logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Shanaia's POV
Napaigtad ako ng bigla niyang hawakan ang bewang ko. Mas lalo niya naman akong hinila palapit sa kanya.
Aba! Lumalala na ang pagiging-fc ng gago.
Ano nanamang arte ng isang 'to?
"What are you all fucking doing here?" malalim ang boses na seryosong tanong niya sa apat na lalaking nakaupo.
Kung 'di ko lang nakita ang pagiging makulit niya baka natakot na rin ako sa itsura niya.
Nagturuan naman sila at napayuko lang 'yong kumausap sa akin kanina.
"Not me. Nahila lang ako dito," walang emosyong saad nung lalaking kulay ash grey ang buhok at kulay green ang mata.
Natuon naman ang pansin namin ng nagtaas ng kamay yung katabi niya, kulay blue naman ang mata.
"Maniningil lang ng utang," saad niya saka yumuko at nagbaba ng kamay.
Ang cutie.
"We're just curious on why our friend's not handling his own company and escaping his responsibility," singit naman nung black na black ang mata.
I don't know him but I think I saw his face somewhere.
"Binisita ka lang namin. Hanep dami palang chix dito 'di ka man lang nag-aaya," sagot nung kulay brown ang mata saka tumayo at umakbay kay Grey.
Kumunot ang noo ko sa sinasabi nila.
"Magkakakilala sila?" Halatang mga bigatin eh. Para akong namasyal sa iba-ibang bansa at nakakilala ng iba-ibang lahi.
"I'm fine. You can all go." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Gago 'to, kahit naman bastos ang mga 'to eh costumer parin sila.
Siniko ko siya saka kunwaring ngumiti sa mga lalaki. Nginitian naman nila ako saka isa-isang nagsalita para daw sa order nila.
"Hi miss ganda, I'm Shawn Driveo. Order nga 'kong FiChi Burger. Masarap ba 'yon?" tanong nung kulay blue ang mata na Shawn daw ang pangalan.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa tanong ni Shawn. Sunod-sunod akong tumango bago nagsalita sabay sulat sa maliit na notebook.
"Yes sir, it's actually one of my favorite paired with tea float."
"We'll order the same," saad nung pamilyar sa akin, the one with the black eyes.
"Uh-miss dahan dahan lang sa pagngiti, ayaw pa namin mamatay," sagot naman nung brown ang mata.
Nangunot naman ang kilay ko at parang naintindihan nila iyon kaya sabay-sabay silang ngumuso sa tabi ko na hanggang ngayon ay nakakapit parin pala ang kamay sa bewang ko.
Paglingon ko sa mukha niya ay seryoso lang ito at gumagalaw galaw pa ang panga niya. Parang galit? Ba't naman siya galit? Parang dahan-dahan niyang pinapatay ang apat na lalaki gamit ang mata niya.
Kung 'di ko pa siya siniko baka maghapon na lang niyang titigan ang mga 'to. Napabitaw naman siya sa kapit sa bewang ko.
"Uh, sorry pero magkakakilala ba kayo?" tanong ko sa apat.
Sabay-sabay na tumango 'yong tatlo.
"Yes. Vincent Torio, pleasure to finally meet the one who's being stalked by our poor friend." Nagulat ako ng biglang tumikwas ang isang gilid ng labi nito at tumingin kay Grey. Siya yung mukhang masungit na kulay green ang mata.
"Hi miss beautiful. Miguel Camero, at your service," saad nung kulay brown ang mata saka inabot ang kamay ko at hinalikan. Muntik na malaglag ang panty ko kung 'di lang pinalo ng bugnuting si Grey ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.
"Kenneth Gustave," seryosong sagot naman nung kulay itim ang mata.
"And we aaaare...." singit ni Shawn at siniko siko pa ang mga kasama niya pero walang pumansin kaya natawa ako ng kaunti.
"Tangina niyo mga killjoy, walang dulot, walang pakisama! F.o. na tayo!" sigaw niya sa mga kasama niya.
Sa kanilang apat, tingin ko siya ang pinaka-patawa.
"Edi f.o. sino ba nag-imbita sayo sa grupo?" pagpatol naman ni Miguel sa sinabi ni Shawn.
"Ouch ang sak---" hindi na siya nakapag-monologue dahil sumingit na si Grey.
"Manahimik na nga kayo, nakakaagaw na ng atensyon. Mga salot sa trabaho," si Grey.
"Double kill!" sigaw pa ni Shawn at kunwareng nasasaktan.
Napatitig ako sa mukha niya dahil sa kaartehan niya. Napailing nalang ako, sobrang kulit pero mas maarte pa si Grey sa kaniya.
Hindi na ako nakapagpaalam nang hilahin nalang ako basta-basta ni Grey at dalhin papasok ng storage room.
Omg ito na ba yung hinihintay ko! Pigilan mo 'yang kalandian mo Shanaia! Baka mahalata!
Nang makapasok kami ay inilock niya ang pinto saka humarap sa akin. Ngayon natatakot na ako.
"May gusto ka ba sa swan na 'yon?" mababang boses na tanong niya.
Napakunot noo ako sa inaakto niya.
"Huh? Who's swan?"
"Si Shawn!" Hala nagalit na.
"Uh-why do you ask?"
Sinabunutan niya ang buhok niya saka pagalit na sinuntok ang pader.
Hala oa.
"Just answer it!"
"Eh bak-"
"Tangina! 'wag na 'wag ka nang lumapit sa babaerong 'yon," puno ng inis na saad niya saka matalim na tumingin sa akin.
As a philosophy major, bigla ko naalala 'yung reverse card. Pinigilan kong tumawa at piniling pagtaasan siya ng kilay.
Napansin kong gumana dahil biglang lumambot ang itsura niya at mukhang natatakot na.
"First," saad ko saka humakbang palapit sa kaniya habang umaatras naman siya, "who are you to say that to me." Tinuro-turo ko pa siya saka ang sarili ko.
"Ano ba kita?"
Kapansin-pansin ang lungkot sa mukha niya. Gago talaga, ang lakas maka-konsensya. Pero itinuloy ko lang ang monologue ko.
"Pangalawa, ikaw nga 'tong dapat magisa eh. Ano 'tong naririnig kong may company ka! Ha! Anong ginagawa mo dito kung mayaman ka pala?"
Nanahimik lang siya saka dahan-dahang lumapit sa akin.
Ni-ready ko na ang stance ko sakaling dakmain niya ako at pilipitin pero gano'n nalang ang gulat ko ng bigla niya akong hinila at niyakap ng sobang higpit.
Itutulak ko na sana siya kaya lang ay mas lalong humigpit ang yakap niya.
"Sorry I can't explain to you now. But I promise, I'll tell you soon," he said with a low voice.
Mas lalo akong nagtaka sa mga sinasabi niya. Wala akong maintindihan? Pero isa lang ang nararamdaman ko...
Kakaiba. Bumibilis ang tibok ng puso ko, para akong tumakbo na naso-suffocate.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko kahit alam kong ilang araw ko palang siya nakilala.
Ilang araw palang kaming nagkakasama pero pakiramdam ko ilang taon na. Masaya ako sa mga oras na kasama ko siya. Pakiramdam ko, sobrang safe ko lagi pag nandyan siya sa tabi.
Noon ngang nalaman kong dito rin siya nagta-trabaho ay para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.
Imbis na itulak ay sinagot ko nalang ang yakap niya.
All my life I'm restraining my actions kasi nung nasa bahay ako kapag sumagot ako, ako pa 'yung mali.
Kapag ipinakita ko 'yung emosyong nararamdaman ko, ako pa iyong maarte.
Pakiramdam ko, wala akong karapatang mabuhay.
Para akong manika na gusto nila susunod ako sa mga kagustuhan nilang paradoxical. Urong-sulong na desisyon tapos ang sisi, nasa akin kahit sumusunod lang naman ako.
Nagyon ko lang na-experience ang ganito. Yung hindi ka hinuhusgahan sa kung ano ang ipinapakita mo.
Pinigilan kong maluha habang iniisip ang mga problema ko sa pamilya. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap kay Grey.
Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyong hanggang sa may narinig kaming kumatok sa pinto.
"Tao po! Pabili pong yelo," rinig ko sa isang boses na sa pagkakatanda ko ay kay Shawn.
Napahiwalay kami sa yakap saka nagtitigan. Tatawa na sana ako kaya lang bigla akong sinamaan ng tingin ni Grey.
"Subukan mong ngumiti sa hayop na 'yan. Pinapangako ko hindi na 'yan sisikatan ng araw."
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil ngayon lang ako nagamitan ng isang line sa movie.
Mas lalo naman siyang sumimangot kaya niyakap ko nalang pang lambing.
Maya-maya pa nakarinig uulit kami ng kulitan sa may tapat ng pintuan.
"Gago ka talaga," si Miguel.
""Hindi ganiyan, ganito dapat. Ehem, tao po? Ma'am sir baka gusto niyo yung inaalok naming produkt---"
Agad na namin binuksan ang pinto at saktong pagkatok ni Miguel sa pinto ay tumama sa ilong ni Grey.
Tawang-tawa ako at ganon din ang tatlo maliban kay Grey na mukhang sasabog na at kay Miguel na halatang takot na takot.
"Yan karma, tangina niyo ang kukulet kasi," saad ni Vincent.
"S-s-spare me master!" utal na saad ni Miguel saka nagtatakbong lumabas ng resto.
Paglingon ko sa paligid ay agaw atensyon na talaga kami dito.
Nang sinilip ko ang oras ay mag si-six na kaya inaya ko na si Grey para mawala na kami sa attention ng mga costuumers. Nagpaalam na rin ang tatlo.
Pag-uwi namin sa apartment ay sabay pa kaming kumain bago ako nag-paalam na magbihis. Hindi namin napag-usapan ang nangyaring yakapann kanina pero isa lang ang sigurado ako.
Gusto ko na siya.
Maaaring sa iba, mabilis. Pero para sa akin, pakiramdam ko sobrang tagal kung 'di ko pa aaminin sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman.

Comentário do Livro (63)

  • avatar
    Mariefe Rodriguez

    nice Ang ganda❤️❤️❤️

    12/04

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    pwede ba ung mag ano kahit 2 days old palang ang baby? hehehe btw ang ganda☺

    06/02

      0
  • avatar
    Jenny Alminion

    need

    07/10

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes