logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Beautiful Misfortune

Beautiful Misfortune

ShiningShee


Prologue

Maputik, maulan at sinamahan ng kulog at kidlat. Takot at tahimik kong binaybay ang masukal na kagubatan. Wala na akong panyapak dahil hinubad ko na ito at isinilid sa loob ng bag kanina matapos aksidenteng lumubog ang paa ko sa isang kumunoy.
Buti nga at hindi naiwan sa putik ang sapatos ko. Sayang din at mahigit libo ang order ko ro’n, hindi pa kasama shipping no’n. 
Nakaramdam talaga ko nang matinding panghihinayang dahil ilang araw pa lamang iyon sa akin.  Pero kaya pa naman siguro iyong pagtiyagaan kapag nalabahan na?
But, at this point, tiis ganda muna ako sa pagyayapak. Sana pala nag-tsinilas na lang ako kung alam ko lang talaga na ganito ang sasapitin ko.
Hindi naman kasi ako manghuhula. Hindi rin ako aware na p’wede pala akong makaranas ng disaster...
Kung hindi nga naman kamalasan kung tatawagin? Bètlog na nga ako sa test kanina, napagalitan rin ng professor dahil lutang.
Paano ba naman kasi, noong isang araw habang nag-discuss siya. Natural, nag discuss din ako sa katabi ko. May sa Marites na tsismosa rin kasi ako kung minsan kaya ayon, lutang sa sabaw ang utak ko nang bigla nagpa-quiz. Ending, ‘yung mga answer ko ‘yung mga dinaldal ko sa katabi. Eh, ang katabi ko wala ring k’wenta hindi manlang alam ang kasabihang ‘share your blessings’.
Kaya iyon nauwi sa bètlog ang score ko. Napahiya pa ako sa harap ng mga ka-klase ko nang ipangalandakan ng bida-bida kong professor sa harap ng buong klase ang papel ko, tapos ngayon ito pa ang malalang pagdadanan ko. Parang gusto ko na lang tuloy i-text si Lord kung mahal niya ba talaga ako?  
Basta, nakakahiya ‘diba?! Isang Valedictorian nang elementary at with high honor nang highschool nakakuha ng itlog sa test. Sana kahit one na lang okay na. P’wede na ipagmalaki.
May test pa kami bukas and I don't know what to do?  Mukhang naliligaw na rin ako. Gusto ko pa man din sana mag-review babawi ako sa pamamahiya ng panot kong professor!
Kung hindi sana ako napagdiskitahan ng mga tambay hindi naman ako tatakbo sa masukal, nakakatakot at kakila-kilabot na gubat na ito. Haler! Ang dami na kayang patay na natagpuan dito. Baka ako na ang susunod na matagpuan.
Kapag maganda ka nga naman siyempre, habul-habulin ka.  Ang hirap talaga maging maganda. 
Natural lang naman siguro na sabihin kong maganda ako. Oo, tanggap ko naman na nagbubuhat ako ng sariling bangko, lamesa, aparador at kama, pero sino pa nga ba ang mag-bo-boost ng confidence mo bukod sa iyong sarili, family at friends? ‘Diba ikaw lang rin. At isa pa, ang mga taong nagsasabing pangit sadyang mga inggitera lang talaga sila.
Instead of putting yourself down why don't you try to Love yourself, kasi doon naman nagsisimula ang pagmamahal. Sa sarili. Paano mo matutunang mahalin ang ibang tao kung hindi mo nga kayang mahalin ang sarili mo? Paano mo malalaman ang halaga ng isang tao kung hindi mo nga alam ang halaga mo? Kaya bago tayo magmahal, mahalin muna natin ang sarili natin.
“Lintik!” Napasigaw ako nang biglang mahulog ang cellphone ko na siyang nagsisilbing tanging liwanag.
Sana kung alam ko lang na mas disaster pa ang kakaharapin ko ‘di sana’y naghabol-habulan na lang kami ng mga lasinggero na humabol sa akin, baka kapag nagkataon kanina pa ako makauwi. Haist, kamalasan nga naman!
Tiningnan ko ang cellphone kong nahulog kung ayos pa ba matapos ko itong makuha. Muka namang nasa ayos pa siyang lagay, pero dahil malas nga ako bigla na lang itong nag-shut down. Ngayon napatunayan ko na hindi na nga ‘ata ako mahal ni Lord.
Joke lang! I know mahal ako Lord baka challenge lang ito sa buhay ko. Ewan nga lang kung challenge pa ba itong tatawagin o naghihintay na kamatayan?
Juice ko! kanina pa ako takbo nang takbo dinaig ko pa ang kabayo sa bilis at si Flash. Nanakit na rin ang binti at ang maganda kong paa, gano'n din ang makinis kong hita wala na puno na ng galos. Bibilhan ko na lang siguro ng ointment sa botika kapag nakaalis na ako dito.
Sana na nga makaalis...
I sat tired on a broken tree branch. Paano ko nalamang sanga nga ang inupuan ko? Siyempre kumidlat tapos lumiwanag ang langit natakot pa nga ako dahil parang may galit sa akin ang itaas.
Handa naman sana akong mamatay. Tanggap ko na sana eh, huwag nga lang sa kamay ng ahas, maiilap na hayop o matamaan ng kidlat. Para naman kasing hindi makatarungang pagkamatay kapag gano'n, pero hindi pa talaga ako handang mamatay hindi ko pa nga nararanasang mahalikan sa labi...
Kahit first kiss na lang ang iparanas mo Lord, tapos p’wede mo na akong kunin!
Hindi ko nga lang sure kung si Lord ba ang susundo sa‘kin o si kamatayan.  H’wag naman sana mabait naman akong tao... kapag tulog. Kidding.
Mabait talaga ako. Nagdadasal din naman ako, once a month nga lang, tapos bumibisita sa simbahan kapag sinipag kaya nga siguro dumanas ako nang ganito dahil minsan ko na lang maalala ang Maykapal. Kapag may problema lang ako lumalapit. Ewan? Sana talaga mapatawad niya ako.
Lord! kapag nakaalpas talaga ako dito mag-babagong buhay na ako. Promise...
Ayaw ko na lang palang mangako kasi ‘promises are meant to be broken’. I try my best na lang to be the best version of myself kapag nakaalpas na ako nang tuluyan dito.
I silently praying habang nakaupo sa putol na sanga ng kahoy. There is no one willing to help me other than myself. Tanging ang sarili ko lamang ang aking makakapitan. Hindi naman kasi alam ni mama at papa na ganito ang sinapit ko ngayon, dahil nang subukan ko silang kontakin ibang tao ang sumagot sa’kin. Ang sabi, “The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please dial call later.”
Kainis! Nakikipagbuno na nga ako kay kamatayan tapos wala pang signal! Paano na lang kapag namatay ako? ‘Di wala silang kaalam alam na ang anak nila inu-uod na pala.  Kung laro lang sana ito at p’wedeng sabing, “Time freeze” baka kanina pa ako nag-request.
I was getting cold when I thought of walking again. Kakapain ko na lang siguro ang dadaanan para hindi ako madapa, hiling ko rin na sana walang ahas o kung anong mailap na hayop ang makasalubong ko sa daan. Dahil panigurado hindi ako mamatay sa hirap na dinanas ko ngayon pero sa takot? Oo.
It’s still raining and if I don’t start and continue walking I might be here until sun rise. May quiz pa kami bukas at gusto kong bumawi sa highblood at panot kong professor palagi. Kapag na-perfect ko ang quiz niya, ipapalunok ko sa katabi kong madamot sa answer ang papel ko. Makikita niya!
Matapos ko siyang daldalin. Nilaan ko ang laway ko sa pakikipag-tsismisan sa kaniya kahit na ang baho ng bunganga niya tuwing nagsasalita. Nagtiis ako! Tapos wala man lang ambag sa buhay ko Nakaka-ingganyo kumitil ng buhay, huwag na pala baka minus points ako sa langit.
I carefully traversed the scary forest. I was shivering and I felt like I was going to have a fever.
Nanginginig ako hindi sa ginaw, dahil sa takot na baka makasalubong ko si sadako sa daan. Tákte kapag talaga may nakasalubong akong white lady dito o kahit anong maligno humanda sila sa’kin nag-aral pa man din ako nang iba’t ibang martial arts. Huwag talaga nila akong tangkaing takutin dahil madu-double kill talaga sila kapag sinipa ko sila sa mukha.
Pagod na ako at ano mang-oras palagay ko p’wede akong nawalan ng malay sa gitna nitong masukal na kabundukan.
Bakit kasi dito pa ako tumakbo?
Parang ako lang rin ang nagdala sa sarili ko sa kamatayan. Nauuhaw na ako at ubos na rin ang tubig ko sa tumbler kaya ang ginawa ko panandalian akong huminto sa paglalakad, inangat ko ang ulo ko  saka ko ibinuka ang bunganga para sahurin ang pumapatak na ulan. Sapat na ito kahit papano.
Gutom na rin ako. Sana umuulan na lang din ng pagkain para everybody happy tapos wala na tayong po-problemahin ‘diba? Kasi bukod sa pera, pagkain din ang isa sa pangunahing kailangan nating mga tao.
Nakarinig ako nang tila huni ng isang baboy Ramo kaya napatigil ako sa ginagawa, I walked faster. Hindi ko makita ang dinadaanan pero pinilit kong aninagin ang tinatahak ko baka sakaling maligaw ako at least alam kung sa ibang daan ako dapat na tumungo at hindi dito.
Sa aking lakad-takbo na ginagawa hindi ko napansin ang batong nakausli sa lupa kaya agad akong bumagsak.
Maputik dahilan para dumaosdos at nagpagulong gulong ako paibaba. Tumama ang bandang noo ko sa isang matigas na bagay kaya napahiyaw ako. My vision almost doubled because of what happened. Even though, I could only see darkness, I also felt a bit of some hot liquid and I was sure it was blood from the wound I got. I was afraid of blood but, at this time, I was afraid of death.
My sobs started to get louder nang hindi ko mapigilang magpadaos-dos dahil sa madulas na putik. Hindi ko alam kong saan na nito ang tungo ko. Nangangalugad ang kamay ko sa maaring makapitan. I don't know what happens after the close death I've experienced. Mabubuhay pa kaya ako?
I almost lost my voice when I saw that I was about to fall into the abyss. I cried out for help even though I knew no one would help me. I took a chance. Nagbabakasakali ako.
Lumiwanag ang langit nang biglang kumidlat dahilan para maaninag ko ang nakausling ugat ng punong kahoy. Agad ko itong kinapitan para hindi tuluyang bumagsak. Pinilit kong makaakyat pero dahil madulas bumabalik lang din ako.
Ang sakit na sa kamay at halos hindi ko na kaya.
Ano ba ang nagawa kong mali para makaranas ako nang ganito? Parang gusto ko na lang tuloy kuwestiyunin ang langit. Wala naman akong pinatay bukod sa langgam na kumagat sa singit ko, pero, bakit parang grabeng parusa naman ‘ata ito? Ganoon na ba kasama ang pumatay ng isang langgam?
“Mama! Papa!” Napahiyaw ako nang marinig ang unti-unting pagkabali nang ugat na tanging kinakapitan ko. Paniguradong lasog-lasog ang katawan ko sakaling bumagsak ako paibaba. 
Mariin akong pumikit. Hindi ko alam kung dapat ko na bang tanggapin ang kapalaran... 
Gumalaw ang ugat ng punong kinakapitan ko. My only hope is started to fall.
Kasabay ng paglagatik ng punong ang tuluyang pagkaputol nito. Isang malalim na paghikbi ang aking napakawalan nang maramdaman ang unti-unting pagkahulog.
“Mama! Papa!” Halos pabulong kong sabi .
Dumagundongng ang malakas na tunog kasabay ng pagbagsak ko.
Damang-dama ko ang hapdi ng sugat at galos na natamo mula sa pagbagsak. Nangangalay at halos hindi ko magalaw ang katawan. Hindi ko alam kung nabali ba ako o kung ano? Tanging alam ko lang namanhid na ako. Maging ang patuloy na daloy ng aking luha at ang pagbagsak nang butil ng ulan sa mukha ko hindi ko na maramdaman.
Diyos ko! Ito na ba ang aking katapusan? Sadyang kamalasan ba ang aking kapalaran? Kung susuko na ba ako mas mapapadali ba ang lahat? Kasi ngayon palang hindi ko na kaya. Tanging ang pamilya ko na lang ang rason para lumaban dahil kung para sa sarili ko lang ito, gusto ko na lang sumuko.
I close my eyes. Muling pumatak ang butil ng luha at Lumandas ito sa aking pisngi.
Bakas ang pagod sa akin pero bakit hindi ko pa rin magawang sumuko, bumitaw?
Parang kanina lang sinabi kong ayaw ko na? Pero bakit ang hirap umayaw? Balimbing nga siguro ako na klase ng tao.
Sabi ng isip ko tama na, pagod kana, pero salungat naman ang sinasabi ng katawan ko. Ang sabi kasi nito kaya ko pa, laban lang. Marahil iniisip ko si mama, si papa, ang tatlong nakakatanda kong kapatid. Alam kong naghihintay at nagaalala sila sa akin.
Uuwi ako pangako...
I tried to stand up even though I knew my body couldn't take it anymore. I fell again. I cried tying to stand up again. This time, I was able to stand for a few seconds ngunit agad ding natumba matapos umiihip ang  malakas na hangin.
Ultimo hangin kaya na akong tangayin.
I asked my self, ‘Ito na ba ang katapusan ko?’ 
I'm not yet ready. I have not been able to repay the hardship of my parents.
Siguro nga kung talagang oras mo na hindi ka bibigyang pagkakataon para makapagpaalam. Bibiglain ka na lang. Magugulat ka na lang isang araw kaharap mo na pala si kamatayan. Sa pagkakataong ito natutunan ko na mahalaga ang bawat sigundo, minuto, oras, araw, buwan, taon na kasama mo ang pamilya, mga taong mahal mo.
Bakit kasi hindi ko naisip na isang araw maaari  palang sapitin ko ang ganito? Masiyado kasi akong naging kampante.
Uuwi ako...
Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isipan. Kahit na anong mangyari. Muli kong pinilit tumayo kahit na nahihirapan. Iika-ika na halos bumigay na ang mga tuhod ko. Lanta na ang aking katawan at ang aking paningin gusto ng pumikit, but there’s a part of me that says the trial and battle is not over, it is only the beginning.
Simula pa lang? Ano na lang kaya ang kakaharapin ko sa susunod na laban ng aking buhay? Kakayanin ko pa kaya gayong umpisa palang parang hindi ko na kayang abutin ang dulo.
Muli akong humakbang agad-agad akong natumba.  Nawalan ako ng balanse. Napapikit ako sa sakit nang tumama ang binti ko sa bato.
Akala ko manhid na ako. Hindi pa pala. Kaya ko pa ba? Muli akong tumayo. Sinubukan kong  ihakbang ang isa kong binti. Napangiti ako nang hindi ako natumba at nang magawa kong sunod-sunod na ihakbang ang mga paa ko. Tahimik akong napaiyak pakiramdam ko kasi achievement na ito sa buhay. Ang makaligtas sa kamay ni kamatayan.
Mas lumawak ang aking ngiti kasabay nang matinding tahip ng aking puso. Hindi ito magkamayaw sa saya nang matanaw ko nalang ang kalsada at ang iilang street lights. Nandito na ako! Sa wakas nangyari rin, of course dapat kang mangyari ang tagpong ito matapos ko ba naman kalabanin si kamatayan!
Uuwi ako. Mama, papa. Nandito na ako! Pangako uuwi ako...
Naluluha akong kumaway sa ere.  Isang liwanag mula sa sasakyan ang nagsilbing pag-asa ko.  Lupaypay pero pinilit ko paring sumigaw.
Ngunit agad akong naistatwa sa kinatatayuan nang maramdaman kong papalapit ito sa direksyon ko. Hindi para saklolohan ako, sa kadahilanang halos hindi na huminto ang sasakyan dahil wala na itong prino at ang masaklap papalapit na ito sa direksyon ko.
Wala na akong lakas para gumalaw pa. Ang tanging nasa isip ko na lamang salubungin si kamatayan. Hindi nga ako namatay sa sinapit ko kanina, pero ngayon mukang malabo na ang iwasan si kamatayan dahil kahit anong gawin ko mukang sinusundan niya ako. Death is chasing me at wala na akong kawala.
Habang papalapit sa direksyon ko ang sasakyan mas lumiliwanag sa pandinig ko ang sigaw ng mga taong sakay nito sa loob. Humihiyaw sila ng tulong gaya ko, ngunit tanging sa isip na lamang ako kayang humagulgol. Hindi ko na kaya pang ihakbang ang mga paa kahit anong subok ko.
Ilang ulit ko mang subuking iwasan ang papalapit na sasakyan kanta na ang katawan ko. I struggled to step on my feet, all I could do was stumble on the cold road.
Wala na rin ano mang boses ang lumalabas sa bibig ko. Humihiyaw ang aking isipan ng katagang tulong. Ang aking katawan nagpupumilit gumalaw ngunit hindi na ko na kaya pa.
“May tao sa daan!” Huling tinig narinig ko. Boses ng isang lalaki bago ako mariing napapikit dahil sa tindi nang liwanag na nagmumula sa sasakyan. Isang matinis na tunog ang naglalaro sa isipan. Pikit mata at bukas kamay kong tinanggap si kamatayan...
My tears drop again.
Dear Death,
I'm feared. I was horrified by you. I have millions of motivations to live yet, life is unfair and mixed up. I feel like giving up, but I still hold on to my promise that I'll be back. 
I don't understand why you keep chasing me. There are a lot of people, but why me?
Gradually drowning in fear. I wished to was away this sadness inside me. To survive in this darkness is so hard, especially my only light I can't find.
My hope is begun to die, so should I? I was running fast, now your at my back.
Dear Dearth, I suffered a lot and I was tired now. Should I say goodbye?
Do I deserve to die?

Comentário do Livro (58)

  • avatar
    Witty_pen

    must read💜 keep it up po and more stories to come!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Jheyannaevan

    diamonds for me

    31/07

      0
  • avatar
    VillaruelRonyrose

    nakaka takot na story Ang thanks

    29/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes