WALA kaming alinlangang umakyat na sa bus. Nang makapasok kaming anim ay sumunod naman ang lalaki saka umupo sa driver's seat. Aaah, so siya pala ang driver namin sa bus na ito. Infairness ha, hindi siya mukhang driver sa itsura niya. Ang bata pa kasi niyang tingnan, aakalain mong magkasing-edad lang kami dahil sa kanyang itsura. Hindi na ako nahirapan pang makahanap ng mauupuan dahil saktong-sakto na pag-akyat ko ay nakita ko kaagad ang upuan na nasa likod ng driver's seat na bakante. Tiningnan ko naman ang mga lagayan ng gamit sa ibabaw kung may nakalagay na ba, baka kasi lumabas lang ang naka-upo rito, pero wala rin namang gamit kaya dito na lamang ako pumwesto. Nagulat pa ako ng may umupo rin kaagad sa tabi ko. Halos masubsob pa ako ng travel bag na dala nito na ipinatong lamang sa kanyang dalawang hita. “P*sti naman, Jovie Cris, dahan-dahan lang. May balak ka atang ipakain sa 'kin 'yang travel bag mo,” irita kong sabi sa kanya. Nakakabanas ha, nagulat ako do'n sa ginawa niya. “Ay hala! Sorry, older sis, hindi ko sinasadya. Ito kasing si Serra tinulak ako,” pagpapaumanhin niya. Tinuro naman nito si Rachelle na siyang naka-ngisi ng tiningnan ko siya. “G*go ka, Rachelle,” sabi ko sa kanya saka inambaan siya ng suntok. “Mas g*go ka, Shaira,” sagot naman nito na nginisihan ako ng todo. “Oh, huwag na kayong mag-away. Pare-parehas lang naman tayong mga g*go rito,” sabat ni Kathlea na prenteng naka-upo sa dulo ng bus. Siya lamang ang mag-isang naka-upo sa two seated na upuan. Malamang sa malamang na walang makakaupo sa tabi niya dahil itinabi niya ang kanyang mga gamit. Ang arte talaga kahit kailan! “Pero mas g*go talaga si Mark dahil sinaktan niya ako,” tugon naman ni Justine na nakahawak sa dibdib niya at nagdadalamhati kuno. P*sting pag-ibig 'yan Justine, isa 'yang katangahan. Puno ng hiyawan sa loob ng aming bus nang umimik naman bigla si Mark, ang lalaking tinutukoy ni Justine na nanakit sa kanyang damdamin. Tumayo pa ito saka hinarap si Justine. “Shuta, tumahimik ka nga, Justine. Baka kung ano pang magawa ko sa 'yo dito sa harap ng mga kaklase natin.” “Miguel oh, humaharot na naman ang bestfriend mong si Justine Mae Padua. Baka mamaya niyan magpapa-alam na naman 'yan sa 'yo na hahanapin niya muna ang kanyang sarili.” Pagsumbong naman ni Jerra sa katabi nitong si Miguel Layugan, na siyang boy bestfriend ni Justine. Ngumisi lamang si Miguel pagkatapos iyong sabihin ni Jerra. “Subukan niya lang sabihin sa akin 'yan kung 'di ay ingungudngod ko siya sa semento,” untag nito. “Awwts! Magagawa mo 'yon kay ate Justine, kuya Miguel?” “Oo naman, Armae, bakit naman hindi?” “SHHH! Hoi, tumigil na nga kayong mga bata kayo, ang iingay ninyo. Mabuti pa'y matulog na lang muna kayo diyan para may energy pa kayo mamaya pagdating natin sa venue. Diretso pa naman tayo sa activities pagka-dating natin doon,” saway sa amin ni Mother Superior Carmela Brecken. Kahit kailan talaga panira ng moment itong si Ms. Minchin na 'to, palibhasa'y walang nagpapasaya sa kanya. “Older Sis, tulog muna ako ha," ani Jovie Cris matapos niya akong kalabitin. Nginitian ko na lamang siya saka tinanguhan. Kinuha naman niya ang kanyang panyo saka ipinatong sa kanyang mukha. Biglang tumahimik sa loob ng bus dahil sa pangsasaway ni Mother Superior Carmela Brecken na naka-upo sa tapat ng row na inuupuan namin ni Jovie Cris. Seryoso lamang siyang nakatitig sa kalsadang dinadaanan namin. Tiningnan ko naman ang mga nasa likuran. Pawang umiidlip na din ang mga ito. Aba, himalang natakot ang mga g*go sa pananaway ni Mother Superior. MAHIGIT isang oras at tatlongpung minuto na rin ang lumipas bago nagsimula ang byahe namin. At ang sabi ng driver ay isang oras pa daw ang itatakbo ng byahe bago kami makarating sa venue. Ang iba'y mahimbing na ang tulog, lalong-lalo na ang katabi kong si Jovie Cris na may kasama ng tunog. Tanging ako lamang at ang driver ng bus na ito ang tanging gising ang diwa. Tumingin na lamang ako sa labas upang doon ituon ang aking atensyon. At sa hindi inaasahan ay may nasagip ang aking paningin na halos ikinalambot ng aking buong kalamnan. No. Hindi. Baka namamalikmata lang ako. Oo tama, namamalikmata lang ako dahil sa dami kong iniisip. Iniisip kung ano kaya ang maaring mangyari sa aming camping sa loob ng dalawang araw doon sa Ridge Camp. Imposibleng makita ko pa siyang muli matapos ang mga pangyayaring iyon. NAALIMPUNGATAN ako nang may yumugyog ng malakas sa aking kanang balikat. Nangunot ang aking noo dahil sa irita sa paraan ng pagyugyog niya sa 'kin. Nang ibinuka ko ang aking dalawang mata ay agaran ko uling ipinikit ito ng bumungad sa aking paningin ang pagmumukha ni Rachelle Serra. Muli, niyugyog nito ang dalawa kong balikat na tila ay wala ng katapusan. Nahihilo ako sa ginagawa ni Rachelle, g*gp talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan. Fre*king b*tch!
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
here is your tip
01/12/2024
0shaira
23/07/2024
0wow
16/07/2024
0Ver Todos