logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3

Malinis doon at walang sukal pero may malaking pahigang bato ang naroon at mababang pasamano na nagsisilbing altar pero walang nakalagay na kahit na ano.
Napalingon ako sa kaliwa ko ng makarinig ako ng kaluskos.
May kubol doon at may babaeng lumabas. Halos parang nakakaedad ko lang sya. Nag-aagaw na kulay itim at abo ang mahaba nyang buhok at nababalot sya ng mabigat na awra.
Lumipad ang kalapati papunta sa ibabaw ng kubol at nakita ko na may iba pang mga kalapati doon. Ang ingay ingay nila at para silang nag uusap.
"Maligayang pagbabalik Anastasia." nakangiting bungad sakin ng babae.
Nakakunot noo akong nakatitig sa mukha nya.
Ako ba ang tinawag nyang Anastasia?
"Sa isang araw ay babalik ka na ulit sa pag eensayo. Kailangan mong maging isang babaylan sa mas mabilis na panahon."
Lumakad sya sa may altar at nilapag doon ang bao na may baga ng apoy. May ibinudbod sya doon, at nang umusok yun ay naamoy ko kung ano iyon. Insensyo at kamangyan.
"Wag mo na sanang dibdibin ang sakit ng nakalipas. Magpagaling ka pa at kailangan mong paghusayan ang pag eensayo mo sa mga susunod na araw."
Humarap sya samin ni Bel. "Sige na, bumalik na kayo."
Ah, so pinapunta nya kami dito para lang sabihin iyon? Talaga? Iyon lang?
At saka... anong sakit ng nakalipas?
Inaya na ako ni Bel paalis doon. Pero hindi mawala sa isip ko ang mukha ng babaeng yun. Pamilyar siya. Parang nakita ko na sya. Pero saan?
Nilingon ko ulit ang punong babaylan at nakita kong bigla syang ngumiti. Ngiting napilitan at unti-unting nauwi sa pagngiwi. Tama, sya nga.
Si Zia.
------
"Anong pangalan nung babae kanina?"
Tanong ko agad kay Bel ng makarating kami sa kubo namin.
Huminga muna ng malalim ang dalagita bago ako sinagot. "Mathilda po binibini. Sya po ang nag-alaga sa inyo simula ng dalawang taon po kayo at sya din po ang naging gabay nyo sa pag eensayo ng sumapit kayo ng ika-labing anim nyong kaarawan."
"Hindi ko gusto ang ngiti nya kanina. Parang may binabalak syang hindi maganda."
"Wag po kayong ganyan binibini. Sya na po ang tumayong ina nyo simula noon kaya imposible pong balakan nya kayo ng masama. Halos mataranta nga po siya ng magkasakit kayo binibini."
Hindi, Bel. May iba syang balak alam ko. Nararamdaman ko yon at nakikita ko sa kung paano nya ako ngitian.
Pero hindi ko na sinabi sa bata.
"Bakit sya ang tumayong ina ko? Nasan ba ang mga magulang ko?"
Kailangan kong malaman ang pagkatao ng Anastasia na to. Kung sino sya, kung bakit sya dapat maging babaylan, kung anong dahilan ng pagkakasakit nya at kung bakit ako ang nasa katawan nya ngayon.
Ngayon alam kong hindi ako nananaginip o nag iilusyon o imahinasyon ko lang ito.
Napakadetalyado ng bawat pangyayari kaya imposible. Imposible.
Binigyan ako ng upuan ni Bel bago nya sinagot ang tanong ko.
"Hindi ko po alam ang buong kwento pero ito po ang narinig ko nung nakaraang kausap nyo ang punong babaylan."
Inabutan nya ako ng maiinom.
"Ang inyo pong ina ay dating nag eensayo sa pagkababaylan pero umibig po sya sa isang mangangaso na naligaw sa gubat. May malalang sugat po sya kaya tinulungan ng inyong ina. Hanggang sa madalas na silang magkita. Napansin po ng punong babaylan na humihina ang kapangyarihang espiritual ng inyong ina hanggang sa wala na po syang madama. Nalaman po ng punong babaylan ang tungkol sa inyong ama. Pinalayas nya po sila dito at pinababa sa kabihasnan. Kinuha po kayo sa inyong ina bilang kapalit."
Nakaramdam ako ng galit.
Hindi sa magulang ni Anastasia kundi sa babaylan na iyon. Ano bang masama sa pagmamahal? Baka hindi lang talaga para sa ina ni Anastasia ang pagiging babaylan kaya pinagtagpo sila ng lalaking minahal nya.
----
Pagpatak ng dilim ay sinamahan ako ni Bel sa kubo. Ayaw nya pa nung una kasi bawal daw iyon. Ipinagbawal ni Mathilda dahil kasama daw sa pagsasanay ang pagiging matatag at matapang ng isang babaylan. Pero nung sinabi ko na natatakot akong mapag-isa at hindi ko talaga kaya matulog ng walang kasama ay napapayag ko din sya. Sinabi nya na lang sakin na wag ko na lang mababanggit sa punong babaylan dahil baka maparusahan sya.
Mahimbing ng natutulog si Bel at ako naman gising na gising pa din. Nakatulala lang ako sa bubong na pawid ng kubo. Sa oras na may aswang na magtangka na pasukin kami mabilis kami non makakain. Nasa gubat pa naman kami at posibleng mangyari ang nasa isip ko.
Meron kaya ng ganun dito?
Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi. Nakapikit pa ako ng mapaupo ako sa higaan ko. Kinapa ko ang kumot ko ng puro dahon ang nadampot ko.
Minulat ko agad ang mga mata ko ng makitang nasa gubat na naman ako sa kanluran! Sa dating pwesto kung saan ako unang nagising.
Dahan dahan akong gumalaw para hindi makagawa ng ingay sa mga dahon na inuupuan ko.
Nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap. Yung si Riyu at yung isa na nasa pinakamataas na ranggo.
"Hindi mo pa ba gagawin? Palay na ang lumalapit sa manok Riyu." mapanuksong sabi nito.
"Wag mong pangunahan ang gagawin ko. Ako pa din naman ang masusunod kung kelan ko tatapusin ang babaeng yun."
"Nandiyan lang sya. Baka matakasan ka na naman." Narinig kong tumawa yung lalaki ng nakakaasar.
Nanlamig ako ng mapalingon ang dalawa sa lugar kung saan ako nagtatago. Kung ganon, ang pinag-uusapan nilang papatayin ay walang iba kundi ako!
Mabilis akong tumayo at tumakbo. Wala na naman akong sapin sa paa at hindi ko alam kung paano na naman ako napunta dito.
Tumakbo ako ng tumakbo.
Alam ko na mahuhuli nya ako kapag tumigil ako kaagad. Pero awtomatikong tumigil ang paa ko sa sangang daan. Ang kaliwa ay pauwi sa kubo namin ni Bel at ang kanan ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin.
Pero... pinili ko ang kanan. Hindi ko pwedeng dalhin ang lalaking iyon sa kubo dahil baka pati si Bel ay madamay. Kung papatayin nya ako, mas mabuting ako na lang.
Ilang beses akong muntik na madapa dahil sa haba ng bestida kong suot. Hinawakan ko na yun sa laylayan pero nabibitawan ko din sa tuwing may harang na sanga sa dadaanan ko.
Tumakbo ako ng tumakbo.
Wala akong pakialam kung pagod na ako basta ang alam ko lang ay kailangan kong matakasan yung Riyu na yun!
Sa kakatakbo ko ay may narating akong malaking bahay. Sementado yun at madaming tao ang labas pasok. May mga dala silang papel. Dahan dahan akong pumasok sa isang pinto sa likod kung saan walang makakakita sakin. Mahirap na. Baka mamaya ay nasundan ako ni Riyu at magtanong sa kanila at isumbong nilang nandito nga ako.
Nang makasiguro ako na wala ng dumadaan ay inisa isa ko ang bawat pinto. Lahat nakalock!
May isang pinto pa akong hindi nabubuksan. Iyong nasa bandang gitna kaso madami ang dumadaan doon.
Naghintay pa ulit ako ng ilang minuto saka sinalisihan ang huling dumaan. At tama nga ang pakiramdam ko, bukas yung pinto na yun.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay may humila na sa kamay ko.
Hindi na ako nakasigaw sa bilis ng pangyayari.
Pagmulat ko ng mata ko, ganon nalang ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita na nakapatong ako kay Riyu! Nakaupo sya sa rocking chair at bahagyang nakapahiga dahil sa pagkakahila nya sakin.
Paanong...
"Kumusta, binibini?" Nakangiti nyang bati sakin.
Nagpupumiglas ako para makaalis sa pwesto naming awkward pero masyado syang malakas. Nakataas ang kaliwang kamay ko at mahigpit na hawak nya iyon. Ang kanan ko namang kamay ay nakatuon sa dibdib ni Riyu. Ang kaliwang braso nya ay nasa likod ko.
Nakaramdam ako ng malamig na bagay sa may likurang parte ng leeg ko.
Kutsilyo? Blade? Ano yun?
"Bibigyan kita ng dalawang buwan bago kita patayin."
Sa tono ng pananalita nya ay parang may iba pa syang gustong sabihin.
Napapikit ako ng mas dumiin sa leeg ko ang malamig na bagay ng hindi ako sumagot. He mean it. Hindi sya nagbibiro. Pero bakit binibigyan nya pa ako ng dalawang buwan kung pwede namang ngayon na.
Ibig sabihin ba pwede pa akong tumawad? Isang taon? Dalawang taon? Baka sakaling matakasan ko pa sya.
"Hinihintay ko ang pagpayag mo Binibini." sabi nya at hinawi nya ang buhok ko papunta sa kanang tenga ko.
Hindi ba may hawak syang patalim? Kung binitawan nya para ayusin ang buhok ko, bakit wala akong narinig na nahulog?
"Aking binibini?"
"Dalawang taon!" pikit mata kong mabilis na sinabi. "Bigyan mo ako ng dalawang taon."
Hindi ko alam kung bakit dalawang taon. Basta yun ang lumabas sa bibig ko. Bahala na. Kailangan kong makabalik sa katawan ko bago pa dumating ang ikadalawang taon.
"Sige. Sinabi mo yan."
Naramdaman ko ang kamay ni Riyu sa baba ko. Tinaas nya iyon ng dahan dahan upang magtama ang paningin namin at hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.
Hinalikan nya ako!

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please rubax

    22/08

      0
  • avatar
    Lvan Cartativo

    wkuduajhsie

    09/07

      0
  • avatar
    lsnainClint Brads

    mahal ishsisisisuududududuud88diduududssy9s9yy9d9gd9f

    05/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes