logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

TCS 03:

•Rabiya•
Nakaupo lamang ako sa tabi habang pinagmamasdan ang mga taong nasa bulwagan na nagkwe-kwentuhan. Maraming bisita may mga pamilyar na mukha sa akin, ngunit di ko naman masabi kung sino.
Nakikita ko lang sila sa telebisyon at hindi naman ako mahilig na kilalanin ang mga artista. Bukod sa minsanan lang akong makapanuod ay wala rin naman akong oras para sa mga gan'yan.
Para sa mga taong katulad ko ay hindi kami pwedeng tumihaya na lang sa buong araw at manuod ng telebisyon dahil kapag hindi kami kumilos at maghanap ng pera ay wala talaga kaming kakainin.
Nagtama ang paningin namin ni Caleb nang muling umikot ang aking tingin. Ngumiti ito ngunit di ko siya binalikan ng ngiti, sa halip ay ibinaling ko sa iba ang aking paningin.
Hindi rin naman ako sigurado kung sa akin nga ba siya tumitingin. Lahat naman ng tao rito ay nginingitian niya at may mga babaeng nag-uusap tungkol sa kanya sa aking likuran. Baka naman ang mga babaeng ito ang tinitingnan niya at hindi ako. Kumpara naman sa gandang mayroon ako ay wala akong panama sa kanila.
"Hi! May kasama ka ba rito?" Napatingin ako sa lalaking pamilyar sa akin ang mukha. Tumango ako sa tanong nito ngunit hindi nagsasalita. "Would you mind if I sit beside you?"
"It's okay, hindi rin naman sa akin ang mga upuan na 'yan," sagot ko rito, na ikinatawa naman niya. "Pamilyar sa akin ang mukha mo. Artista ka ba? Parang nakita na kasi kita dati hindi ko lang alam kong saan iyon."
Inalis nito sa bibig ang baso ng wine bago tumingin sa akin sabay ngiti. Gwapo na nga ito kanina kahit hindi nakangiti, paano pa kaya ngayon?
"Sorry hindi ako nagpakilala kaagad. I'm Travis Baltazar," pagpapakilala niya. Inilahad pa nito ang kanyang kamay na inabot ko naman kaagad. "Ikaw pa lang ang hindi nakakilala sa akin."
"Marami pa kami nasa probinsya pa iyong iba." Nagtawanan kami sa sinabi ko. "Pamilyar ko lang ang mukha mo, dahil nakapanuod ako ng isang beses ng palabas. Muling Ibalik ang pamagat no'n."
Nang-aasar na pinasingkit nito ang kanyang mga mata, habang pinapagalaw ang dalawang kilay.
"Bakit gan'yan ka makatingin?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Naga-gwapuhan ka sa akin noong nakita mo ako? Gwapong-gwapo ka sa akin kaya di mo ako makalimutan, no?"
Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa sinabi niyang iyon. Lalo pa at ang cute niyang pagmasdan.
Nagtinginan ang ibang mga bisita sa amin dahil sa lakas nang aking pagtawa. Kaya agad akong dumikit kay Travis at nagtago sa kanyang likuran.
"Nahihiya ka? Patingin nga nang nahihiyang mukha," pang-aasar nito. Mahina kong tinampal ang kanyang likuran, ngunit napatigil din kaagad nang maalala ko na hindi nga pala kami magkapareho ng estado at kung tutuusin ay ngayon lang din kami nagkita na dalawa.
"I'm sorry, masyadong naging komportable ako sa'yo at—"
Hinila ako nito palayo sa kanyang likuran at iniharap sa kanya. May malapad pa rin na ngiti sa kanyang mga labi na ikinagaan naman ng loob ko. Akala ko naman kasi ay magagalit ito dahil sa ginawa ko.
"Ang hina lang no'n kahit lakasan mo pa, eh." Nakagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin sa kanya.
Ang gwapo ni Travis at tila ba kumikinang ito sa aking paningin. Ganito nga siguro ang mga artista, may ibang ningning na dala kaya nagugustuhan sila ng mga tao. Iyong tinatawag nilang charisma? Maraming mga artista na sumikat lang sandali ngunit nawala rin kaagad sa spotlight dahil wala silang charisma.
"Excuse me, she's my woman," seryoso at nang-aangkin na saad ni Caleb.
Naglipat-lipat naman ang tingin sa amin ni Travis, bago tumango. Muli akong tumahimik nang nagpaalam na sa akin si Travis.
Umupo naman kaagad sa aking tabi si Caleb at hinapit ang aking bewang. Magkaibang enerhiya ang dala nilang dalawa sa akin.
Kung si Travis ay madaling pakisamahan at mabilis makagaanan ng loob, si Caleb naman ay mahirap kausapin tila ba may pader na nakaharang dito. Pero hindi ko naman siya mahuhusgahan dahil lang sa pinapakita niya sa akin dahil hindi ko naman alam ang pinagdadaanan niya.
"Bakit ka ngumingiti at tumatawa sa lalaking iyon? Bakit hindi ka na umiimik ngayon?" seryosong tanong nito.
Napalunok ako at pinagsalikop ang aking mga kamay sa sobrang kaba. Gusto ko sanang mangatwiran dito pero walang mga salitang gustong lumabas sa aking labi.
"Answer me, Rabiya," mariin nitong sambit at pinagkatitigan ang aking mata. "I want to know your answers."
Gusto ko sanang umiwas ng tingin sa kanya nang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa aking panga para manatili ang aking paningin sa kanya.
"He's not my boss! Hindi niya ako empleyado kaya pwede ko siyang kausapin sa tonong gusto ko—"
Nanlalaki ang mata ko nang inangkin niya ang aking labi. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon sa harap ng maraming tao.
Gusto kong umiyak sa kahihiyan, pero wala namang akong karapatan. Siguro parte rin ito sa kontratang pipirmahan ko sa kanya.
"I'm sorry, nadala lang ako," malambing na usal nito at marahang hinaplos ang aking pisngi. "Uwi na tayo?"
Hindi ako umimik sumunod lang ako sa kanya nang tumayo na siya. Hindi pa kami nakakalabas nang tumawag sa pangalan ko.
Patakbong lumapit sa amin si Travis. Halata sa mukha nito ang pag-alala nakita niya siguro ang nangyari sa amin kanina.
"Anong problema mo?" tanong ni Caleb na nasa likuran ko. Hindi naman siya pinansin ng una at mas lumapit sa akin.
Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking tainga dahil sa paglapit nito sa akin. "Call me. Pwede naman tayong magkaibigan 'di ba?"
Inilagay nito ang isang maliit na tissue sa aking kamay at lumayo. Tumango ako sa kanya at tatalikuran na sana siya nang hinila ako nito papalapit sa kanya at ginawaran nang mabilis na halik ang aking noo.
"Mag-iingat ka, magkikita pa tayo ulit." Napangiti ako sa sinabi nito at tuluyan nang nagpaalam sa kanya.

Dikit ang kilay ni Caleb habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung ano ang problema nito, kung galit ba ito o naiinis ba ito dahil nandito ako ngayon sa kanyang tabi.
Hindi ko naman magawang magtanong dahil natatakot ako sa isasagot niya. Paano kung galit nga ito sa akin at pababain ako rito sa lugar na hindi pamilyar sa akin.
"Hindi mo sana pinayagan ang iba na makahalik sa'yo." Napahawak ako sa aking dibdib nang biglaan nitong hininto ang kotse at tumingin sa akin. "Gusto mo bang makatanggap ng parusa, Ms. Sanchez?" nakangisi nitong tanong.
Kinakabahan akong tumingin sa kanya nang pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan.
Ano ang ibig niyang sabihin sa parusang iyon? Inilayo ko ang aking ulo sa kanya nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Ayaw mo ng halik ko?" Sumama ang timpla ng mukha habang nakatingin sa akin. Halata ang inis sa mukha nito kaya kaagad kong iniwas ang aking mga mata. "Mas gusto mo ba ang halik ng lalaking iyon, Rabiya? Mas malambot ba ang labi niya kaysa sa akin? Mas mabango ba siya kaya ikaw na mismo ang yumayakap sa kanya? Ganoon ba iyon, Rabiya?"
"Hindi ko naman ginusto iyon, Sir Caleb, biglaan niya akong hinalikan sa noo atsaka sa tingin ko ay wala namang malisya iyon—"
"Shh, I want your answer later in my room above my bed, sweetheart." Napalunok ako sa sinabi nito. Hindi naman ako inosente para hindi maintindihan ang sinasabi niya.

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    LeriaRiza Rodriguez

    nice

    20/04

      0
  • avatar
    Joyce Gajar

    wala na po bang part 2?

    25/02

      0
  • avatar
    Prais Lady Jane Bendong

    maghanda po yong novela

    14/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes