logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 Evil

Kabanata 6
Evil
--
Lumipas ang mga araw. Mukhang nagkamali ako noong sinabi ko na magiging madali lang ang lahat. Because he really is pa hard to get! At inaamin ko rin na hindi ko siya mabasa... hindi ko siya maintindihan! Alam ko nagseselos na siya nun, e. But now I'm confused. This is the first time I got confused! I have never been wrong in my predictions of how men feel! Kaya ngayon hindi ko maintindihan!
Sometimes he was irritated with me, angry and always wanted me to leave. At noon mukha na siyang nagseselos. Pero nung nakaraang araw ay medyo naging mabait naman siya sa akin, he helped me with my concern for Elara. And now he's irritated with me again! Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin o kung... meron ba!
Ngumuso ako habang iniisip 'yon. Zairus... Hindi ko alam kung anong meron ka pero... pinapahirapan mo ako.
Hindi pa rin kami nag uusap nina Jade at Trina pero nagpatuloy ang plano. Hindi pa napapansin ni Allison ang hindi namin pagpapansinan sa tuwing magkakasama kami. Tahimik lang rin naman silang dalawa. Hindi ako kinakausap at hindi ko rin sila kinakausap.
They haven't yet apologized to Elara. And I haven’t talked to Elara until now. Simula kasi nung nangyari 'yon, hindi ko na siya kailanman nakita pa sa school. Nadagdagan tuloy ang pag aalala ko. Pero ang sabi naman ng mga kaklase niya noong nagtanong ako kung pumapasok pa ba siya, pumapasok pa naman daw at walang absent. Kaya napagtanto ko na umiiwas lang siguro siya.
"What's his full name?" wala sa sarili kong tanong kay Allison.
Napatingin sa akin si Jade at Trina. Hindi pa rin kami nag uusap hanggang ngayon.
"Mmm?" Allison turned to me as well. "Zairus? Why?"
"I just realized na hindi ko pa alam ang buong pangalan niya simula nung nagplano tayo."
"Uh, well... His full name is... Lazzarus Hamilton Velasco..."
Tumango tango ako. What a nice name. Pero nabubwisit pa rin ako. Sa lahat ng lalaki na nakilala ko, siya lang ang hindi ko mabasa. Parang bang... kay hirap. Para bang... hindi ko makukuha.
At mas lalo pa akong naiinis roon! Nakukuha ko ang lahat ng lalaking gusto ko, noh!
Well... I'm not saying na gusto ko talaga siya. Like... romantically. Ang sinasabi ko lang ay yung tungkol sa plano namin nina Allison.
"Why do you want to know?" Allison asked again as she stared at me.
"Wala lang. I'm just curious. Ang ganda pala ng pangalan niya, noh?"
"M-Maganda nga. Nagagandahan ka?" she stared at me even more.
Tumingin ako sa kanya. Ngumisi ako at umiling.
"Oo nagagandahan. Pero na-realized ko lang na hindi kasing ganda no'n ang ugali niya."
She sighed and laughed slightly at what I said.
"Paano mo naman nasabi?"
Hindi naman sa sinasabi kong masama si Zairus. Mabait naman siya kahit papaano. Hinayaan niya nga akong 'magpahangin' sa bahay nila halos araw araw. Hindi niya rin ako pina alis na, as in pina alis na sinigawan! Kahit papaano natiis niya ako. And he also helped me with my friend Elara.
For me that was enough to describe him as a kind man.
All I'm saying is what he did to Allison. I still can't forgive him for what he did, noh!
"Syempre sinaktan ka niya. Pinaasa pa. Kaya tama naman ako, diba? Hindi kasing ganda ng pangalan niya ang ugali niya. Tss," sabi ko.
Tumawa na lamang siya sa akin at sumang ayon. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa ginawa ng lalaking 'yon sa kanya. Galit pa rin siya.
Kaya nagpatuloy ang plano namin pero minsan hindi ako nakakapunta sa kanila. Hindi lang naman kasi sa kanya umiikot ang mundo ko. I also have other activities such as hanging out with my cousins ​​and playing my guitar. And school works as well. Hindi lang sa plano na 'to umiikot ang mundo ko, noh.
"Good afternoon po!" nakangiti kong bati nang naabutan ko sa bahay si Tito Halton na nagdidilig ng mga halaman nila.
Ngumiti siya nang nakita ako. "Oh. Magandang hapon rin, hija."
"Wow! Nagdidilig po kayo? Maaga kayong nakauwi ngayon galing sa palengke?" lumapit pa ako.
"Oo, e. Medyo hindi ganoon kadami ang nabenta. Medyo nalugi. Kaya rin wala muna akong dalang meryenda ngayon," bahagya siyang tumawa. "Pasensya na at wala muna akong mapapa kain sayo ngayon."
Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Tito.
"N-Naku! Ayos lang po 'yon, noh. Hindi pa naman po ako masyadong gutom. Gusto niyo ako nalang ang bumili ng pagkain niyo? May nakita akong tindahan dyan sa malapit, ibibili ko po kayo ng tinapay."
"Ay naku, hindi na, hija! Ano ka ba. Ayos lang ako. At si Zairus... baka nasa loob pa ng bahay. Madalas naliligo iyon kapag kagaling school," ngumiti siya at lumipat sa ibang halaman lara iyon naman ang madiligan.
"Sigurado po kayo? Hindi po ba kayo nagugutom? Kagagaling niyo lang sa trabaho..." medyo nag aalala kong tanong.
"Ayos lang talaga ako, hija. Wag mo na akong alalahanin, ano ka ba," bahagya siyang tumawa.
Nakaramdam ako ng guilt sa ginagawa kong ito. Ganito ang trato niya sa akin pero heto ako at may masamang balak sa kanyang anak. Pakiramdam ko ang sama sama ko.
"Madalas po bang... maliit lang ang kita niyo?" dahan dahan kong tanong maya maya.
"Mmm, madalas. Pero ayos lang 'yon. Nakaka ipon naman kami ni Zairus at nakakatipid rin sa mga gastusin rito sa bahay kaya ayos lang."
"In that case... you often also have nothing to eat?"
"Meron naman kahit papaano. Umuutang kami sa malapit na tindahan at babayaran nalang kinabukasan. Ganoon ang ginagawa namin kapag walang kita," ngumiti siya na para bang wala lang 'yon samantalang ako umaapaw na ang guilt na nararamdaman.
Inayos ko ang aking bag na nakasabit sa isang balikat ko at lumunok. I immediately thought of something that could help them somehow. Ngayon ko lang na-realized kung gaano kahirap ang buhay nila. Akala ko kahit papaano may kaya sila base lamang sa itsura ng kanilang bahay ngunit nagkamali pala ako.
Tito Halton was just a market salesman. I'm sure I have more money every day than he earns every day. Zairus used to work but stopped to focus on his studies now that he is in college.
Pumikit ako at naisip na ang sama sama ko para dumagdag pa sa kahirapan ng buhay nila. Naisip ko pa yung mga kinain kong tinapay. Halos ako lang ang umuubos noon nang hindi manlang iniisip na pinaghirapan iyon ni Tito. Mas lalo lang nadagdagan ang guilt sa puso ko.
What are you doing, Johanna?
Pilit kong inisip na sinaktan ni Zairus ang kaibigan kong si Allison. Pinaasa niya si Allison! Pina iyak! Dapat hindi niya na binigyan ng motibo at iniwasan nalang kung hindi niya naman pala gusto! Kaya hindi dapat ako maawa sa lalaking 'to!
But that's still not enough! That’s still not enough to remove the guilt I'm feeling. I bit my lower lip. I didn't know that I'm so soft when it comes to people like this. I just felt it now. At pakiramdam ko talaga... ang sama sama ko.
"Bakit nakatulala ka dyan?" napatalon ako sa gulat nang magsalita si Zairus sa gilid ko.
Hindi ko manlang namalayan na lumabas na siya ng bahay nila at lumapit sa akin!
Naamoy ko agad ang bango niya. Syempre bagong ligo. I looked at him from head to toe and saw he was wearing a brown t-shirt and white shorts. Sandali kong nakalimutan ang iniisip ko kanina dahil sa kagwapuhan niya pero agad agad lang rin iyong bumalik!
"Uh... hi!" I forced a smile at him.
"Umupo ka," suplado niyang sinabi at nauna pang pumunta sa table.
Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya. I have too much money in my wallet right now. Hindi pa kasama ang laman ng card ko na palaging nilalagyan ni Lolo ng pera. Lahat kaming magpipinsan mayroong ganoon sa kanya dahil spoiled niya kaming lahat. Pwedeng pwede kong tulungan sina Zairus... at ang iba pang nahihirapan sa buhay.
Pero anong ginagawa ko?
"Uhm... are you going to study?" I asked Zairus when I saw his notebooks on the table.
"Oo," tipid niyang sagot.
"Uh... nagugutom ako. Bibili muna ako ng tinapay sa malapit na tindahan dyan. Sandali lang, ah!" sabi ko at umalis na agad pagkababa ng bag.
"Ano? Wait--" I didn't let him finish and I immediately ran out of their house.
I don’t know why my heart hurts. Pakiramdam ko talaga ang sama sama ko. Imbes na tumulong ako sa kapwa kung ano ano lang ang ginagawa ko. Ako itong meron pero ako pa itong walang malasakit. Habang sila... habang silang mahihirap ay walang ibang ginawa kundi tumulong kahit walang wala na. I am so guilty and angry at myself. How dare you do nothing, Johanna? How can you not help?!
"Uhm... p-pabili po ng tinapay niyo. I'll buy it all," sabi ko sa tindahan na nakalahad ang lahat ng tinapay roon.
"T-Talaga, hija? Naku! Maraming salamat!" gulat na sinabi ng babaeng tindera.
At nakatulong rin ako sa kanya. Napatitig ako sa tindera na sobrang saya dahil mauubos ngayon ang mga paninda niya. My heart ached again.
It's only now that I really... realize everything.
How bad I am.
How selfish I am.
How worthless I am when it comes to helping people.
How... evil, Johanna.
"Johanna!" I heard Zairus called.
Napatingin ako sa kanya. Sumunod pala siya. Maraming mga tao ang napatingin rin sa kanya dahil sa pagsigaw niyang iyon. Wala pa man nakikita ko na agad ang iritasyon sa kanyang mga mata.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya nang nakalapit.
"Hindi ba sinabi ko nang bibili lang ako kasi nagugutom ako?" sabi ko.
"Delikadong maglakad ng mag isa rito! Bakit hindi ka nagpasama sa akin?"
Napakurap kurap ako sa sinabi niya. "Akala ko mag aaral ka, e. Tsaka anong delikado? There are a lot of people here."
He closed his eyes tightly and took a deep breath as if calming himself. And then tumingin siya sa tindahan.
"Anong binili mo?"
"Tinapay. Hinahanda na ni Ate," sabay lingon ko kay Ate na katulong na ang siguro ay anak niyang babae. Ilang plastik ang nandoon dahil binili ko lahat ng tinapay.
"Lahat 'yan?" si Zairus na mukhang hindi makapaniwala.
"Oo... nagugutom ako, e..."
He stared at me for a moment. I looked away. I don’t want him to know that I want to help them. At baka pa magalit siya kapag nalaman na naaawa ako sa kanila.
"Tsaka para sayo at para kay Tito Halton na rin. Sabi kasi ni Tito wala siyang dalang tinapay ngayon, e," I tried to sound rude.
Pero hindi na siya nagsalita. Nagulat ako dahil akala ko aawayin niya ako dahil sa tono ko. Pero wala na siyang sinabi. Kahit pa noong natapos na si Ate sa pagbabalot ng mga tinapay.
Binigyan ko siya ng isang libo at hindi na tinanggap ang sukli.
"Naku! Maraming salamat talaga, hija! Malaking tulong ito sa amin!" maligayang sinabi ni Ate na halos umiyak na.
"Maraming salamat po, Ate..." anang batang babae na anak.
Ngumiti ako sa kanila pero agad ring winala iyon nang nakita kong nakatitig sa akin si Zairus. Dala niya ang ibang plastik ng tinapay. Tumikhim ako at pinagmukhang mataray ang mukha. I walked away and didn't talk to Ate anymore.
"Tara na," sabi ko.
Sumunod naman siya sa akin. Tahimik lang siya habang naglalakad kami pabalik. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I want to be kind but I don't want other people to see me being kind. Especially Zairus. Dahil nakilala niya ako bilang isang Johanna Agravante na walang pakialam sa paligid, mananatiling ganoon ang pagkakakilala niya sa akin.
"Oh?" nagulat si Tito Halton nang nakita ang mga plastik na dala namin ni Zairus. Nasa sampung plastik yata 'yon na puro tinapay ang laman.
Ngumiti ako. "Kain po tayo! Binili ko na lahat dahil nagugutom po ako."
"Ang dami naman niyan, hija. Mauubos mo ba 'yan lahat?"
"Sainyo na po ang iba kung hindi ko po mauubos..."
Tahimik pa rin si Zairus habang pinagmamasdan ako. Tumikhim ako at kumuha na ng tinapay, parang ayoko siyang tignan.
"Kain na po kayo!" nakangiti kong anyaya kay Tito.
"Naku. Maraming salamat, hija..."
"No problem, Tito!"
Sumulyap ako kay Zairus pero binaba rin agad ang tingin sa tinapay nang nakitang nakatitig pa rin siya. Feeling ko napansin niya na gusto ko lang silang bigyan ng tinapay para makain. Ayokong isipin niya na naaawa ako sa kanila. Baka magalit pa siya sa akin.
"Sandali lang. Magtitimpla lang ako ng juice para sayo, hija," sabi ni Tito Halton.
"Wag na po, Tito! Uh, ayos na po sa akin ang tubig..." agad kong pigil.
Ayokong pati ang juice nila ay ibigay nila sa akin. Sa kanila 'yon, dapat sila lang ang uminom.
"Sigurado ka?"
"Opo," ngumiti ako.
I looked at Zairus who was still watching me. I raised an eyebrow at him and smirked. Kanina pa siya nakatingin. I cannot take it anymore.
"What? Am I too beautiful, Zairus?" nakangisi kong tanong.
"Tss," he immediately looked down at his notebooks. Bumalik si Tito sa kanyang pagdidilig.
Humalakhak ako. Pinagmasdan ko ang mga binili kong tinapay at napagtanto na... masarap pala sa pakiramdam ang tumulong.

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    VillagenReymalyn

    ang Ganda po story niu po nakakalig

    20/05

      0
  • avatar
    Sirch Enaj Pe

    Super Ganda ng story nyu po..

    03/05

      0
  • avatar
    Marilyn Cabalida Balic

    This is so romantic

    23/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes