logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Five

Dahil sa nangyari nitong nakaraang araw ay pinatawag kaming lahat ni Aleli. May kutob akong dahil iyon doon sa mga sulat na pinapadala.
"For sure, Aleli knew about it," banggit ni Margaux habang papunta kami sa meeting room.
"Yeah, wala namang hindi alam 'yon o baka may misyon ulit tayo," sabi naman ni Millicent.
Samantalang si Aurea ay tahimik lang na naglalakad. Wala ulit si Boss D ngayon. Ilang araw na siyang wala simula noong pangalawang beses na may nagpadala ng sulat. Pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na ulit siya nagpakita.
Umupo kami sa upuan na nakalagay sa meeting room. Maya maya lang ay biglang nabuhay ang napakalaking screen na nasa harap namin. Buhay iyon ngunit puro puti lang ang makikita.
"Good day my Equipé! Nalaman ko ang mga nangyari sa loob ng mansyon. Nais kong malaman kung may ginawa kayo para roon. Did you find any leads? Or evidences, perhaps?"
'Yon agad ang bungad sa 'min ni Aleli.
"It's hard to find one, Aleli. He's smart, hindi siya madaling mahuli," sagot naman ni Margaux.
"Isa lang ang alam namin, iyon ay ang kung sino ang puntirya niya. Si Mildred," sabay tingin sa 'kin ni Millicent.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Aleli sa kabilang linya bago nagsalita.
"I'm not sure about this, Mildred. But I think it is somehow connected to your past, to your mother's case. If I'm not mistaken," sabi ni Aleli. "Stop living in silent or in fear. It's your time to do what you need to do. I'm giving you the opportunity to do what you want and what you have to do. I'm giving you the freedom to decide on your own," dagdag niya pa.
"Kaya ko ba? I know I can, I'm strong but sometimes it's hard to stay strong. My strength is not enough to do the things alone," sagot ko sa kaniya.
"The ball is in your court, hun," tanging sagot niya lang.
Ang ibig niyang sabihin ay nasa akin ang mga susunod na desisyon o kaya ay kung anong step ang gagawin ko.
Halos kaming dalawa lang ang nag uusap at tahimik na nakikinig ang tatlo sa 'min.
"The ball is in my court, indeed. Pero hindi naman ako pulis at magaling magplano tulad ni Aurea. Hindi ko kayang gumamot tulad ni Millicent dahil hindi ako doctor. Wala akong alam sa computer tulad ni Margaux at lalong hindi mo ako katulad na halos kayang gawin ang ginagawa nila. Isa lang akong chef, chef lang ang natapos ko at ano namang magagawa noon sa suliraning kakaharapin ko?" mahinahon kong tanong.
Kaya papaano ko magagawa ang nais kong gawin gayong kulang ako sa kakayahan. Nagtapos ako sa pagiging chef dahil 'yon ang gusto ni mama na marating ko upang maluto ko raw ang nais naming kainin. Para sa iba ay mababaw na dahilan iyon ngunit sa 'kin ay hindi. Mababaw para sa kanila dahil hindi naman sila ang naghirap at nakaranas ng ganoon. Palibhasa ay nabuhay silang may gintong kutsara sa bibig. Pinagpatuloy ko 'yon para kay mama at ngayong gagawa ako ng hakbang na para rin kay mama ay hindi ko maisip kung anong maitutulong ng propesyon na iyon para sa akin.
"Don't compare yourself to others, because no one can play your role better than you. Isa pa, huwag mong maliitin ang propesyon na natapos mo dahil balang araw magagamit mo 'yan. Don't worry, hindi ka nag iisa sa laban na ito. Kasama kaming lahat, lalo na silang tatlo."
Dahil sa sinabi ni Aleli ay para akong nabunutan ng tinik pero may parte sa 'kin na hindi masaya dahil madadamay sila sa problema ko.
"Pero hindi naman magandang idamay ko sila sa problema ko, Aleli. Kapag pinasukan ko ang isang bagay, alam ko ang daan palabas ngunit paano sila kung ganoon?" makahulugang tanong ko kay Aleli. Sa halip na siya ang sumagot ay si Millicent ang sumagot sa tanong ko.
"Sabay sabay tayong papasok at sabay sabay tayong lalabas, Mildred," mahinahong sagot niya.
Tiningnan ko silang lahat at iisa lang ang nakikita ko sa mga mata nila. Iyon ay ang willingness na tumulong sa 'kin. Ang lumaban na kasama ako.
"Thank you for the opportunity, Aleli," mababa ang boses na sabi ko.
"Opportunities don't happen. You created them, hun. You are the boss, not the slave. You are the queen of your own life. Now, be the puzzle and let everyone madly solve you, Mildred."
Isang simpleng mga salita ngunit nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil doon.
Ang sabi niya ay hintayin naming may ipadala ulit upang magkaroon kami ng lead sa taong iyon. Nakahanda na ang mga gamit namin na kakailanganin kung sakaling magkaroon kami ng lead sa kaniya.
Ilang araw na siyang hindi nagpapadala ng box na may lamang sulat o kung ano ano pa.
Mukhang natunugan niya atang hinihintay namin ang susunod niyang kilos kaya pinaghihintay niya kami.
Kinagabihan, habang tulog na kaming lahat ay bigla na lang tumunog ang buzzer kaya nagising kaming lahat. Lumabas kami upang kunin ang isang box at sa loob na ito binuksan.
Si Margaux ang kumuha noon at binigay niya sa 'kin pagdating namin sa sala upang mabuksan ko ito.
Walang ibang laman iyon kundi ang isang litrato. Tatlong litrato iyon na pinagdikit dikit, mukhang in-edit pa talaga.
Litrato iyon ng isang tower, sumunod ay ang litrato ng isang bar na may pangalang DOUBLE C, at ang panghuli ay litrato naman ng isang hotel. Tiningnan ko ang likod nito kung may nakasulat ba at hindi ako nagkamali dahil mayroon nga.
Petronas Tower, Malaysia.
'Yon ang nakalagay doon. Isa iyong lugar o kaya naman ay isang clue sa mga litrato.
"He or she wants us to go there. Isa 'yang patibong para sa 'tin," sabi ni Margaux.
Tama siya, maaari ngang patibong ito para sa 'min.
"Hindi natin maiiwasan ang mga patibong ngunit paano kung 'yan lang ang paraan upang malaman natin kung sino talaga siya at kung ano ang pakay niya?" sagot naman ni Aurea.
Tama rin si Aurea, pareho silang may punto.
"Ngunit hindi ko nais na isaalang alang ang kaligtasan ninyong lahat," sabi ko naman.
Paano kung dahil sa patibong na ito ay malagay sila o kaming lahat sa alanganin. Maaaring ito pa ang ikapahamak nila.
"That's why we need to get ready and be wise para sa mga susunod nating hakbang," sabat naman ni Millicent.
Pagkatapos ng pag uusap namin na 'yon ay nagsimula na kaming maghanda sa mga dapat naming gawin.
Nasabi na rin namin kay Aleli ay naging plano namin, pumayag naman siya at sinabing nakaalalay lang siya sa 'min.
Si Aurea ay gumawa ng mga bagong baril at bomba, expert siya roon. Si Millicent naman ay inayos na ang mga supply na kakailanganin kung sakaling may masugatan o malagay sa alanganin ang buhay ng isa sa 'min. Samantalang si Margaux ay inasikaso ang pagpapatibay pa lalo ng seguridad ng mansyon at nang magiging seguridad naming lahat.
"Wear this bracelet, it's for your safety."
Isang gold bracelet ang binigay ni Margaux para sa aming lahat. May maliit na disenyo iyon, isang baril na napapalibutan ng rosas.
Lahat kami ay may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan. Ako, si Aurea, Margaux, Millicent, at kahit si Aleli ay abala rin sa paghahandang ginagawa namin.
"New gun?" tanong ni Margaux kay Aurea na may hawak na baril.
Tango lang ang sinagot ni Aurea sa kaniya at wala ng iba. Pinagtutuonan niya pa kasi ng atensyon ang mga kasalukuyan niyang ginagawang imbentyon.
"Nakausap ko si Aleli kanina. She wants us to know that she already handled everything in Malaysia," sabi ni Margaux sa 'min pagkatapos ay bumalik na ulit siya sa ginagawa niya.
"Na-contact ko na ang mga tauhan natin, they'll just behind us if anything happens,"  sabi naman ni Millicent.
Kung sa iba ay ang mga tauhan nila ang nangunguna upang mas ligtas sila at makakaiwas agad sa mga patibong, sa amin ay hindi dahil mas nais naming kaming ang mauna sa mga laban.
"I have a new invention, it's a butterfly bullets. It can break the bone of our target that will cause them not to walk. You need to be wise by using it, it's dangerous."
Pinakita sa 'min ni Aurea ang bala na sinasabi niya. May iba't ibang sukat iyon para sa iba't ibang baril.
Kumuha ng isang bala roon si Millicent at nilagay sa kaniyang baril pagkatapos ay sinubukan niyang barilin ang pader. Lumampas ang bala roon.
"Right after you pulled the trigger, the bullet opened like a butterfly," paliwanag ni Aurea.
That explains it...
Sa susunod na araw pa ang flight namin kaya todo handa pa ang ginagawa namin sa ngayon.
Wala kaming sinayang na oras hanggang sa dumating na ang araw na kailangan na naming umalis at magpaalam kay Aleli.
"Naayos ko na ang hotel na pagtutuluyan niyo. May tao nang susundo sa inyo sa airport upang dalhin kayo roon. Lumaban kayo at mabuhay hangga't gusto niyo. The floor is all yours, Equipé. Be the puzzle to everyone."
Iyan ang sinabi sa 'min ni Aleli bago kami umalis. May mga bagay pa siyang pinaalala sa 'min.
Pagdating namin sa airport ay deretso ang lakad namin papunta sa plane na sasakyan namin. Nauna nang isakay ang mga gamit namin. Madaling nakalusot ang mga dala naming bagahe kahit napakaraming laman 'yon na hindi dapat dala. Aleli is always breaking the law.
REINE DE TOUTE REINE
Nakasulat sa napakalaking eroplano na nasa harapan namin. It's an exclusive plane for us.
"What does it mean?" tanong ni Margaux na sa tanong na dapat ay itatanong ko rin sana ngunit naunahan niya na ako.
"Queen of all queen, it's a french word," sagot naman ni Aurea na ikinatango lang namin.
Naging maayos ang flight namin, thanks to Aleli. Nang-inanounce na na malapit na kami maglanding ay kaniya kaniyang ayos na kami.
"Sure ba na may susundo sa 'tin?" tanong ni Millicent habang naghihintay kami sa taong susundo sa 'min. Kanina pa kami rito ngunit wala pang sumusundo sa 'min. Wala naman kaming contact sa taong iyon kaya hindi namin sure kung darating ba.
"I don't know. Try to ask Aleli about it," sagot naman ni Margaux.
"Sino ba sa 'ting dalawa ang madaling nakakausap niya? 'Di ba ikaw? Oh, ano pang ginagawa mo? Ask her!"
Lagi na lang...
Hindi ba sila nagsasawa kakasagutan? Ako ang napapagod sa kanilang dalawa. Mabuti pa itong si Aurea, tulad ko ay tahimik lang din siya.
Kanina pa ako nagugutom bakit naman kasi ang tagal ng susundo sa  min. Hindi naman traffic dito, ah? How unprofessional!
"Do it alone, I'm tired," sagot ulit ni Margaux.
"Pahinga ka na lang forever kung ganoon," si Millicent.
"Don't worry, I'll do that. Wanna join, then?" pang aasar pa ni Margaux.
Silang dalawa ang maingay dito!
"Will you two shup up?!" Finally! Aurea, nagsalita ka rin.
Hindi talaga titigil ang dalawang iyan hangga't hindi pinapatigil. Jusqo! Childish!
Kanina pa kami hintay ng hintay, kanina nga ay nagbalak pa si Margaux na umalis na kami dahil baka raw hindi ito makarating at mabulok lang kami rito.
Habang wala akong ginagawa ay panay tingin lang ako sa paligid. Napakaganda, first time kong makapunta ng ibang bansa habang silang tatlo ay mukhang sanay na sanay na dahil hindi naman sila namamangha. Hindi tulad ko na halos tumulo na ang laway.
"Sorry, I'm late!" isang boses ng lalaki ang narinig kong papalapit.
Papunta ito sa pwesto namin, siya na siguro ang sundo na sinasabi sa amin ni Aleli. Naka black cup siya, leather jacket at black mask. Sa malayo ay hindi mo siya agad makikilala. Balot na balot ang katawan nito.
"Naghintay ba kayo? Napuyat ako kagabi, e," ulit pa niya. Pamilyar ang kaniyang boses sa 'kin ngunit hindi ko lang malaman kung sino siya at kung saan ko narinig ang boses na iyon.
"Shut up, will you?! Get our things, instead," sagot sa kaniya ni Margaux.
Napailing na lang siya habang masamang nakatingin sa kaniya si Margaux.
Tinanggal niya ang kaniyang sombrero, sunod ay ang leather jacket. Pagkatapos ay tinanggal ang kaniyang mask. Halos manlaki ang mata ko sa lalaking nasa harapan ko. Kaya naman pala pamilyar ang boses niya sa sa 'kin. Napa 'what the fuck' pa si Margaux nang makita kung sino ang nasa likod ng mask na iyon.
"Rhys..." mahinang bulong ko na may halong pagtataka.

Comentário do Livro (24)

  • avatar
    Montaner Jr Roger

    🤭🤭

    24/07

      0
  • avatar
    Jamyca Pagaduan

    jkk😏

    04/07

      0
  • avatar
    Heart Abaja

    this is so wild

    03/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes