logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2.1

Nakasimangot akong umalis sa tubig. I quickly put on my clothes dahil baka mamaya sinisilipan pala ako ng batang iyon.
Dahil sa pagmamadali bali-baliktad pa ang suot ko so, I had to take them off again. Pagnagkataon talaga na magkita ulit kami ibabalik ko siya sa sperm ng tatay niya!
Nilabhan ko na rin ang sapatos kong naligo sa putik. Hindi ko pa p’wedeng suotin dahil basa pa. Ayaw ko namang mangamoy imburnal ang mga paa ko. Kaya ito, tiis muna ako ngayon sa pag-yapak. Ang uniform ko naman isinilid ko sa loob ng bag.
Muli akong naglakad. Malayo na ito sa talahiban. Hindi ko na rin natatanaw ang batis kung saan ako nagtampisaw. Hindi ko naman matatawag na pag-ligo ‘yon dahil wala naman akong ginamit na shampoo o, kahit sabon man lang.
Hindi ko na rin alam kung nasaan na ako napadpad basta sinundan ko lang ang ingay na naririnig ko.  It was as if they were having fun. May fiesta ba dito?
Sa huli, namataan ko ang ingay sa isang nayon. Mga maliliit na bahay lamang ang matatagpuan dito at halatang naghihirap ang mga nakatira, pero hindi naman siguro hadlang sa kanila ang hirap dahil lahat sila nakangiti at ang iba nagsasaya pa. Nagsasayawan habang sinasabayan ang tugtog ng instrumento.
Hindi kaya mga katutubo ito?
Nanatili ako sa pinagtataguan kong puno at hinayaan muna ang sariling manood sa mga taong nagsasaya. Nakakaaliw palang manood, ano pa kaya kung kasali ako ‘diba? Mamaya na siguro ako magtatanong kung saan ang terminal kapag tapos na ang kasiyahan nila nakakahiya naman na istorbohin sila.
“Hija, Anong ginagawa mo riyan sa puno? Halika sumali ka sa aming kasiyahan.”
Kinakabahan akong bumaling sa likuran. Nilibot ko na rin ang aking paningin ngunit walang tao. Sino ang nagsalita? Minamaligno nga siguro ako?
“Narito ako sa ibaba,” saad ulit ng boses na para bang nagmumula sa isang matanda.
I tried to shout when I saw the look of the old man talking to me, but not even a single voice came out of my mouth as if may something na pumipigil kaya natakot ako. Sa huli, naiiyak na lamang akong humarap sa matandang kulubot ang mukha na hanggang tuhod ko lamang. May hawak itong baston.
Maligno?
“Huwag kang matakot.” Ngumiti ito na kahit kaunti ay nagbibigay gaan sa dibdib ko. Hindi ko sinabing mabigat ang dibdib ko dahil sa totoo lang wala naman talaga akong gano'n, ang akin ay magaan sa pakiramdam. “Ako si Mattana,” sabi pa nito bago ngumiti ulit. He doesn't look scary actually anymore. He does look like a shitzu dog in my eyes.
“Ako po si Lord Given, p’wede n’yu po akong tawaging Gave,” sabi ko. Hinimas ko ang aking lalamunan. Nagpapasalamat ako at muli nang bumalik ang boses ko, akala ako pa naman forever na akong hindi makakapagsalita. How come I suddenly can't speak? Paano nangyari? P’wede palang mangyari iyon?
“Mukang kakaiba ang suot mo saan ka ba galing?” Nagtataka niyang tanong. Ang kaniyang kulubot na balat mas lalo pang lumukot.
“Actually, dalawa na po kayong nagsabi na mukhang kakaiba ang suot ko. Hindi po ba kayo pamilyar sa ganitong damit?” Tanong ko kay Tay Mattana. Tay Mattana, kasi matanda na siya. Hindi man nito sabihin pero pagrespeto pa rin iyon.
Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa naka-suot ito ng puting damit na walang manggas. Umaabot ito sa lupa at sa bewang tinalian ng isang lubid. Hindi siguro sa kanila uso ang belt?
“Tay, kakain na po tayo!” Tawag ng isang binatilyo sa hindi kalayuan. Lumapit ito sa amin at gaya ni Tay Mattana nalilito rin siya sa suot ko, kahit ako rin naman sa suot nila.
“Siya! Sumama kana sa amin Gave, para makakain kana rin,” sabi ni Tay Mattana. Tumingin ako sa binatilyo na katabi nito baka kasi hindi pala siya sang-ayon sa gusto ni Tay Mattana, sayang ginugutom pa man din ako plus mahirap tumanggi sa grasya.
“Ako si Anya,” sabi nito saka ngumiti. So p’wede na ba akong makikain?
“Ang Cute ng mga pangalan n'yo kakaiba. By the way, ako si Lord Given. Tawagin n’yu na lang akong Gave.” Tumango si Anya saka kami giniya papunta sa mga kasama nito sa nayon. Mukang gaya nila Anya, they are also wondering what I'm wearing well, the feeling is mutual.
“Ang ganda mo naman Gave, tapos ang ganda pa ng pangalan mo,” sabi ni Darina. S’yempre dahil sa papuri niya Lumapad ang tainga ko. Bahagya ring mangamatis ang aking mukha.
“Tama, kaya kapag lumabas na ang anak ko gusto kong maging kasing ganda mo siya.” Sinang-ayunan iyon ni Jenica na ngayon ay buntis sa kaniyang panganay na anak. Habek smiled at me as he rubbed his wife's belly. Hinalikan pa nito ang tiyan ni Jenica at ang pisngi. Yak! PDA. Baka makabuo ulit sila ng bagong bata niyan?
Inaasahan nila kuno ni Jenica at Habek na sana'y babae ang kanilang magiging anak para maging kasing ganda ko. Taray! Kinamatis tuloy ang mukha ko dahil sa papuri nila. Sayang nga eh, malalaman lang daw kasi nila ang gender ng baby kapag nakalabas na ‘to. Nang tanungin ko kung nagpapa-ultrasound ba sila, hindi rin nila alam kung ano ang ultrasound.
“Salamat,” pabebe kong sabi. Kung ang iba tinatanggi na hindi sila maganda ibahin n’yo ako dahil ako mismo ang nagbubuhat ng sarili kong bangko at isa pa, mas pangit naman iyong masterpiece ni Lord pinapakababa ko.
Nasa hapag na kami para sa mumunting salo-salo. Tapos na kami magdasal at handa na kaming lahat para lumamon. Ang taray nang mumunting salo-salo nila ‘yung handaan parang sampung Baranggay ang dadalo. Wala silang kutsara at tinidor bukod sa sandok at kulsilyo na ginagamit panghiwa at panandok sa niluluto. Lahat kami nakakamay habang ang aming pinggan dahon ng saging. Para tuloy kaming nagbu-budol fight.
Lahat sila mababait mula sa bata hangang sa matatanda ‘yung nga lang ‘yung mga bata medyo dugyutin gaya ko, tapos lahat sila hindi alam ang terminal, hindi rin sila marunong mag-english. Kaya tuwing magsasalita ako ng English mapapanganga sila natatakot nga ako baka biglang pasukan ng langaw ang bunganga nila. Siguro iniisip nilang Alien ako. Kidding!
“Dito ka na magpagabi, Gave,” sabi ni Nanang Eudora ang asawa ni Tay Mattana. Matangkad si Nanang Eudora at maganda, siguro dito nagmana si Anya. Hindi ko sinasabing na pangit si Tay Mattana pero kasi sa unang kita matatakot ka talaga sa kaniya. Pero, ‘ika nga nila don't judge the book by its cover.
“Kaya nga Gave,” dagdag pa ni Anya. “P’wede ka matulog pansamantala sa silid ko.”
Nakaka-touch ang pinapakita nilang kabaitan sa akin. Nakilamon na nga ako kanina tapos makikitulog pa ba ako? Pero dahil sabi ko nga mahirap tanggihan ang alok at grasya, s’yempre hindi ako tatanggi.
"All right, at least until morning rise," Sabi ko na agad napatampal sa noo dahil hindi nila maintindihan ang sinabi ko.
“I mean... Sige po, kahit hanggang sumapit ang umaga lang po,” tugon ko. When I try to looked back at Anya, nakangisi na ito. Adik lang?
“Makikitulog lang si Gave, Anya hindi siya dito titira. Hindi rin kayo magtatabi,” sabi ni Nanang Eudora. Nagtawanan ang iilan naming kasama habang tinutukso kaming dalawa ni Anya.
Eh? Hindi pa ako ready mag-boyfriend.

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Witty_pen

    must read💜 keep it up po and more stories to come!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Jheyannaevan

    diamonds for me

    31/07

      0
  • avatar
    VillaruelRonyrose

    nakaka takot na story Ang thanks

    29/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes