logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

The Gooey Game

The Gooey Game

Un_iiink


PROLOGUE

"Shai-shai... Kyleng... tara na umuwi na tayo."
"Tita, mamaya na po."
"Aba'y hindi pwedeng mamaya pa Kyleng, may aasikasuhin pa ako sa bahay namin. Marami pa akong gagawin kaya kung maaari ay umuwi na tayo, idadaan pa naman kita sa inyo."
"Ay Tita, pwede po bang dito na lang muna kami ni Shai-shai matulog ngayong gabi? Sunduin niyo na lamang po kami tita, o 'di po kaya ay sabihan mo po si Papa na siya ang magsundo sa amin ni Shai-shai rito bukas."
"Dito kayo matutulog? Bakit ba ayaw niyo pang umuwi? Miss niyo na ba ang lolo't lola ninyo? Hay naku, mas lalo niyo silang mamimiss kung dito pa kayo maglalagi."
"Mama, miss na nga po namin sina lolo't lola, pero po kasi gusto naming samahan ni Kyleng si Tiyo. Kawawa po siya, mama. Sa ating lahat, alam ko pong siya ang mas nasasaktan ngayon at nakakamiss po ng sobra kina lolo at lola. Kaya po sana mama ay payagan niyo po kami ni Kyleng na dito muna matulog."
"Hay sige sige! Alam ko namang wala na akong magagawa pa sa pangungulit ninyong dalawa. Hala sige, dito muna kayo matulog. Pero ipangako niyo sa 'kin na magpapakabait kayo rito kasama ang Tiyo ninyo, ha?"
"Opo, mama."
"Yeeey! Salamat po tita."
Walang nagawa ang Ina pagkatapos ng usapan sa dalawang bata, kaya napagpasyahan nito na mag-isang uuwi sa sariling pamamahay. Masaya namang nag-apiran ang magpipinsan dahil napapayag nila ito na mag-stay sa bahay ng kanilang lolo't lola kasama ang kanilang Tiyo. Pero, mabilis din namang napawi ang masaya nilang pagmumukha nang maalala kung ano ang dahilan kung bakit sila nagpaiwan.
"Tiyo Rodolfo!" sabay na sigaw ng dalawa nang hindi nito makita ang kanilang tiyo sa may sala ng bahay ng kanilang lolo at lola.
"Tiyo, dito po kami matutulog ni Shai-shai ngayong gabi. Sasamahan po namin kayo rito," sabi ng isa sa magpipinsan nang makita nito ang kanilang tiyo na lumabas galing sa kwarto. Pawis na pawis pa ito.
"Oh, gano'n ba? Buti naman."
"Tiyo, bakit po parang malungkot kayo? Ayaw niyo po bang samahan namin kayo ni Kyleng dito?" takang tanong ng isa nang mapansing parang nag-iba ang kanilang tiyo na nakilala.
Bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki at pinunasan ang kanyang pawis sa noo at saka lumapit sa dalawa nitong pamangkin na nasa bakuna ng pinto at pawang ginulo ang mga buhok nito kagaya ng lagi niyang ginagawa.
"Syempre gusto kayong makasama ni Tiyo. Nagpaalam ba kayo ng maayos sa mga magulang ninyo?"
"Opo tiyo. Nagpaalam po kami ng maayos kay Mama."
"Okay sige. Tara na, matulog na tayo."
"Sa kwarto po ba tayo matutulog, tiyo?" tanong ng isang bata.
"Hindi Shai-shai, dito na lang muna tayo sa lapag matulog para kasya tayong tatlo. Mahirap na kung doon tayo sa kama, malilikot pa naman kayong matulog."
"Oi, hindi tiyo ha. Si Kyleng lang kaya 'yong malikot matulog."
"Oiii, hindi kayaaa. Ikaw kaya 'yon Shai-shai. Tiyo oooh, si Shai-shai inaasar na naman ako."
Ngumiti na lamang ang lalaki dahil sa pag-aasaran ng dalawang bata. At nag-apir naman ulit ang mga ito nang matagumpay nilang pangitiin ang kanilang tiyuhin kahit papaano.
Tahimik at matiwasay namang nahiga at natulog ang mag-tiyuhin nang gabing iyon, hanggang sa mabilis na nagising ang diwa ng isang bata na nasa sampung taong gulang pa lamang nang may naramdaman itong presensiya na papalapit sa kanilang magpipinsan. Pawang nakahilata pa ang mga ito sa sahig ng sala sa bahay ng kanilang yumaong Lolo at Lola.
Nagpanggap na lamang ang bata na tulog habang pinapakiramdaman ang presensiyang iyon na dahan-dahang lumapit sa kanilang kinaruruonan. Hanggang sa narinig nito ang impit na iyak ng kanyang pinsan na nasa kanyang kanan. She remain pretending sleeping habang maingat na ibinuka ng kaunti ang kanyang kaliwang mata, at laking pasasalamat naman niya na ang kanyang mahahabang buhok ay tumabon sa kanyang buong pagmumukha dahil nang magawa na niyang ibuka ang kanyang mata ay mabilis na umagos ang kanyang mga luha nang makita ang kalagayan ng kanyang pinsan.
Halos mapasigaw at humagulhol na siya sa kanyang nakita. Gusto niyang bumangon at sipain ang pagmumukha ng taong gumalaw sa kanyang pinsan ngunit hindi niya iyon magawa dahil alam niyang hindi pa rin niya ito kaya dahil sa maliit pa lamang siya.
Pilit niyang pinipigilan na lumabas ang kanyang mga hikbi ng marinig muli ang katabi na nagmamakaawang tigilan na siya ng kanyang nakaharap habang ang walang pusong taong ito ay patuloy pa rin sa ginagawang pagdahan-dahang pagk*til ng buhay sa kanyang katabi.
'PAPA TULOOONG!' impit niyang tili sa kanyang isipan nang makita niyang dahan-dahan ng bumigay ang mga kamay at braso ng kanyang katabi.
Hindi lubos maisip ng bata kung bakit ito nagawa ng kanyang tiyuhin sa kaniyang pinsan na kasing-edad niya lamang. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit...

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    RoldanJeschael Aldecir

    here is your tip

    01/12/2024

      0
  • avatar
    May Mae

    shaira

    23/07/2024

      0
  • avatar
    Prencipe Jordan

    wow

    16/07/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes