logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4 || Father • Daughter

KASALUKUYAN akong nasa kwarto ng demonyo kong ama, pagkatapos niya kong kunin sa kwarto ko ay di ko aakalain na magagawa niya yun sa akin. Napakademonyo talaga.
Kung nagtataka kayo kung anong ginawa niya sa’kin ng magaling kong ama ay binuhat lang naman niya ko na para bang plastic bag. Hawak hawak niya ang damit ko sa likod syempre nakaharap ako sa sahig habang buhat buhat niya ako. Nakakatangina lang. Di ko talaga ugaling magmura pero ang mga taong ito na nasa paligid ko mapapamura ka nalang sa kawirduhan at kademonyohan nila. Lalo na yung mga bata dito nagagaya pa sa ama.
-------------------------------
꧁FLASHBACK꧂
-------------------------------
“Hey little kitten, it’s time for bed.” Usal nito, habang buhat buhat niya ako na para bang isang magaan na plastic bag, nakaharap ako sakanya at syempre nadedemonyo din ako gustung-gusto ko siyang duraan sa mukha.
Lumabas na siya ng kwarto ko kasama ako na dala dala niya, nalulula ako dahil sa paraan ng buhat niya sakin, nakaharap ako sa sahig at pakiramdam ko, isang maling galaw nalang niya ay mahuhulog ako, una ulo.
“Lord Erden!” Dinig kong sigaw ni Butler Forger.
“M-Milady…” Dinig ko namang kinakabahang sambit ni Prescia.
Di ko sila makita dahil nga nakaharap ako sa sahig.
Butler Forger! Prescia! Tulungan niyo ko!
“L-Lord Erden, This is not the way to carry a child, she is still two months old!” Kinakabahang wika ni Butler Forger.
“Lord Erden, Let me carry the child.” Pagprisinta ni Prescia.
Tama prescia! Ikaw nalang!
“Okay.” Sagot ng demonyo sabay hagis sakin kay Prescia na ikinagulat ko na nagpakaba sa akin.
Talagang gustung-gusto niya akong patayin!
------------------------------------
꧁ END of FLASHBACK꧂
------------------------------------
ABALANG nagbabasa ng kung anong libro ang demonyo kong ama, nakasalamin ito at nakatabi siya sa’kin. Samantalang ako nakadapa habang nakatingin sakanya. Minsan isinusubsob ko ang mukha ko sa higaan para di ma-distract sa itsura ng demonyo kong ama.
Bakit kasi nakapagwapo niyang nilalang? Kaso demonyo. Kampon ka talaga ni Satanas.
Ngayong gabi, kailangan kong manatiling gising kung hindi katapusan ko na. Kailangan kong mag isip ng paraan kung anong klaseng pagpapa-cute ang gagawin ko.
I never did this in my entire life!
Take note, spokening dollar yan. Sosyal!
Eto na nga magsisimula na ako, pupuyatin kita buong magdamag demonyo ka.
Ang kailangan ko lang munang gawin ay mag bigkas ng madaling salita, yung madaling bigkasin para sa two month old na baby na gaya ko.
Umikot muna ako saka inihiga ang sarili ko. Nakaharap ako ngayon sa kisame.
Magsisimula ako sa A-BA-KA-DA. Madali naman yan kaya, kaya ko yan.
“Aaahh~… Baaahh~…Waaahh~”
Hala! Anong Waaahh!? Eh ‘Kaaa’ dapat yun! Isa pa ulit!
“Aawwiiee!”
Pucha! Anong ‘Aawwiiee!’? Pati sa sarili ko nanggigigil ako. Ayaw makisama ng katawan ko! Makisama ka naman please! Mamamatay tayo pareho!
Inulit ko ulit magbigkas ng A-BA-KA-DA.
“Aahh..Babaaa! Kaaa…”
“Shut the fuck up! You’re too loud! I’m fucking busy reading here.” Nagulat ako na magsalita ang demonyo kong ama. Demonyo talaga. Pakielam ko kung nagbabasa ka. Kung naiingayan ka pabalikin mo na ako sa kwarto ko!
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy kong mag practice na magbikas.
“Daaa~”
Nagulat ako ng bigla akong buhatin ng abnormal kong ama. Ngayon ay nakaharap ako sakanya. Ang sama ng tingin niya sa akin syempre sinamaan ko din siya ng tingin. Pero hindi! Bigla kong iniba ang ekspresyon ko. Kailangan kong magpa-cute!
Ngumiti ako ng pagkabonggang-bongga, syempre may kasamang giggles. Syempre baby ako kailangan ng sound effects.
“What’s with that face? You look even uglier.” Anito.
Tiis-tiis lang tayo. Huwag mong pansinin ang sinasabi niya sayo. Ngumiti ka lang.
“Dadaa~” Usal ko na biglang nakapagpabago sa ekspresyon ng ama ko.
Wow, gusto niya palang sinasabihan ng Dada, kasi ibig sabihin nun Daddy!
“Dadaaa!” Ulit ko.
“Tss, Go to sleep.” Sabi nito sabay hagis sakin sa higaan.
Aba’t gago talaga! Mabuti na lang malambot ang kama mo hayop ka!
Sakit ng katawan ko dahil sa pinaggagagawa ng magaling kong ama. Bahala ka diyan! Ayokong matulog!
Katahimikan ang namumuo sa buong kwarto ng ama kong abnormal, tanging malamig na hangin na nanggagaling sa aircon ang nakayakap sa akin. Tangina hindi ko makumutan sarili ko. Sobrang ginaw!
Kahit naka baby pajamas ako, malamig parin. Napakasensitibo talaga ng katawan ng mga baby.
Hindi ko talaga malubos maisip na kahit two months old palang ako ay nagagawa kong makapagsalita at iikot ang sarili ko para idapa sa loob lamang ng isang araw. Sa pagkakaalam ko ay dapat magagawa lamang iyon ng isang katulad ko kapag nasa lima hanggang pitong buwan na ang bata. Alam kong napakahirap paniwalaan na isang two month old ay nagawang maidapa ang sarili at makapagsalita sa loob lamang ng napakaikling panahon!
Ibig sabihin lamang iyon ay isa akong Genius! Tama si Butler Forger, isa talaga akong Baby Genius. Pero tanginits lang! Giniginaw na ako!
Dumapa ako saka tiningnan ang ama ko, gusto kong lumapit sakanya at hilahin ang laylayan ng damit niya para maagaw ko ang atensiyon niya. Kanina pa ko giniginaw. Isa ba ito sa mga paraan niya na patayin ako? Ang manigas sa sobrang ginaw? Napakademonyo mo talaga.
Gusto kong umiyak, pero hindi pupwede. Ayokong maging mahina kahit isa pa akong sanggol.
Hindi ako susuko! Mag iingay ako!
“Dabu! Ah-yaah! Hawii!” Kung ano ano na lamang ang sinasabi ko para maagaw ang atensiyon ng demonyo kong ama pero wala parin siyang pakielam. Snobberist.
“Awuu~! Nanaaa!” Pucharagis hindi ko maintindihan ang sinasabi ko basta ang nasa isip ko lang na ang dapat kong sasabihin ay ‘Demonyo ka’. Anong klaseng ama ka, wala kang pakielam sa napaka-cute mong anak.
“Aish! You’re so noisy. What do you want?” Naiiritang wika ng Demonyo.
Successful! Naagaw ko atensiyon niya. Giniginaw ako! Kumutan mo ko.
“Are you hungry? Or are you urinating again in your diaper?” Usal nito.
Hindi iyon! Giniginaw ako gago! Kanina ka pa. Ayoko ng magmura! Masama sa batang katulad ko ang magmura kaso namumuro kana.
Nagulat ako ng kunin niya ako at inihiga sa unan niya. Tumayo ito at pumunta sa kung saan. Pero
Ang isa sa ikinagulat ko nang makabalik siya ay may dala dala siyang bottle milk at diapers. Hindi lang iyon may isang katulong na di ko kilala ang naghatid ng isang planggana na may lamang tubig at isa pang katulong na may dala dalang alcohol at bulak.
Tangina! Lulunurin ata ako ng demonyong ito, o di kaya ipapalaklak niya sakin yung isang bote ng alcohol, o di naman kaya lalagyan niya ng bulak ang ilong ko para di makahinga.
Nang mailapag ng katulong sa isang mini table sa tabi ng kama ng demonyo, ang mga kagamitang dala dala nila.
Lumabas na ang dalawang katulong at lumapit naman ang ama kong mukhang balak na niya kong patayin ngayon din.
Binuhat niya ako at inihiga sa gilid ng kama.
Ang una niyang ginawa ay hinubaran ang pajama ko.
Oi gago! Ano yan!? Anong gagawin mo!?
Tanging diaper na lang ang suot ko ngayon.
Nagulat ako ng umpisahan niyang tanggalin ang diaper ko.
Hindi ko alam ang nangyayari, kaya ang tanging magagawa ko lang ay mataranta. Hindi ko siya hinayaang hubaran ang diaper ko. Wala kang pwedeng makita! Kahit na baby ang katawan ko, adult naman ang pag iisip ko! Di mo pwedeng makita ang nakatagong bulaklak ko!
“Aish! Why are you so naughty?” Naiinis na wika nito. “Can you please stop?” Magkasalubong ang kilay anito. Naiinis na siya.
“Ya-dah!” Sigaw ko.
Gumalaw lang ako ng gumalaw para di niya tuluyang matanggal ang diaper ko. Hindi naman ako umihi o dumumi! At hindi rin ako nagugutom. Ano ba! Tumigil kana.
Nagpapasalamat ako na bigla siyang tumigil. Ang ipinagtataka ko ay nilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto na para bang may hinahanap.
Bigla siyang umalis sa gilid ng kama at pumasok sa isa pang kwarto, sa walking closet niya. Bumalik siya na may hawak hawak na sinturon.
Tangina! Hahampasin ba niya ko?
Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga braso ko saka itinaas sa uluhan ko, pagkatapos ay ipinulupot sa sinturon.
“There, you can no longer move.” Sabi nito.
Demonyo ka talaga!
Tatanggalin na sana niya ang diaper ko ng biglang may kumatok na nanggaling sa labas ng kwarto ng demonyong ito.
Mabuti na lamang ay umalis ulit siya sa gilid ko at binuksan ang pinto.
Bumungad sa labas ng kwarto ng ama ko, Si Butler Forger.
Tanda! Tama yung timing mo!
“Sorry to bother you Lord Erden, I just want to say that…”
Hindi naituloy ang sasabihin ni Tandang Forger nang makita niya ang sitwasyon ko.
“W-What happened to Lady Eri?” Utal na tanong ni Butler.
“I thought she was urinating because she was making noise so I was planning to change her diaper. “ Paliwanag ng ama kong demonyo.
“Oh?” -Butler Forger.
“To find out if she urinate or defecates, kailangan niyo pong kapain ang diaper niya. Kung lumawlaw man ibig sabihin noon ay umihi siya at kapag dumumi naman maamoy niyo po iyon, o di kaya may makikita kayo sa gilid ng diaper niya na nagingilaw, Sir.” Leksyon ni Butler Forger.
“Oh? Is that so?” -Demonyong Abnormal.
“Yes Milord, Oh! By the way. Young Lord Estevan, did not attend his training…”
“I know, that little jerk—0-aish! I will take care of him tomorrow.” Putol ng ama kong Demonyo kay Butler Forger. Bastos ka din eh noh? Hindi mo man lang pinapatapos magsalita si Tandang Forger.
“Understood. I’m leaving, sorry for the inconvenience.” Usal ng Butler saka nag bow at tiningnan muna ako bago umalis.
Nang makaalis na ito ay sinara na ng demonyo ang pintuan saka humarap sakin.
Shete, mukhang matutuloy na ang binabalak niya. Naiiyak ako.
Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ko saka tinanggal ang nakapulupot na sinturon sa braso ko at saka niya ako binuhat. Hinawakan niya ang diaper ko saka pinisil-pisil. Tiningnan niya din ang gilid ng diaper ko.
Mukha siyang ewan sa ginagawa niya.
“It looks like you don’t urinate or even defecate, maybe you’re hungry.” Anito.
Anak ng pucharagis! Mas lalong hindi ako nagugutom.
Dinamitan niya ulit ako saka iniayos ng higa saka siya umalis ng kama para kunin ang Bottle Milk ko.
Nang makabalik na siya ay isinubo na niya sa bibig ko ang Bottle Milk. Syempre iniluwa ko saka tinabig nang isusubo niya ulit sakin yun.
“What the hell is your fucking problem!?” Galit na sabi ng demonyo.
Giniginaw nga kasi ako kanina pa!
“Dabu! Yah!” Pagsagot ko sakanya. Syempre hindi niya maiintindihan. Baby ako eh.
“Tsk, whatever. Just go to sleep!” Inis na wika nito saka iniayos niya ako ng higa sa kama niya saka ako kinumutan at pumuwesto na siya sakanyang higaan at tumalikod na ito sa akin.
Yes! Nakumutan na. Sarap sa pakiramdam.
Katahimikan ang namumutawi sa buong paligid. Hindi ko na nakitang gumalaw ang ama kong siraulo nanatiling nakatagilid patalikod sa akin. Nabuwisit ata sa kakulitan ko.
Baka nag iisip na naman ng paraan kung paano niya ako papatayin? Takte!
Nanatili akong gising, ayokong matulog. Natatakot ako baka paggising ko kaluluwa na lang ako. Tapos ma-reincarnate ulit ako at maging anak naman ako ng isang adik, nakakatakot.
Teka tama. Parating kung sa paanong paraan ako papatayin ng ama ko ang iniisip ko. Bakit ngayon lang ulit pumasok sa isip ko na bakit nga ba talaga ulit ako nabuhay? Anong purpose? Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko alam kung paano ito nangyari.
Nasa fantasy world ba ako? Nasa ibang mundo? Sa loob ng dalawang araw hindi ko pa nakikita kung anong itsura ko. Basta parating sinasabi ng iba na cute o pangit ako. Ang gugulo nila. Basta ako cute na nga maganda pa.
Ano bang itsura ko ngayong sanggol ako? Siguradong malayo sa itsura ko noong nabubuhay pa ako bilang si Rei.
Parang kahapon lang nasagasaan ako at pagkagising ko isa na akong rich kid. Pero abnormal naman ang pamilya ko. Napansin ko lang puro lalaking anak ng demonyo ang nakikita ko.
Wala man lang akong sisters? Eh mommy? Wala ba akong ina? Kung sanggol ako at anak ng isang demonyong ama, anong klaseng nilalang din ba ang ina ko? Demonyita din ba tulad ng ama kong siraulo?
Pitong anak na lalaki ng Erden na ito na ama ko, ang alam ko ang pangalan, maliban sa masungit na batang lalaki na asul ang mga mata.
Estevan,Eleazar,Emir,Efraim,Efrain at Eren na narinig ko ang pangalan nila kagabi na nahuling pumasok sa kwarto ko at nakita niya ang dalawang nangangalang Eleazar at Emir na bumuhat sakin.
Puro nagsisimula sa letrang ‘E’ ang pangalan nila, pati na din ang siraulong ama namin, si Erden. Oo nga pala may pangalan din pala ako. Tinatawag nila akong Eri.
Hayys, anong klaseng pamilya ba ang binigay sa akin? Napakamisyeryoso at kakaiba ang mga pag uugali nila. Pati din ang ibang katulong marunong mag ingles halos lahat ata. Bibihira sila magsalita ng tagalog. Nasa ibang bansa ata ako. Hindi ko alam.
Miss ko na ang dating ako. Miss ko na ang dati kong pamilya. Hindi ko na din alam kung anong nangyari sa dati kong katawan.
Pakiramdam ko nga, panaginip lang ito. Panaginip lang ang lahat. Pero hindi. Ilang ulit ba naman akong ihagis ng gago kong ama, syempre masakit at ramdam na ramdam ko, at alam kong hindi ito basta panaginip lang. Isa itong bangungot.
“Why are you still awake?” Biglang nagsalita ang gago. Akala ko pa naman tulog ka ng hayop ka. Gising ka pa pala. Hinihintay mo siguro akong makatulog para patayin mo na ako noh?
At sa tingin mo sasagot ako ng matino dahil tinatanong mo ako? Umayos ka masasapak kita.
“You’re weird.” Usal nito na nakapagpalingon sa akin. “You’re very weird.”
Nakatitig ito sa akin at ganun din ang ginawa ko. Nakatitig ako sa pilak niyang malinaw na mga mata pero hindi kumikinang. Naiinggit ako sakanila. May iba’t iba silang kulay na mga mata. Yung akin kaya? May kulay din ba? Sana kulay pula, favorite color ko yun.
“I want to see you cry.” Anito.
Abnormal talaga ang isang ito. Ibang magulang nga naiirita sa mga anak nilang iyak ng iyak tapos ikaw gusto mo kong umiyak?
“What will I do with you? I want to kill you.”
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya na papatayin ako.
“Why are you still alive? You’ll still die anyway.”
Ako din eh, di ko rin alam kung bakit pa ulit ako nabuhay, eh mamamatay din naman.
“You will regret that you lived, you will regret that you were born into this world. You will regret having an unhappy family.”
Ano bang sinasabi mo? Nabubuang na ata siya.
Napapikit ito at bumuntong-hininga siya saka tinitigan muli ako.
“You will regret having a father like me.”
Hindi ko alam kung bakit, pero nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa mga sinasabi niya. Bakit niya ba ito sinasabi sa akin?
Totoo ba itong nakikita ko? Ang pilak niyang mga mata na wala kang makikitang emosyon, ngayon ay mayroon na. may bahid na ito ng lungkot.
“Arrgh! Why am I saying this stupid thing? As if this child could understand what I was saying.”
Napatirik paikot na lamang ng mga mata itong abnormal na ama ko. Nabubuang na nga siya. Naiintindihan ko mga pinagsasabi mo pero medyo naguguluhan. Ang weird mo.
Napahiga na lamang siya at napatitig sa kisame.
“I wish I had never had a daughter.”

Comentário do Livro (201)

  • avatar
    Paul Henrich Untayao

    I like your story please followup the next story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    AliceMiraflor

    Highly recommend!

    29/03/2022

      1
  • avatar
    paglasomairah

    lover

    1d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes