logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7 - The Villain

Amber's POV
Gabi na at katatapos lang naming kumain ng hapunan ni Gypsi. I must say she's a good cook. Although puro spells at kung ano anong food potions ang ginamit niya kaya siguro ganun na lang kasarap ang hapunan namin.
Ngayon ay nagpapahinga na lang kami sa kwarto namin. Gypsi is currently reading a thick spell book on her study table, which was on the side of her bed. At ako? I'm trying to deal with my mind which is currently a mess.
Naalala ko na naman bigla ang nangyari kanina sa Verenity Garden. My first encounter with the Ice Phantom.
'Umalis ka na. Umalis ka na kung ayaw mong mapaglamayan ng maaga ang bangkay mo.'
His voice sure is as cold as his name.
'You're brave. But weak.'
And so is he.
Pumikit ako ng mariin at hiniga ang sarili sa kama saka ako nagpakawala ng isang malalim na hininga.
I don't really give a damn about him, I mean, I am supposed to not give a single shit about his existence. But still, I'm curious about his being. And I don't even know why.
Naalala ko rin ang bigla niyang pagkawala kanina. Was that his magic technique? Hays!
Ano ba kasi talaga ang kinakatakutan ng lahat sakanya? Hindi naman siya mukhang halimaw para katakutan. Sadyang suplado lang talaga siya at mukhang may galit sa mundo but I don't find him harmful at all.
Naiinis na ginulo ko ang buhok ko. Argh! What do I know about him, anyway? I just met him for Pete's sake.
Tsk! Leshe naman kasing Ice Phantom na 'yan. Masyado siyang misteryoso, naiintriga tuloy ako. Simula pa lang talaga kasi noong una kong narinig ang pangalan niya ay nahiwagaan na talaga ako. And I unconsciously told myself to discover the mysteries behind that name.
"Amber?" Napalingon ako kay Gypsi na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa'kin. "Is something wrong?"
Umiling iling na lang ako. Pero sa totoo niyan ay nangangati na akong magtanong sakanya tungkol sa Ice Phantom.
"Are you sure?" Aniya. "May gusto ka bang itanong?"
"Wala."
Ano pa ang nalalaman mo tungkol sa Ice Phantom?
My mind almost screamed.
"Okay," Gypsi shrugged. "Suit yourself-"
"Ano pa ang nalalaman mo tungkol sa Ice Phantom?" Wala sa sariling bulalas ko. Nanlaki pa nga ang mga mata ko pero sa huli ay tinanggap ko na rin ang katangahan ko. Ano pa ba ang magagawa ko eh lumabas na 'yon sa bibig ko?
Gypsi's face turned serious as she closed the spell book she was reading. "Amber, ilang beses na kitang sinabihan hindi ba? Don't get attached with the Ice Phantom in any way. Just stay away from him, like everybody else."
I bit my lower lip to hold the sudden emotion I can't quite figure out between anger or pity.
Hindi ba nila alam kung gaano ka hirap ang pakiramdam na nag-iisa ka lang? Na parang ang mundo ay kinakalaban ka at wala kang may mapuntahan, wala kang karamay, wala kang kakampi?
Hindi ba nila alam kung ano ang pakiramdam na naiiba ka? Na walang may nakakaintindi sa'yo?
Hindi ba nila alam kung ano ang pakiramdam na hindi ka tanggap? Na hinuhusgahan ka lang kahit na hindi ka pa naman talaga nila kilala?
Kasi ako, oo! Alam na alam ko ang pakiramdaman na 'yon. At sobrang hirap. Sobra!
At ngayon sasabihan niya lang ako na iwasan ang isang taong hindi ko pa naman nakikilala? They want me to believe someone's a monster when I haven't even saw him morphed into one. Isn't it rude?
'Just stay away from him, like everybody else.' My thoughts echoed Gypsi's words.
Iniiwasan din ako ng mga tao noon dun sa Human World. Even the ones I've trusted also left and abandoned me, just like everybody else. And it broke me big time.
Umiwas ako ng tingin kay Gypsi.
Siguro ngayon ay alam ko na kung bakit hindi mawala wala ang Ice Phantom sa isip ko. Alam ko na kung bakit gusto kong makilala ang tao sa likod ng pangalang Ice Phantom.
And that's because I know his pain. No, I don't know how exactly it feels to him but I do know how it hurts. Kasi ako mismo, naranasan na rin ang nararanasan niya ngayon.
That's why I don't want to judge him, just like everybody else.
I don't want to avoid him, just like everybody else.
And I want to get to know him and his past, even when everybody else don't.
"It's for your own sake, Amber," giit ni Gypsi na tumayo mula sa study table niya at tumungo sa'kin. "The Ice Phantom is nothing but trouble."
"You want me to judge him by your own perspective," I said. "But I'm gonna judge him through my own point of view."
It just doesn't feel right to be told that I should avoid him. Hindi ko naman ugali ang mangealam sa buhay ng may buhay. Hindi rin ako naghahanap ng gulo pero gusto ko lang din namang malaman ang side ng Ice Phantom.
Paano kung mali lang ang pagkakabasa ng lahat sakanya? Katulad ko nung nasa Human World ako. Everyone thought I was a monster when all I ever wanted to do was live a normal life. Paano kung 'yon din pala ang gusto ng Ice Phantom?
"That's a horrible idea, Amber," she said, begging. "Ipapahamak mo lang ang sarili mo, Amber. Dealing with the Ice Phantom means dealing with danger."
"Then atleast give me one specific reason why I should avoid him," I crossed my arms. "Alam mo ba kung bakit ganyan siya? Alam mo ba ang istorya ng buhay niya?"
"Knowledge isn't always power, Amber. Ba't ba kasi hindi ka na lang makinig? Even Wade is warning you about the Ice Phantom. Everyone is afraid of him because of a reason, Amber."
This conversation will never get to the point. It's only a complete waste of time and energy kaya hindi na ako nag-abala pang sumagot. Sa halip ay tumayo ako mula sa pagkakahiga.
"Magpapahangin muna ako sa labas," paalam ko.
"Saan ka pupunta? Sasama ako."
Mukhang may isang lugar akong gustong puntahan ngayon.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Gypsi.
"Sa Verenity Garden."
**
Tahimik kaming naglalakad ngayon ni Gypsi. Hindi pa man kami masyadong nakakalayo mula sa dorm ay hindi ko na mabilang kung ilang salita na ang lumabas sa bibig ni Gypsi.
"Are you going to mess with the Ice Phantom again?" Reklamo niya. Ilang beses na niyang pinapaalala sa'kin na masamang ideya ang pagpunta sa Verenity Garden dahil baka nandoon daw ang Ice Phantom. "Bumalik na lang tayo sa dorm. Gabi na at baka mapahamak pa tayo."
"Bumalik ka sa dorm kung gusto mo," Cold kong sabi. "Hindi naman kita pinilit na sumama dito."
I heard her sigh in defeat. "Kung hindi ka lang talaga ibinilin ni headmistress Xarafina sa'kin, naku!" She mumbled, but I was still able to clear out every word.
Tumungo na nga kami sa Verenity Garden. Nakabuntot lang si Gypsi sa likod ko habang hawak hawak ang wand niya.
Pagdating sa garden ay hindi kami pumasok. Sa halip ay tumayo lang kami sa labas ng gate ng garden. Still the same, nagyeyelo pa rin ito.
Is he there?
Wala naman talaga sa plano ko ang pumasok kasi nga baka nandyan talaga siya sa loob. Oo, natatakot rin ako sakanya. But aside from that, ayoko ring istorbohin siya. Tsk! Ewan ko ba at ginusto ko pang pumunta dito.
"Ayan na," ani Gypsi sabay kinalabit ang braso ko. "Nakita mo na ang Verenity Garden kaya pwedi na tayong bumalik. It's already past 8 at baka mapagalitan tayo kapag nakita tayong lumalabas pa ng dorm."
"Nasabi sa'kin ni Wade na 10 pm ang curfew," kunot noo kong sabi. "Don't try to fool me, Gypsi. Tsaka marami tayong nadaanang mga estudyanteng gumagala rin."
Gypsi pouted and looked away. "Akala ko makakalusot eh."
Nakatayo lang kami doon pero makalipas ang ilang minuto ay napagtanto ko na ring para akong baliw. It's so stupid of me going here. At ngayon ko lang naisip 'yon. Ugh!
"Let's go," sabi ko na lang na siya namang ikinatuwa ni Gypsi.
"Salamat naman," masayang wika niya. "Tara na! May bago akong naisip na food potion. We should try it."
Napailing na lang ako. Ang hilig niyang mag-experiment ng mga potions. Well, she's a witch after all.
Akmang aalis na sana kami nang may marinig kaming kalabog na nanggaling sa loob ng garden. Nagkatinginan pa kami ni Gypsi.
"Halika na, Amber." Bakas ang kaba sa boses ni Gypsi. "Baka beast mode ang Ice Phantom at tayo pa ang mapagbuntungan ng galit. Naku! Wala pa namang katao tao dito, wala tayong mahihingan ng tulong."
Sinubukan akong hilahin ni Gypsi pero hindi ako nagpatinag. Nakatingin lang ako sa gate ng garden na nagtataka.
Pakiramdam ko kasi may mali.
May mga sumonod pang kalabog kaming narinig at mas lumakas pa ang kutob ko na may maling nangyayari sa loob. And I felt like I needed to see what was happening inside. Kailangan kong makita kung ano ang nangyayari sa loob.
"Gypsi, kailangan nating pumasok," sabi ko.
"Amber, delikado," takot at pagaalinlangan ang nakita ko sa mga mata ni Gypsi. "Umalis na lang tayo."
"Hindi kakayanin ng konsenya ko, Gypsi," I said. "Just help me open the gate as quietly as possible. Please. Kahit ako na lang ang pumasok."
"Hindi kita pweding iwan. Mapapagalitan ako ng headmistress."
"Then help me."
Wala na ring nagawa si Gypsi kundi ang pumayag kahit na alam kong labag iyon sa kalooban niya.
"I cast a spell upon a gate as old as ancient greek, It shall open partly without a single creak." Gypsi chanted as she waved her wand.
Upon her spell, the gate started to move. Bahagyang bumukas ang gate na walang kahit anong ingay na maririnig. Sakto lang ang naging bukas nito at kaya siguradong kakasya kami ni Gypsi.
"Do we really have to do this?" Nanginginig na sabi ni Gypsi.
"It's okay if you don't come with me," sabi ko saknya at akmang papasok na sana pero dinampot niya ang braso ko.
She gulped. "Let's do this."
Tumango na lang ako at sabay nga kaming pumasok. Alam kong pareho kaming kinakabahan at natatakot pero nagawa pa rin naming pumasok na walang ginagawang ingay.
Patago kaming naglakad sa loob habang hinahanap ang posibleng pinagmulan ng kalabog. Hanggang sa may nakita na kaming dalawang tao sa 'di kalayuan sa pinakasentro ng Verenity Garden. Hinila ko si Gypsi at patago kaming lumapit saka nagtago sa likod ng isang malaking puno.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang malamig na boses ng Ice Phantom. Agad akong sumilip sa likod ng puno para makita kung ano na ang nangyayari.
Kausap ng Ice Phantom ang isang tao na nakatayo 'di kalayuan sa harap niya. Hindi ko maaninag ang mukha nito kasi nakasuot siya ng mahabang cloak at natatakpan ang mukha niya ng tela.
Ang taong kausap ng Ice Phantom ay bigla na lang tumawa. At agad na nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang malademonyo nitong boses.
Napasinghap naman ako ng hangin ng biglang piniga ni Gypsi ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at nakitang namumutla at naiiyak na siya.
Pinaupo ko siya para pakalmahin at para na rin masigurong hindi kami makikita sa likod ng puno saka ko hinawakan ang magkabilang kamay nito na kapwang nanginginig at sobrang lamig.
"Ano'ng nangyari sa'yo?" Natataranta pero mahinang tanong ko. "Gypsi."
"A-ang... Ang b-boses n-na 'yon-" pautal utal na sabi niya habang hinahabol ang hininga niya.
"Bakit?" Kumalabog na rin ang puso ko dahil sa matinding takot at kaba. "Bakit, Gypsi? Sino ang kausap ng Ice Phantom?"
Bumagsak na ang mga luha ni Gypsi at mas humigpit pa ang pagkakapit niya sa mga kamay ko.
"Gypsi, sino? Sino ang kausap ng Ice Phantom?" Tanong ko ulit dahil hindi siya nakasagot.
"C-could it be," nauutal pa rin siya."Could it be the Dark Lord?"

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    RobertoDeje

    good

    15/07

      0
  • avatar
    Gina Delacruz

    ♥️♥️♥️

    04/05

      0
  • avatar
    Tarcila Villegas

    very nice

    01/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes