OO, tama nga kayo. Bundok itong pagkakampingan namin, at kailangan pa naming umakyat ng mahigit kalahating kilometro para lamang makarating na kami sa mismong Ridge Camp. Gag*, bakit ngayon ko lang naisip 'to? Camping nga 'di ba Shaira? “Ano pa'ng tinutunganga n'yo diyan? Hala sige, maglakad na kayo nang makarating na kaagad tayo roon sa taas,” bulalas na naman ni Mother Superior nang makita niya kaming lahat na nakatingin lang sa aakyatin naming bundok. “Jusko naman, Ma'am Carmela! Akala ko ba camping ang gagawin natin, pero bakit mo kami papaakyatin ng bundok? Ma'am, hiking na ito e. Ma'am naman, ganyan ba kapag walang jowa? Dito mo pa sa amin ilalabas ang pighati mo?” “Manahimik ka, Padua, ha. Akala mo naman hindi ka wasak nang sinaktan ka ng isa diyan. Gusto mo bang isalaysay ko pa rito ang buong storya ng pagkawasak mo?” “Sige lang ma'am, alam ko namang wala kang alam sa totoong nangyari,” rinig ko namang pabalang na sagot ni Justine Mae. Pinagkrus pa nito ang dalawang braso na tila ay kampante siyang walang alam si Mother Superior sa nangyari sa kanilang dalawa ni Brunio. Nakita kong napawi ang ngisi ni Justine Mae Padua nang ngisihan din siya ni Mother Superior Carmela Brecken. “Ano'ng tingin mo sa 'kin? Wala akong source?” “Ah—eh, sabi ko nga aakyat na ako sa bundok,” turan ni Justine Mae at saka kami kinawayan. “Hoy, tara na! Ano pang tinutunganga niyo diyan? Umakyat na tayo nang makapagsimula na tayo sa activities natin. Grabe, ang saya pala nitong umakyat sa bundok. Woooh! Krazy!” Ayon nga't nauna ng umakyat si Justine sa bundok. Palibhasa ay naka-hulma na ng hagdanan ang mga lupa bilang daanan ay malakas na ang loob nitong umakyat. Kung wala 'to ay malamang na magpapahila pa 'yan sa bestfriend niya kunong si Miguel Layugan na lagi niyang nauuto. Kawawang Miguel! “Older sis!” “Grabe ka naman Jovyang, nakarami ka na sa 'kin ngayon ha. Mamaya ka sa 'king gag* ka,” bulyaw ko kay Jovie Cris nang bigla na lamang sumulpot sa tabi ko. Inambaan ko na ito ng suntok kaya bigla na lamang itong lumayo sa akin ng ilang dipa. “Problema mo?” tanong ko. “Wala naman. Pasensya na kung hindi kita nagising kanina, Older Sis ha, baka kasi sapakin mo pa ako dahil inistorbo kita sa mahimbing mong pagtulog. Saka, ako kasi ang pinauna ni Ma'am Carmela sa linya natin kanina kaya nagmadali akong bumaba, alam mo naman 'yon may lahing Ms. Minchin,” pagpapaliwanag niya. “Kahit na manghingi ka pa ng tawad sa 'kin ngayon, may kasalanan ka pa rin sa akin dahil sa ginawa mong panggugulat ngayon. Mamaya ka talaga sa 'kin, Jovyang,” pagbabanta ko rito. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Jovie Cris dahil sa sinabi ko dahil alam niya kung paano ako gumanti kapag ako'y kanilang ginulo. “Older sis naman, sorry na nga 'di ba?” “Sige, subukan mong lumapit. Gugulong ka talaga doon sa baba, babalik ka talaga doon sa entrance,” untag ko sa kanya nang makita ko sa gilid ng aking mga mata na lumalapit siya sa 'kin. “Sabi ko nga dito lang ako... Pero older sis, sorry naaa.” Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sinasabi ni Jovie Cris dahil alam kong hindi siya titigil sa kaka-hingi ng tawad hangga't alam niyang nakikipagtalo pa ako sa kanya. Alam na alam na niya kung ano ang pag-uugali ko dahil siya lang naman ang lagi kong kasama. Pero minsan ay hindi ko talaga maiiwasan na makaramdam ng pagkairita sa kanya. Mahigit dalawampung minuto rin ang ikinatahimik ko sa paghakbang paakyat sa bundok nang makarinig ako ng may tumili dahil sa sobrang saya. Nang matingnan ko kung sino ito ay nakita ko si Kathlea Gevero na nagtatalon na sa tuwa, tila ba ay hindi ito napagod sa pag-akyat nang makarating na sa tuktok. Sanaol Kathlea! Mas lalo ko pang binilisan ang aking paghakbang paakyat nang makita kong iilan na lang kaming nandito pa sa baba. Naunahan ko si Jovie Cris at Rachelle na ilang layo na ang dipa sa akin kani-kanina lang, pati na sina Miguel na naka-akay na sa bestfriend niyang si Justine. Nang magkatinginan kami ni Justine ay dinilaan lamang ako nito. Pabebe, amputek! Palibhasa ay nag-iinarte dahil nasa likuran lang nila si Mark Joseph Brunio. Isang hakbang na lamang ang gagawin ko upang maka-tapak na sa mismong lupa na kinatitirikan ng Ridge Camp nang may taong bumunggo sa 'kin na muntikan ko ng ikinagulong pababa ng bundok. Mabuti na lamang na agaran akong nahawakan nina Armae at Jerra sa kaliwang kamay, kung hindi ay malamang sa malamang na para na akong matigas na tae na nagpagulong-gulong ngayon. Gag*, sino ba 'yong naglakas loob na banggain ako? Alam naman niyang medyo delikado itong dinaraanan namin, tapos gano'n ang gagawin niya sa 'kin. Shunga ba siya?
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
here is your tip
01/12/2024
0shaira
23/07/2024
0wow
16/07/2024
0Ver Todos