‘Love’ Salitang napakadali sabihin pero salitang mahirap paniwalaan kung totoo ba o hindi. Napakasimpleng salita na kapag sinabi mo ay parang sapat na para ayusin ang lahat. Pero habang tumatanda ako, naunawaan ko na hindi lahat ng bagay ay nadadala ng salitang “mahal kita”. Minsan ginagamit lang iyon para paniwalain ka sa bagay na imposible, o hindi naman kaya ay para manatili ka lamang. Minsan ginagamit lang din iyon para patawarin mo sila sa mga maling ginawa nila… para makalimutan mo ang sakit na binigay nila. At minsan sinasabi lang nila iyon dahil convenient para sa kanila. I used to believe in love once. Bata pa ako noon, hindi ko pa naiintindihan kung bakit mas madaling umalis ang tao kaysa manatili. Hanggang sa natuto akong tumigil… Tumigil umasa, maghintay at maniwala. Because the truth is, people leave eventually. Some just do it slower than others. “Serene.” Hindi ko agad inangat ang tingin mula sa laptop ko habang tinatype ang last few entries sa report na kailangan ipasa bago mag-Friday. “Hm?” “Six thirty na.” Napatingin ako saglit sa oras na nasa baba nh screen bago muling bumalik sa ginagawa ko. “So?” Narinig kong bumuntong-hininga si Trisha mula sa cubicle sa tapat ko. “Normal people go home kapag gantong oras na.” “Good for them.” walang emosiyon kong saad. “Hindi ka ba napapagod?” Tanong niyo. “The important thing is I'm alive, aren’t I?” “Barely.” Napailing ako nang mahina habang inaayos ang spreadsheet. Sa peripheral vision ko, nakita kong nakasandal na siya sa divider ng cubicle ko habang hawak ang iced coffee niya. “You seriously need a life.” sambit nito. “I have one.” “Work isn’t a life.” “Sabi ng taong tatlong beses na nag-breakdown dahil sa boyfriend niya.” I rolled my eyes after saying that. “Below the belt ’yon.” parang nahihiya na ewan niyang saad. “You started it.” medyo mapang-asar kong saad at nag-smirk pa. Napairap siya pero natawa rin pagkatapos. Sanay na siya sa ugali ko. Most people in the office were. I'm straight forward when I want to say things. Hindi mahilig makipag-close. Hindi rin mahilig makipagkwentuhan tungkol sa love life na parang mandatory topic every lunch break. Honestly, I preferred it that way. Less attachment. Less disappointment. Simpleng buhay para sa akin. “Alam mo,” sabi ni Trisha habang naglalakad palpit sa upuan ko, “feeling ko talaga may trauma ka.” “Feeling ko rin marami kang time para pakialaman ako,” “Serene.” tawag niya. “What?” “Hindi normal ’yung zero interest ka sa relationships.” I finally looked at her at nakapameywang na ito. “Normal din bang umiyak sa restroom ng office dahil lang hindi nagreply boyfriend mo?” Tinuro niya ako gamit ang straw ng iniinom niya. “One day, makakahanap ka rin ng katapat mo.” I almost laughed at that. “Doubt it.” “Bakit? Maganda ka naman.” “That’s not the point.” “Eh ano?” I leaned back slightly against my chair and crossed my arms. “The point is… I don’t need one.” Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng relationship para maging masaya. Hindi ko kailangan ng ibang tao para maramdaman na enough ako. Hindi ko kailangan umasa sa iba para lang hindi makaramdam ng lungkot. Because people always come with consequences. And I was too tired for that. “Ang labo mo talaga minsan,” sabi ni Trisha habang umiiling. “Well.” “Negative sayo.” “Same thing.” Tumawa siya nang mahina bago bumalik sa desk niya. The office slowly quieted as employees started leaving one by one. May ilan pang nag-uusap malapit sa pantry habang naghahanda nang umuwi, pero karamihan, wala na. Typical weekday. Ako na lang halos lagi ang natitira. Not because I loved working. I just liked staying busy. Kapag busy ka, wala kang oras mag-isip ng mga bagay na ayaw mong maramdaman. I saved the file and exhaled softly. Pagod na rin ako. Maya-maya, tumayo ako para kumuha ng tubig sa pantry. Tahimik na ang buong floor kumpara kanina. The bright office lights felt colder now that fewer people were around. Habang naglalakad ako pabalik, narinig kong may nag-uusap malapit sa elevator. “Darating daw ngayon si Mr. Villareal.” “Ano? Ngayon?” “Yes! Nasa meeting with the executives.” Napahinto saglit si Trisha sa pag-aayos ng gamit niya. “Oh my God,” bulong niya. “Nandito si Jackson Villareal?” One of the girls nodded excitedly. I continued walking as if wala akong narinig. “Hindi ka curious?” tanong agad ni Trisha nang makabalik ako sa desk. “About?” “The CEO.” I took a sip from my water bottle. “Should I be?” “Serene, hello? Siya si Jackson Villareal.” “And?” “Grabe, ‘and’ lang talaga?” Napakibit-balikat ako. I knew who he was, obviously. Everyone did. A successful young CEO. The type of man na laging laman ng business magazines and interviews online. People admired him too much for someone they didn’t actually know. “He’s handsome daw,” dagdag pa ni Trisha. “Congratulations to him.” Napatawa siya nang malakas. “Ang hirap mong kausap.” “Because I don’t care.” At totoo naman. Men like him belonged in a completely different world. A world full of expensive dinners, media cameras, business deals, and polished smiles. Hindi mundo ng mga katulad ko na mas pinipiling mag-isa kaysa sumama sa office parties. “Hindi ka talaga mahilig maki-socialize, ano?” tanong niya ulit. Hindi ako agad nakasagot. For a moment, an image flashed briefly inside my head. A voice saying, “Maiintindihan mo rin paglaki mo.” Then, the door closes. I blinked and pushed the memory away before it could settle. “No,” mahinahon kong sagot. “Bakit?” I looked down at the bottle in my hand. “Because people change.” “Lahat naman nagbabago.” “Exactly.” Napatahimik siya pagkatapos noon. Hindi dahil offended siya. Kilala niya ako enough to know na kapag ganoon na ako sumagot, tapos na ang usapan. A few minutes later, nagpatuloy ulit ako sa trabaho habang isa-isa nang umaalis ang mga tao sa floor. Habang nakatingin ako sa monitor ng laptop ko, hindi ko napansing may mga taong dumaan sa office floor. Didn’t notice the sudden shift in atmosphere. The quiet tension and the respectful greetings. At lalong hindi ko napansing may pares ng matang saglit na napahinto sa akin mula sa di kalayuan. Because at that moment, the last thing on my mind was to finish my work. And the last thing I expected was someone who would slowly ruin every wall I built around myself.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 26 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (221)
BatikinMaribel
Nice story highly recommend😍😍😍
09/04/2022
0
RevadeneraMaemae
Overall good yung story, but medyo confusing lang for me since biglang nag iba yung female lead. Nung una si Serene then biglang si Ryza na. I was already enjoying the flow of story sa aprt ni Serene then all of a sudden biglang nag iba yung flow and nag iba yung female lead. May I know po if bakit ganon? Just curious😅
Nice story highly recommend😍😍😍
09/04/2022
0Overall good yung story, but medyo confusing lang for me since biglang nag iba yung female lead. Nung una si Serene then biglang si Ryza na. I was already enjoying the flow of story sa aprt ni Serene then all of a sudden biglang nag iba yung flow and nag iba yung female lead. May I know po if bakit ganon? Just curious😅
17d
0nice
18/10
0Ver Todos