logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Mildred, A Wild Strength

Mildred, A Wild Strength

sunlick


Prologue

"Mika, anak, halika ka rito upang makilala mo ang tito Leandro mo."
Gusto na naman akong ipakilala ni mama sa bago niyang nobyo. Talo niya pa ang isang teenager kung paano magpapalit palit ng jowa.
Wala naman akong pakialam dati kung sino ang maging jowa niya ngunit iba ngayon. Hindi ko gusto ang presensya noong lalaking 'yon. Kilos at pananamit niya pa lang ay halatang mayaman ito. Ngunit kilos niya pa lang hindi na ako mapalagay. May kakaiba sa kaniya na hindi ko alam kung ano.
"Hi, Mika, call me tito Leandro," sabi niya habang nakalahad ang kamay.
Napatingin ako kay mama na nakangiting nakatingin sa 'kin. May pag aalinlangang kinuha ko ang kamay niya.
Kahit sa pagsasalita ay halatang mayaman ito. Hindi ako magaling mag ingles pero nakakaintindi ako. Hindi kasi natuloy ang pag aaral ko dahil hindi kinaya ni mama ang paaralin ako. Simula kasi noong namatay si papa ay nawalan na rin ako ng pag asang makakapag aral pa.
"M-Michaela po... tawagin niyo po akong Michaela," sabi ko habang hawak niya pa rin ang kamay ko.
Ayoko kasing may tumawag sa 'kin sa palayaw na bigay ni papa, lalo na ang lalaking ito.
Ngumisi naman ito at tumango. Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga siya gusto pero kahit ang mga ngiti niya ay hindi ko kayang tingnan. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko na hawak niya dahil hindi niya pa rin ito binibitiwan.
"'Yong... 'yong kamay ko po." Napa 'ow' naman siya at agad binitawan ang kamay ko.
"Anong gusto mong ulam anak? Naggrocery kami ng tito Leandro mo kanina, baka may gusto kang ipaluto." Nakangiti si mama habang sinasabi niya iyon. Halata sa mukha niya ang tuwa.
Napatingin ako sa nobyo niya na nakatingin sa'kin at hinihintay ang sagot ko.
Mabilis akong umiling. "Kahit ano na lang po," sagot ko.
Sa totoo lang gustong gusto ko talagang makatikim ng fried chicken. Mahirap lang kami kaya hindi ako laging nakakakain noon. Ngunit hindi na ako nag abalang sabihin pa iyon kay mama.
Bata pa ako, seventeen pa lang ako.
Days that turned into weeks, and weeks that turned into month.
Akala ko ay hindi sila magtatagal ngunit mas lalo lang silang naging sweet sa isa't isa.
"May lakad ka anak?" tanong ni mama habang nakangiti nang maabutan ko sila ng nobyo niya sa sala at nanonood ng movie.
Binibinyagan nila ang bagong TV na binili ni Leandro. Binili niya ito upang hindi raw kami mainip. Napa irap nalang ako.
"May kukunin lang po ako kay Rhys," sagot ko.
Akala ko ay nakatakas na ako sa kanila lalo na sa lalaki niya ngunit mali ako. Mali ako dahil bigla itong nagsalita na parang close kami.
"Aalis na rin naman ako kaya sumabay ka na sa 'kin. Ihahatid na lang kita kung saan ka pupunta," sabi ni Leandro at mabilis na tumayo.
Akala ko ay magagalit si mama dahil hindi pa nila tapos ang pinapanood nila ngunit nakangiti ito habang nakatingin sa 'kin.
"Oo nga, anak. Mapapabilis ka pa tsaka upang maging malapit na rin kayo sa isa't isa ni tito Leandro mo. Magiging parte na siya ng pamilya natin at hindi magandang hindi kayo okay."
Sa huli pumayag na lang din ako. Sa likod sana ako sasakay ngunit pinalipat niya ako sa unahan. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil andoon si mama. Masama raw tingnan dahil magmumukhang driver si Leandro.
Hindi ako mapakali habang nasa loob kami ng sasakyan. May namumuong pawis sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan.
Mabilis akong sumiksik sa pinakagilid ng sasakyan dahil sa tuwing nilalapat ni Leandro ang kamay niya sa kambyo ay laging dumadampi ang kamay at daliri niya sa hita ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon.
Guni guni ko lang 'yon.
"Saan kita ihahatid?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita ito habang nakatingin sa'kin. Umiwas naman ako ng tingin.
"D-dyan... po sa may fishball-an sa crossing," sagot ko.
Tumango lang siya at hininto ang sasakyan sa tapat ng fishball-an ni Aling Nena. Mabilis sa pa alas kwarto akong lumabas ng kotse niya.
Nagtatakang napatingin si Rhys sa 'kin dahil siguro pawis na pawis ako, nanginginig, at namumutla pa.
"Ayos ka lang? Bakit parang nakakita ka ata ng multo? Tubig gusto mo?" Inabot niya sa 'kin ang tumbler niya kaya mabilis akong uminom doon. Tuyong tuyo ang lalamunan ko.
"Naks! Umaasenso na kayo, ah. Naka kotse, pasakay naman minsan, Mika." Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatawa niya. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari. Guni guni ko lang ba iyon o totoong nangyari talaga? Overacting lang ba ako? Pero naramdaman ko! 'Yung kamay niya!
Pagkatapos ibigay ni Rhys ang mga librong ipapahiram niya ay nilibre niya muna ako ng fishball. Nag iisang matalik na kaibigan ko si Rhys, wala akong ibang kaibigan kundi siya lang.
"Kayo talagang dalawa, bakit naman ngayon nalang ulit kayo napadalaw?" Palagi kaming tambay ni Rhys dito at natigil lang iyon noong nakaraang buwan dahil na adik ako sa pagbabasa ng libro na pinapahiram niya.
Mga educational books iyon, nagbabasa pa rin ako kahit hindi ako nag aaral at baka sakaling hindi na talaga makakapag aral.
Ngunit nagtatago ako sa kwarto ko habang nagbabasa dahil sa tuwing nakikita ako ni mama na may hawak na libro ay nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kaya nasanay akong walang nakakakita sa 'kin sa tuwing magbabasa ako.
"Ah... busy po kasi ako sa school manang. Itong si Mika naman hindi pumupunta rito kung hindi ako kasama," sagot ni Rhys habang ngumunguya.
'Yon na ang naging huling pagkikita namin ni Rhys. Hindi na ako makalabas ng bahay dahil lagi akong bantay noon. Laging wala sila mama at si Leandro na ikinatuwa ko naman. Mas mabuting wala sila rito dahil mas panatag ang loob ko.
Habang tumatagal kasi ay mas lalong nadadagdagan ang hinala ko. Noong nakaraan ay abala ako sa paglilinis ng sahig kaya bahagya akong nakayuko. Nakasando lang ako at maikling shorts. Nakaharap ako sa TV at nakatalikod sa sofa. Laking gulat ko noong makita ko ang nobyo ni mama na nakaupo sa sofa at nakasandal ang ulo sa headrest nito. Titig na titig ito sa 'kin. May dumi ba ako sa mukha?
Mabilis akong umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan naroon ang kwarto ko. Buong maghapon akong nagkulong sa kwarto. Nag aalinlangan akong lumabas dahil alam kong makikita ko roon ang nobyo ni mama.
Laging may ganoong insidente na nangyayari. Noong nakaraan ay habang naghuhugas ako sa sink namin ay bigla nalang itong lumapit sa likod at kunware ay kumukuha ng baso na tapos ko nang hugasan. Hindi ako makagalaw dahil may kung anong kinikiskis siya sa likuran ko at kung gagalaw ako ay lalo lang itong didiin sa pwetan ko.
"Pahiram ng baso ah," paalam nito. Wala sa sariling tumango nalang ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil umalis na siya sa likuran ko.
Wala akong magawa at gusto kong magsumbong kay mama ngunit natatakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan. Ayoko rin namang ipagkait kay mama ang nakakapagpasaya sa kaniya ngayon.
Ngunit mali ang desisyon ko, sana pala ay sinabi ko nalang. Sana naglakas loob nalang ako. Sana hindi ako natakot.
Pinapaglinis ako ni mama ng cr kaya nagsuot ako ng gloves. Hindi naman masyadong marumi ngunit pinalinisan niya lang dahil baka marumihan daw si Leandro. Mahal na mahal niya talaga.
Wala sila ngayon dahil may pupuntahan daw.
Halos kalahating oras akong naglinis ng banyo kaya pumunta ako sa sala pagkatapos kong maglinis upang magpahinga. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising ako ng may maramdaman akong pumipisil sa mga hita ko.
Mabilis akong napatayo ng makita si Leandro na nasa tabi ko. Akala ko ba may lakad sila ni mama? Asan si mama?
"Si... si mama? Akala ko ba may l-lakad kayo?" kinakabahang tanong ko. Hindi siya sumagot sa halip ay tumayo at lumapit sa 'kin kaya napaatras ako.
"Teka lang, asan si mama? Bakit hindi mo siya kasama?" Baka kung ano nang nangyare kay mama.
Ngumisi ito, "Don't worry about your mother, she's okay. Ang importante tayong dalawa, solo natin ang bahay na ito ngayon."
Umiling ako, hindi makapaniwala sa sinasabi niya. How could he do this to me?
Wala na akong ibang maatrasan dahil dingding na ang nasa likuran ko at sobrang lapit niya sa 'kin. Halos tawagin ko na lahat ng santo upang makaalis lang dito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Papuntahin mo na rito si mama." Hindi ko alam kung paano ko nagawang magsalita na hindi nauutal. Nanginginig ang buong katawan ko.
"Huwag mo nang isipin ang mama mo. Focus on me at sa gagawin natin. Promise, masasarapan ka."
Mas lalo pa siyang lumapit sa'kin. Kinuha kong oportunidad iyon upang makaalis.
Mabilis kong tinuhod ang pagitan ng hita niya dahil sa pagkabigla noong lumapat ang mga kamay niya sa bewang ko. Tumakbo ako papunta sa kusina upang kumuha ng kutsilyo.
Mama asan ka na ba?
"Come on, Michaela. Magugustuhan mo 'to. Put the knife down." Mabilis akong umiling.
"Huwag kang lumapit kung ayaw mong masaktan," nanginginig na sabi ko.
Ngunit parang hindi ito naapektuhan. Hindi ito natinag dahil patuloy pa ring lumalapit sa 'kin.
"Ganiyan ang gusto ko sa 'yo, e. Palaban, I like that. I like your green eyes too. Your eyes is telling me to fuck you. Nakakaakit ang mga mata mo."
Halos mawalan ako ng pag asa na mabubuhay pa ako. Nakuha niya ang kutsilyo sa mga kamay ko na hindi ko alam kung paano nangyari. Tinapon niya ito.
Napaiyak na lang ako noong lumapat ang labi niya sa leeg ko. Hawak niya ang dalawang kamay ko kaya hindi ako makagalaw.
Iyak lang ako ng iyak.
Mama asan ka na ba? Kailangan kita ngayon.
Tatanggapin ko na ba na katapusan ko na ito? No! Marami pa akong gustong gawin. Napakabata ko pa para mamatay.
"Bwesit! Istorbo!" Biglang tumunog ay cellphone niya kaya napahinto ito. Kinuha ko naman ang oportunidad na iyon upang malakas na tinuhod ulit ang pagitan ng hita niya.
Tumakbo ako papunta sa kutsilyo na tinapon niya at pinulot ito. Ngayon hindi ko na ito bibitawan.
Halos mapasigaw ako noong matumba ako kaya nahawakan niya ang paa ko at hinila. Ayoko pang mamatay at ayokong pumatay.
Ayokong pumatay! Ayoko!
Ngunit kasalungat ang ginawa ko sa sinabi ng utak ko. 'Yong kutsilyo... nakatarak sa dibdib ni Leandro.
Dugo! Puro dugo... mama! 'Yong suot kong gloves puno ng dugo! Tatlong beses... tatlong beses ko siyang nasaksak.
Diyos ko! Ano... a-ano ba itong ginawa ko.
"Mika... anak, a-anong, anong ginawa mo? Leandro! Anak ano 'to? Leandro!"
M-mama... sinubukan niya akong gahasain.
Gusto kong sabihin kay mama ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako kay mama na hawak si Leandro. Umiiyak siya!
Hindi ko na nakayanan kaya mabilis akong lumabas ng bahay at tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong mapuntahan dahil wala akong kaibigan. Si Rhys lang ang kaibigan ko ngunit hindi ko siya pwedeng idamay sa gulo ko. Mapapahamak lang siya.
Hindi pa rin humihinto sa pagpatak ang mga luha ko. Tinanggal ko ang gloves na suot ko at tinapon sa kung saan.
Ano bang nagawa kong kasalanan para pagsamantalahan.
Hindi ako umuwi ng bahay dahil napakaraming pulis doon. Paniguradong nag iimbestiga na sila sa nangyari at paniguradong hinahanap na nila ako. Hindi ako pwedeng makulong!
Sa lansangan ako natutulog kasama ng mga batang kalye. Namumulot ako ng pagkain sa kalye upang may makain lang. Napaiyak nalang ako dahil sa sari-saring emosyon.
Guilty, nalulungkot, at nahihirapan.
Napag isipan kong dalawin si mama upang makapagpaliwanag. Kung maririnig niya lang ang paliwanag ko baka hindi siya magalit sa 'kin. Kailangan ko siyang makausap.
Ngunit lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya ay parang naglaho bigla noong makita ko siyang nakahandusay sa tapat ng bahay namin.
Basag... basag ang ulo niya. Nagpakamatay ba si mama? Napaupo nalang ako sa sobrang sakit ng nakita ko. Si mama! Wala na si mama! Bakit siya nagpakamatay?! Hindi niya man lang ako hinintay. Hindi niya man lang pinakinggan muna ang paliwanag ko.
Hindi! Hindi magpapakamatay si mama! Gagawa ako ng paraan upang malaman ang tunay na nangyari. Hindi ito gagawin ni mama.
Tumingin ako sa taas upang makita ang bintana ng kwarto ni mama. Nagtatakang napatingin ako roon dahil nakasarado naman. Kung nagpakamatay si mama dapat bukas ang bintana ng kwarto niya ngunit hindi dahil nakasarado ito.
Alam kong hindi magpapakamatay si mama dahil lang doon. Marami pa kaming pangarap, marami pa siyang pangarap para sa 'kin at sabay naming tutuparin iyon.
Sobrang tapang ni mama kaya hindi niya ito magagawa. Alam kong hindi niya ako kayang iwan. Sa dami ng pinagdaanan namin, ngayon pa ba siya susuko?
Anong... anong nangyayari? Pinatay, pinatay ba si mama? Napahikbi ulit ako. Mama hindi mo ito deserve. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko, dapat ako ang parusahan hindi si mama.
Gusto kong hawakan si mama.
Lumapit ako upang hawakan siya ngunit hindi pa ako masyadong nakakalapit ng biglang may tunog ng sasakyan ng mga pulis akong narinig. Mabilis akong lumabas ng gate namin at nagtago sa poste na sira ang ilaw.
Iyak lang ako ng iyak, walang pakundangang iyak. Hindi ako umalis doon hangga't hindi ko nalalaman kung anong nangyari. Gusto kong malaman ang totoo!
Hanggang sa dalawang babae ang napadaan sa gilid ko.
"Suicide raw sabi noong mga pulis. Nag iwan pa nga ng note na hindi niya na raw kayang mabuhay."
Hindi siya nagsuicide! Alam ko 'yon. Hindi niya magagawa 'yon, alam kong hindi niya ako iiwan.
Hindi siya nagsuicide dahil may pumatay sa kaniya. Balang araw papatunayan ko 'yon.
"Bakit naman siya nagsuicide?"
"Hindi ata nakayanan ang nangyari. 'Yong anak niya pinatay ang nobyo niya tapos pagkatapos naglayas ang anak niya. Na-depressed ata, e. Kawawa naman."
Pinunasan ko ang luhang hindi matigil tigil sa pagpatak. Gusto kong tumakbo hanggang sa hindi ko na kayang tumakbo ngunit hindi pa ako nakakatakbo ay hindi na kaya ng mga paa ko.
Halos himatayin ako sa pag aakalang katapusan ko na dahil may isang itim na van ang tumigil sa harap ko.
"Sumama ka sa 'min kung ayaw mong isumbong ka namin sa mga pulis." Isang lalaki ang nagsabi noon.
Hindi ako basta bastang nagtitiwala, lalo na sa mga taong bigla na lang susulpot sa harapan ko. Kung kanina ay hindi ko na kayang tumakbo at hindi ko na kayang igalaw ang mga paa, ngayon naman ay sobrang bilis ng takbo ko upang makaalis lang, upang makatakas lang.
Ngunit nawalan na ako ng pag asang makatakas nang biglang may isang sasakyan na naman ang tumigil sa harap ko. Hindi ko na kayang lumaban, nanghihina na ako.
Iyon ang huling naging alaala ko. Because after that, everything went black.
Nagising na lang ako isang araw na nasa hindi ko kilalang bahay.
Dinala nila ako sa isang napakalaking bahay. Hindi na ito bahay, mansyon na ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gandang bahay.
Imbes na matakot ako ay mas naging panatag pa ako. Feeling ko safe ako rito.
Nagdaan ang mga araw at nanatili lang ako sa lugar na iyon. Masasarap na pagkain at iba pa. Minsan naguguluhan ako kung bakit ako andoon.
"Bakit ako andito? Anong kailangan niyo sa 'kin?" tanong ko habang kasabay na kumain ang lalaking kasabay kong kumain ngayon. Matanda na siya. Magaling akong kumilatis ng tao kaya masasabi kong hindi siya masama. Hindi siya tulad ni Leandro.
"Sabihin na nating maswerte ka kaya ka andito. Kumain kana," sagot niya.
Pinag aral niya ako. Sa kaniya ba ang bahay na ito? Naranasan ko ulit na mag aral. Ang laki ng utang na loob sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran.
Isang araw pagkatapos niya akong sunduin ay napagdesisyonan kong magpasalamat. Gusto ko lang magpasalamat dahil wala naman akong ginagawang maganda sa kaniya kaya bakit niya ako tinutulungan.
"Boss D, ahm... salamat." Boss D ang tawag sa kaniya ng lahat dito. May mga bagong pasok na kababaihan at boss D ang tawag nila sa kaniya. Tatlong babae ang kakapasok pa lang dito at hindi ko pa sila ganoon ka kilala.
Ngumiti siya sa 'kin, "Huwag ka sa 'kin magpasalamat." Pinaharap niya ako sa isang painting ng baril na pinapalibutan ng mga tinik ng rose at sa dulo nito ay ang isang magandang rose na namumukadkad.
"Sa kaniya ka magpasalamat," turo niya sa painting. Naguguluhan man ay nagpasalamat ako.
"Salamat... maraming salamat." Halos mapatalon ako ng biglang may nagsalita at umalingawngaw iyon sa buong sala. Hindi ganoon ka-lakas ngunit rinig na rinig ko.
"It's not free," sagot nito na ikinakunot ng noo ko. Maya maya lang ay may binigay na baril sa 'kin si boss D, nagtatakang tinanggap ko naman iyon.
"You'll work for me. From now on, hindi kana si Michaela. Everyone will call you, Mildred. You'll be my Mildred."
--------------------­--------------------­--------------------
Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Note : Not suitable for young readers or sensitive minds. It is also contains some adult scenes, adult language and situation intended for mature readers only. Please feel free to leave if this is not your kind of story.

Comentário do Livro (24)

  • avatar
    Montaner Jr Roger

    🤭🤭

    24/07

      0
  • avatar
    Jamyca Pagaduan

    jkk😏

    04/07

      0
  • avatar
    Heart Abaja

    this is so wild

    03/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes