logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

We Can't Be Together

We Can't Be Together

EnigmaticPluma


CHAPTER 1

—PROLOGUE—
LAGI na lang bang ganito ang gagawin ko?
Lagi na lang ba akong tatanaw sa bintanang ito?
Pagmamasdan ang bawat tao at mga sasakyang dumadaan?
Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Baka maligaw lang ako at hindi na makabalik kung tatangkain ko pang gumala sa labas.
Ang hirap namang maging multo. Walang nakakapansin sayo, walang nakakakita at walang nagmamahal.
Nasaan na ba kasi ang pamilya ko? Buhay pa kaya sila? O patay na rin katulad ko? O kung may pamilya nga ba talaga ako?
Ni pangalan ko hindi ko alam. Ni-hindi ko rin alam kung ano ba 'yong ikinamatay ko.
Basta isang araw, nagising na lang ako sa bahay na ito na isa ng multo na at wala ng maalala pa na kahit na anong tungkol sa buhay ko.
May hinala nga ako na baka dito ako namatay sa bahay na ito. Kaso parang ang imposible naman, kasi ano naman ang pwedeng maging dahilan ng kamatayan ko dito? E, ang ganda-ganda ng lugar na ito. Kahit pa sabihin na nating medyo may kalumaan at madumi na ang bahay ba o mansyon kasi sobrang laki nito para tawagin lang na bahay.
Kami kaya ang may-ari nito? Kasi kung hindi, bakit ako nandito?
Nakakapagod namang mag-isip ng mag-isip. Multo na nga ako pero napapagod pa rin ako.
Haist! Ano kayang pakiramdam ng buhay?
Ano kayang pakiramdam na mahawakna ang isang bagay?
Ano kayang pakiramdam na nakikita at nakaka-usap ng mga tao? Lalo na yung mahal mo sa buhay?
______________________________________________________________________________
CHAPTER 1
ANG masarap na tulog ko ay nabulabog nang may marinig akong ingay ng sasakyan na nanggagaling sa labas.
Teka, ingay ng sasakyan sa labas?
Ibig bang sabihin may taong dumating?
Dali-dali akong nagtungo sa bintana para makita kung tama nga 'yong hinala ko.
Nasa ikawalng palapag ako ng bahay kaya naman malaya kong nakikita ang lahat.
Dumungaw ako sa bintana at hindi nga ako nagkamali, may sasakyan nga sa labas.
Hindi kaya kamag-anak ko o kaya naman kapamilya ko ang nasa loob ng sasakyan na iyan?
Nag-abang lang ako hanggang sa lumabas 'yong taong nasa loob ng sasakyan. At ng lumabas na ito ay hindi ko napigilan ang mapatutulala no'ng makita ko ito.
Grabe, ang gwapo naman nya. Kahit nasa malayo ako ay malinaw na malinaw sa paningin ako ang napakagwapo nitong mukha.
Sino kaya siya?
Ano ko kaya siya?
Asawa ko kaya siya?
Ang isiping asawa ko siya ay nagpakabog sa aking dibdib.
Bakit gano'n? Bakit bigla na lang naghurumentado sa bilis ang tibok ng puso ko?
Hindi kaya asawa ko talaga siya?
Pero parang ang bata ko naman ata para mag-asawa.
Muli, ko itong tinitigan, at laking gulat ko ng maging ito ay nakatitig din sa direksyon ko na para bang nakikita nya ko.
Hindi kaya nakikita niya talaga ako?
Kumaway ako para makasiguro kung nakikita niya talaga ako. Kaso wala naman akong nakuhang tugon mula rito. Sa halip ay pumasok na lang ulit ito sa sasakyan nito at pinaandar na nito yung sasakyan nya paalis.
Wow, ang galing naman ng lalaking iyon. Lumayas ng hindi manlang sinara 'yong gate!
Pagtapos niyang buksan hindi nya isasasra?
Aba, hindi proke gwapo sya ay makakalusot na siya sakin.
Sana lang talaga ay bumalik siya dito para naman masilayan ko ulit ang gwapo niyang mukh-este para pala makatikim siya sa'kin nga halik- I mean ano pala ng... makatikim siya sakin ng ano... ahm... basta iyon... basta secret sa akin na lang iyon. Bawal sabihin.
Pero grabe, ang gwapo nya talaga, sana talaga bumalik sya dito.
Haist! Ano na naman kaya ang gagawin ko ngayon?
Ang boring naman ng buhay ko. Wala manlang akong magawa na kahit na ano. Ang hirap-hirap namang maging multo.
Ano ba kasing plano ng Diyos para sakin? Kung patay na talaga ako, pwes ano pang ginagawa ko dito sa lupa? Hindi ba dapat nasa langit na ako kasi patay na nga ako 'di ba?
Liban na lang kung hindi ako tinanggap sa langit kasi masama akong tao. Hindi kaya?
Oh My Gosh! Sana talaga hindi ako masamang tao. Kasi ayaw kong mapunta sa hell, kasi balita ko mainit daw doon, baka matusta lang ako pag nagkatoon. Sayang ang ganda-ganda pa naman ng balat ko. Kutis porselana kaya ako.
Lord please, patawarin nyo po ako sa kung anuman po 'yong nagawa ko ng mga panahong buhay pa ako. Nakalimutan ko na po kasi iyon, kaya dapat kalimutan nyo na rin po iyon kasi past is past na po. Huwag na po na nating balikan at ungkatin pa 'yong mga nangyari sa nakaraan.
Hehehe! Ang OA ko na ata.
Basta Lord, ayaw ko po do'n sa hell. Dito na lang po ako. Happy naman po ako dito, mukha lang hindi pero masaya talaga ako dito.
Tsaka mukhang magkakalove life na rin po ak- I mean ano po pala, mukhang yung lalaki kanina, baka asawa ko po si-este baka po konektado siya sakin.
Hehehe, sensya na po Lord medyo gutom na po kasi ako kaya medyo magulo na rin ang utak ko.
Ay, oo nga pala nakalimutan ko. Hindi na nga pala ako nakakaramdam pa ng gutom kasi patay at isa na nga pala akong multo.
Pasensiya na talaga Lord, siguro po iniisip n'yo na may toyo ako, 'no? Pwes hindi po kayo nagkakamali kasi meron nga po-este wala po pala.
Basta Lord, ha? Huwag n'yo po akong dadalhin sa hell, dito na lang po ako.
Tsaka Lord, baka chance ko na rin po ito para malaman ko kung sino ba talaga ako, kung ano ba talagang nangyari sakin at bakit ako namatay. Gusto ko na kasing malaman ang lahat ng tungkol sa buhay ko. Pakiramdam ko po kasi parang akong isang kabuti na bigla na lang sumulpot.
LUMIPAS ang mga araw at hindi na muli pang bumalik dito 'yong lalaking epal na hindi nagsara ng gate. At hanggang ngayon ay bukas pa rin. Hindi ko naman kasi kayang isara iyon. kasi hello multo na ako remember?
Pero Speaking of lalaking epal na iyon. Bakit kaya hindi na siya bumalik?
Ano kayang pangalan niya?
Ilang abs kaya meron sya? Hmn, base sa pagkakabakat sa suot nitong damit parang nasa eight packs. Yieee!... Ang yummy ni kuya.
At yung kanina pa gumugulo sa isipan ko. Ano kaya 'yong size ng ano niya? Hmn, I think parang malaki---ay hindi lang pala parang, kasi kahit nasa malayo ako ay halatang-halata na malaki talaga.
Oh, mga utak nyo ha, ang dudumi. Iba 'yong tinutukoy ko na malaki, at iyon ay 'yong size ng paa niya.
Pero pwede rin naman yung ano-haist! erase, erase, erase. Bawal isipin iyon kasi bukod sa masama iyon ay baka magagalit rin si papa God.
Ito naman kasi si kuya napaka epal. Sa dinami-dami ng pwedeng isuot, bakit 'yong yumayakap pa talaga sa katawa niya? 'Yan tuloy bumakat na 'yong hindi dapat bumakat. Hindi naman sa hindi magandang tignan, ang kaso kasi is nakakatakam at nakakapanglaway ito. Tukoso ang hatid nito para saming marurupok. Makalaglag panty ang akin nitong kagwapuhan at kakisigan.
Haist! Tama na nga 'tong pagpapantasiya ko na 'to. Masiyado ko lang tinatakam ang sarili ko sa bagay kailanman hindi ko matitikman. I'm not referring to the guy that I'm talking about. It's about being alive and not a ghost.
Since wala naman akong gagawin naisipan ko na lang na matulog. Wala e, iyon lang naman kasi 'yong pwedeng kong gawin. Ang buhay ko ay umiikot lang sa tatlong bagay, matulog, gumising at tumunganga, yan ang routine ng buhay ko. Nakakawalang gana 'no? Ang boring ng life ko 'no? Paano na lang kaya kapag nasa katayuan ko na kayo, baka maiyak na lang kayo dahil sa lungkot. Pero dahil sa sanay na ako sa takbo ng buhay ko ay wala na sakin 'to.

Comentário do Livro (136)

  • avatar
    Ella Geng

    good

    15/10

      0
  • avatar
    smithjovanie

    subscribe

    30/08

      0
  • avatar
    Mark Zechariah Peniz

    i love

    03/06/2025

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes