logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2.2

“Alam ko po,” tugon ni Anya bago kami tuluyang iwan ni Nanang para ayusin ang k’wartong tutulugan ko. I-mamasahe niya rin daw kasi si Tay Mattana dahil bigla na naman daw sumakit ang balakang nito.
Walang kuryente sa nayon nila at tanging lampara at sulo na lamang ang nagsisilbing ilaw. Sabi ko nga, bumili na lang sila ng solar kung hindi nila kayang magpakabit ng kuryente kaso hindi rin nila alam.
Marami silang hindi alam, siguro dahil nasa liblib na silang lugar at malayo sa kabihasnan.
“Tuturuan ka naming gumamit nitong bansi.” Inabot sa akin ni Amaric ang isang flute. Agad akong umiling dahil tinatamad ako, next time nalang siguro.
Si Amaric daw ang pinakamagaling sa kanilang nayon sa paggamit ng flute sunod si Anya. Eventually, they stopped forcing me to play. Actually, they have a lot of instruments for music but, some of them are not familiar to me.
I was about to close my eyes, as if I was being seduced by the music and my eyelids were slowly giving out when suddenly there was some noise we heard. Pìste! Inaantok na ako eh! Bakit ba ang daming istorbo?
Nagsimulang magkagulo ang lahat. Ang mga bata ay nagsimulang umiyak at ako naman nalilito sa nagaganap.
Kasali pa ba ito sa kasiyahan?
Nakumpirma ko lamang ang iniisip nang makitang may pumapana sa direksyon namin at ang malala pa may apoy ang kanilang palaso causing a few houses to burn down. Mariing ang ginawang sigaw ng mga tao lalo na ang kababaihan at ang iyak ng mga bata.
“Tipunin ang kabaihan at ang mga bata!” Sigaw ni Tay Mattana. Bagong labas mula sa kanilang tinutuluyan. Nakahawak pa ito sa balakang.
Nagimbal ako nang makitang may tinamaan ng palaso sa kasama namin. Si Habek! Tumagos ang palaso sa kaniyang dibdib. Napasigaw ako nang makita ang duguan nitong katawan. What's happening? Bakit ganito?
Napatakbo si Jenica sa asawa nitong wala ng buhay. Umiyak siya at nagsisisigaw naputol lamang ang sigaw nito nang bigla rin siyang tamaan ng ligaw na palaso. Gusto ko sanang isipin na si Cupid ang pumapana but, cupid is God of love. Mukhang walang halong love ang nagaganap ngayon.
Humiyaw ako at pilit kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Anya sa braso ko. I remember Jenica saying that she wanted her baby to be beautiful as me, pero paano pa ito matutupad gayong kahit maliit na tulong man lang wala akong magawa? At this point, I know to myself it wouldn't be able to happen.
“Tulungan natin sila!” Sigaw ko kay Anya. Wala na akong makita sa paligid namin dahil halos napapalibutan na kami ng apoy at usok. My tears never stopped flowing. Ang luha ko para ng ilog.
Kung  p’wede nga lang makalikha ng baha ang luha ko para maawat na itong apoy, parang mas hihilingin ko pa kaysa makitang unti-unti silang lahat nawawalan ng matitirahan.
Hindi ko na rin alam kung nakatakas na ba ang mga kasamahan namin. Sino ba itong nagpapaulan ng palaso? Bakit gusto nila kaming patayin? Ang gulo! Pakiramdam ko ako ang nagbigay malas sa kanila.
“Ilalayo nakita dito, Gave,” he said forcing me to pull but my attention remained fixed on the burning house. Pilit parin niya akong hinahatak kahit na ayaw ko. 
“Wala na sila Jenica at Habek maging ang iba nating kasamahan. Lumisan na rin sila Ina, sinama nila ang ibang nakaligtas. Kung magtatagal pa tayo dito baka tayo naman ang mawalan ng buhay!” Galit na sigaw ni Anya, so I was forced to leave their village kahit na hindi ko gustong iwan si Jenica at Habek at ang iba pa.
Bakit gano’n, gusto ko lang naman maging masaya at makauwi sa amin bakit parang ang hirap? Why is it so hard? Why do I even have to go through like this? Bakit kailangang may mawala? I wanted to ask if gano'n na ba ako kasama to receive this punishment?
Akmang lilisanin na namin ang lugar nang napahinto si Anya sa pagtakbo. Ang mahigpit nitong kamay na nakahawak sa pala-pulsuhan ko unti-unting lumuwag the reason why I looked back at him. Anya got on her knees while vomiting blood.
Umiiyak akong pinagmasdan ang palasong tumatama sa dibdib nito at ang walang humpay na pag-agos ng dugo.
Gulat at nanlalaking matang naistatwa ako. “A-Anya!” I stuttered calling its name. My lips trembled and I could barely move from the stand. I want to help him but in what way?
Ngayon ko lang naisip that I'm worthless sa part na tinitigan ko lang ito. Paano ba naman kasi, sino ang taong magagawang makapag-react agad kung hindi mo aasahan ang sunod na magaganap?
Parang kanina lang nagkakasiyahan pa kami pero ngayon, we’re all crying.
“T-tumakbo kana!” utos nito. Halos hindi na siya makapagsalita dahil sa dugong umaagos mula sa kaniyang bunganga. “P-pakiusap,” dagdag pa nito na inilingan ko.
I want both of us to survive as long as possible. Madaya ako kapag tumakbo ako papalayo na hindi ko man lamang iniisip ito sa kabila ng kanilang kabutihang ipinakita.
“P-paano ka?!” Nagulat ako sa sunod-sunod na pagpapaulan ng palaso. Maagap na tumayo si Anya kahit hirap na para lamang sangain ang mga ito at hindi ako matamaan. Mahigpit ako nitong niyakap. “P-pakiusap... I-iwan mo... na ako.” I felt Anya slowly release me. I shook as I shed more tears. Paulit-ulit akong umiling kasabay ng pagbuhos nang mas marami ko pang luha.
Gumalaw ang aking paa sa huli, namataan ko na lamang ang sarili nakakailang hakbang na papalayo kay Anya. He was on his knees when I looked back. He forced his self to smile on me to ease my pain.
Madaya ba akong tatawagin kung tatakbo ako na hindi ko siya kasama? Pilit niyang pinagaan ang aking loob kahit alam kong wala na itong mas ibibigat pa. Suminyas pa ito na lumayo na ako at hayaan na siya pero, iba ang sinasabi ng isip at damdamin ko.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko muling takbuhin ang kaniyang direksiyon. Niyakap ko siya ng mahigpit... For the last time...
Pinaramdam ko kay Anya na hanggang sa huli ng kaniyang buhay kasama niya ako. Humikbi ako. Naramdaman ko ang tila hirap na nitong pag-hagod sa likod ko at ang kaniyang mainit na hininga sa aking bandang tainga.
He looked straight into my eyes. For the last time, muli kong nasilayan ang matamis nitong ngiti. I smiled back at him.
“P-paalam Gave,” he said last bago ko naramdamang unti-unti pagkalas ng kaniyang pagyakap sa akin. Ang kaniyang talukap tuluyan na ring bumagsak. Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang talukap ang pagbagsak ng butil ng luha sa gilid ng pisngi nito.
“Hanggang sa muli,” bulong ko dito pabalik bago ko ito tuluyang lisanin. Pinahiga ko ito ng maayos bago nagtatakbo palayo.
Paalam Jenica, Habek, sa lahat ng mga taong nasawi at higit sa lahat sa iyo... Anya. Utang ko sa‘yo ang buhay ko.
Paalam.

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Witty_pen

    must read💜 keep it up po and more stories to come!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Jheyannaevan

    diamonds for me

    31/07

      0
  • avatar
    VillaruelRonyrose

    nakaka takot na story Ang thanks

    29/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes