logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3.1

Pagod akong napahinto sa tapat nang napakalaking gate. Halatang alagang-alaga dahil napaka ganda ng labas. Feeling ko tuloy ako na si Dora the Explorer sa kaka-explore nitong buong kagubatan.
Hindi ko akalaing may tao palang magpapatayo ng ganito ka garang bahay. Sa bagay kung mayaman ka nga naman kahit anong trip na lamang ang maiisip mo sa buhay. Nakakalungkot lang dahil ang mga mahihirap mas lalo pang niluluklok sa putik.
I tried to look for other survivors but neither, one of them I did not even find. I feel sorry for them, I didn't do anything. I just don't know if anyone really survived besides me. Maybe I'll just pray and light a candle for them when I get home. Ang t*nga ko sa part na wala man lang akong na isakripisyo para sa kanila, para kay Anya. Ni, galos nga wala akong natamo. Ang daya ko!
“Tao po!” Sigaw ko mula sa labas. Nakailang sigaw pa ako bago ito bumukas. Taray automatic! Ang tayog ng gate nila para bang takot manakawan. Kung sa bagay kung mala-palasyo ba naman ang bahay mo natural lang na matakot kang manakawan lalo na kung maraming p’wedeng madekwat.
Maya-maya pa may dalawang armadong lalaki ang lumabas kakaiba ang suot nila para bang kasuotan na ginagamit kapag nakikipag-digma noong unang panahon. Tanging mata lamang nila ang nakikita ko, ngunit bakas sa kanila ang pagtataka nang pasadahan ako mula ulo hanggang paa. Nagtataka ba sila sa suot ko, well ako rin naman sa suot nila? Or, they might think I'm a murderer because of the traces of blood on my clothes. Madungis lang ako ngayon pero hindi ako mamatay tao.
Pinangako ko sa sarili  na hindi ko na ito lalabhan kahit kailan kahit multuhin pa ako ni Anya. Gusto ko pa ngang multuhin ako ni Anya, para mas makapagpaalam kami sa isa't isa nang maayos.
Itong dugo niya lamang kasing dumikit sa damit ko ang tanging naiwan niya sa’kin bukod pa sa bad ang good memories na kasama ko sila na mananatiling nakatatak sa isip ko. Si Jenica, Habek, lahat ng mga taong nasawi mapa bata man at matanda at lalong-lalo na si Anya mami-miss ko sila. Hindi man kami gano'n katagal na nagkasama ngunit may parte na sila sa puso ko.
We haven't been together that long but they have a part in my heart. They may be lost in the world but, they will remain here in my heart and they will never be lost. Nawala man sila sa mundong ibabaw atleast hindi na sila mabubura dito sa puso ko. Panghabang-buhay.
“Alam n’yo po ba kung saan ang terminal?”
Agad nila akong tinutukan ng sibat sa leeg nang tangkain kong humakbang papasok. Nagtatanong lang naman ako kung saan ang sakayan ng terminal?! Ang papangit ng ugali! Ang bilis mapikon!
May ano ba dito? Kung may birthday, makikikain ako. Sakto gutom na rin kasi ako. Wala naman sigurong masama maki-join? Well, kahit sino naman siguro ang nasa sitwasyon ko hindi lang gutom ang mararamdaman.
“Hulihin!” Sabi nang isa. Sa kaba ko wala sa sariling napatakbo ako sa loob. Ang mga nagkakasiyahan biglang natigil.
Natural, ako lang kasi ang hindi naka-formal attire. Ang mga suot nila parang sa prinsesa at prinsipe nagsisi tuloy ako kung bakit dito pa ako tumakbo. Minsan talaga pahamak ang padalos-dalos kong galaw! May debut siguro dito tapos dito piniling idinaos at ‘yung theme nila prince and princesses attire. Feeling ko Billionaire ang may birthday party ngayon. Ang dami kasing masasarap na pagkain sa hapag tapos ang paligid puno ng ginto. Sana walang CCTV para maka-dekwat ako kahit isa lang.
“Wow! Who made your dress? Ang ganda!” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung ano sa tanong nang isa sa’kin. Pero ang sarkastiko naman kung gagawin ko iyon. Hindi ko alam kung siya ang may birthday kasi ang gara rin ng gown niya para nga silang nagpapatalbugan sa ganda ng suot nila. Naalala ko nang JS from namin nang highschool ako hindi naman ganito ka bongga ang suot namin gano’n din nang mag 18th birthday ako.
“Ako si Zebana,” dagdag pa nito bago inilahad ang kamay. Nakuha ko naman ang gusto niya kaya nakipag-shakehands ako. Ang ibang kababaihan gano’n din ang  ginagawa nagpakilala sila isa-isa sa harap ko. Nakakangalay na nga makipag-kamay sa dami nila.
“Ah... Hindi ko rin alam kung saan eh, basta si mama bumili nito,” tugon ko sa naunang niyang tanong. Lumapit pa ang ibang kababaihan sa akin saka sinuri ang suot ko at ang dala-dala kong bag.
“That's right! Your dress is beautiful. How much do you need in exchange for your clothes...” sabi pa nang isa na nagpakilala sa pangalang Alanis as if she wanted to know my name.
“Ako si Lord Given Knoxvhiaza tawagin n’yu na lang akong Gave,” tugon ko. Tumaas ang kilay ko sa tanong nito. Hindi nga sure ba sila? Baka dito ako yumaman? Dahil lang sa damit? OMG! Parang gusto ko tuloy akyatin ang tuktok nito at  sumigaw ng i-KMJS na ‘yan!
Hinubad ni Zebana ang suot niyang k’wintas na mukang mamahalin sunod ang kaniyang hikaw na kasing laki ng gulong. Kung ibebenta niya iyon mas maraming damit pa ang mabibili niya na gaya nito. Gano'n din ang ginawa ng iba pa kanya-kanya silang hubad ng accessories nila. Hindi ba sila gumagamit ng utak? Para silang si Uri ‘yung hindi ko malilimutan ang batang nakita ko sa tabi ng maduming ilog na kahit ang pambansang bayani hindi alam.
Well, speaking of Uri, nandito siya at masamang nakatitig sa akin. Baka kung nakamamatay ang titig siguro kanina pa ako bumulagta. Tinarayan ko lamang ito saka nagpatuloy sa transaction. Pero hindi ko sure kung ipagbibili ko ba ito? Ito na lamang ang tanging bagay na naiwan sa akin ni Anya. Ang dugo niyang natuyo dito sa damit ko, pero hindi ko rin kayang tanggihan ang mga sandamakmak na alahas na nasa harapan ko na. Pagdating sa ganitong bagay aaminin ko. Oo na! Oo na! Ako na nag marupok ikaw ba naman? Alahas na magiging bato pa ba? Plus namumulubi ako ngayon.
“Ano willing ka bang ipagbili ang mga kagamitan mo?” Atat na tanong ni Zebana. Teka lang! Hindi ako makapag-isip ng maayos kapag ganitong napi-pressure ako na-blangko ang utak ko.
“Wait lang!” sabi ko. “Time Freeze muna mag-iisip lang ako... Mga One seconds. O, sige! Okay na my final decision is–
“Hindi niya ipagbibili ang kaniyang mga kagamitan,” sabi ng lalaking nasa tabi ko gamit ang kaniyang malalim na boses. Galit akong napabaling sa kaniya pero agad din umamo ang aking ekspresyon.
Lord! Kunin ninyo na po ako... Angel ba itong mas harap ko?

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Witty_pen

    must read💜 keep it up po and more stories to come!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Jheyannaevan

    diamonds for me

    31/07

      0
  • avatar
    VillaruelRonyrose

    nakaka takot na story Ang thanks

    29/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes