“Tiyo, TIYO 'WAG PO!” “Hoy Shaira, ano na namang nangyari sa 'yong bata ka? Bumangon ka na nga riyan. Mag-a-alas sais na, ang tagal mo pa namang kumilos. May pasok ba kayo o wala?” singhal ni Mama sa 'kin nang makita niya akong nagkakapos ng hininga dito sa higaan. Nakatulala lamang ako sa kisame. Hindi sinagot ang tanong ng aking Ina. Pilit kong iwinaksi sa aking utak ang bangungot na nasaksihan ko no'ng ako'y sampung taong gulang pa lamang. Hay*p siya, wala siyang kasing-sama ng isang dem*nyo. Bakit niya nagawang patayin ang sarili niyang kadugo. Bakit niya ipinaranas sa amin ang gano'ng bagay. Mahal namin siya. Itinuring na namin siyang aming pangalawang ama. Pero hindi ko akalain na iyon ang igaganti niya sa pagmamahal na ibinigay namin sa kanya. “Pot*ngina Shaira! Kung ayaw mo nang mag-aral sabihin mo lang sa 'kin ng deretsahan para ako na mismo ang pupunta sa inyong skwelahan nang masabi ko sa principal na i-drop ka na nila doon,” bulyaw na naman nito ng sa pagsilip niya sa aking kwarto ay nanatili pa rin ako sa ganoong posisyong nadatnan niya kanina. Napalabas na lamang ako ng malalim na buntong-hininga ng pumasok na naman sa isip ko ang katanungang hanggang kailan ko dadalhin ang bangungot na ito. Na hanggang kailan ako magtitiis sa pest*ng karanasan na ito. Dahil sa takot na baka nga'y pupunta si Mama sa skwelahan, mabilis akong bumangon mula sa pagkakahilata sa higaan na naging dahilan upang umikot ang aking buong paligid. Pest*ng anemic na 'to. Sige Shaira magpuyat ka pa nang maaga kang kunin ni Satanas, baka maaga mong ma-meet and greet ang taong kinasusuklaman mo doon sa impyerno. Saglit muna akong napahawak sa gilid ng aking kama. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at pinapakiramdaman ang sarili. No'ng napagtanto kong hindi na umiikot ang aking paningin ay inabot ko ang kumot na aking ginagamit sa pagtulog saka itinupi ito. Pati ang bed sheet at ang mga unan ay inayos ko. Mahirap na kapag nag-inspection si Mama dito sa loob ng kwarto, baka pag-uwi ko'y nakabulagta na ang lahat ng mga gamit ko sa labas ng aming bahay. Mailap pa naman 'yon sa mga makakalat na bagay. Ang arte lang talaga! Binuksan ko ang cabinet na pinaglagyan ng mga damit ko. Pinulot ko ang pares ng uniporme ng Cainnison High, pati na rin ang susuotin kong damit panloob. Napamura na naman ako ng wala sa oras ng makita ko kung gaano kaikli ang palda ng uniporme ng skwelahang pinapasukan ko. P*sti, hindi kami mga koreana para magsuot ng ganitong klaseng uniporme. Nakakarindi lang, ta*na! Isasarado ko na sana ang cabinet para makapunta na sa banyo at maligo nang may maalala ako. G*go, biyernes na pala ngayon. Ibig sabihin ay ngayon ang unang araw ng camping namin. P*sting isip 'to, lutang na lutang. —Pero, mas p*sti talaga iyong taong 'yon. Wala ng mas hihigit pa sa pagiging-p*sti niya sa buhay ko. Ibinalik ko ang school uniform ng Cainnison sa loob ng cabinet, saka inabot ang type A uniform ng scouts. Tinitigan ko muna ito saglit saka napangisi na lamang ng maisip na sana ay ganito na lang kahaba ang palda ng school uniform ng Cainnison, kung ganito lamang siguro kahaba ay hindi na ako makikipagtalo pa sa sarili kung susuotin ko ba ito sa skwelahan araw-araw. Isinarado ko ang pinto ng cabinet saka binuksan ang drawer na nasa baba lamang nito, at isinarado muli ng makakuha ng mga underwears na susuotin. Bago lumabas sa kwarto para makapunta na sa banyo ay sinulyapan ko muna ang orasan na nakapatong sa may study table ko. Potspa, six-thirteen na? Ang bilis naman ng oras? Parang walang limang minuto pa 'yong paggising sa 'kin ni Mama kanina a. Ganito ba ako ka lutang ngayong umaga? “OH, akala ko'y hindi ka na papasok. I-te-text ko na sana ang adviser niyong si Ms. Carmela,” bungad ni Mama na naka-dekwatrong upo sa sofa ng living room namin. Kakalabas ko lang galing sa kwarto at balak ko na sanang dumiretso sa kusina para kumain na para makapunta na kaagad sa skwelahan, kaso magchi-chikahan pa pala muna kaming dalawa. “Hindi naman talaga ako papasok, ma. Wala naman kaming pasok ngayon,” sagot ko sa kanya. “Oh, e saan ka pupunta? Aba't may dala pang malaking bag. Lalayas ka ba, Shaira? Sana sinabihan mo ako para ako na mismo ang nagligpit ng mga gamit mo.” “Mama naman. Wala ho akong planong lumayas dito kahit na lagi mo akong sinasabihan na palamunin ako. Kaya ako may dalang bag dahil ngayon ang unang araw ng camping namin. Sa linggo pa ang aming uwi.” Inilapag ko ang malaking backpack sa harapan niya pagkatapos ko iyong sabihin. “Kain lang ho muna ako.” “Palamunin ka talaga kahit kailan, Shaira," rinig kong pahabol niyang sabi, kaya tumigil ako sa paghakbang at kinindatan si Mama na dahilan na mapa-iling siya ng wala sa oras. Nagpahatid ako kay Mama sa Cainnison High gamit ang kotseng pinapahiram sa kanya ng kanyang butihing amo. Nagbardagulan pa kaming mag-ina bago ko siya napapayag na ihatid niya ako. Aba'y partida't gusto pa niya akong mag-commute e anong oras na. Nang makarating kami sa skwelahan ay mabilis akong bumaba sa sasakyan saka binuksan ang likod nito para kunin ang bag. Tumango lang ako sa kanya saka dumiretso na ng pasok sa gate. Bumungad sa aking paningin ang tatlong bus na nasa parking area ng Cainnison. Itong tatlong bus na ito ang aming sasakyan patungo sa lugar na pag-ca-campingan namin. Ang napag-usapan ng mga staff sa faculty ay sa Ridge Camp ang aming base. Saktong-sakto dahil bagong bukas pa lamang ang venue kaya sobrang excited ang mga makakasama sa camping dahil kami ang unang makakatapak doon.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
here is your tip
01/12/2024
0shaira
23/07/2024
0wow
16/07/2024
0Ver Todos