logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chaoter 5 - Ice Phantom

Amber's POV
Masamang tinitignan ko ngayon si Wade habang sarap na sarap lang ito sa nilalantakang mga pagkain. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at dahil nga class hours ngayon ay kami lang ang tanging estudyante dito. Tsk!
"Alam ko naman na gwapo ako at talagang ang sarap lang titigan ng gwapo kong mukha," bigla sabi nito saka tumingin sa'kin sabay ngisi. Napaiwas tuloy ako ng tingin. "Pero huwag naman ngayon, nahihirapan ako kumain kapag tinititigan ako."
Tsk! Why did I even get attached to this badass jerk?
——Flashback
"Kain muna tayo, nagugutom ako," He grinned and pulled me swiftly I had no time to react.
"H-hoy! Ano ba!" I protested but my strength was no match for his.
Kinaladkad niya ako patungo sa pinto ng Training Center at akmang lalabas na sana kami ng biglang sumara ng napakalakas ang pinto bago pa man kami tuluyang makarating doon.
"At saan kayo pupunta?" Sabay kaming napalingon at nakita si Professor Tims na nakatayo 'di kalayuan sa'min. Maging ang mga kaklase namin ay napatingin din dito sa gawi namin ni Wade.
"May bibilhin lang sa cafeteria, Professor Nerd," Taas noong sagot naman ni Wade na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko kahit na kanina pa ako nagpupumiglas.
"Professor ayaw niya po akong bitawan!" Pagsusumbong ko. Hmpf! Tignan lang natin kung makakapunta ka pa sa cafeteria ngayong nahuli ka na ni Professor Tims.
"I have been warned about your filthy attitude Mr. Bruinen," seryosong saad naman ng propesor. "And I have never imagined it to be this worse."
"I'm way beyond your expectation, Prof. Nerd," nakangising sabi ni Wade. "But anyway, aalis na kami ni Amber."
Hinigit niya akong muli at tinangkang buksan ang pinto pero hindi na nito mabuksan ang door knob. I secretly sighed in relief.
"Walang lalabas sa Training Center hangga't hindi pa natatapos ang klase ko," maotoridad na utos ni Professor Tims. "Bumalik na kayo sa area niyo dahil wala kayong lalabasan dito."
"Narinig mo na si professor," singit ko na rin kasi kanina pa ako naiinip. "Halika na—"
Hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko kasi bigla na lang akong nilamon ng tubig kaya napapikit na lang din ako. Pagmulat ko, nasa cafeteria na ako.
——End of flashback
"Paano tayo napunta agad kanina dito sa cafeteria?" Matigas kong tanong kay Wade.
"Hmm, you're interested about me, huh?" He smirked and sipped on his frappe. "It's one of my magic techniques, Hydroportation. The ability to teleport using water. Magic techniques are one of the best advantages of being an elemental."
"Amber! Wade!" Napalingon kaming bigla sa direksyon ng tumawag sa pangalan namin at bumulaga naman ang galit na mukha ni Professor Kors sa'min. Lumingon ako kay Wade at sinamaan siya ng tingin. Napakamot lang siya sa batok niya at ngumiti. Ugh!
"What's with the angry face, Professor Kors?" Chill lang na tanong ni Wade na kinindatan pa ang propesora. "Huwag ganyan, nababawasan ang beauty mo."
Bahagya namang napaayos ng mukha si Professor Kors kaya napataas ako ng kilay. Ibang klase rin ang tama ng Wade na'to.
"Kahit kailan pasaway ka talagang bata ka," tukoy ng propesora kay Wade. "Pati si Amber dinamay mo pa. Oh! Ito."
Nilapag niya sa table namin ang dalawang pulang slip. Nagtatakang kinuha ko ang isa at binasa. Detention Slip. Halos maningkit naman ang mga mata ko.
"Detention?" I blurted out. "Akala ko ba nadamay lang ako sa kalokohan ng lalaking 'to?"
"Exactly," nakangising saad ni Wade. "Damay ka sa kalokohan ko kaya damay ka rin sa parusang 'to. Damay damay na."
Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko para makapagtimpi. Argh! Kaasar talaga ang lalaki na'to.
Habang pinaniningkitan ko siya ng mata at patagong pinapatay sa utak ko ay tawa lang ng tawa ang unggoy. Walanjo!
Bigla ay naramdaman ko ang enerhiya sa katawan ko na parang nagwawala. I shook my head to calm myself down. Alam kong isa sa disadvantage ng pagkakaroon ng mahika ay ang emosyon. Kasi kung hindi mo makokontrol ang emosyon mo ay hindi mo rin makokontrol ang kapangyarihan mo.
I was almost successful of calming myself pero hindi ko sinasadyang mapatingin sa nakakairitang mukha ng unggoy na hanggang ngayon ay tawang tawa pa rin. At 'yon na. My bubbles bursted.
"Argh!" Iritang bulalas ko at kasabay nun ay ang pagliyab ng buong katawan ko kaya agad na napaatras sina Wade at Professor Kors. Hindi ko namalayang sobrang lakas at laki pala ng apoy kaya mabilis nitong nilamon ang kalapit na mga upuan at lamesa.
"Amber!" I heard Professor Kors exclaimed.
Nataranta na rin ako dahil 'di ko alam kung ano na gagawin ko pero biglang may tumamang sunod sunod na water balls sa braso ko kaya napasigaw ako sa sakit. I fell down on my knees while clutching my pained arm.
"Aray!" Daing ko. But fortunately, the fire around me started to fade.
Agad namang lumapit sa'kin sina Wade at Professor Kors at kinamusta ako.
"I'm sorry, Amber." Hindk ko matukoy pero bakas sa boses ni Wade ang pag-aalala. Lumuhod siya sa harap ko at tinignan ang braso ko. "I'm really sorry."
Strange. The pain suddenly faded. "O-okay lang ako."
"Teka, wala kang natamong sugat?" Takang tanong ni Wade. Napatitig ako sakanya at napansing hinihingal siya at sobrang pinagpawisan.
Unti unti kong inangat ang palad ko sa harap niya. Nagtataka naman itong tumingin sa'kin saka sa palad ko. I counted a few seconds bago ko ipinaliyab ang palad ko.
Biglang napasigaw ni Wade sabay gapang palayo at natatarantang tumayo. Nagtago pa ang loko sa likod ni Professor Kors.
"Pft!" Nagpigil ako ng tawa. "Takot ka sa apoy?"
"That was a terrible thing to do, Amber." Halos mamula ito sa galit.
"Ewan ko sa inyong dalawa," umiiling na sabi ng propesora. "Pumunta na kayo sa Student's Council's Office at gawin niyo na ang parusa ninyo."
Bumuntong hininga na lang ako at tumungo na nga kami ni Wade sa SCO. He's still cursing, by the way.
**
Nandito na kami ngayon sa SCO at kasalukuyang naghihintay ng grasya—este, parusa. Hay!
Maya maya ay dumating na rin nga ang president ng Student's Council. "Ang parusa ninyong dalawa ay ang maglinis pero sa magkaibang facility o lugar. Wade Bruinen, na-assign kang maglinis sa library habang ikaw naman Amber Weiss, sa Verenity Garden."
Magrereklamo pa sana si Wade pero hinila ko na rin siya para matapos na ang kalokohang 'to. "Sumunod ka na lang kung ayaw mong tadtarin kita ng fireballs." Banta ko pa sakanya.
"Gaah!" He sighed in disbelief. "Pangalawa ako sa Honorarchy List pero blackmailed ako ng isang newbie. Hustisya! Asan ka?"
"Shut up!" Sabi ko na lang pero palihim akong napangisi. Well, I guess he's not that bad after all.
Naghiwalay na nga kami ng daan ni Wade at tumungo na ako sa Verenity Garden. Nasa harap na ako ng gate nang matigilan ako.
It was still covered in ice. Maging ang cementadong lupa ng garden ay nagyeyelo pa rin. At dun ko na naalala ang Ice Phantom. Naalala ko na lang rin bigla ang usapan namin ni Gypsi tungkol sakanya.
'Nakita mo naman kanina ang yelo na unti unting pumupunta sa direksyon natin 'di ba? Kagagawan iyon ng Ice Phantom. Obviously, he controls the element of ice. At siya yung tipong dapat hindi pinapakialaman.'
'Siya lang naman ang nangunguna sa Honorarchy List sa buong paaralan. Imagine, talo pa niya ang mga Primary Elementals na silang mga naturingang may malalakas na mahikang taglay.'
'Simula nung dumating siya dito sa Archantia ay iniiwasan na talaga siya ng lahat. Noone ever bothered to know his identity hanggang sa isang araw, binansagan na lang siyang Ice Phantom at 'yon na ang naging tawag ng lahat sakanya ever since.'
'Why would everyone avoid him?'
'You don't want to know.'
My thoughts echoed our conversation.
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka tinulak ang gate. It creeked loudly again and I just prepared myself for whatever might be waiting for me inside the garden.
Oo, kinakabahan ako. Pero wala namang mangyayari kung magpapalamon lang ako sa takot ko. Fear is a reaction, courage is a decision.
And come on, I'm fire, he's ice. Isa akong primary elemental habang siya secondary lang.
"Pero siya ang nangunguna sa Honorarchy List habang ikaw newbie lang," Pagkontra naman ng konsensya ko. I rolled my eyes at myself.
Tuluyan na nga akong pumasok. I was surprised to see snows falling down the ground. Napatingin ako sa labas pero hindi naman nags-snow doon at tanging dito lang sa loob ng garden.
Hindi ko namalayang ngumingiti na pala ako na parang ewan habang nakatingin lang sa mga snow na nahuhulog. I have no idea where they are coming from but I love the view. Everything were covered in snow. The plants, trees, everything.
Sinalo ko sa mga palad ko ang mga snow at napasimangot kasi agad silang natutunaw. Pero pinagpatuloy ko pa rin.
I wandered around. Tuwang tuwa pa rin ako sa katitingin sa mga snow hanggang sa may mabangga ako sa likuran ko. I immediately wheeled around only to see a guy with a snowball on his hand.
He was tall and white. His ash gray hair was messy but it suited him. And his eyes, those baby blue eyes. Nakasuot din siya ng uniform ng Archantia kaya siguradong estudyante din siya dito. But... Is he the Ice Phantom?
A grin suddenly crept across his lips which sent shivers down my spine. "How dare you step foot in my territory?" His voice was deep.
Hindi ako nagsalita at nanatili lang kaming nakatayo sa harap ng isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayokong ipakitang natatakot ako sakanya at ayoko rin namang galitin siya kaya mas minabuti ko na lang na manahimik.
Siya na nga ba ang sinasabi nilang Ice Phantom? Kung siya nga, well, wow! He's far from what I have expected. I guess he's just too handsome to be a phantom.
Sandali akong mariin na napapikit kasi kung ano ano na ang sinasabi ko sa utak ko. Ghad! Too handsome to be a phantom? Please.
"Umalis ka na," utos nito at biglang naging ice bolt ang kanina'y snowball sa kamay niya. "Umalis ka na kung ayaw mong mapaglamayan ng maaga ang bangkay mo."
"Hindi," I said firmly. Mukhang nagulat naman siya. "May kailangan akong gawin dito kaya ikaw ang umalis."
'Yan, tama! Maglilinis ako dito kaya umalis ka muna.
"Tsk! Tsk! Tsk!" Anito at tumawa. Binasag niya ang ice bolt na hawak niya kaya nalaglag ang mga piraso sa lupa saka siya naglakad patungo sa'kin.
I balled my hands into fist and stood still on the ground. Ngayon ay nasa harapan ko na siya at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.
"You're brave," aniya. "But weak."
"Let go of her," Napalingon kami at nakita si Wade na papalapit na sa'min.
Bigla ay nawala na ang bigat ng kamay ni Ice Phantom sa ulo ko kaya napatingin ako sa gawi niya pero nabigla ako.
He was gone.

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    RobertoDeje

    good

    15/07

      0
  • avatar
    Gina Delacruz

    ♥️♥️♥️

    04/05

      0
  • avatar
    Tarcila Villegas

    very nice

    01/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes