logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 5

KABANATA 5
HAGURA's POV
HAWAK-HAWAK ko ang tiyan nang ako'y lumabas mula sa banyo.
Masama ang timpla ng sikmura ko. Siguro dahil iyon sa mga naghalo-halong pagkain na kinain ko.
Inabot tuloy ako ng isang oras sa banyo.
Kinuha ko ang mga pagkain na ibinalot ko kanina tsaka ko iyon ipinasok sa loob ng aking damit.
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiwi dahil sa kalagayan ko ngayon.
Pakiramdam ko ay sinimot lahat nang laman ng aking bituka.
Useless rin ang lahat ng kinain ko kanina dahil idinumi ko rin iyon agad.
Lumapit ako sa pintuan na nakasara tsaka iyon kinalampag.
“May tubig ho ba kayo d'yan? Nauuhaw ho ako!” Sigaw ko
Actually, may tubig naman silang dinala. May juice pa nga e, pero s'yempre kunwari lang na nauuhaw ako. Kasama kasi ito sa aking plano.
Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan ng silid na kinalalagyan ko.
Hindi ko maiwasan na hindi mag-bunyi dahil kumagat siya sa pain ko.
Inihanda ko ang sarili at saktong pagpasok ng isang lalaki ay mabilis ko itong hinampas sa batok kagaya ng ginagawa ng mga bida sa mga action movie na napanood ko
Mukhang epektibo naman iyon dahil nawalan ng malay ang lalaki na bago pa man bumagsak sa sahig at makagawa ng ingay ay sinalo ko na.
Muntik pa nga kaming dalawa na matumba dahil hindi ko inaasahan na sobrang bigat pala niya pero mabuti nalang agad kong na balanse ang katawan.
Hinatak ko siya papunta sa isang sulok bago ako sumilip sa labas ng silid at agad na napangiti matapos makita na walang tao sa hallway.
Masyado 'ata nila akong mina-maliit.
Akala ba nila hindi ko kayang umalis dito?
Akala lang nila 'yon!
Maingat akong nag-lakad palabas ng kwarto tsaka iyon ini-lock.
Luminga-linga ako sa paligid at nang makasiguradong wala ngang tao ay bumaba ako ng hagdan.
Infairness talaga sa bahay na ito ang daming mamahalin na bagay. Marami ako ditong makukuha na pwede kong ibenta para kumita pero hindi ako gano'n pinalaki ni mama.
Saktong pag-bukas ko nang pintuan palabas ng mansion ni Lune ay bumungad sa akin ang isang babae na maid niya siguro.
“M-master Hagur—”
“Ssshhh!!” Mabilis kong tinakpan ang kan'yang bibig
Hindi pwedeng mapurnada ang operas'yon pagtakas ko dahil lang sa kaingayan niya.
Hinatak ko siya patago sa isang pader ng marinig ko ang yabag ng ilan sa mga tauhan ni Lune.
“Tulungan mo akong makaalis dito.” Mahina kong sabi sa maid na kasama ko
“P-pero ang sabi po ni Lady L-lune ay bawal kayong umalis, B-baka po magalit siya sa akin.” Takot niyang sagot kaya umiling ako
“Wala namang makakaalam na tinulungan mo ako e, sige na please! Gusto ko na talagang umuwi sa amin, baka nag-aalala na sa akin ang magulang ko.” Pakiusap ko sa kan'ya tsaka ako nagpa-cute
Huminga naman siya ng malalim bago nag-salita.
“S-sumunod ka po sa akin, Master.” Aniya kaya napa-ngiti ako
“Yes!” Agad ko siyang sinundan ng mag-simula siyang lumakad papunta sa kung saan
“Dito ka po dumaan para walang makakita sa'yo. Mag-iingat ka po, Master.” Aniya matapos buksan ang gate sa likuran ng mansion ni Lune kaya ngumiti ako tsaka tumango
“Maraming salamat. Ano nga palang pangalan mo?” Sabi ko
“Lany po.”
“Lany? Okay, hindi ko makakalimutan ang pag-tulong mo sa akin. Aalis na ako, salamat ulit.” Sabi ko bago nag-simulang lumakad paalis
Sa wakas malaya na ulit ako!
Makikita ko na sila mama at mga kapatid ko at higit sa lahat ang love of my life ko.
(人*´∀`)
Nag-simula akong lumakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Bahala na, siguro naman ay may makikita akong daan palabas dito.
Nakalimutan ko kasing itanong kay lany kung saan ako dapat dumaan para makaalis sa lugar na ito. Hindi naman ako pwedeng bumalik doon sa mansion para mag-tanong sa kan'ya dahil baka mahuli ako ng mga tauhan ni lune. Masasayang ang pagkakataon na ito kung mangyayari iyon.
Matapos ang ilang minuto na paglalakad ay huminto ako.
“A-ano bang k-klasing lugar 'to?” Nanuyo ang lalamunan ko tsaka inilibot ang aking paningin sa paligid
Napaka-tahimik ng paligid at tanging ang malakas na ihip lamang ng hangin ang maririnig.
Napayakap ako sa sarili at hindi maiwasan na hindi kilabutan sa nakikita ko.
Maraming nag-kalat na dugo sa kalsada at may ilan ding mga armas na may bahid ng dugo ang nasa kung saan-saan.
Sigurado akong dugo iyon dahil amoy na amoy ko pa ang masangsang na amoy na nagmumula rito.
May mga tuyo na at mayroon namang bago lang.
Pinisil ko ang aking ilong.
Ang sakit kasi sa ilong nang amoy na iyon.
Tumingala ako sa langit at nang makitang mag-gagabi na ay mas dumagdag iyon sa takot na nararamdaman ko ngayon.
Bakit ba kasi ngayon ko pa na isipang tumakas? Tsaka nasaang lugar ba ako? Bakit ganito rito?
Sinundan ko lang naman ang daan na nasa harapan ko kanina pero bakit napadpad ako rito?
“A-aaahhhhh!! T-tama naaaa!!” Nag-taasan ang balihibo ko matapos makarinig ng malakas na sigaw nang isang babae na mukhang nag-mamakaawa sa kung sino
Aalis na dapat ako sa lugar na 'yon dahil alam kong mapanganib doon pero muling sumigaw ang babae kaya dala ng curiosity ay sinundan ko ang pinang-gagalingan ng sigaw niya.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang palapit nang palapit ang boses ng babae.
Hinawi ko ang mga halaman na nasa harapan at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang babae na pinapalibutan ng apat na lalaking may kanya-kanyang hawak na kutsilyo.
“Aaaahhhh!” Muling sigaw ng babae at napasinghap ako ng saksakin ng isa sa apat na lalaki ang hita niya
“Ang sarap talaga ng dugo.” Sabi naman nang isa pa tsaka ibinaon sa noo ng babae ang hawak niyang kutsilyo at dinilaan ang dugong umagos mula sa noo nito
A-are they c-crazy?
Napahawak ako sa aking bibig at agad na pinigilan ang sarili na gumawa nang kahit na anong ingay na maaaring maging dahilan para maagaw ko ang attention nila pero hindi talaga kinaya ng sikmura ko ang mga nakita kaya napasuka ako.
“Sinong nand'yan?! Lumabas ka!” Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo sa kanila ng marinig ko ang boses nila na papalapit sa kinalalagyan ko kanina
Rinig ko rin ang yabag nilang palapit sa direks'yon ko at hindi nila ako maaaring mahuli dahil paniguradong magiging kagaya ako nang babaeng pinatay nila.
“Habulin siya!” Mas lalo ko pang binilisan ang aking takbo matapos marinig ang tunog ng kanilang mga motor na hinahabol ako
H-hindi ito maganda, Naka-motor sila!
Baka maabutan nila ako, ayoko pang mamatay!
Habang tumatakbo ay dinig ko ang tawanan nila. Nasa ganito na naman akong sitwasyon, nakikipaghabulan na naman ako kay kamatayan.
“Huwag ka nang tumakbo, maaabutan ka rin naman namin.”
Tinakpan ko ang tenga dahil sa nakakairita nilang tawa.
“Hey, huwag ka nang magpaka-pagod. Huminto ka na, sumama ka nalang sa amin.”
Kahit hindi ko nakikita ang sarili ay alam kong namumutla na ako ngayon.
Nakakakilabot ang mga boses nila.
Ramdam ko rin ang panginginig at panlalambot ng tuhod ko pero bawal akong huminto.
Ayokong mamatay dito.
Hindi ako rito pwedeng mamatay.
Gusto ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay.
Habol ko ang aking pag-hinga habang patuloy pa rin sa pag-takbo. Tagaktak na rin ang pawis ko na kanina pa panay ang pag-tulo.
“S-sh*t! Napamura ako matapos mapatid sa kung ano dahilan para mapahinto ako sa pag-takbo.
Madilim na kaya hindi ko na masyadong makita ang tinatakbuhan ko kanina.
Bumagsak ako sa matigas na bagay kaya naman agad ko iyong tiningnan at nanlamig ang buo kong katawan matapos makita kung ano ito.
Isang BANGKAY ng lalaki na wala ang dalawang mata!
“Aaaahhhh!!” Napahiyaw ako sa sobrang takot at gulat tsaka umalis sa ibabaw nito at nakaupong umatras palayo rito
“Hahaha! Mukhang may naligaw sa teritoryo natin ah.”
Nagpaikot-ikot ang apat na lalaki sa akin habang nakasakay sa kanya-kanya nilang motor.
Mas lalo naman akong nanginig.
“Mukhang masarap ang dugo niya.” Sabi ng lalaki na nag-baon nang kutsilyo sa noo ng babae kanina tsaka nito binasa ang ibabang bahagi ng labi habang nakakakilabot na nakatitig sa akin.
“Napakaganda ng kanyang itsura.”
H-hindi ko gusto ang paraan ng pag-tingin nila sa akin.
Mas malala at nakakatakot iyon kaysa sa mga tao na nasa auction no'ng ma-kidnapped ako.
Bumaba sila sa kanilang mga motor at humakbang palapit sa akin
D-d*mn it!
Bakit ba kasi hindi nalang ako umalis kanina?
Edi sana ay wala ako sa ganitong sitwasyon.
Minsan talaga ay pahamak ang kuryosidad ko.
“H-huwag kayong l-lalapit!” Utal kong sigaw pero nginisihan lang nila ako
Ito na ba ang katapusan ko?
Unti-unti nilang inilapit ang kanilang mga kamay sa akin.
Napayakap nalang ako sa aking sarili tsaka pumikit habang dumadaloy ang masaganang luha mula sa mga mata ko.
Natatakot ako, Sobra.
Pakiusap kahit sino...
Tulungan niyo ako!
“LUNEEEE!” Sigaw ko
Hindi ko alam kung bakit ang pangalan niya ang isinigaw ko pero pakiramdam ko ay darating siya para iligtas ako.
Nahihibang na ba ako?
Walang nangyari matapos ang ilang segundo.
Rinig ko pa rin ang tawanan nila.
H-hindi siya dumating.
Bakit ba umasa pa ako?
Hindi niya alam kung nasaan ako.
Hindi naman siya superhero para bigla na lamang sumulpot at iligtas ako.
Isa pa, kung nalaman niya na na-umalis ako ay hahanapin niya pa kaya ako?
Sa mga oras na ito ay hinihiling ko na sana, Oo.
Nang handa na akong tanggapin ang aking katapusan ay sunod-sunod na putok nang baril ang narinig ko
Umalingawngaw iyon sa buong paligid.
Dinig ko rin ang hiyawan ng mga nakapalibot sa akin at ang kanilang pag-bagsak sa lupa.
“My king...” Agad kong idinilat ang aking mata nang marinig ko ang boses niya.
D-dumating siya...
“L-lune.” Kahit nanlalambot pa rin ang aking tuhod ay agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palapit sa kan'ya tsaka siya mahigpit na niyakap.
Mas lalo akong napaiyak.
Wala na akong pakialam kung siya ang kaharap ko dahil ang gusto ko lang ngayon ay ilabas lahat ng luha ko.
Akala ko talaga kanina ay mamamatay na ako pero dumating siya at iniligtas ako.
“Sshhh...Stop crying already my king, I am here now. No one can hurt you anymore.” Aniya at hindi ko alam pero biglang nawala lahat ng takot na nararamdaman ko
Kusa rin na huminto sa pag-tulo ang mga luha ko.
Just by hearing those words from her made my heart and mind at ease.
“T-thank you, Lune...” Mahina kong sabi na hindi ko alam kung narinig niya at bago ako lamunin ng dilim dala na rin ng labis na pagod ay naramdaman ko pa ang pag-buhat niya sa akin.
.
.
.
LUNE's POV
NAPABUGA ako nang marahas na hangin matapos buhatin si Hagura.
He looks like a total messed right now.
Dumilim ang paningin ko kanina matapos siyang makita na nasa lupa kaya naman agad kong inilabas ang baril at ikinasa iyon tsaka pinaputukan ang mga lalaking nakapalibot sa kan'ya.
I sighed again matapos maalala kung paano niya ako niyakap kanina. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na yayakapin niya ako and I will honestly admitted that I felt warm. After so many years ay naramdaman ko ulit ang gano'ng pakiramdam.
Noong yakapin ko siya pabalik ay ayoko ng pakawalan pa siya.
Ang pakiramdam na naramdaman ko noong mga panahon na nayayakap ko pa siya.
Mariin kong ipinikit ang mga mata.
Naalala ko na naman ang taong wala na.
Maraming nangyari ngayong araw.
Hindi ko ito makakalimutan lalo pa't ito ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan.
Alam kong hindi ito ang tamang oras para ngumiti ako but yeah, ginawa ko.
Ito rin kasi ang unang beses na may nagpa-salamat sa akin bukod sa mga taong matagal ko ng kasama.
Napakasarap lang sa pakiramdam.
“Mas lalo ko lang gusto na mapasakin ka,” Sambit ko
I know it's selfish but who cares?
I owned him, he's mine.
Napalingon ako sa mga sasakyan na papalapit sa amin.
Mula roon ay lumabas ang mga tauhan ko.
Tss, mabuti naman at napadpad din sila rito.
“Don't kneel or bow and just get those fvckers. I must give them an unforgettable death.” Walang emosyon kong sabi tsaka nilingon ang apat na pangahas na panay ang mahinang pag-daing
They are also trying to stand up to escape.
They want to run away huh? As if I'll let that happen.
“Beat them but make sure that they will not die from your beatings.” Utos ko sa aking mga tauhan at agad naman na sinunod ng mga ito ang utos ko
Sinenyasan ko ang isa sa kanila na i-drive ang sasakyan ko kaya mabilis itong lumapit sa aking kotse at binuksan ang pintuan sa backseat.
Pumasok ako roon habang buhat pa rin si hagura na tila bago kaming kasal samantalang pumwesto naman ang tauhan ko sa driver seat tsaka nito maingat na pinaandar ang sasakyan kagaya ng utos ko rito.
Habang pauwi ay nakatitig lang ako sa mukha ng aking hari.
Ang reaction nito kanina ay ngayon ko lang nakita. Ngayon ko lang ito nakita na gano'n katakot. Just what did those bastard do that made him have that reaction? Na hindi ko naman nakita noong nasa auction siya.
“We're here lady lune,”
Lumabas ako sa aking sasakyan matapos no'n na huminto at nang pag-buksan ako ng pintuan ng isa sa mga butler ko.
Sinenyasan ko ang mga maids at butlers na manahimik ng akmang babati sila sa akin.
Naintindihan naman nila ang nais ko na baka mamaya ay magising ang aking hari kaya agad nilang itinikom ang kanilang bibig.
“Wait for me here,” Mahina kong sabi bago sila lagpasan at dalhin sa aking silid si hagura
Hindi ko akalain na antukin pala ang aking hari.
Napailing nalang ako tsaka siya maingat na inilapag sa kama namin.
Nang akmang kukumutan ko na siya ay natigilan ako matapos mapansin na may nakaumbok sa kan'yang tiyan.
Kunot noo kong inangat ang kan'yang damit at tsaka kinuha ang nakaumbok doon.
“Is this my clothes?” Ano namang gagawin niya sa damit ko?
Mukhang may mga nakatago roon kaya naman binuklat ko iyon pero agad kong natakpan ang bibig ng muntik na akong humagalpak ng tawa matapos makita kung anong laman no'n.
Mga pagkain na paniguradong hindi niya naubos.
Mukhang maraming nakain ang aking hari kanina.
Nahihiya lang ba siya sa akin kaya tumanggi siya na kumain noong panunoorin ko siya?
I smiled bago siya tuluyang kinumutan.
Siguro ay balak niya itong iuwi sa kan'yang ina at mga kapatid.
He's really a good son and brother.
“Sleep well, my king.” Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas sa aming silid upang puntahan ang mga tauhan ko.
Lahat ng inis na nararamdaman ko kanina dahil tumakas ang aking hari ay nawala matapos kong makita ang itsura niya kanina.
Ewan ko pero kalahati ng pagkatao ko ay sinasabi na dapat ko siyang protektahan.
The feeling of wanting him to be mine. The feeling of not wanting him to be with others. The feeling of wanting him to stay with me to see him anytime.
These feelings are not new to me.
I already experienced these before.
The selfishness of wanting a person that you shouldn't have. Pamilyar na pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito dahil kahit na alam kong bawal ay hindi ko ito itigil noon.
Ayoko man sa pakiramdam na ito dahil paniguradong hindi magiging maganda ang dulot nito but how am i gonna stop these?
Napabuga ako ng marahas na hangin.
I have no idea, but for now, just don't mind it.
May kailangan pa akong asikasuhin.
WAKAS NG KABANATA 5

Comentário do Livro (122)

  • avatar
    puspusleonil lee

    I highly recommend this novel it is so great🥰

    25/04/2022

      0
  • avatar
    Maico Cruz

    good nice

    20/08

      0
  • avatar
    EspinosaJezza

    super woow

    02/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes