logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Long Lost

Long Lost

Jeazzzieee


Capítulo 1 Prologue

“Ate! Tulungan mo ako!”
“Rix!”
“Ate! Please! Tulungan mo ako!”
“N...Natatakot ako, Bunso! Wala akong madadaanan! H...Hihingi ako ng tulong sa labas! Hintayin mo kami, okay? Basta, hintayin mo kami!”
“H-Huwag mo akong iwan, ate!”
“Mother! Please! Tulungan po ninyo ang kapatid ko sa loob! Iligtas po ninyo siya! Please po, Mother!”
“Huwag kang mag-alala, Hija. Maliligtas ang kapatid mo. Tutulungan siya ng mga bumbero. Pangako. Huwag ka nang umiyak.”
“Sir! May bata pa po sa loob! Tulungan ninyo siya!”
“Pasensya na po pero nabalot na ng apoy ang orphanage. Delikado na ang pumasok doon. Wala nang madadaanan.”
“P...Pero nasa loob pa po ang kapatid ko! Please po! Tulungan po ninyo siya!”
“Pasensya ka na talaga, Hija.”
____
“Labin-limang taon na pala ang lumipas,” bulong ni Maude sa hangin habang nakatitig sa malaking building sa kabilang kalsada na ngayon ay puno na ng bagong mga sasakyan sa loob. 
Ang lugar na ito ang pinagtayuan ng nasunog na orphanage na kinaroroonan nila Maude noon labinlimang taon na ang nakalipas. Pagkatapos kasi ng insidente ay may nagpatayo na ng building kaya bagong-bago na ang hitsura ng lugar. Gayunpaman, sariwa parin sa isip ni Maude na ang lugar na ito ang siyang dating kinaroroonan ng bahay-ampunan kaya tuwing napapadaan siya dito ay hindi niya maiwasang maalala ang malagim na nangyari sa nakaraan.
Sa nasunog na orphanage na ‘yon dinala sina Maude at ng kanyang kapatid na si Rix. Hirap na kasi ang magulang nila noon na buhayin pa sila kaya naisipan nilang dalhin na lamang ang magkapatid sa bahay-ampunan at kukuhanin na lamang sakaling umayos na ang buhay nila ngunit hindi inaasahan ang mga pangyayari. The orphanage was burnt which brought her life into misery.
Bumigat ang dibdib ni Maude dahil naalala na naman nito ang nangyari sa nakaraan. Ang kasalanang hindi niya naman intensyong gawin kaya gayon na lamang ang galit niya sa sarili at kahit labinlimang taon na ang nakalipas ay hindi niya parin napapatawad ang sarili. 
Napayuko na lamang ito ito dahil hindi na nakayanan pa ng mga mata na tiisin ang mga luhang namumuo kaya kusa na ngang tumulo ang mga ito. 
Patuloy na tumatakbo sa kanyang isipan ang mga pangyayari noon. Kung paano nagmakaawa sa kanya ang nakakaawang kapatid na iligtas siya sa sunog at huwag siyang iwan. Kung paano ito umiyak habang sinisigaw nang paulit-ulit ang salitang ‘ate’ ngunit dahil sa takot ni Maude ay wala itong nagawa kun’di ang umalis upang humingi ng tulong sa labas.
Hindi naman intensyon ni Maude na iwan ang kapatid. She never wanted to leave her brother. Ang totoo ay balak niya lamang humingi ng tulong sa labas ngunit ang nangyari, pati ang mga bumbero ay naduwag nang sumugod sa apoy upang iligtas ang kapatid niya dahil halos hindi na makita ang bahay-ampunan dahil sa laki ng apoy. God knows how she cried and tried to enter the orphanage again to save her brother but the mother whom she asked for help kept on stopping her.
Puno ng pagsisisi, galit at pighati ang puso ng dalaga. Kung hindi niya sana iniwan si Rix at gumawa siya ng paraan upang matulungan ito, sana ay buhay pa ang kapatid niya ngayon. Sana kasama niya pa iyon ngayon. At sana hindi rin galit ang mga magulang niya sa kanya ngayon. If only she could turn back time and do the right thing, she would definitely grab the opportunity even if it will put her life at risk. Maligtas lamang si Rix.
Hindi man tunay na kapatid  ni Maude si Rix ay mahal na mahal niya iyon. Pinangako niyang poprotektahan niya ang lalaki at hinding-hindi iiwan ngunit nabigo siya dahil hindi niya man lang siya nagawang iligtas. 
Mas lalong sumikip ang kanyang dibdib kaya mabilis itong napahawak rito nang madiin. It’s always like this and she’s even used to it. Siguro nga’y ganito na ang kanyang kapalaran, ang dalhin ang pagsisisi at tiisin ang sakit hanggang kamatayan. She thought she doesn’t deserve to be happy after the incident that was why whenever she remembers what happened, even if it hurts her to death, she does nothing but to receive the pain because she thought she deserves it.
Hindi na pinapansin ni Maude ang mga taong napapalingon sa kanya dahil sa pag-iyak nito. Bakit pa niya sila papansinin kung hindi rin naman mapupunas ang sakit na nararamdaman niya?
Pagkatapos nang ilang segundo, napahinto ang dalaga sa pag-iyak nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa bulsa ng light blue niyang jacket. Kinuha niya iyon at mabilis na sinagot ang tawag.
“Hello Mr. Flores?” Pinunas niya ang mga luha at inayos ang sarili upang hindi mahalata sa boses na umiyak ito.
“Ayoko sanang sabihin ito sa’yo, Hija, pero pasensya na. Wala na pala silang bakante sa kumpanya.” Nahimigan ni Maude ang awa sa boses ng matanda. Kahit pa hindi niya ito kita ay ramdam niya ang pagsimangot nito sa kabilang linya. It’s always like this again. Kaawa-awa naman talaga siya. Walang permanenteng trabaho, galit ang magulang sa kanya, at pasan niya pa ang sakit na dulot ng malagim na nakaraan. Tila ba galit ang mundo sa kanya at pinaparusahan siya sa kasalanang hindi niya naman sinasyang gawin. 
She was too young that time. How can she save her brother in the middle of the fire without being scared at that young age? And now, she feels as though the world betrayed her. Pinagdadamutan pa siya ng trabaho.
Humugot na lang ng malalim na hininga ang dalaga. Umasa na naman ito. Akala niya ay magkakaroon na siya ng trabaho. Tila sigurado pa naman noon si Mr. Flores nang sabihin niya kay Maude ang tungkol sa bakanteng trabaho pero wala na naman pala. Naghintay siya. Umasa siya pero wala talaga.
Isang mapait na ngiti nalang ang iginawad nito sa hangin habang ang mga mata ay nanatiling nakapako sa malaking building sa kabilang kalsada. “Ayos lang po. Maraming salamat po,” untag nito, pinipilit na gawing magiliw ang boses.
“Makakahanap ka rin, Hija. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Goodluck!” pagpapagaan ng matanda sa damdamin niya.
“Opo. Sana nga po. Maraming salamat po ulit.” Kapagkuwan ay pinutol na nito ang tawag. 
Mabilis na naglaho ang mapait nitong ngiti nang ibalik ang selpon sa bulsa ng kanyang jacket. Humugot itong muli ng malalim na buntong-hininga bago malaya nang naglakad.
Umaga pa lang kasi at dahil sa hinihintay nito ang tawag ni Mr. Flores ay naisipan niya munang mag-jogging ngunit sa dating lugar ng bahay-ampunan naman siya dinala ng mga paa.
Minsan talaga ay nagsasawa na siya sa buhay na meron siya. Tinatanong ang sarili kung bakit lagi na lang siyang pinaglalaruan ng tadhana at tila pinarurusahan. Bakit lagi na lang siya ang natitipuhan na paglaruan? Hirap na hirap na ito pero walang magawa kun‘di ang magpatuloy para sa pangako niya kay Rix. Ang bigyan ng magandang buhay ang magulang nila. Na kahit wala na ang kapatid ay gagawin niya ang lahat upang matupad iyon. Kahit sa gano’n man lang ay matuwa na sa kanya ang mga magulang niya. At kahit sa gano’n man lamang ay makabawi siya sa kapatid kahit alam niyang hinding-hindi iyong magiging sapat.
“Hindi pwedeng habang buhay akong ganito. Kailangan kong tuparin ang pangako namin ni Rix nang sa gayon ay makabawi naman ako kahit kaunti,” positibo nitong bilin sa sarili saka ikinuyom ang kanang palad at siniko pababa ang hangin. 
Ilang kumpanya na kasi ang sinubukan niyang pasukan ngunit lahat sa kanila ay hindi siya pasado. Nakapagtapos naman siya ng kolehiyo pero laking pagtataka niya kung bakit hindi siya natatanggap. Totoo ngang hindi lahat ng taong nakakapagtapos sa kolehiyo ay may magandang buhay. Kaya tuloy minsan ay napapaisip ito sa sarili, bakit pa kailangang mag-aral ng kolehiyo kung mas maganda pa ang buhay ng mga hindi nakapagtapos kaysa sa kanya?
Isang tunog muli ang kanyang narinig mula sa cellphone kaya napahinto ito sa paglalakad at mabilis na hinugot ang selpon sa bulsa. Si Sarah, ang matalik niyang kaibigan mula pa kolehiyo na ngayon ay kasama at kahati niya sa isang apartment.
“Hoy, Monde! This will be a good news for you!” Halos mabingi na si Maude sa lakas ng sigaw ng kaibigan sa kabilang linya.
“Maude nga, hindi Monde. Ano ako mamon? Ano ba ‘yan at kung makasigaw ka ay halos lumabas na ang lalamunan mo sa selpon,” may halong inip na wika ni Maude.
“Well, I can’t say it here. You need to meet me at the coffee shop near the company. Dalian mo!” Pagkatapos sabihin ni Sarah iyon ay agad na niyang pinatay ang tawag without even waiting for Maude’s response. 
Napangiwi nalang si Maude sa biglang pagpatay ng kaibigan sa tawag. Napaisip tuloy ito kung ano na naman ba ang balak sabihin sa kanya ng kaibigan at bakit gano’n na lang ang pagmamadali niyang papuntahin si Maude sa coffee shop.
Gayunpaman, agad nang nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga upang mabilis itong makarating. Medyo malayo pa kasi ang coffee shop sa kinaroroonan niya pero pwede na ring lakarin kahit papaano.
“OH ANO? Sabihin mo na,” pagmamadali nitong utos kay Sarah sabay upo sa bakanteng upuan sa harap ng kaibigan nang makarating ito sa coffee shop. 
Sarah is busy reading on her tablet while her face was slightly covered with her bangs. Hanggang balikat ang kulot at kulay kayumangging buhok nito. Nakasuot din ito ng kulay itim na headband na siyang nakadagdag sa ganda niya.
She is an Assistant Controller at Accounting and Credits Department in RF Hotel, ang isa sa pinakasikat na 5-star hotel sa Pilipinas na maraming hotel branches at resorts sa iba’t-ibang parte ng bansa, kaya obviously she is wearing a corporate attire which is a black long sleeve turtleneck paired with gray knee-length pencil skirt. Suot niya rin ang kanyang identity card na nakadagdag pa lalo sa pagiging pormal niya.
Nang mapansin na niya si Maude ay agad niyang sinipat ang kaibigan. “Seriously? You came here wearing that jogging pants and jacket?”
Tumango si Maude. “Oo? May mali ba sa suot ko?” tanong ng dalaga bago pinasadahan ng tingin ang sarili. 
“Hindi naman sa masama but look, you’re the only one who’s wearing such outfit.” Sarah gestured her hands towards the customers to show her that all of the customers are wearing formal and semi-formal attire. Tinignan naman ni Maude ang mga iyon at tama nga ang kaibigan. Siya lang ang nakasuot ng jacket at jogging pants doon. Nakaayos ang lahat samantalang siya, ni hindi pa nakakaligo. 
Napatikhim ito at ibinalik ang tingin sa kaibigan. “Ano ngayon? Wala naman sigurong patakaran dito na hindi pwedeng pumasok dito sa coffee ang ganito ang suot,” pagdadahilan nito saka ngumiwi. “Siya nga pala, imbes na itong suot ko ang problemahin mo, bakit hindi mo nalang sabihin ‘yang good news mo? Umay na ang tenga ko sa palaging bad news kaya sabihin mo na,” pag-iiba nito ng topic.
“Okay, fine.” Inayos ni Sarah ang upo saka seryosong tumingin kay Maude. “Our CEO is looking for a new employee in HR Department. There will be a job interview tomorrow, and you must come if you want a job. Ten o’clock in the morning. Dapat mas agahan mo pa kasi limited lang daw ang kukuhaning applicants,” seryoso nitong paliwanag. Her face is indeed intimidating when she’s not smiling kaya hindi alintana na tinatawag siyang ‘girl version ng CEO ng kumpanya’ dahil sa hitsura.
“And also, bring your resume,” she added.
“W-Wait, sigurado ka ba?” Duda man ay bakas naman ang tuwa sa mukha ni Maude. She was just nonplussed that she she doesn’t even know what to say.
“Do I look like joking? Bakit ko sasayangin ang oras ko na pumunta dito just to prank you?” Pabirong umirap si Sarah sa kaibigan. “Kaya dapat ayusin mo para parehas na tayo ng kumpanyang papasukan. Alam kong makakapasa ka,” she encouraged.
Napatalon sa tuwa si Maude. “Oo na. Sige na. Makakapasa talaga ako! Salamat, Sarah!” magiliw nitong wika na ikinalingon pa ng ibang customer sa direksyon nila. 
“No problem, Monde. See you tomorrow. Galingan mo!” Tumayo na si Sarah pagkatapos sabihin iyon kay Maude bago pinulot ang iPad at kape sa mesa.
“So, I need to go na. See you nalang later sa apartment,” paalam niya kay Maude. Tumango naman ang dalaga kaya malaya na iyong lumabas ng kapehan. 
Hindi mapawi ang ngiti ni Maude na ibinaling ang tingin sa malaking kumpanya sa labas. She even squealed lightly at the thought of working in that well-known company. “Kaya mo ‘to, Mau. Dapat makapasa ka!” she encouraged herself and when she realized that her voice was slightly loud, she awkwardly roamed her eyes around the coffee shop. Mabuti na lang at walang nakatingin sa kanya.
Nakangiti itong tumayo galing sa kinauupuan upang umalis na ng coffee shop.
She was about to reach the doorway when she remembered the latte which her best friend ordered for her na hindi niya pa nababawasan kahit kaunti kaya bumalik siya sa table upang kuhain ulit iyon. Sayang naman.
Naisip nitong ang mahal ng mga kape sa ganitong kapehan tapos iiwan niya lang? Sabi pa naman nila na mas masarap ang libre kaysa binili mo gamit ang sariling pera. Isa pa, wala talaga siyang pera para bumili ng ganitong kape. Sa three-in-one pa nga lang ay hirap na siyang gastusin ang pera, sa ganito pa kayang kape?
Pagkalabas nito sa coffee shop ay agad na tumambad ang malaking hotel sa paningin ni Maude. Sa kabilang kalsada man iyon ay kita parin naman niya ang mga taxi na humihinto sa labas at kalaunan ay may lumalabas namang mga tao at pumapasok sa loob.
Muling bumuo ang malapad na ngiti ni Maude habang puno ng pag-asa at positibong nakapako ang mga mata sa kumpanya. “Magta-trabaho rin ako dito, soon!” she whispered under her breath before leaving.

Comentário do Livro (25)

  • avatar
    Princess Heidy Bernardino

    good

    6d

      0
  • avatar
    Reniel Basit

    thanks

    21/07

      0
  • avatar
    Radha Eleanora Uccello

    Do read this!! This is a great story! I'm so curious about what will happen. Waiting for your update, Author!💚

    18/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes