logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1.1

I woke up because of the sunlight hitting my face bukod pa sa batang  pinaglalaruan ang tungki ng ilong ko. Masilaw at masakit sa mata.
Nasaan ako? 
I close my eyes again as my eyes adjust to the light. Nang subukan ko muling imulat ang mga paningin, ang asul na mata ng batang gumising sa mahimbing kong pagtulog ang unang bumungad.
Bakit ang bata pa lamang nito, g’wapo na? Ang bilis naman niyang nga-glow up. Ano kayang sabon nito? Matanong nga.
Parang ang sarap tuloy iuuwi sa bahay. Hindi ako pedophile sadyang naakit lang ako sa taglay niyang alindog kahit bata pa at ang kaniyang mga asul na mata. Siguro may lahing banyaga ‘to?
Inilibot ko ulit ang aking paningin sa buong paligid and I was surprised nang mamataan ang sarili sa tabing ilog. Pero kadiri naman ang ilog dito ang dumi. Nauuhaw pa man din sana ako pero, titiisin ko na lang dahil hindi kaaya-ayang tingnan.
Teka? Bakit nasa tabing ilog ako? Ikiniling ko ang ulo. Sa huling pagkakaalam ko, sumalpok sa akin ang sasakyan matapos itong mawalan ng preno. Pero, paanong nandito ako? Panaginip ko lang ba‘yon? Did I sleep in the middle of the forest? The people in the car, where are they?
Nananaginip ba ako?
Pinisil ko ang aking mukha para masigurong tao pa ako at hindi isang ligaw na kaluluwa. Buo ang pananaw ko na sa akin talaga sumalpok ang sasakyan.
“Aray.” Confirmed tao pa rin ako! Buti naman. I felt the pain as I pinch myself.
Nasaan ako?
“Bata?”
“I’m not bata and I’m Uri,” aniya sa masungit na paraan. Bakit parang hindi ‘ata uso magtanong sa batang ito? Ang sungit parang may dalaw. Hindi siguro masarap ang almusal niya? Buti pa nga siya nakapag almusal na ako ito busog sa hangin.
Ibinaling ko nalamang sa ibang bagay ang atensiyon dahil kung sa batang ito lang din atensyon ko, baka dukutin ko ang mga mata niya  nang wala sa oras. Pero, agad nangunot ang noo ko at lito kong pinasadahan ang kaniyang kasuotan.
Bakit parang kakaiba ang suot ng batang ito? Ang taray may pasa diamond pa, hindi ko nga lang alam kung ju-fake pala iyon. Kung totoong diamante ang nasa damit niya di-dekwatin ko na lang ‘to. Mahal din bentahan niyan baka sakali yumaman pa ako tapos magpapa-ransom ako para sa bata.
Ewan na lang kung tubusin pa ito ng mga magulang ma-attitude rin eh!
Grabe naman itong utak ko! Ang lawak na ng imahinasyon, kung ano-ano nang naiisip dahil sa gutom, pero kakaiba lang talaga ang suot nito na parang  sa prinsipe sa story book na madalas binabasa ni mama pampatulog sa akin nang bata pa ako.
Pinasadahan din ako ng bata mula ulo hanggang paa medyo nahiya pa ako dahil mukha akong mabantot. Hindi lang kamo mukhang mabantot. Sa lagay ko ngayon, mabantot talaga ako. Lángya! Tanggap ko na mabaho na ako!
Nakakahiya naman sa kaniya na ang linis na nga, mukha rin mamahalin ang suot. Baka isipin niya na dugyot akong tao.
Kaya kapag ito talagang batang ito mapera pala, nanakawin ko ‘to tapos papatubos ko sa mga magulang niya sa halagang fifty million. What a brilliant idea, ‘di ba?
“Sino ang nag-habi ng iyong kasuotan?” Lito niyang tanong.
Hindi ko nalang pinansin wala ako sa mood makipag-usap at isa pa malay ko ba kung sino nagtahi nitong uniform ko required ba dapat kapag bibili ka ng damit alam mo kung sino ang nagtahi? Malay ko ba kung patay na pala nagtahi nito? Alangan namang hukayin ko pa siya sa libingan?
Muli kong inilibot ang paningin. Masukal na kagubatan pa rin ang nakikita ko bukod sa ilog na ito. Tumayo ako saka iika-ikang tinahak ang daan. Hindi na ako pamilyar sa dinadaanan ko.
Parang may nag-iba sa gubat o baka guni-guni ko lamang ito? Dahil sa tindi nang pag-tama ng ulo ko sa matigas na bagay?
“Bat– Este! Uri pala!” Taranta kong sabi nang makitang biglang umasim ang mukha ng bata. D’yos ko! Baka umiyak mahal pa naman ang gatas sa ngayon.
“Ang arte nagkamali lang iiyak ka agad?!” Umirap ako sa kawalan.
Búwesit na bata ang arte tapos bawal ka na ngang magtanong, bawal ka rin magkamali! Ayuko na palang iuwi sa bahay itong batang ito! Baka maakusahan lang ako ng child abuse. Kapag nagkataon baka sa kulungan pa ako pulutin.
“Did you see tears running on my cheeks?!” Galit din niyang balik. Aba'y palaban! Saan kaya ito pinaglihi nang binuntis pa lang, sa Lion?
“Nasaan na pala ako?”
Hindi ko na lang pinansin ang naunang pagsusungit ng bata. Siya lamang ang makapagtuturo sa akin nang daan papuntang kalsada, so I just have to behave. Isa pa bata pa lamang ito at ako nasa wastong gulang na, kaya nga lang minsan ang sarap din ihambalos sa subrang sungit daig pa ang panot kong professor.
“Can’t you see? Nasa gubat ka. Ano ka ba bulag?” Agad umasim ang mukha ko sa tugon nito.
Tákteng bata ito ang pangit ng ugali sarap sakalin. Saksakan ng sama! Nakaka-high blood! Kung ako nanay nito matagal ko na siyang binitin patiwarik na tanging brief lang ang suot para magtanda. Walang respeto! Siguro nang pinagbubuntis palang ito nag-ipon ang nanay niya, hindi ng pera kun‘di sama ng loob!
“I mean ang palabas dito sa gubat para makasakay na ako sa terminal.”
“Terminal?” Litong tanong ng bata. Tumango ako. “I don't know you're talking about!” Galit pa rin niyang sabi. Siya na nga ang walang alam siya pa ang may ganang magalit. Nagtatanong lang naman!
“Terminal doon kami minsan naghihintay sa bus. Ang bóbo mo kasi!”
“Bus?”
Ngayon pati bus ba naman nalilito siya. Ano ba ang utak ng batang ito? Purong hangin?
“Bus, sinasakyan ito para makapunta ka sa lugar na pupuntahan mo,” sabi ko.
“Ah! Parang karwahe?” Lito pa rin niyang tanong. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. Ang cute talaga ng batang ito kung hindi lang sana ma-attitude.
“Parang?” Hindi ko sure na sagot at isa pa hindi naman na masyado uso ang karwahe sa Pilipinas, ewan lang sa ibang lugar o pasyalan? O, baka dito sa lugar nila uso?
“Nasaan na ba ako? Sagutin mo ako ng maayos dahil kung hindi uuwi ka sa inyo ng walang dila!”
I didn't even see him scared. Hindi ko man lang siya natinag sa pananakot ko. Kahit bakas hindi makikitaan.
Grabe! Kapal talaga ng pagka-attitude nito! Sarap ibalibag!

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Witty_pen

    must read💜 keep it up po and more stories to come!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Jheyannaevan

    diamonds for me

    31/07

      0
  • avatar
    VillaruelRonyrose

    nakaka takot na story Ang thanks

    29/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes