logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Elizabeth`s POV

--------
"Tabi! Tabi!" Rinig kong malakas na sigaw ni Dawidh sa likuran ko pero paglingon ko nagulat na lang ako nang sunod na napagtanto ko ay halos magkakapatong na kaming tatlo sa damuhan pang-apat ang motorsiklo.
Dumilat ako ng dahan-dahan pero wala akong ibang makita kundi ang puting uniform at amoy niya na nanunuot sa ilong ko habang pumaibabaw siyang nakayakap sa akin na at nasa likod naman ng ulo ko ang kamay niya.
Nasa pinakailalim nga ako pero himalang wala naman akong maramdamdamang kahit na anong sakit sa katawan ko.
Narinig kong dumaing si Justine at sinimulang tumayo na sinundan naman ni Dawidh. Doon ko naman nakita ang isang lalaking may dalang baril sa baywang at pito sa bibig na bahagya pang nakapameywang na humarap sa amin.
Oh Mio Dio!
Ito na ata ang pinakaworst na disgrasyang natamo ko. Ako na nga ang binangga, masasali pa ako sa presinto gayung hindi naman ako nakipag-away.
"Tumayo kayo! Dali! May balak pa talaga kayong tumakas ah!" Galit na sabi ng pulis na agad namang sinunod ng dalawang nagpapakafeeling marunong mag-drive.
Tumingin sa akin ang pulis kaya tumayo na rin ako at nakayukong tumabi sa kanila.
Lumapit ang pulis kina Justine at Dawidh saka bahagyang binatukan sa ulo. Yumuko ako at pumikit din ng mariin sa pag-aakalang babatukan din ako pero hindi iyon ang nangyari.
"Anong relasyon mo sa dalawang 'to?" Tanong sa akin ng pulis.
Tumungo ako.
"Po? Eyy! Sir wala po akong relasyon sa dalawa na 'yan. Hindi naman po ako two timer." Mabilis kong sagot na winagayway pa ang mga kamay sa ere.
Kumunot ang noo ng pulis na bahagyang sumeryoso pagkatapos mapanganga at naiinis na tiningnan ang dalawang kasama ko na bigla na lang parang natawa.
Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Pilosopa ka ah! Seryoso kitang tinanong kung anong relasyon mo sa dalawang 'to. Kung kakilala mo ba sila o kasama ka ba ka nila? Hindi ko tinatanong kung mag-jowa ba kayong tatlo." Naasar na sabi ng pulis sa akin.
Ah, ganun pala 'yon?
"Ay sorry po." Sabi ko saka yumuko at nananatiling nakayuko pa rin nang magsimula na silang maglakad habang hawak sina Dawidh at Justine sa likuran ng mga kwelyo nila.
Tumingin ako sa unahan at nakitang isinakay ang mga grupo ng Dark Angel sa malaking patrol car. Dahil sa taas at laki ng upuan nito na magkakatapat ay nagkasya sila doon.
Lumaki ang mga mata ko nang may isa pang dumating at isinakay doon si Andreah at iba pang grupo ng Cripz.
"Pst! Ano pang hinihintay mo d'yan? Sumunod ka na lang. Huwag mo ng isipin pang tumakas dahil baka mas lalo lang lalaki ang problema mo." Striktong sabi sa akin ng pulis.
Nilingon ako ni Dawidh kaya naiinis ko siyang iningusan at sumunod na lang sa kanila.
This is fucking bullshit!
Kapag nalaman 'to ni Mommy at Daddy ay paniguradong bukas na bukas ay nasa kombento na ako.
Pakshet!
--------
"Pangalan?" Tanong ng pulis sa akin. Nasa loob na kami ng presinto na nasa lungsod.
First time kong makapunta sa lungsod ng Dumaguete pero presinto agad ang una kong nadalaw.
What a joke!
Katabi ko sa upuan ang dalawang feeling rider kagagaling lang dinala sa itaas habang kasunod naman nilang nakaupo ang ibang grupo ng Dark Angel samantalang sa tapat naman namin nakaupo ang grupo ng Cripz na naghahanda ng lumabas pagkatapos din silang dalhin sa itaas.
Kumaway pa sa akin si Andreah bago lumabas sa glass door kasama ng boyfriend niya at mga grupo nito.
Anak ng! Tapos na sila? Paano ako? Iiwan lang ako ni Andreah? Paano ako uuwi gayung hindi ko nga alam kung saan ang sakayan patungo sa bahay ni Manang Carmen?
Bwiset na pinsan 'yan! Sana tinulak ko na lang siya ng malakas na malakas kanina hanggang sa mangungod ang mukha niya sa tae ng mga baka na nando'n.
Hinarap ko ang pulis na nagtatanong sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas din ako. Ayokong mag-stay dito at sunduin nina Mommy at Daddy.
"Hindi po ako kasama sa kanila. At saka hindi n'yo ba nakikitang naglalakad lang ako sa malayo at binangga nila ako? Kaya nadamay lang ako? At isa pa po bakit naman po ako sasali sa away nila gayung nag-iisa akong babae? Hindi naman po maka–"
"Wala akong sinasabing kasama ka sa away. Tinatanong ko lang ang pangalan mo para mailagay ko dito sa logbook at maiuwi mo na ang dalawang 'yan."
Kumunot ang noo ko at nilingon ang dalawang unggoy sa tabi ko.
Ano daw? Para maiuwi ang dalawang 'to?
Nilingon ko ulit ang pulis.
"Sir, teka lang–"
"Pangalan. Ayaw mo bang umuwi?"
"Gusto po!" Mabilis kong sagot.
"Pero hindi ang dalawang 'to." Bulong ko sa sarili.
"Pangalan."
"Elizabeth Decarlo." Sagot ko. "Pero sir, hindi n'yo naman po tatawagan ang pamilya ko di'ba?" Paniniguro ko habang ibinibigay niya sa akin ang logbook at ballpen para pumirma ako.
"Basahin mo nakalagay d'yan." Sabi ng pulis.
Tiningnan ko ang nakasulat sa logbook at tumingin sa pulis tapos tumingin ulit sa logbook.
Mas malinis pa siguro ang pagkakamot ng mga manok sa lupa kaysa sa sulat niyang mas malala pa sa Doctor!
"Hindi... Ko po... mabasa." Naiilang na sagot ko saka ibinalik sa kanya ang logbook at ballpen.
Siyempre. Wala talaga akong mabasa. Ayokong pumirma dahil baka nakasaad d'yan na papauwiin lang ako kapag susunduin ako ng mga magulang ko.
"Ayaw mo bang makauwi ang boyfriend at ang kaibigan mo?" Tanong sa akin ng pulis na kinakunot ng noo ko.
Boyfriend at kaibigan? Sino?
Nilingon ko ulit sila at ngumisi lang sa akin si Dawidh at yumuko naman si Justine.
Luh! Haha. Ako? Boyfriend siya? Goodness gracious! How can that be?! When we are not even that close. What the fuck!
"Kung ayaw mong pumirma bilang guardian nila ay tatawagin na lang namin ang mga magulang–"
Mabilis kong inagaw ang logbook at ballpen sa pulis saka pumirma sa itaas ng pangalan ko.
Totoo ngang guardian ang nakalagay doon.
Bwiset!
Napagtanto kong eighteen na pala ako at ako ang matanda sa dalawang ugok na ito.
"Umuwi na kayo at sana naman hindi na kayo bumalik pa dito. Ang ganda-ganda mo pa naman para pumunta sa presinto at sunduin lang ang basagulero mong boyfriend. Mag-aral kayong mabuti." Sabi pa ng pulis at sinunod naman ang grupo ng mga Dark Angel.
Pabigla kong binitawan ang glass door para matamaan ang dalawang ugok na nakasunod sa akin. Huminto ako na kinahinto din nila.
Yumuko naman si Justine saka ngumisi naman sa akin si Dawidh. Tiningnan ko siya ng masama na iyong tipong kinakain ko na siya sa utak ko dahil sa inis saka nagmamadali munang lumabas sa gate saka hinarap ulit sila nang nasa labas na kami.
"Huy! May saltik ka ba sa utak?! Sinadya mo ba akong banggain para makalabas kayo?! Ang kapal ng mukha mong idamay ako!"
Namulsa siya sa mga bulsa niya pagkatapos niyang ibigay ang bag niya kay Justine na agad naman nitong kinuha.
"Bakit ngayon ka pa nagrereklamo gayung pwede ka namang magreklamo doon? Pupunta naman agad ang Mommy ko para sunduin ako. Aminin mo na kasing gusto mo rin na maging girlfriend ko." Sabi niya na bahagya pang nilapit ang mukha sa akin.
Ha! Gagawin ko naman talaga 'yon at si Manang Carmen lang ang papuntahin dito pero alam kong malalaman pa rin nila Mommy at Daddy 'yon kaya hindi ko na ginawa.
"Gusto mo bang itlogin ulit kita?" Tanong ko sa kanya na kinangisi lang niya saka kumagat sa labi niya.
"Naalala kong marami ka pa nga palang kasalanan sa akin. Nag-iisa ka pa naman." Mas inilapit pa niya ang mukha sa akin at nainis ako nang akbayan niya ako sa balikat saka dahan-dahang ginalaw ang kamay niya papunta sa leeg ko at sinakal ako sa saka itinulak sa pader at bahagya pa akong itinaas.
Nasa labas na kami ng police station at nasa bandang pader kami kung saan walang masyadong dumadaan sa side na ito at bahagya pang madilim dahil na rin sa malaking punong-kahoy na tumatakip sa ilaw sa poste.
"Wid! Tama na 'yan. Nasa labas tayo ng police station baka may makakita sa iyo. Babae pa naman siya." Awat ni Justine pero hindi siya pinansin ng gago.
Nagsimula na rin akong mainis.
"You dare humiliate me in front of many people–"
Hindi ko na siya pinatapos pa at mabilis kong itinaas ang kanang paa ko at malakas siyang sinipa sa kaliwang bahagi ng ulo niya malapit sa tainga niya. Nabitawan niya ako at napahawak sa tainga niya kaya mabilis ko din siyang tinuhod sa tiyan at sinipa patungo sa pader.
"Ginoo ko! Metriks kaayo bay!" Bulalas ni Justine.
"Umayos ka ah! Magpasalamat ka na lang pagkatapos kitang tulungan!" Sabi ko saka tumawid sa kalsada.
Hindi ko alam kung paano ako makakauwi kaya tinawagan ko na lang si Cecille para sunduin ako nang hindi nalalaman ni Manang Carmen.
Isang oras din ako naghintay bago siya dumating. Bumili na lang din kami ng damit para isipin ni Manang Carmen na pumunta kami ng lungsod dahil may binili kami kaya pag-uwi namin sa bahay ay wala lang siyang kahit na anong tanong.
-------
Kinabukasan nalaman naming kaya pala galit na galit si Raymund at binitay ang motorsiklo ni Maam Landa sa malaking puno ng mangga ay dahil pinuntahan daw niya ang mga magulang ni Raymund para pakiusapan ito sa ginagawa nito sa kanya sa paaralan.
Siguro pinagalitan si Raymund ng mga magulang niya kaya naghiganti siya kay Ma'am Landa. Nalaman din namin na si Andreah din ang nagturo kay Ma'am Landa sa bahay ng boyfriend niya. Kaya pala umiiyak siya kahapon.
"Bakit pakiramdam ko ang tahimik ata ng paaralan ngayon? Iyong tipong parang iba ang atmosphere at pakiramdam mo ligtas kang maglakad sa loob ng campus? Nahuli ba sila lahat? Akala ko ba sabi mo si Dawidh lang at ang right hand niyang si Justine ang nahuli sa grupo ng mga Bloodz?"
Inayos ni Cecille ang bag niya pagkatapos niyang habang papalakad kami palabas ng gate.
Totoo ang sinabi niya. Nakakapanibago nga lalo na at biyernes ngayon kung saan ay araw ng mga malalaking riot ng mga grupo.
May kutob akong kaya hindi sila pumasok ay dahil sa nangyari kahapon. Iba kasi ang bakbakan nila dahil may dala pa silang mga kasangkapan kaya doble ang sakit ng katawan na natamo nila siguro.
"Pwede kang pumunta sa police station at hanapin ang pangalan nila sa logbook." Wala sa sariling sagot ko sa kanya.
Iniisip ko lang. Si Dawidh at Justine nga lang ang nahuli kahapon pero nakakamangha lang na tahimik ang mga grupo ng mga Bloodz ngayon. Iba ang respeto at loyalty nila sa leader nila at hindi man lang nag-iingay o nakipag-away ang iba.
Naalala kong galit pa hanggang ngayon sa akin si Manon pero tiningnan lang niya ako kanina noong magtagpo kami sa campus. Iyong tipong parang nagpipigil lang siya na para bang pinagbabawalan siyang galawin ako sa loob ng campus.
"He. He. Funny." Sarkastikong sabi niya na bahagya pa akong iningusan.
Humintio kami sa nagtitinda ng manok na sinasabi nilang chicken joy. Katulad din ito ng nagtitinda ng tempura at nuggets sa gilid ng gate ng paaralan namin na motorsiklo lang ang gamit na may side car. Kung sana sila nagluluto.
"Bibili ka?" Tanong ko kay Cecille nang lumapit siya sa tindero.
"Hindi. Titingnan ko lang hanggang sa mabusog ako." Pamimilosopo niya sa akin.
Muntik ko na tuloy siyang sipain sa puwetan.
"Anong sa'yo gwaps?" Tanong ng tindero sa kanya na kakulay ng niluluto nitong bahagya ng nasusunog na manok. Pero may itsura naman.
(Gwaps, short for gwapa– meaning maganda.)
Ngumiti siya kay Cecille na nagpapacute habang kinindatan naman niya ako.
Gago! Akala mo kung sinong gwapo!
"Gusto ko po iyong maraming laman Kuya." Sagot naman ni Cecille sa cute na tono ng boses.
Luhh! Dapat sana sa teacher niya ginagamit ang pagpapacute niya para naman tumaas mga grades niya.
Ngumiti naman ang tindero na parang kinilig pa.
Mio dio!
Kinuha niya ang malaking tong na ginamit niya saka parang may hinanap sa ilalim ng mga manok na halos parte ng pakpak at dibdib.
Naiintindihan ko na kung bakit nagpapacute si Cecille para makakuha ng laman puro kasi mga buto ang naka-display sa ibabaw.
"Ilan ba ang gusto mo?"
Lumapit na rin ako dahil bigla din akong nakaramdam ng gutom.
"Magkano po isa?" Tanong ko.
"Sampung piso pero para sa'yo... Gagawin kong tatlong piraso sa bente pesos mo." Sagot ni Kuya sabay kindat ulit sa akin.
Hindi na ako nainis sa kindat niya. Special kasi ako.
"Ako din ba kuya?" Pagpapacute na tanong ni Cecille.
"Siyempre. Pero huwag n'yo lang sabihin sa iba ha?" Sabi niya saka ibinigay sa amin ang extrang tong para kami na ang pumili.
"Ay siyempre kuya. Chalamat po. Ang gwapo-gwapo mo po."
Pinigilan ko ang ngiti ko sa sinabi ni Cecille.
Bolera!
Lumalaki ang tainga ni Kuya.
Ngayon ko lang nalaman na may ugali pa lang ganito ang gaga.
Bumili ako ng halagang isang daan at ako na rin ang nagbayad kay Cecille kaya naging labing anim ang manok namin dahil dinagdagan pa ni Kuya ng isa.
Kung oras-oras kami bibili sa kanya. Panigurado lugi si Kuya pero tataba naman ang puso niya sa mga pambobola ni Cecille.
"Chalamat po Kuyang pogi. See you sa monday po." Kumaway pa si Cecille bago kami sumakay sa traysikel pauwi.
Masasabi kong ito na siguro ang pinakatahimik, payapa, masaya at napaka-swerteng araw na naranasan ko sa dalawang linggo ko dito sa paaralan.
Dalawang linggo na lang din ang kulang may bago na akong malambot at malaking kama. At sana naman sa dalawang linggo na yon ay hindi na ako masasali sa gulo tulad kahapon. Muntik na akong bumagsak sa kombento kahapon nang dahil sa aksidenteng nangyari. Alam kong hindi nila sinasadyang nagmamarunong silang gumamit ng motorsiklo sa kadahilanang gusto nilang makatakas ng mabilis sa mga pulis na paparating at naghahabol sa kanila.
Nakita ko kasi ang pangyayari. Tumakbo nga ako ng mabilis no'n pero naglakad din ako ng konti para isipin ng mga pulis na hindi ako kasama sa gulo. Okay na sana ang plano ko kung hindi lang ako binangga ng mga gago.
Iyon na ang pinaka-worst at nakakatawang aksidenteng nangyari sa buhay ko. Ako pa ang binangga, ako pa ang naging guardian nila dahil sa edad ko. Hindi ko alam kung paano napaniwala ng mga gago na yon ang mga pulis na girlfriend ako ni Dawidh.
Kung hindi lang tatawagin ng mga pulis ang mga magulang namin kung di ako pipirma ay iniwan ko na sila.
"Sana hindi uuwi si Kuya sa bahay para atin-atin lang 'to. Swapang pa naman 'yon saka ang lakas kumain." Sabi ni Cecille habang naglalakad na kami mula sa crossing kung saan hanggang doon lang hahatid ang driver ng traysikel at malayo pa ito sa bahay namin.
Nauna na kaming umuwi kasi may practice pa ng Taekwondo si Anthony pagkatapos niyang magpractice ng Arnis.
Hindi ko alam kung paano niya napagsabay-sabay 'yon.
"Marami naman 'to." Sagot ko sa kanya na bahagya pang itinaas ang plastic na hawak ko.
"Walang marami pagdating kay Kuya. Ubos lahat 'yan lalo na ngayong gutom na gutom siya–"
Natigilan kami ni Cecille nang makita namin sa unahan ang pamilyar na grupo ng mga kababaihan na may mga dalang panyong kulay pula.
Bloodz.
Paastig silang naglalakad habang sumilay naman ang malaking ngisi ng babaeng nasa unahan nila.
"Akala ko ba okay na kayo ni Manon?" Natatakot na tanong ni Cecille sa akin habang hinawakan pa ako ng mahigpit sa braso.
"Hindi ko sinabi 'yan."
Hahawakan ko din sana siya nang parang may kinakapa siya pababa sa kamay ko pagkatapos kung ilipat sa kabilang kamay ang hawak kong plastic na naglalaman ng mga manok.
Kunot-noo ko siyang tiningnan nang binawi niya ang pagkakahawak ko at kinuha ang plastic sa kabila kung kamay.
"Ako na ang magdadala nito dahil baka mapa'no pa 'to. Wala tayong uulamin mamaya."
Napanganga ako.
Anak ng! May gana pa siyang mag-alala sa manok kaysa sa sarili niya.
"Sige, hawakan mo 'yan at iyan ang gawin mong panghampas sa kanila." Naiinis na sabi ko sa kanya saka bahagya siyang itinago sa likuran ko nang mas lalo pang papalapit ang mga grupo.
Kinakabahan ako. Puta!
I didn't feel like this before to the fact na marunong akong makipag-away. Siguro dahil nakatatak na sa utak ko mismo na hindi ako makikipag-away? Sa kagustuhan kong magising si Mauro.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya nang humakbang siya patungo sa unahan.
"Kailangan kong may pang-self defense." Sagot niya pagkatapos niyang kunin ang isang tuyong sanga mula sa punong niyog na nahulog sa kanal.
Napailing-iling na lang ako.
Lumingon ako sa paligid at naghanap ng matatakbuhan namin pero wala akong mahanap maliban sa daan pabalik sa crossing. Pero hindi kami pwedeng tumakbo papunta doon dahil baka hindi kami makauwi at posibleng hahabulin nila kami. Saka posibleng madisgrasya pa kami dahil may mga sasakyan ding dumadaan. Ang tanging paraan lang ay tumakbo kami kung saan patungo ang bahay namin. Madadaanan kasi namin ang bahay ng Gobernador at marami ding mga tao ang palaging nakabantay doon kaya may pag-asa pa kami.
Hinarap ko si Cecille.
"Pagbilang ko ng tatlo. Tumakbo ka papunta sa bahay natin, okay?"
"Ano?! Magpapaiwan ka?!" Hysterical na tanong niya sa akin saka ko siya tinago sa likuran ko nang makarating na sina Manon at ang mga kasamahan niya.
Lihim ko silang binilang. Pito sila lahat. Kaya ko lang silang patumbahin pero ayoko lalo pa at malapit lang ito sa bahay namin. Mahirap na dahil baka may makakilala pa sa akin at isumbong pa ako kay Manang Carmen.
"Wow. Coincidence ba 'to? O sadyang nakatadhana ka lang talaga sa akin?"
Hindi ko mapigilang iikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Iba kasi ang dating sa akin n'yon lalo na at nagmumukha siyang tomboy. Iyong tipong parang sinasabi niyang nakatadhana kami sa isa't-isa bilang mag-jowa.
Diyos ko! Kinikilabutan ako.
"Ang dami nila." Natatakot na bulong sa akin ni Cecille sa likuran ko.
"Anong kailangan mo?" Matapang na tanong ko sa kanya.
"Ikaw lang kailangan ko." Mabilis na sagot niya saka sumenyas sa mga kasamahan niya para hawakan ako sa magkabilang kamay pati si Cecille.
"Isa... Dalawa... Tatlo. Ngayon na!" Sigaw ko kay Cecille pagkatapos kong itulak ang mga babaeng hahawak sana sa amin na agad naman niyang sinunod.
Tanginang gaga!
Hindi ko mapigilang mapamura dahil tumakbo siya pabalik sa crossing. Sa ginagawa niya ay parang mas gusto niyang makipaghabulan sa kanila patungo sa malaking highway.
"Hindi d'yan! Puntangina!" Sigaw ko sa kanya habang nilingon siya na hinahabol ng dalawang tomboy. Nang dahil sa ginawa kong paglingon sa kanya ay nawala ang atensiyon ko kay Manon kaya huli na ng humarap ako dahil naramdaman ko na ang malakas na sampal niya sa kaliwang pisngi ko habang nakahawak na sa akin ang dalawa sa mga kasamahan niya sa magkabilang braso ko.
Fuck! It stings!
Mas masakit pa siya sa suntok.
"Esay! Pa'no na 'tong mga manok?!" Rinig ko pang sigaw ni Cecille habang tumatakbo ng mabilis.
I can feel my cheek starting to heat up. Dumura ako nang malasahan ko ang dugo ko sa bibig. Hindi pa ako nakaka-recover sa malakas na pagkakasampal niya sa akin nang sumunod naman niya akong suntukin sa tiyan.
Napadaing ako ng malakas dahil sa ginawa niya at napaluhod sa sobrang sakit.
"Matibay ka ah!" Bulong pa niya sa akin.
Sanay na ako sa mga suntok sa tiyan dahil sinasanay ko kasi ang sarili ko lalo na sa part kung saan mahihimatay ka agad kong matatamaan ka sa maselang parte ng tiyan mo. Sanay na ako pero iba siya. May pakiramdam akong malaki ang nalalaman niya sa ganito.
Masasabi kong malakas siya at hindi madaling kalaban.
Sinubukan ko pang huminga kahit umiikot na ang paningin ko pero kahit na anong gawin ko ay bumagsak pa rin ako sa semento kasunod ng pagdilim ng paningin ko.
-MissPhilosopa

Comentário do Livro (243)

  • avatar
    Gena Detosil Bruzola

    i like this story,merong action.and love story meron pang comedy sa eksina,i love it thanks and keep writing a good story.💓💓

    23/08/2022

      0
  • avatar
    AngananganFebamor

    I love this novel...maganda at nakaka aliw...gusto ko yung pagbabatuhan nila ng mga salita,they made me laugh...di sya yung effort magpatawa..matatawa ka na lang talaga habang binabasa mo mga palitan nila ng words...matatawa ka sa mga painosente nilang ways...sa kabuuan maganda ang kwento at nakakaaliw...kudos to the author! 👏👏👏👏👋 to the author...meron ka pa bang ibang novel na na published na complete?😊

    11/03/2022

      8
  • avatar
    RayelaElizer James

    I want to give novelah 100 pts

    20d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes