logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

Huminga ako ng malalim at tumanaw sa bangin, "Sana nga maalis ng lollipop na 'to yung lungkot ko..." muli ko siyang tiningna at ngumiti, "Salamat Anissa, ako nga pala si Ate Arki," inilahad ko ang kamay ko sa kanya na agad niyang tinanggap. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya.
"Wow magkatunog ang pangalan niyo ni Dok Aki! Gusto mo po bang sumama sa lugar po namin? Malapit lang po iyon dito, ipapakilala po kita kay Dok Aki!" excited na turan nito, hindi ko maintindihan pero kumabog ang puso ko pagkarinig sa pangalan ng doktor na sinasabi nito.
Napangiti ako sa pagiging bibo niya, deretso ang tagalog niya at mukhang sanay makipag-usap sa mga dayo.
"Nako may iba kasi akong pupuntahan, kailangan kong mahanap si Apo Whang-Id, magpapatattoo kasi ako," nakangiwi kong tugon.
"May mga mambabatok din po sa amin! Tara po sumama ka na po Ate Arki..." hawak niya pa rin ang kamay ko at halatang gusto akong akayin papunta sa kanila.
Honestly, the offer is tempting pero kailangan kong makalabas ng Sagada bago ako mahanap ng mga kaibigan ko, or worse ng pamilya ko. Malapit nang magliwanag, dapat bago magtanghali ay nasa Kalinga na ako.
Sasagot sana akong muli nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ng bata.
"Anissa!" sigaw ng nanay ni Anissa na parang biglang kinabahan at hinatak agad siya palayo sa akin. Tumayo ako at ngumiti para ipakitang hindi ako nangingidnap ng bata.
Sa ganda ko ba namang ito?
"Hi, pasensya na kinausap lang ako ni Anissa," nakangiti kong bati sa nanay niya, tiningnan ko si Anissa at tumango, "Salamat sa lollipop, sana nga mawala 'yung lungkot ko dito."
Ngumiti naman ng alanganin ang nanay ni Anissa, "Pasensya ka na rin po Mam, nagulat lang ako na nawala siya bigla sa tabi ko, akala ko po ay nadampot na ng PDA, mayroon po kasing mga naliligaw na gano'n dito," sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan.
Ang PDA o People's Developed Army ay grupong kumakalaban sa gobyerno at galit sa mga mayayaman, pakiramdam nila ay inaagaw ng mga katulad namin ang dapat sana ay sa mga mamamayang tulad nila. Nais nilang maibalik ang mga lupain sa kanila ng mga negosyanteng bakaw at sinakop ng komersiyalismo ang mga lupa nila.
Ngumiti ako ng marahan, "Ayos lang po, at huwag na po Mam, Arki na lang po."
"Ako naman si Anya, s-sige Arki magandang araw sa'yo. Saan ba ang tungo mo? Galing kang Maynila?"
"Nagbakasyon po ako dito sa Sagada at pupunta po sana sa Kalinga, aakyat ng bundok at hahanapin si Apo Wh-" paliwanag ko na agad niyang pinutol.
"Apo Whang-Id? Naghahanap ka ng mambabatok?"
"Oho, gusto ko rin po kasing umakyat ng bundok at mag-isip isip," kibit-balikat ko, 'yon naman talaga ang balak ko.
"Baka gusto mong sumama sa amin ni Anissa? Sa lugar namin maraming mambabatok doon, at huwag kang mag-alala mababait ang mga ka-tribo ko," nakangiti niyang paanyaya.
Napamaang ako sa kanya, pinaglipat ko sa kanila ni Anissa ang tingin ko, kung titignan mo ay hindi mo aakalaing lokal sila dito dahil parehong mapusyaw ang kutis nila.
"Nagtataka ka ano?"
"Ha? H-hindi nam-"
"Ganyan din kasi ang reaksyon ng mga nakikilala ko kapag sinasabi kong igorot ang nanay ko," ngumiti siya ng malapad.
Huminga ako ng malalim at nag-isip, ngayon ko lang sila nakilala kaya kahit mukha silang mabait ay kailangan kong tumanggi, gusto kong pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa'kin.
"H-hindi na siguro Anya, may sasadyain din talaga ako sa Kalinga eh..." pagtanggi ko.
"Ganun ba? Oh siya sige, mukhang matatagalan pa ang pag-aayos ng jeep, mag-uumpisa na kaming lumakad ni Anissa dahil mula rito ay may dalawang kilometro pa bago dumating sa barangay namin. Sigurado ka na bang hindi ka sasama?"
Tumango ako at ngumiti, muli kong tinignan si Anissa at kumaway na para magpaalam. Habang naglalakad sila palayo ay panay pa rin ang lingon sa akin ni Anissa.
Hindi naayos agad ang jeep at wala ring sasakyan na dumadaan, sabi ng nakausap ko kanina ay kailangan naming lumakad ng apat na kilometro upang makarating sa sentro at doon ay may mga habal habal na maaring maghatid sa amin sa sakayan papuntang Kalinga.
Naiisip ko pa lang na aabutan kami ng tanghali sa paglalakad ay parang susuko na ang katawan ko. Paano ay hindi naman ako sanay sa ganitong lakaran.
Dalawang beses pa lang akong nag-hike sa buong buhay ko at puro starter trails lamang iyon dahil alam nina Gen at Cleo na tamad ako sa mga ganitong lakaran.
Pero ngayon ay wala akong choice kung gusto ko talagang lumayo. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko bago nagsimulang maglakad kasabay ang ibang pasahero na ang ilan ay maraming bagaheng bitbit.
Halos isang oras na at nasa kalahati na kami nang makaramdam ako ng pagkahilo, nanlalabo rin ang paningin ko at tagaktak na ang pawis ko.
Alas-sais kinse na, nakakaramdam na ako ng pagkauhaw at pagkagutom pero wala kaming nadaanang tindahan man lang.
Gusto kong hubarin ang suot ko ngunit hindi ko naman magawang hubarin dahil manipis na sandong puti lang ang suot ko sa loob.
Ako ang nasa likod dahil ako rin ang pinakamabagal, nakita kong ang arko ng Brgy. Bangaan. Paakyat ang daan nito at nakakita ako ng ilang bahay, gawa ng gutom at uhaw ay lumihis ako ng daan at tinungo ang lugar, nagbabakasakaling may mabibilhan ako ng tubig o kahit maki-inom lang ako.
Hindi ko namalayan na malayo na pala ang nilalakad ko, ang kaninang bahay na nakita ko ay sarado, kahit anong katok ko ay walang lumabas. Nakarinig ako ngn ilang pag-uusap kaya sinundan ko iyon.
Itinuloy ko pa ang paglalakad sa pataas na daan, lumingon ako sa pinanggalingan ko ngunit hindi ko na makita ang main road.
Nakaramdam ako ng kaba, oo nga at gusto kong lumayo, pero langya bakit naman sa kagubatan pa ako maliligaw?
Nakarinig ako ng pag-alulong ng sa tingin ko ay lobo. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, "Eto na nga ba ang sinasabi ko sa'yo Arkisha Rose, padalos-dalos ka kasi."
Kinilabutan ako nang makarinig ng mga yabag, rinig ko ang mga inaapakang tuyong dahon. May isang yabag na marahan ang narinig ko mula sa likod ko.
Kahit kinakabahan ay marahan akong lumingon, natulos ako sa kinatatayuan ko nang makitang ilang hakbang na lang ang layo sa akin ng itim at malaking lobo. Kulay pula ang mga mata nito at sumisingasing habang nakatingin sa akin.
Gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, umatras ako ng isang beses ngunit dalawang hakbang ang ginawa ng lobo.
Nang umatras akong muli ay tumakbo na siya papalapit sa akin, napaupo na lang ako at tinakpan ang mukha ko, hinihintay na maging almusal ng malaking lobo na ito.
Nang pumaibabaw siya sa akin at makaharap ang mukha niya ay biglang nagdilim ang paningin ko.
'Mas gusto ko nang mamatay nang ganito kesa ipakasal sa hayop na lalaking 'yon...'

Comentário do Livro (19)

  • avatar
    RO NA

    nice

    25/07

      0
  • avatar
    MalabananJonas Montes

    Jonas

    23/07

      0
  • avatar
    Aslee Son

    lovely

    05/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes