logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Kaya mo bang patawarin o bigyan ng chance ang isang taong nanakit o may maling nagawa sa'yo?
Oo ang sagot ko diyan.
Lahat ng tao ay may karapatang patawarin at bigyan ng pagkakataon. Why?Kung ang Diyos nga ay mapagpatawad,tayo pa kaya na tao lang? That explains all 'diba?
Minsan nga sa buhay,darating tayo sa punto na nahihirapan tayong magpatawad. Lalo na kung ang taong may kasalanan sa'yo ay talaga namang lubha ang nagawa kaya sobra ang sama ng loob mo. It's normal for us,hindi naman kasi tayo anghel na sobra ang kabaitan. Lahat tayo ay may kasamaan din kumbaga.
Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi,lahat ay may mahabang proseso,hindi man magiging instant na mapagpatawad mo siya but atleast handa kang magpatawad. Oo,kahit matagal man iyan. Kung deserve at worth it naman talagang patawarin,why not?
Kung mapapatunayan niya naman at kaya niyang ipakita na deserve niya ang kapatawaran,why not give him/her a chance,right?
Hindi madali pero dapat mong subukan magpatawad.
Hindi mo malalaman kung ano ang dahilan niya kaya nagawa niya ang bagay na 'yun kung hindi mo siya bibigyan ng chance. Hindi mo rin malalaman kung karapat-dapat nga ba talaga siyang patawarin 'diba?
Wala naman kasing mawawala sa'yo kung magpapatawad ka. Ay meron pala!Sama ng loob!'Yon ang mawawala.
Kaya kayo.. patawarin niyo na ang mga kailangang patawarin.
-sammysaav
•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Hindi ako makasagot. Seryoso ba siya o talagang nakikiasar lang?
Gosh!
Namimiss-interpret ko ang sinabi niya.
Bigla siyang nagsmirk.
"Hindi kami magtataka kung kayo na ang magkakatuluyan."Tumawa naman silang lahat ng nagreact si Benj.
"Uy,Alex!Huwag kang ano!"Pulang -pula na naman ulit tuloy si Benj. Hindi ko kinuha ang tingin ko kay Alex.
I don't know how to react or say something for a counterback. Madalas ay may sinasabi pa'ko pero ngayon ay wala talaga. Masyado akong kinakabahan at tinamaan talaga ako ng sinabi niya. It hits me!
Sobrang sakit na marinig sa kaniya 'yon. Why?Halatang hindi niya 'ko gusto at ipinagtutulakan niya pa'ko sa iba.
He really wants me to fall at others. Maybe he wants me to get rid of my feelings with him.
Alam kong joke niya 'yon. That was a joke for them pero alam ko sa sarili ko na alam niyang gusto ko siya. Kaya kahit biro lang iyon ay parang paraan niya na iyon para sabihing tama ang nangyari,sa iba na dapat akong magkagusto at hindi sa kaniya.
"Kumain na tayo guys.."Ramdam na siguro ni Yhast ang awkward na nararamdaman ko kaya iniba niya na lamang ang usapan.
Umupo na sila sa mesa.
Sa kamalas-malasan ay sa tapat ko pa talaga siya umupo.
Tumabi naman sa'kin si Yhast. Pinilit kong umakto na parang wala lang ang nangyari.
"Nga pala Yhast... Ilang years na kayo ng fiance mo?"Tanong ni Stella kay Yhast. Siguro para maiba naman ang usapan at hindi maging tahimik.
"Mga three years na actually.. Matanda naman na'ko kaya why not to settle down,right?"Tumango-tango si Stella.
Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Good for you, kailan ang kasal?"Tanong niya pa.
Parang tita tuloy siya na ininterview ang pamangkin.
"Hmm.. were planning that and maybe this year na.."Ngiti-ngiti niyang sagot. Woah!This year din?
Kung ganoon ay magkataon ang kasal nila ni Trixx at Tristan. Mabuti na lang dahil 'di sila magkapatid,naku!Bawal kasi 'yon. Sukob kasi ang tawag kapag ganoon.
Sana lang talaga hindi na'ko ang makasalo ng bulaklak.
"Wow,I'm excited!"Halata ang saya ni Stella.
"Just make sure Yhast na 'di ka sasaktan n'yan..."Paalala ko sakaniya. I don't want to end their happy moments pero gusto ko lang talagang sabihin iyon.
Duh!Hindi naman sa bitter!
"Of course naman Sammy... 'di naman kami magtatagal kung sinasaktan niya 'ko,'diba?"Nginitian ko siya. Hindi ko sinasadyang mapasulyap kay Alex na nasa tapat ko. Nahuli ko rin na sumulyap siya pero agad niya rin naman iyon binawi.
I rolled my eyes secretly.
That moves makes me asa!
Ako na ang nagprisentang maghugas ng plato. Tiningnan naman ako ni Stella. Ewan ko kung ano pumasok sa isip niya at nagprisenta rin siyang tulungan ako.
Ako ang nagsasabon at siya naman ang nagbabanlaw.
Wala kaming imik at sa tingin ko may naririnig na'kong huni ng ibon.
"I hope that... We will be friends again.. Sam."Natigil ako sa pagsasabon ng basong hawak ko ngayon.
"Alam kong galit ka.."Tumingin na'ko sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagbabanlaw.
Ramdam ko naman na sincere siya sa sinabi niya.
Nangangapa tuloy ako ng mga salitang pwede kong sabihin. Parang napipi naman tuloy ako.
"Nag-isip naman ako ng alternative na paraan.. pero wala eh. Iyon lang ang naiisip ko."Tumingin siya sa'kin at agad din naman binalik sa ginagawa. Kapag nakikipag-usap nga ay hindi naman talaga siya tumitingin ng diretso.
"You don't need to explain it to me,Stella."Iyon na lamang ang sinabi ko. Marami akong gustong sabihin pero parang hindi ko mailabas.
Ngumiti siya sa'kin.
"No,I need.. saka gusto ko lang din ichika sa'yo tulad ng dati.."Naalala ko naman tuloy ang nakaraan.
Close ko rin naman talaga si Stella. She's like a sister to me. Tinuturing niya rin kasi akong kapatid tulad ng pagturing niya kay Trixxie.
She's really open to me and Trixx. Kaya nga nagtaka ako sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na inagaw niya si Tristan dahil ang gusto niya naman talaga ay si Kevin.
"Go on.."Senyales ko na 'yon para ipagpatuloy niya ang pagkukwento.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"Kaya ayon nga... Gumawa ako ng paraan para paghiwalayin sila at ginamit ko nga ang sakit ko.. para mas mapadali ang lahat.."Ipinagpatuloy ko na ang paghuhugas.
"Mahirap gawin... Dahil nga masasaktan ko si Trixx.. pati na rin si Tristan... But cross my heart,hindi ko talaga ginustong maaksidente at maamnesia si Tristan... Hindi ko 'yon plinano."Alam kong nagsasabi siya ng totoo.
Nahirapan at nasaktan din siya for sure.
"Pinagbabayaran ko naman araw-araw ang.kasalang nagawa ko..  dahil... Araw-araw kong nararamdaman ang sakit.. ang sakit na dulot ng puso ko."Pakiramdam ko ay naiiyak na siya. Naaawa tuloy ako sa kaniya. May sakit siya sa puso noon pa man. Kaya nga alagang-alaga siya nina Tita Aynie.
I want her to stop but maybe it's time for her to burst out. Matagal niya ng sinasarili ang sakit na mararamdaman.
"Akala ko nga.. mamamatay na'ko. Palagi ko kasing nararanasan na habulin ang paghinga ko. Pero sa tuwing nasa ganoong sitwasyon ako,palagi kong iniisip na hindi pa'ko pwedeng mamatay. They need to be together before I die."Tukoy niya kina Trixx at Tristan.
Ang bigat ng mga binibitawan niyang salita.
"Mom, didn't know that. Akala niya okay ako. Kasama ko naman kasi si Trist na akala niya ay totoong gusto ko so she never bothered about my health. Akala niya ay totoo akong masaya."Paliwanag niya. Gosh!Three years niyang tiniis ang lahat?
Shey really strong!
Mapait siyang ngumiti.
"Minsan ko na ring ginustong umuwi dito sa Pilipinas para puntahan at umamin kay Kevin. God knows how much I love him pero sa tuwing naaalala ko ang dapat Kong gawin ay hindi ko na magawa ang gusto ko. It's selfish. Kaya mas pinili ko ang dapat pero alam kong mali iyon."Naalala ko na kinausap nga siya ni Sally. Ang masakit pa ay ginamit pa nito si Kevin para lamang mahawakan siya sa leeg.
Hindi na niya napigilang maiyak.
Gusto ko siyang patahanin pero mukhang kailangan niya ito ngayon.
"Stella,I'm really sorry for hating you... Hindi ko kasi alam ang totoo. I'm really sorry for judging you."Pinahid niya ang mga luha na kumakalat sa mga pisngi niya. Lumingon siya sa'kin at ngumiti nang sinsero.

Comentário do Livro (39)

  • avatar
    Kirigiri

    i like how the author writes the story description, it hits different and its kinda unique in its own way. highly recommended!!! hopefully sisikat tong book. keep it uo author

    13/06/2022

      0
  • avatar
    SnynzQuin

    Niceeeeee😍😍😍

    04/07

      0
  • avatar
    JoseAshlyn

    This story is really good

    09/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes