CHAPTER 2 "YEA. I like the place, very relaxing. Thanks for letting me stay here, bro." Hmn... Ano ba iyon? Bakit may naririnig akong boses? Teka... Agad akong nagmulat ng mata. Boses? Agad na hinanap ng mga mata ko ang pinagmulan ng boses na iyon. "Yea. Baka nga matagalan talaga ako dito. Kaya sana huwag mong ipagsasabi lalo na kay Mom kung nasaan ako." ... "Yea. Hindi nila puwedeng malaman." ... "Hindi ako naglayas, I just want space, to be alone. Away from them." .... "My parents, masiyado na nilang dinidiktahan ang buhay ko. I'm already old enough to make a decision, to decide for myself, to do whatever I want. In short kaya ko na ang sarili ko." Oh my God na mabait! Nagbalik siya! Si kuyang pogi, bumalik siya! "Yea. I know. Thanks, bro. Maaasahan ka talaga." binaba nito ang telepono niya." Wala na akong sinayang pa na sandali, agad ko itong nilapitan. Pumuwesto ako harapan niya. Ang tangkad niya, hanggang dibdib niya lang ako. Wow! Grabe, napaka gwapo niya sa malapitan. May may makakapal siyang kilay na ngayon ay makasalubong na magkasalubong habang titig na titig sa cellphone niya. Ang tangos ng ilong niya, parang gusto kong padulasin ang tip ng index finger ko sa bridge ng ilong niya. At ang labi niya... grabe, napakapula. Ano kayang lasa nito? Matamis kaya? Parang gusto ko tuloy tikman. Eh, ang tekstura kaya nito? Malambot kaya? Ano kayang pakiramdam na ilapat ang labi nito sa labi ko? Hala! Bakit napapakagat labi siya? Naku naman! Oh tukso layuan niyo ako! Sabagay kahit matukso naman ako ay hindi ko pa rin naman siya mahahalikan. Dahan-dahan kong inangat ko ang kanan kong kamay para haplusin sana ang pisngi nito ng... bigla na lang itong naglakad pasulong, tumagos siya sakin. Natawa na lang. Multo na nga pala ako. Hindi ko siya mahahawakan. Sinundan ko siya na ngayon ay nasa balcony na at nakatingin sa labas. "This place is so good. Tahimik, payapa at walang istorbo. " usal nito. Pumuwesto ako sa gilid nito. "Parang paraiso dito 'no?" tanong ko kahit alam ko naman hindi ako nito naririnig. "Bakit ka ba nandito? Dito ka na ba tititra?" "Fuck! Bakit biglang humangin?" Hala! Hindi kaya naramdaman niya ako? Haist, pinapaasa ko lang ang sarili ko. Natural mahangin talaga dito, napapalibutan kaya ng puno ito bahay. 'Kring... Kring... Kring... ' biglang nag-ring ang cellphone nito. Sinagot niya ito. "Hello? Nope. Hindi na kailangan. Siguro taong maglilinis na lang nitong bahay. Puro alikabok na kasi. Pero bukas na lang siguro, sa ngayon ako na lang ang maglilinis nitong kuwartong tutulugan ko." .... "Of course I know how to clean, igaya mo naman ako sayong walang ibang alam kundi mambabae." natatawang sabi nito. Ang Sarap niyang panoorin. Sinong kayang kausap niya? Ito rin kaya ang kausap niya kanina? "Gago! Subukan mo lang. Sinasabi ko sayo. Pagbubuhulin ko kayo. Kaya nga ako lumayo dahil gusto kong mag-isa tapos papadalhan mo 'ko ng babae dito. Sating dalawa ikaw ang mas may kailangan niyan, tutal palagi ka namang parang tigang na tigang." Ha? Ano 'yong tigang na tigang? "Ewan ko sayo. Ibababa ko na 'to. Wala kang kuwentang kausap." ANG saya naman, dito na pala siya titira. Sa wakas may makakasama na rin ako. Hindi na ako lonely ngayon kasi sasamahan na ako ng asawa ko. Hehehe! Ni-claim ko ng asawa ko siya. Bakit ba? Inggit kayo? Edi gumaya kayo! Huwag kayong panira sa umuusbong kong love life. Wooh! Ang charap nemen. Pawisan pero ang mukhang ang bango-bango pa rin. Kasalukuyan kasi itong naglilinis ng kuwarto namin. Gusto ko man siyang tulungan hindi ko naman magawa dahil... hello, eto lang ako, isang magandang multo. Excited na akong makatabi siya sa pagtulog. Wait! Anong gagawin niya? Bakit niya binabaklas ang butones ng suot niyang white long-sleeved na polo? Oh my God kong mabait!... Maghuhubad ba siya? Ni hindi pa nga kami kasal tapos honeymoon agad? Tuluyan na nitong nahubad anv suot niyang damit. Naka-topless na siya ngayon. Hala! 'Bat ang sharap? Nasan ang kanin? Ready na akong kumain, may ulam na ako. Nubayan! Kakabitin naman! 'Bat hindi niya pa sinamang hubarin ang pantalon niya? Akala mo siguro sisilipan kita 'no? Hmp. Asa ka! Hindi kita sisilipan kasi bobosohan lang naman kita sabay rape na rin. Mukhang kailangan ko na ng timba. Grabe na kasi 'yong pagtulo ng laway ko. Ang ganda ng katawan niya! Halatang mahilig siyang tumbay sa gym. Nagpuputukan ang mga muscles. Mas lumapit pa ako sa kanya, yung tipong isang hakbang na lang magkakadikit na kami. May advantage din pala ang pagiging multo. Libre chansing. Hehehe! Abala ito sa pagtatanggal na agiw sa kisame kaya malaya kong napagmamasdan ang kabuuhan ng maganda at ubod ng sarap nitong katawan. Yumuko ako ng bahagya para mapagmasadan ko pa ang abs nito. 1 2 3 4 5 6 7 8 Binilang ko ang abs nito. Sinubukan kong dutdutin ito kaso tumatagos lang ang kamay ko sa katawan nito. Hmn... Ano kayang pakiramdam na hawakan ang abs niya? Malambot kaya o matigas? Hanggang sa pagtitig at paglalaway na lang ako. "Finally, I'm done." usal nito matapos maglinis. Sabay na humilita sa kama. 'Ehem, ehem.' pasimple akong lumapit sa kinaroroonan nito at naupo bandang uluhan nito kung saan napagmamasdan ko ang mukha nito. Nakapikit siya, pero alam kong gising pa siya dahil naghahabol pa ito ng hininga. Sobra siguro siyang napagod sa kakalinis. Puno-puno kasi talaga ng alikabok at agiw itong bahay. Sa halos apat na buwan kong pananatili dito ay ni minsan wala sinuman ang bumisita dito para manlang linisan. Kadalasan ang mga ganitong klaseng kagandang mansiyon ay may caretaker, tagapagbantay at tagapaglinis. Masiyadong maganda ang mansiyon na ito para pabayaan lang. "Anong kayang pangalan mo 'no?" umarte akong parang hinahaplos ang mukha niya. "Gusto kitang makilala. Ayos lang kahit ako hindi mo makilala. Kaya sabihin mo, ano bang pangalan mo?" Hindi nagtagal ay naging malalim na ang paghinga niya, ibig sabihin tulo na siya. Matulog ka lang diyan, aking sinta. Magpahinga ka. Babantayan kita. Huwag kang mag-alala kasi hindi naman kita cha-chansingan. Good girl kaya ako.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good
15/10
0subscribe
30/08
0i love
03/06/2025
0Ver Todos