logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

SCHOOL OF GANGSTER: Beautiful Accident

SCHOOL OF GANGSTER: Beautiful Accident

MissPhilosopa


Capítulo 1 Elizabeth`s POV

"Pasensiya ka na Manang Carmen. Ikaw lang talaga ang maaasahan ko sa kanya ngayon."
"Huwag n'yo pong aalalahanin 'yon Senyora. Isa po itong karangalan na dito n'yo po siya sa akin ibinilin. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko habang nandito po si Senyora Esay sa tahanan ko."
"Thank you so much Manang. We will visit you anytime here. Don't be shy and please let us know anything you need. We're ready to support your needs and the foods."
"Okay lang po Sir. Wala pong problema. Kumakain naman siya ng kamunggay at sardinas kaya hindi po siya masyadong pabigat sa mga gastusin."
Tumawa si Manang Carmen pagkasabi niya no'n.
Totoong kumakain ako ng kamunggay at sardinas dati kasi bata pa ako no'n. Nadala lang ako ng anak niyang si Cecille dati.
Ibinaling ko ang tingin ko sa aking cellphone at isinuot ang aking pink headphone with fur.
I don't want to talk to them at gusto ko silang umalis na. Mas lalo lang kasi nilang pinapainit ang ulo ko kapag nakita ko sila at sa isipin na dito nila ako ibinilin sa Dumaguete kung pwede namang sa ibang lugar ng Maynila na lang. Pero okay lang naman. Gusto ko naman si Manang Carmen.
"Elizabeth." rinig kong tawag ng Mommy ko dahil hindi naman ako nagpapatunog ng music. Mabilis lang kasing sumasakit ang ulo ko. Nagsusuot lang ako nito para isipin ng mga tao na hindi ko sila naririnig. I just want to be alone. Always.
Hindi ko pinansin ang mommy ko at nagpapatuloy sa paggawa ng bagong facebook account sa cellphone ko. In-deactivate ko kasi 'yong una kong account kasi ayokong malaman ng ibang nakakaalam sa akin na nandito ako sa Dumaguete.
Ano kayang ipapangalan ko sa facebook?
Hindi ako talentado sa pag-isip ng mga pangalan tulad ng parents ko. Palagi daw kasi nilang nakikikita sa balita si Queen Elizabeth kaya iyon ang ipinangalan sa akin.
"Aalis na kami. Huwag mong kalimutang i-text si Andreah para mailibot ka niya bukas sa paaralan."
Bingo!
Ti-nype ko ang pangalang Andreah sa cellphone.
Ngayon, kailangan ko lang ng apelyido. Anong pwedeng gamiting apelyido?
"Elizabeth! Naririnig mo ba ako?!" naiinis ng sigaw ng Mommy ko.
Andreah Elizabeth?
No.No. Ayokong ilagay ang pangalan ko dahil baka ma-search lang nila 'yon.
"Elizabeth!" sigaw ni Mommy sa harapan ko at kinuha ang headphone ko sa tainga saka galit na itinapon sa inuupuan kong mataas na sofang gawa sa kawayan.
"Mom! What the f*ck!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Elizabeth. Watch your mouth. She's your mother." galit na sabi ng Daddy na ko na lumapit pa kay Mommy.
"Dad, she broke my f*cking headphone! How should I act?!"
"Act with respect! Dr. Ortiz said you're not allowed to use headphones anymore–"
"Oh yes! Ortiz. Andreah Ortiz!" I exclaimed and flicked my finger saka nagsulat ulit sa cellphone at pumasok sa kwarto ko.
"Thank you!" sabi ko pa.
"What the hell is wrong with her?" rinig kong tanong ni Daddy.
Itinapon ko ang katawan ko sa kama pero mabilis ding napabangon sa sakit ng dibdib ko. Actually, ng suso ko.
"Puntangina!" Mura ko saka minamasahe ang dibdib ko.
"Manaaaaanng!" sigaw ko.
Lahat naman sila ay nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.
"Bakit senyora? May problema ba? May nakita ba kayong ipis?"
Nang dahil sa sinabi niyang ipis ay nanglaki ang mga mata ko at mabilis na pumatong sa kawayan ko ding kama.
Oo, kawayan gawa sa kawayan din ang kama ko at may kaunting kutson lang.
"Nasaan ang ipis?!" medyo takot na tanong ko.
I know karate ang I am not f*cking scared of cockcroaches. It's just that cockcroach, is one of the most dirty insects I've know. Labas pasok kasi sila sa inidoro, sa septic tank at sa imburnal.
"Wala pong ipis. Pasensiya na senyora. Pero bakit po kayo sumisigaw?"
Ibinaba ko ang unan na hawak ko para sana ipamalo sa ipis na sinasabi niya.
"What the heck is wrong with you?! Bakit mo sinabing may ipis?" Naiinis na tanong ko saka bumaba sa kama.
"By the way, palitan n'yo ang kamang 'to! Ayoko nito! Gusto ko 'yong malambot kapag tinatapon ko ang katawan ko. Hindi ganitong napipisa ang suso ko!" sabi ko habang nakahawak pa sa suso ko.
Nagtinginan lang sila Mommy at Daddy sa sinabi ko saka tumalikod si Mommy na nakita ko pang inikot ang mga mata niya.
"Papalitan lang namin 'yan kapag wala kang ibibigay naming problema sa loob ng isang buwan." sagot ni Mommy habang nasa balikat na niya ang Gucci na shoulder bag niya.
"What? Are you f*cking kidding me?"
"Elizabeth. I told you to watch your mouth! Tama ang Mommy mo. We will change your bed kapag hindi mo kami bibigyan ng sakit ng ulo. You said you wanted to change your life and forget the past. Umayos ka. Ito na ang panghuling eskwelahan na papasukan mo at kung hindi ka na naman magtitino. Ewan ko na lang kung saan ka pa namin papaaralin. Baka tuluyan ka na talaga naming ihatid sa kombento. Kung mahal mo talaga si Mauro tulad ng sabi mo. Umayos ka."
Natigilan ako sa sinabi ng Daddy ko lalo na ng banggitin niya ang pangalan ni Mauro.
Mauro is my Filipino-Italian childhood friend. Anak siya ng ka-business partner ng Daddy ko. Pareho kami ng edad at pareho din kami ng eskwelahan. Pareho ding mga pinay ang mga Mommy namin. Every time na pinatatalsik ako sa paaralan ay ipapatalsik din niya ang sarili niya at papasok din kung saan ako nag-aaral.
The reason why I came here is to show him how I would follow his wish for me before he went into coma. Yes, he's in coma now for almost a year. It was my fault. May nakaaway kasi akong grupo ng mga gang noong nag-aaral kami sa Maynila last year. They were using many kinds of tools to attacked me while I was alone. Nang marinig niya ang balitang 'yon ay agad niya akong hinanap. He came not just to rescue me but he also came to risked his life for me.
Fucking Mauro!
Bakit pa kasi niya ako niligtas?
Tumingala ako saka kinuha ang unan at tinapon sa Daddy ko.
"Stefan! Get out of here!" sigaw ko sa pangalan ng Daddy ko saka tinulak silang lahat para palabasin sa kwarto ko bago pa tuluyang lumabas ang luha ko at makita nila ako.
Umupo ako sa sahig at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.
Huwag kang mag-alala Mauro. Tutuparin ko ang gusto mo basta gumising ka lang.
---------------
"Huwag na. Ako na ang sasagot sa bayad mo." sabi ni Cecille sa akin nang huminto na ang traysikel na sinasakyan namin sa labas ng paaralan.
Hindi pa muna ako bumaba dahil nasa sutsot kasi ako nakaupo katabi ni Cecille. Iyong tipong magkatabi na kami ng manibela ng motor at mararamdaman ko na ang mga kamay ni Manong drayber sa kanang gilid ng hita ko tuwing umiliko siya.
"Bayad ho Manong. Dalawa." inabot ni Cecille ang benteng papel sa drayber nang makalabas na ang iba matapos magbayad. Nagulat ako nang sinuklian siya ni Manong ng sampung piso.
Singko pesos lang ang pamasahe kaya pala hirap makasakay ng traysikel at ilang sila sa amin ang ibang mga driver kanina nang pumara kami. May iba pang hindi tumitingin sa amin dahil konti lang pala ang pamasahe. Lugi sila sa gasolina.
Bumaba si Cecille kaya bumaba na din ako.
Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang labas ng paaralan na maraming mga estudyateng babae at mga pusong babaeng naglilinis sa kanang bahagi ng gate na may maliit na garden na katabi ng kanal. Wala akong nakitang lalaki sa kanila. Hindi kalakihan ang gate at may dalawang nakasuot ng sibilyan na nakaupo sa parang guardhouse na nasa kaliwang bahagi ng gate. Hindi ko alam kung guard ba sila o tambay sa paaralan.
Nakakatakot kasing tingnan 'yong isang matangkad na mama na nakasuot ng puting t-shirt at pinaresan ng butas-butas na pantalon. Medyo mamula-mula pa ang mga mata niya at para siyang adik tingnan. Iyong isa naman ay ganu'n din. Mukhang strikto lalo na kung makatingin sa'yo.
"Sino sila?" tanong ko kay Cecille.
Iyon ang kauna-unahang salitang lumabas sa bibig ko simula no'ng ipakilala siya ni Manang Carmen sa akin kahapon kaya medyo nagulat pa siya sa pagsasalita ko.
"Ah. Iyong matangkad na strikto na nakasuot ng puting t-shirt ay si Kimlot. Iyong isa namang nakasuot ng blue ay si Lito. Sila ang mga guard dito sa paaralan."
Napangiwi ako.
Mukhang preso na pala ngayon ang mga guard?
"Mukha silang mga adik na tambay sa paaralan." bulong ko pero narinig pala ni Cecille kaya tumawa siya.
"Halika na. Pumasok na tayo. Anong section ba daw ang Andreah na sinasabi mong pinsan mo para mahatid kita doon."
"Hindi ko alam. Hindi ko pa naman siya nakita." sagot ko saka sumunod sa kanya sa paglalakad.
Bahagya akong yumuko nang mapansin kong lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Pero normal naman siguro 'yon lalo na kung bago ako at idagdag pang July na ngayon.
Inilibot ko ang paningin sa paligid nang makapasok kami sa hindi kalakihang gate. Maliit lang ang paaralan. Iyong tipong kakapasok mo pa lang sa gate ay parang makikita mo na lahat ng nasa loob. Nasa bandang kaliwang bahagi ang principal's office na nababasa ko na kasunod lang ng guard house. Maliit lang ang distansiya.
Samantalang sa kanang bahagi naman ng gate ay may maliit na space at may iilang punongkahoy lang na kasunod n'yon ay ang isang silid na nakasarado pa. Sa nakikita kong mga aklat at bookshelf sa loob ay alam kong isa iyong library. Habang may mga lalaki namang nakasigarilyo pa na nakaupo sa semento sa labas ng library.
Napangiwi ako nang suyupin ng malakas ng isang lalaking mala-emo ang style ng buhok ang sigarilyo niya saka pinahid ang apoy n'yon sa likuran ng lalaking nakaupo sa pangalawang hakbang ng hagdan na nasa harapan niya bago tinapon sa mga babaeng nagwawalis sa may mga punongkahoy. Mabilis namang pinulot ng babae 'yon habang takot na nakayuko.
What the hell! Paaralan pa ba 'tong napasukan ko?
Parang gusto ko tuloy hampasin ang emong lalaking pangit na 'yon sa ulo ng walis tingting na hawak ng babae. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kakapasok ko lang sa gate baka patalsikin na naman ako sa paaralan at baka totohanin na din ang sinabi ng parents ko na ipatapon na lang ako sa eskwelahan ng mga madre para bumait daw ako.
Bumuntong-hininga ako.
Paano ko susubukang baguhin ang sarili ko kung ganitong paaralan ang napasukan ko? Unang kita ko pa lang sa mga lalaking estudyante ay alam ko ng mas worse pa ito sa paaralang huli kong napasukan sa maynila.
Tinakpan ko ang ilong ko nang may maamoy akong matapang at malaslong na amoy ng ihi.
Lumipad ang tingin ko sa isang matangkad, maputi at gwapong lalaking kakalabas lang mula sa apat na magkakasunod na CR ng mga lalaki na halos katabi lang ng guardhouse habang nagsasara pa ng zipper niya. May suot siyang pulang panyo na nakapalibot sa leeg niya.
Tumaas ang kilay ko nang tumingin siya sa akin na parang adik na nang-aakit habang nakakagat pa sa ibabang labi niya at bahagya pang hawakan ang bukol ng harapan niya.
Gwapo sana. Manyak lang.
Inirapan ko siya saka ako sumunod sa paglalakad kay Cecille.
"Ano nga ulit pangalan ng pinsan mo?" tanong ni Cecille sa akin. Nasa labas na kami ng room niya.
Mabilis siyang pumasok sa room niya para ilagay lang ang bag niya.
Narinig ko pang nagtatanong ang mga kaklase niya kung sino ako at sinagot lang ni Cecille na mamaya na.
Habang naglalakad kami ay inilibot ko ang paningin ko sa buong campus kung saan kitang-kita sa kinatatayuan ko. Limang magkakadikit na classroom lang na iisang palapag lang din ang meron mula sa bahaging kanan ng gate. Iyong una ay ang libray na sinundan ng Guidance office at tatlong second year classroom kung saan ang classroom ni Cecille ang nasa huli na sinundan naman ng dalawang CR para sa lalaki at babae na maamoy rin.
Diyos ko! Mukhang mako-coma din ako dito kapag nagtagal ako. Ang baho kasi. Nakakamatay! Iyong tipong hindi mo makakayang huminga.
"Andreah Gomez." sagot ko habang nakatingin sa medyo kalakihang fountain sa gitna ng campus na hindi gumagana nang naglalakad na kami. Maganda naman sana dahil may mga bulaklak din nakapalibot pero halatang matagal na iyong hindi gumagana dahil sa namemerde na ang kulay ng tubig at marami ding mga berdeng algae na nakadikit sa bawat gilid.
"Andreah Gomez? Bakit parang pamilyar ang pangalang 'yan?"
"Witweew!" napatingin ako sa bandang kaliwa namin sa tapat ng fountain nang may mga lalaking sumisipol sa amin. Nasa pangalawang palapag sila ng building na hanggang doon lang din. Kumakaway sila sa amin at sumisigaw pa.
"Hoooh! Chicks bay! Baling gwapaha."
"Ay kalami!"
"Kana moy ikasuroy jud og parke, pre!"
"Pssst! Day wampipte!"
Hindi namin sila pinansin at tumingin sa ilalim ng building kung saan may mga estudyante ding nakatingin lang sa akin.
"Itong building na 'to ay third year building." Sabi ni Cecille sa akin kaya tumango lang din ako.
"Doon naman ay ang building ng mga senior high schools sa susunod na pasukan." Turo niya sa halatanh bagong tayong building na kasunod ng stage. "At doon naman ay building ng mga fourth year at first year. Malalaman mo rin 'yan mamaya." Turo niya mula sa kasunod na building ng mabahong banyo na kasunod din ng classroom nila hanggang sa mga magkakasunod na building na kasunod naman ng kabilang bahagi ng stage.
"Ay yati!" sigaw ni Cecille nang mapaigtad siya sa malakas na tunog ng bell.
"Sorry, kailangan muna nating pumila para sa flag ceremony." sabi ni Cecille at hinila ako kung saan siya lilinya para sa section nila. Nagpahila na lang din ako at pumunta kami sa tapat ng hindi kalakihang stage. May mga estudyante ng nasa harapan ng stage at iilang teacher pero konti lang ang mga estudyanteng naglinyahan at puro pa mga babae o di kaya ay mga bakla.
"Sino 'yan?" tanong ng mga classmate ni Cecille sa kanya na sinagot naman niya.
Lumipad ang tingin ko sa harapan ng stage sa babaeng kumakaway sa amin. Sa akin pala.
"Andreah din ang pangalan niya. Girlfriend siya ni Raymund na leader ng Cripz." bulong ni Cecille sa akin pero hindi ko siya pinansin at nakatingin lang sa babaeng maganda at matangkad na masiglang kumakaway na nakatayo sa stage.
Siya pala ang pinsan ko na sa picture ko lang nakita. Nakakaakit ang ganda niya at nakakainggit.
Ngumiti din naman ako sa kanya at itinaas lang ng isang segundo ang kamay ko.
Nagulat naman si Cecille at mga kasamahan niya sa linya namin pati na ang mga kasunod pa na first year, second year at fourth year.
"So siya ang pinsan mo?" gulat na tanong niya sa akin. "Bakit ang gaganda ninyo?"
Nagsimula ang flag ceremony sa isang dasal na recitation, sinundan ng Panatang Makabayan at ng Lupang Hinirang na si Andreah pa mismo ang nag-bebeat ng kamay sa harapan.
Akala ko tapos na pero may kasunod pa pala nang may pinatugtog silang kanta sa speaker na hindi ko alam kung ano.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko, ha?"
Napatingin kami sa isang makisig na lalaki na lumapit sa isang lalaking nakita ko kaninang nagsisigarilyo malapit sa gate. Si boy emo. Nasa linya sila kung saan kasunod lang ng dalawang linya sa bandang kanan namin kaya alam kong fourth year sila.
City of gentle people beloved,
feel the beat of her hearts desire,
Nagulat kami nang galit na tinulak ng makisig na lalaki si boy emo sa dibdib.
noble pure and divine aspiration,
to build the youth to make dreams real,
"Easy ka lang! Wala naman akong ginawang masama sa kanya eh. Hindi ko naman kasalanan kung pumili siya ng sarap." Nang-iinis na sagot ni Boy Emo na nakakagat pa sa ibabang labi niya habang nilalabas ang dila. Sa kinikilos niya ay para siyang adik na manyak.
you envision the hope of the land,
to earn a place in global community, with an upright society,
Hail to you who had made the schools unite,
for a mission that makes the future bright,
a norm-committed institution,
toward excellence in basic education,
"Walanghiya kang hayop ka!" napasinghap kaming lahat ng bigla na lang suntukin ng makisig na lalaki si Emo. Lumayo naman lahat ng mga estudyante nang magsimula silang mag-away.
in this battle of knowledge you lead us,
triumph wisdom over ignorance,
your school head's zeal and sheer dedication,
so mentors care for the learners dears,
Wala akong pakialam sa mga nag-aaway. Nakisabay lang din ako sa mga tao na lumayo din.
Nagsimula ng magkagulo ang mga tao pero hindi pa rin natigil ang kanta. Nagsitakbuhan ang ibang mga estudyante palayo. Si Cecille naman ay agad din akong hinila palayo. Samantalang ang mga teacher namang mga babae ay lumayo din at nagsisigaw lang na tigilan ang away.
Oh schools of division of dumaguete,
your passion is here to stay,
to build the culture of excellence,
in our hearts forever will remain,
Nagsimula na ring lumaki ang gulo nang may mga grupo naman ng mga kalalakihang may mga dalang panyong pula na sinundan naman ng mga grupo din ng kalalakihan na hindi ko alam kung saan nanggaling at may mga dala ding panyo pero kulay asul. Nagsuntukan silang lahat sa harap mismo ng maraming mga teachers.
hail to you who had made the schools unite,
for a mission that makes the future bright,
a norm-committed institution,
toward excellence in basic education,
City of gentle people beloved,
feel the beat of her hearts desire,
of our cheers,our aims, our prayers,
in rhythm, tune and in rhyme––
"Tumigil kayo kung ayaw n'yong tumawag ako ng pulis!" galit at malakas na sabi ng isang Ginang na medyo may katabaan, medyo maitim, straight na straight ang itim na buhok na hanggang leeg lang at may bangs pa.
"Ayan! Matakot kayo kay Dora!"
"Go Maàm Landa! "
"Principal namin 'yan! Woohh!"
Sigaw ng mga kasamahan kong lumayo. Nasa malapit kami sa stage nakatayo, sa bandang kanan.
Sinasabi nila 'yon pero nasa boses naman nila ang pang-aasar. Hindi nila nirerespeto ang mga teacher lalong-lalo na ang principal.
Anong klaseng paaralan 'tong napasukan ko?
May lalaking paastig na lumapit sa stage at galit na hinarap ang principal.
"Sige! Tumawag ka ng pulis Maàm kung gusto mong ikaw ang isunod namin." malakas na sigaw ng lalaki at dumura pa ng dugo sa harapan niya sabay punas sa likod ng kamay nitong may nakataling asul na panyo.
Napangiwi ako.
Ganito pala dito. Ang mga estudyante ang nasusunod at sila ang nagiging batas.
Nagulat ako nang mapatingin sa akin ang lalaking 'yon at kagat labi pang kumindat sa akin.
Nak ng!
Lalapit na sana siya sa akin nang may biglang humarang sa harapan ko.
"James. Umatras ka. Pinsan ko siya." sabi ni Andreah sa nagngangalang James na mabilis namang sumunod pagkatapos akong kindatan at bumalik sa mga taong nagkakagulo.
Hinarap ako ng pinsan ko na mas kinahanga ko dahil mas maganda siyang tingnan sa malapitan.
"Pasensiya na. Kumusta?" tanong niya sa akin habang nakangiti saka ako niyakap ng mahigpit.
"Ang ganda mo." sabi niya sa akin na bahagya pa akong hinalikan sa gilid ng ulo habang nakayakap siya sa akin.
Napasinghap lahat ng mga tao sa ginawa niya at nagbulungan.
"Handa ka na ba sa hirap at sarap?" tanong niya sa akin nang lumayo siya sa pagkakayap sa akin.
Natigilan ako at nakatulala lang na nakatingin sa kanya.
Hirap at sarap?
"A-ano 'yon?" Kunot-noong tanong ko.
-MissPhilosopa

Comentário do Livro (243)

  • avatar
    Gena Detosil Bruzola

    i like this story,merong action.and love story meron pang comedy sa eksina,i love it thanks and keep writing a good story.💓💓

    23/08/2022

      0
  • avatar
    AngananganFebamor

    I love this novel...maganda at nakaka aliw...gusto ko yung pagbabatuhan nila ng mga salita,they made me laugh...di sya yung effort magpatawa..matatawa ka na lang talaga habang binabasa mo mga palitan nila ng words...matatawa ka sa mga painosente nilang ways...sa kabuuan maganda ang kwento at nakakaaliw...kudos to the author! 👏👏👏👏👋 to the author...meron ka pa bang ibang novel na na published na complete?😊

    11/03/2022

      8
  • avatar
    RayelaElizer James

    I want to give novelah 100 pts

    20d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes