logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

[Shaira]

DAHIL sa inis ko ay itinuwid ko ang aking palad na tila may isang bagay na hihiwain, saka ko ito malakas na isinapak sa dalawang kamay ni Rachelle Serra na yumugyog sa 'kin. Napadaing naman siya sa sakit na natamo. Halos maglupasay na siya sa sahig ng bus na sinasakyan namin.
“Y*wa ka, Shaira, ang sakiiit!” bulyaw ni Rachelle.
“Mas yaw* ka! Shunga-shunga ka e, kung hindi mo sana ako ginulo e 'di sana ay hindi magkakaganyan 'yang kamay mo, gag*!” sagot ko sa kanya.
“Ul*l, magpasalamat ka pa nga dapat sa 'kin dahil ginising pa kita. Sa lahat ng nandito sa bus kanina, ako lang ang nagmamalasakit sa 'yo na gisingin ka. Kung hindi kita ginising, e 'di nga-nga ka ngayon kung saan ka ba talaga pupunta.”
Napatingin ako sa paligid dahil sa sinabi ni Rachelle. At doon ko nga lamang napagtanto na kami na nga palang dalawa ang nandito sa loob ng bus. Gag*ng Jovie Cris, hindi man lang ako ginising. Mamaya 'yon sa akin.
Inirapan ko lamang si Rachelle na naka-upo na sa sahig ng bus, saka ako tumayo at kinuha ang aking bag na nasa ibabaw. Nang masukbit ko na ito sa aking dalawang balikat ay saka ko naman hinarap si Rachelle at inilahad ko ang aking kanang kamay sa kanya. Tiningnan lamang 'to ni Rachelle at inismiran ako.
“Tch! Kaya kong tumayong mag-isa, hindi ko kailangan ng tulong mo, hindi ako lumpo,” aniya at tinapik ang kamay kong nakalahad sa kanya.
“Ayon naman pala e, hindi ka lumpo pero bakit hindi ka pa tumayo riyan. Gag*, tara na!”
Nang makababa na kaming dalawa ni Rachelle ay nadatnan namin sina Jovie Cris at ang iba pa naming mga kaklase na nakapila na pinangungunahan ni Mother Superior Carmela Brecken. Mukhang nag-a-ano na sila para sa entrance. Sa pagkaka-alam ko ay kaya kami pinapipila para malagay sa entrance ticket namin kung ilan kaming lahat ang nandito, baka kasi pagkauwi namin bukas ay kulang kami dahil may naiwanan.
I look around, at nagulat na lamang ako ng makitang ang bus lang namin ang nandito. Nasaan na ang dalawa pang bus na sinakyan ng ibang section? Hindi ba't magkasunod lamang kaming bumyahe kanina?
“Hoy Serra, nasaan ang dalawa pang bus?” tanong ko rito habang naglalakad kami papunta sa linya nina Mother Superior Carmela Brecken.
Nagkibit-balikat lamang si Rachelle matapos ko itong tanungin. “Malay ko, 'yan din ang isa sa iniisip ko kanina pa. Imposible namang hindi pa 'yon nakarating dito dahil kanina ay nakita kong nag-overtake sila sa sinasakyan natin. Ang akala ko nga'y nandito na rin sila.”
“Nag-overtake?”
“Paulit-ulit, Shaira? Bingi ka ba?”
“Hindi naman. Pero, seryoso? Bakit hindi ko man lang nakita na nag-overtake pala sila?”
“E malamang sa malamang ay mahimbing ang tulog mo kanina. Tang*!”
Hindi na ako nakaimik pa sa sinabi ni Rachelle dahil totoo namang mahimbing talaga ang naging tulog ko kanina kaya siguro hindi ko namalayang nag-overtake ang dalawang bus sa bus na sinasakyan namin. Pero ang tanong, nasaan na 'yon? Nasaan na sila? Bakit wala kaming ibang bus na nakikita rito o 'yong mga taong mga nasakay man do'n? Imposible namang naligaw ang mga 'yon.
Magtatanong pa sana ako kay Rachelle nang bigla kong narinig ang sigaw ng Mother Superior. “Hoy kayo diyan Serra at Sarmiento, umayos kayo ng linya. Isahang linya lang ang sinabi ko, bakit magkatabi na kayong dalawa diyan?”
Halos mapasubsob ako sa lupa nang itulak ako ni Rachelle papunta sa likuran niya matapos kaming sigawan ni Mother Superior Carmela Brecken. At bilang ganti sa kanya ay palihim ko siyang sinapak na sa gawi na hindi makikita ni Mother Superior Carmela Brecken. Inis na naman akong nilingon nito saka ako sinipa patalikod. Mabuti na nga lang at naka-ilag ako kaagad. Gag* balak niya ata akong magmukhang pulubi para hindi ako papapasukin sa Ridge Camp.
Sampung minuto ang itinayo namin ni Rachelle sa linya bago kami mapunta sa harapan ng bantay ng camp. Ang akala ko'y may ibibigay sa aming entrance ticket, ngunit ang sabi nito ay na kay Mother Superior na raw ang lahat. At itong tag na lang na kulay puti na itinali niya sa aming kanang kamay ang magsisilbing palatandaan na may entrance fee na kami sa loob. Hmm, parang sa star city lang ang datingan ha.
“WHAT the fuck!” Gulat akong napahinto sa paglalakad matapos talian ng bantay ang kamay ko ng tag nang marinig ko si Serra na nagmura. Ano na naman ba ang problema ng babaeng 'to?
“Bakit?” takang tanong ko sa kanya.
“Tingnan mo,” ani nito saka itinuro ang unahan namin. At doon, halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ko ang itinuro ni Serra. Oh no, I kennot! Wala man lang bang escalator dito? Ay gag* Shaira, paano magkaka-escalator dito sa bundok.

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    RoldanJeschael Aldecir

    here is your tip

    01/12/2024

      0
  • avatar
    May Mae

    shaira

    23/07/2024

      0
  • avatar
    Prencipe Jordan

    wow

    16/07/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes