya paharap upang bumalik sana sa nurses station ng bumangga siya sa isang matigas na bagay. At dahil hindi niya iyon napaghandaan ay muntik na siyang mawalan ng balanse kung hindi lang maagap ang lalaking nabangga niya. Nahawakan kasi agad siya nito sa baywang para hindi siya tuluyang bumagsak pero hindi naman niya napigilan ang pagkabuhos ng hawak niyang styrofoam na naglalaman ng mainit na kape sa kanyang kamay.
"Aw!" Daing ni Ylona ng maramdaman niya ang hapdi sa kanyang kamay.
"Shit!" Anang baritonong boses ng lalaking nasa harapan ni Ylona. Nang nag-angat siya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang itim na mga mata ng lalaking nasa harap niya. Ilang segundo din siyang napatitig sa mga matang iyon hanggang sa napaawang ang mga labi niya
Mayamaya ay nanlaki ang mata niya ng makilala ang lalaking kaharap. Kaya pala pamilyar ito sa kanyang mga mata dahil ang lalaking kaharap niya ay ang lalaking pinag-uusapan nila kanina ni Jazzmine! Ang lalaking nasa harapan ngayon ni Ylona ay walang iba kundi ang anak ng may-ari ng ospital na pinagta-trabahuan niya. Walang iba kundi si...
Draven Simoun!
"S-sir!" Sambit ni Ylona ng makilala ang lalaki. At lalong nanlaki ang mata niya ng mapadako ang tingin niya sa suot nitong puting t-shirt na napapatungan ng itim na jacket.
Agad na kinuha ni Ylona ang panyo sa bulsa ng suot niyang uniform. Nang makuha niya iyon ay umangat ang kamay niya patungo roon upang punasan ang puting damit nito na natapunan niya ng kape kanina ng nabangga niya ito.
"Sorry po, Sir. Hindi ko po sinasadya." Hingi niya ng paunmanhin habang patuloy pa rin siya sa pagpupunas sa namantsyahang damit nito. Napatigil lang siya ng hawakan nito ang kamay niya.
"S-sir?" Nag-angat siya ng tingin patungo sa mukha nito.
"It's okay." He said in raspy voice. Mayamaya ay inangat nito ang kamay niyang hawak nito at sinipat iyon. Napansin ni Ylona ang pagsalubong ng mga kilay nito ng makita nito ang kulay pula na marka sa kanyang kamay sanhi ng pagkakatapon ng mainit na kape sa kamay niya.
"Let's go." Nanlaki ang mata ni Ylona ng mag-umpisang maglakad si Draven habang hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya.

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Olive Bigalbal

    maganda Yong storya

    29/02

      0
  • avatar
    Yammhie1993

    💚💚

    21/08/2023

      0
  • avatar
    Larcen Zaxis DE Castro

    its so good

    17/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes