logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

THE FIGHTER:  Lauren Lovre

THE FIGHTER: Lauren Lovre

TheKnightQueen


Prologue

    
                "Invitation?" walang emosiyong tanong ni kuyang tagabantay sa tarangkahan.
Ngumiti ako ng peke sa kan'ya. Kinuha ko mula sa dala kong purse bag ang invitation na hinahanap niya. Ibinigay at kinuha niya ang kulay pulang invitation. Sinuri n'ya ito ng mabuti.
Ang isa namang kasama niya ay ini-scan ang buo kong katawan, searching for uninvited weapons.
Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Maraming mga bisita ang umattend for Masquerade Dinner Party. Ang ilan ay nakapila rin for door checkpoint.
Mga mayayaman talaga basta sa ganitong mga magagarbong event ay laging handa at present. They are here for what? For fame? For updates?
"Done, enjoy your night." Napalingon ako sa nagsalita which is ang tagabantay.
Binuksan nila ang pinto.
Nginitian ko siya ng matamis bilang pasasalamat. Pumasok ako sa loob. Bumungad sa akin ang maraming tao. All of them are screaming of wealthiness, powerful and authority.
Ang kanilang mga boses ay katulad ng mga bubuyog, mahihinang nagkwe-kwentuhan ng mga kaplastikan.
Their laugh are full of fake. Ngunit ang mga kapansin-pansin ay ang mga kilalang tao. Napapalibutan kasi sila at dinudumog ng hindi kilala sa lipunan upang sila ay maambunan ng kasikatan.
Pumunta na lamang ako sa isang sulok na mayroong kadiliman. Dito na lamang ako magmamasid at maghihintay.
"Hi, miss? Alone? Can I join you?" Nahinto ako sa pag-iinom ng wine sa taong lumapit sa'kin.
Nilingon ko siya, kahit nasa sulok ako ay kita ko pa rin ang mukha niya.
"I'm sorry, but I'm with my husband." pagsisinungaling kong palusot.
Tumawa siya sa sagot ko.
"It's a common excuse. It won't buy me." nakangiti at mapaglaro niyang wika.
This guy wishes his death.
"I am not lying, umalis lang siya saglit." wika ko,
Sumilip siya sa kamay ko looking for something. Can he just leave me alone?
He is not my type.
"Where is your wedding ring?" tanong niya,
Alam kong alam niyang nagsisinungaling lang ako, but I won't lose at him.
I look everywhere to find my fake husband, or kung mayr'on akong mahihila na hindi manyak katulad ng lalaking nasa harapan ko.
He seems like same age as mine but a playboy guy.
"How many time do I have to tell you not to remove your wedding ring." Napalingon at nagulat ako sa lalaking lumapit sa'kin.
Pumulupot ang kan'yang kamay sa aking bewang at inilapit ako sa katawan niya.
"Now, you don't know where you put it again? What should I do to you? Hmmm," he said huskily,
Lihim akong napalunok sa dinudulot niyang epekto sa'kin.
"I'm sorry, hon. I was so in hurry earlier, maybe I left it in our room. Or, put it somewhere again. I'll find it as soon as we got home." I said sweetly,
Sinakyan ko ang trip niya dahil wala akong nakitang paraan.
Hindi ko makita ang kabuoan ng kan'yang mukha dahil sa suot nitong masquerade mask, ang tanging nakikita ko lang ay ang mapupula niyang labi at ang matangos n'yang ilong, sa tulong pa ng spot lights.
"Mr. L----" Naputol ang sasabihin ng lalaking kinukulit ako ng magsalita ang nakahawak sa bewang kong lalaki.
"Do you have business with my wife?" malamig na wika niya.
Hinayaan ko na siya na ang magpalayas sa lalaki.
"O, I'm sorry, I thought she's alone and unmarried. Your wife is g--" Muling naputol ang kan'yang sasabihin dahil sumabat ulit siya.
"Now you know that she's not, you can leave. Don't let our path crossed again." wika nito na mayroong pagbabanta.
Itinaas ng lalaki ang kan'yang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Paglingon ko sa hindi kalayuan, nakita ko na ang hinahanap ko.
Tumingin ako sa taong nag-rescue sa'kin.
Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.
"Thank you for the help." sincere kong pasasalamat sa kan'ya.
Inalis ko ang kamay niyang nasa bewang ko. Lumakad ako sa direction nila. Pasimple ko silang sinundan.
Maraming mga babae silang kasama. Halos mga kabataan ang ilan sa kanila. Nakabihis sila nang maayos para hindi mahalata.
Ang masquerade dinner party ay isa lamang pangtakip sa kanilang pinakamain-goal. 'Yon ay ang bumili, magpabili, at magbenta ng mga kababaihan.
At ang suot nilang collar necklace ay tanda na sila ang pag-aagawang bilhin mamaya para sa auction.
At ang mission ko ay sirain ang magaganap na auction mamaya.  Pumasok sila sa isang kwarto. Mayroong agad na bumantay sa labas ng pinto.
Sumilip ako sa hallway at sa paligid. Nang masiguro kong walang ibang tao. Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Diretso akong naglakad patungo sa kwarto.
"Miss, naliligaw 'ata? Bawal dito," agsik na ani ng isa sa nagbabantay sa pinto.
"I'm sorry, nawawala kasi ako. Can you help me to find my room?" sambit ko.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Come with me." wika ng nasa kanan.
Hinawakan ko ang kamay niyang hahawak sana sa'kin. Agad ko ng tinakpan ang bibig niya. Agad na tinusok ko sa dibdib ang dalawang taong kasama niya. Mayroong maliit na kutsilyo ang dulo ng heels ko. Pinihit ko ng malakas ang ulo ng lalaking hawak ko.
Lumapit ako sa karatig na k'warto. Hinila sila at pinasok sa loob upang itago sila. Wala akong iniwang bakas sa labas ng pinto.
Maging ang dugo nila ay tinanggal ko rin.
Humarap ako sa pintuan. Tumaas ang dulo ng aking labing nakatingin sa pinto.
Kinuha ko sa ang baril sa loob ng buhok ko. Dahil do'n nasira ang pagkaka-ayos nito at tuluyang bumagsak.
Kumatok ako ng tatlong beses.
"Sinabi ng h'wag a---- ackk!" Binaril ko siya agad sa noo.
Binuksan ko ang pinto at binaril lahat ng nagbabantay. Hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na makapagpaputok ng baril. Magsasanhi ng gulo kapag narinig nila ang putok ng baril.
Nagsenyas ako sa mga babaeng h'wag maingay na sinunod naman nila. Pagkatapos ko ay dali-dali kong tinanggal ang mga collar necklace nila at pinagbihis ko ng damit.
Agad kaming lumabas ng kwarto. Sa exit kami dumaan para less ang tao at safe.
Mabilis ko silang inilabas ng hotel.
"Leave this place, immediately. Make sure na hindi nila kayo makikita pang muli." Sunod-sunod na tango ang ginawa nila.
Sumenyas ako na umalis na silang lahat. Tumingin ako sa paligid to make sure na wala pa ring tao. Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na sila at hindi naabot ng paningin ko.
Inayos ko ang suot kong gown. Simple akong lumabas sa p'westo ko at lumakad na tila walang nangyari.
Bumalik muli ako sa loob ng pinagdarausan. Nagtagal ako ng ilang minuto pa.
Napansin ko ang mabibilis na pagkilos ng mga goons. Kaya naman palihim na akong nag-exit.
Pagkalabas ko, malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa'kin. Maraming goons ang nagtatakbuhan upang maghanap.
"Hanapin n'yo! Hindi pa sila nakalalayo." Rinig kong wika nila.
Dali-dali akong naglakad.
"Bawal po muna kayong maglabas lahat. Nagkaroon po ng aberya ngunit aayusin po namin kaagad." Rinig kong muli.
Bago pa magsara ang pinto ay tumakbo na ako patungo sa isang tao.
Its now or never!
Papasok na sana ang lalaking hindi ko kilala ng higitin ko siya, sinara kong muli ang pinto at walang pasabing hinalikan ko siya sa labi.
"Sir, bawal pa pong umalis." Magalang na saad ng sino.
Bumitaw ako sa halik at sumandal sa dibdib ng lalaki.
Darn it!
""Hon, can we go home now? I wanna go home." malambing na wika ko sa hindi ko kilala.
Pasimple akong sumilip sa nagsalita kanina.
"I don't care with your problem. My wife is not feeling well. She need to go home." malamig na wika ng sinasandalan ko na lalaki.
Lihim akong ngumiti.
Salamat sa pagsakay sa acting ko kung sino ka man.
Marahan na isinakay niya ako sa kotse. Pagkapasok namin ay agad akong humiwalay sa kanya. Umandar na rin ang sasakyan ngunit ng makalayo kami. Inihinto ng driver ang sasakyan.
Binuksan ko ang pinto pero nagulat ako ng hilahin niya ang kamay at mas lalong nagulat ako ng maglapat ang aming labi muli.
Hindi ko pinahalata na nabigla ako. Pagtingin ko sa kan'ya, siya pa rin 'yung lalaking tumulong sa'kin kanina.
"Thanks again," ani kong muli sa kanya.
Mabilis akong humiwalay sa kan'ya. Lumabas ako ng kotse at agad na lumayo habang tumitingin pa rin sa paligid.
Habang naglalakad ako ay panay ang palit ko ng pananamit. From luxurious and elegant look to simple outfit. Tinanggal ko na rin ang suot kong masquerade mask.
Ngunit, hindi ko maiwasang hawakan ang labi ko. Ang lambot ng labi niya, hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.
Sayang lang dahil alam kong hindi na kami muli pang magkikita o, magco-cross ng landas.
𝑻𝒉𝒆𝑲𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕𝑸𝒖𝒆𝒆𝒏 🌱

Comentário do Livro (39)

  • avatar
    Aaron James Flores

    jwjyuvksheuksnsgudjwhdtdj

    20/07

      0
  • avatar
    ArnaldoJeseree

    huhu bakit putol yung endinggg 😭, nabitin ako hahaha ang ganda at ang galing ng twist... sana po masulat na agad yung next chapter 🥹

    26/05

      0
  • avatar
    MejiaJerome

    7777

    30/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes