logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3

Simula nung magchat siya sa'kin, alam ko na siya na ang future husband ko. Charot!
Starting that day, we became chatmates. Hindi mga sweet message ang nakalagay, kundi mga tanong about sa school. Kabilang section lang pala siya at parehas kami ng mga lesson.
He will ask me about our activities. Nagtataka lang ako bakit sa akin siya nagtatanong, bakit hindi sa mga kaklase niya?
Itong si crush para-paraan!
"Laki ng ngiti natin, ah." mas lalong lumaki ang ngiti ko nang tuksuin ako ni Aaron.
Naalala ko na naman si Crush. Ganito pala kapag inlove? Nakangiti na tuloy ako tuwing nagsasandok ng kanin. Ginaganahan na tuloy akong maghugas ng pinggan. 
Too much love will make you diligent.
"Si James na naman iniisip mo, no'?"
"Hindi, ha!" I looked away when my face heated.
I heard him laugh. Nagulat ako ng hawakan niya ang tuktok ng ulo ko.
"Boto ako sa kanya. Basta ba huwag mo kakalimutan pag-aaral mo, ah! Diploma muna bago anak."
Sinapak ko siya pagkatapos kong marinig yung huli niyang sinabi. "Tangina nito!"
"Biro lang! I know that you will prioritize your study," sabi ni Aaron na ikanangiti ko.
They know me well. Naalala ko yung first meet namin. Sila pa yung mas nakakakuha ng award kaysa sa'kin pero ngayon, ako na yung mas lamang. But we are all smart, mas sumipag lang ako at sila tinamad.
"Naalala ko pa noon na puro tayo reklamo sa mga school works pero with honors tayong lahat."
Sabay kaming tumawa sa sinabi niya. Totoo naman, eh. Mahirap yung puro ka reklamo sa mga school works mo pero grade conscious kayo.
While sitting at the bench with Aaron and looking at the sky, I remembered the first day we've met and how our friendship start.
Nakilala namin si Disney noong hindi namin alam ni Calliope ang room namin. Kinalabit kami ni Disney noon no'ng narinig niya kami ng kaibigan ko na pinag-uusapan namin ang section namin. Hindi siya nagdalawang isip na kausapin kami dahil parehas daw kami ng section. 
Sabay noon kami pumasok at magkatabing umupo pero binigyan kami ng sitting arrangement dahilan para mapahiwalay ako sa kanya. Doon ko nakatabi si Aaron. 
Dahil sa kagustuhan kong magkaroon pa ng bagong kaibigan ay sinubukan ko siyang kausapin kahit nahihiya ako. Nakakatuwa nga rin dahil sabay kaming nagsalita noon kaya natawa kami. Habang si Felicity ay naging kaibigan ko nang dahil sa papel. 
Yes, dahil sa papel. Wala akong one-fourth paper noon at siya na ang nagbigay. That's how our frienship start. Nagsimula kaming  kumain ng sabay, mag-aral ng sabay, at pumunta sa ibang lugar. 
Natiigl ako sa pag-aalala pabalik sa nakaraan no'ng mahagip ng mata ko si James na sumisilip sa room namin. Tanaw mula sa kinauupuan ko ang room namin. Kumunot ang noo ko, nagtataka kung sino ang sinisilip ni James sa classroom namin. 
Bagsak ang balikat niyang tinigil ang pagsilip at naglakad-lakad nalang sa harapan ng room. Nasa likuran niya ang dalawa niyang kamay habang naglalakad siya. May kinuha siya sa bulsa niya pero hindi ko na makita kung ano iyon. 
Sino ba kasi ang hinahanap niya?
Napatigil siya sa paglalakad nang may nakita siyang teacher na nahihirapang buhatin ang book na dala at halos mahulog na niya ito. Hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako. I smiled. He is kind. 
Gumawi ang tingin ni James kung saan kami nakaupo ni Aaron kaya saglit siyang napatigil bago ngumiti at pinagpatuloy ang paglalakad habang dala-dala ang mga libro na buhat ng teacher kanina. 
Palihim na siniko ko si Aaron pagkatapos ay bumulong. "Ang bait niya 'no?" 
"Oo nalang." boses inis siya pero nakangit siya. 
Kulang nalang ay tumili ako ngayon dahil sa nakita kong eksena kanina at yung pagngiti niya sa akin. Parang mas lalo yata akong nahulog dahil sa ginawa niya.
~*~*~*~*~
Tulala ako habang nakatingin sa espadang hawak ko. Ito yung bagay na naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko.
Muling pumasok sa isipan ko kung paano sinaksak ng lider ng Raging Bulls ang mga magulang ko sa harapan ko mismo. Para bang pumatay lang siya ng lamok.
It looks like I can't do this. Naaalala ko lang dito kung paano pinatay ang mga magulang ko
Ate Madison is training us to fight. She is teaching us how to use a gun and sword. She is also teaching us a hand to hand combat. Lahat ng pwede niyang ituro ay tinuturo na niya. Pero hindi ganun kalawak ang kaalaman niya kaya kunti lang ang inuturo niya sa amin. 
Lahat ay nakanayan ko, kaya kong gamitin pero itong espedang hawak ko, hindi ko kayang gamitin 'to. Habang hawak ko nga ang espada ay nanginginig ang kamay ko paano pa kaya kapag ginamit ko ito para makipaglaban, edi patay na ako?
Every weekend ay tinuturuan kami ni Ate Madison dahil wala naman siyang pasok.
Halos mapatayo ako sa inuupuan ko nang may humawak sa balikat ko. "What are you thinking?"
Umupo sa tabi ko si Ate. "A-ate, hindi ko po kayang gumamit nito." yumuko ako at kinukurot ang balat ko sa daliri.
Napaangat ako ng tingin kay Ate nang hawakan niya ang kamay ko. "Abi, hindi kita pinipilit na gamitin yan di ba your are the only one who said that we must face our fear? Why don't you try it to yourself?"
Lagi kong sinabi sa iba that they must face their fear, but why I can't face my fears? Ang daling sabihin sa iba pero ang hirap palang ikaw na mismo ang gagawa.
"I w-will try," I said while I stand slowly. Ngumiti sa'kin si Ate
"Okay!" tumayo rin si Ate. "Come here!" lumapit ako kay Ate. She spin her sword backward.  She looks cool while doing it.
Tumingin ako sa espadang hawak ko at at sinubukang i-spin din. I put the handle of the sword between of my thumb and forefinger, so I can spin the sword.
I start spinning it because I find it cool. Nakalimutan ko ang takot ko na hawakan iyon. Nakailang spin na ako at natutuwa ako. Kaya ko naman palang hawakan at paglaruan ito.
Hindi na ako takot!
Pansin kong nakatingin sa'kin si Ate at nakangiti pero hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iikot ng espada. Napatigil din ako nang biglang madulas ang espada sa kamay ko. Nahulog ito at nadaplisan nito ang balat ng hita ko.
"Abi!" rinig kong sigaw ni Ate Madison.
Hindi ko naramdaman ang sakit nung nasugatan ako pero habang tumatagal ay pahapdi nang pahapdi ito. Nakatulala lang ako sa hita kong dumudugo. Tinignan ko kung paano rumagasa ang dugo mula sa hita ko hanggang sa tuhod ko.
An image of my parents showering in their own blood flashed in my mind. Nanginginig kong nabitawan ang espadang hawak ko.
"Abi." Ate touched my cheeks. She wiped something in my cheeks, doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. "Upo ka muna. Kukuha lang ako ng panglinis sa sugat mo."
Akala ko kaya ko, hindi pala.
I put my face in my both hands. Anong gagawin ko? 
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ko maalala ang mga magulang ko kapag nakakakita ako ng dugo. Should I seek help? Pero kanino?
"Abi, lilinisin ko na sugat mo." tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Pinanood ko si Ate habang  binubuksan ang kit. Kumuha siya ng bulak at nilagyan betadine. Buti nalang hindi malalim yung sugat. "Sa susunod mag-ingat ka, ah"
"Opo."
Nilalagyan na ni Ate ng adhesive bandage yung sugat ko dahil natapos na niyang linisin at may nilagay na muna siyang malambot na puti sa taas sugat ko bago niya ito lagyan ng bandage.
"Ate, how can I overcome my fear?" napatigil si Ate sa pag-iikot ng bandage sa hita ko. "Kailangan ko bang pumunta ng doktor?"
"No, kahit walang doktor kaya mong harapin at lagpasin yan."
"Really?"
"Hmm..." pinagpatuloy niya ang pag-iikot ng bandage sa hita ko. "Train your brain. Think that your not in danger and no monster will eat you. Accept that there's no one will help you to switch off the fear. You will soon realize that it's the fear of fear that you fear, nothing else and that will be easy to manage."
"Paano po kapag biglaang pumasok sa isip ko ang image nila Mama at Papa na duguan?" malungkot ko na sabi. Paano kung mangyari ang kanina?
"Then take a breath and think again."
Niyakap ko si Ate Madison. Siniksik ko ang ulo ko sa may bandang dibdib niya. "Thank you, Ate!"
She chukled a little. "Welcome! Kaya mo yan,'no. Baka alaga kita?"
We laughed together. Because of this I am now confident that I can face my fear and I will do my best to do that. Pinagpapahinga muna ako ni Ate Madison kaya umakyat ako sa kwarto at natulog nalang. Pagkagising ko gabi na. 
Niyaya nila ako kumain kaya bumaba na ako. Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para magpahinga ulit. Nagvibrate ang phone ko kaya binuksan ko ito. 
Bumungad sa akin ang taong lagi kong makausap kaya ganoon nalang kalaki ang ngiti ko habang pinipindot ang chat niya. 
James:
Hi!
Me:
Who u po?
Kinikilig na naman ako dahil nagchat crush ko. Isang chat niya lang buo na ang araw ko.
James:
May sagot kana sa activity na pinapasagot ni Maam Flores?
Nagsend pa siya ng emoji ng mata para sabihing gusto niyang tignan ang sagot ko sa activity-ing tinutukoy niya. Kunti nalang talaga iisipin kong may gusto 'to sa'kin. Hindi naman kami magkaklase pero sa akin nagtatanong.
Anong kwenta ng mga kaklase niya kung hindi siya magtatanong sa mga yun?
Agad akong tumayo mula sa kama ko. Inilabas ang sagot ko mula sa bag at pinicturan ito. Pagkatapos ay senend ko sa kanya ang sagot ko.
James:
Salamat!!
I just click the heart button and I continued to watched a movie in my phone. Nagpapaantok na kasi ako. I need to attend a mass tomorrow morning. Syempre bibigyan ko si Lord ng oras ko. Isang oras na nga lang hinihingi niya kaya dapat ibigay natin. Yun lang naman yung hinihingi niya sa atin at kaya naman natin ibigay yun sakanya.
Busy ako sa panonood ng movie nang magpop out ang profile niya sa screen ng phone ko. Hindi ko muna agad sineen para hindi halatang excited ako sa mga chats niya. Dapat lowkey yung pagkakagusto ko sa kanya.
Lowkey? Eh, hindi ko nga alam meaning.
James:
Nagpass kana ng pinapass ni Sir Albert?
Me:
Nope. Hinihintay kita.
Sabi niya kasi ay sabay kami sa pagpass tapos magtatanong siya kung nagpass na ako. Tanga ba siya?
James:
Yieee! Sige na nga sinasagot na kita.
Ay pota! Nabitawan ko ang phone ko. Sakto namang bumagsak ang dulo ng phone ko sa labi ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko alam kung ano gagawin ko.
Hinilot-hilot ko ang mga labi ko pero nandun pa rin ang sakit. Para na akong maiiyak sa sobrang sakit. Gumulong pa ako sa kama na parang sa ganoong paraan ay mawawala ang sakit sa labi ko.
Alam mo, James, ikaw magiging dahilan kung bakit mamamatay ako nang maaga!
But to be honest his chat sent a shiver in my spine and I felt butterflies in my stomach. May parang kuryente ang dumaloy sa mga pisngi ko. Nagsimula na akong parang mangilabot. Pagkaraan ng ilang segundo ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatawa at mahinang tumitili. 
Ganito ba kapag kinikilig?
Me:
YUCK!!! Kinilabutan ako.
Kunwari nandidiri ako pero deep inside kinikilig ako. Parang gusto ko ng pahanda yung kabaong ko. Ready na akong mamatay.
James:
Ang cringe!
Napailing ako at niyakap lang unan ko. Binaon ko ang mukha ko doon para tumili. Hindi ako makapagmove-on sa chat niya. Para akong kiti-kiti dahil paiko-ikot ako sa kama ko.
Bwesit naman 'to! Matutulog na nga lang ako papakiligin pa niya ako. Nakatingin ako sa kisame habang nakangiti. Nasa isip ko pa rin yung sinabi niya. Unti-unti na akong nilalamon ng antok kaya unti-unti na rin akong pumikit.
I sleep with a smile on my face. 
"Hoy, Abigail! Gising! Malalate na tayo!" agad akong napabalikwas ng bangon dahil narinig ko ang sigaw ni Calliope mula sa labas ng kwarto ko.
I checked the time and it's 5:30 in the morning!! Omg! May thirty minutes nalang ako para mag-asikaso! 6:30 ang misa at dapat 6:00 palang ay dapat nakaalis na kami dito. Punuan kasi sa simbahan. 
Bumaba ako sa kama ko at halos mangatumba pa ako dahil nahihilo pa ako. Agad akong naghubad pagkapasok ko sa banyo at naligo nang mabilisan.
I wore pants and a red t-shirt. Pantalon nalang isusuot ko para hindi kita ang sugat ko sa hita. Ti-nuck-in ko ang tshirt ko and I partnered my clothes with white shoes. I love wearing white shoes. Feeling ko kasi ang porma tignan ng isusuot ko kapag nag white shoes ako.
HIndi ako nagdala ng bag dahil cellphone ko na may lamang 1,000 sa may case lang ang daldalhin ko. Nilagay ko nalang ito sa bulsa ko sa likod. Habang palabas ako ng kwarto ko ay nagsusuklay ako ng buhok ko.
"Buti naman at nakapagbihis kana. Malapit nang mag-ala sais!" sinalubong ako ng katak ni Ate Madison.
"Sorry po! Napasarap kasi tulog ko." I scratch my nape. I notice that Calliope is laughing at me.
"Ate, napasarap ang tulog niyan dahil sa kalandian." she is still laughing, but I don't get her. I think she notice that I am confuse kaya nagsalita ulit siya.  "Ang harot ng crush mo!...."
She asked me last night if she can open my account. May gusto lang siyang i-stalk, so I said yes.
I'm not hiding anything, so it is okay for me if she open my account. And knowing Calliope, she knows privacy. Hindi lang siguro niya napigilan i-open ang convo namin ni James kasi wala naman akong nakukwento sa kanya na magkachat kami ng crush ko, paniguradong na-curious yun.
"Tara na! Wala tayong mauupuan niyan. Kayo pa man din ayaw niyong nakatayo nang maatagal. Ang aarte niyo akala niyo mga prinsesa!" nagtitigan kami ni Calliope at nagkibit balikat nalang sa sinabi ni Ate.
Prinsesa naman talaga kami. Without a crown or a palace, we are still a princess....by heart.
Sumakay kami ng tricycle papunta sa simbahan. Maliban kasi na ayaw namin ni Calliopee na tumayo nang matagal, ayaw din namin naglalakad nang malayo. Buti nalang wala pang masyadong tao nang makarating kami sa simbahan. Umupo kami sa may bandang gitna dahil gusto ni Ate Madison na nakikita niya ang pari.
I saw in my peripheral that Ate Madison opened her bag. Inaabangan ko kung ano kinakalkal Nang mahanap na niya ang hinahanap niya ay may inabot siya sa'kin.
A candy!
Napangiti ako doon. Ito rin ang isang routine ni Ate Madison, ang magbigay ng candy samin para habang nakikinig kami ay may laman ang bibig namin because with this, hindi kami aantukin.
Inabot ko ang candy na para kay Calliope. Pagkatapos kong maabot ang candy kay Calliope ay binuksan ko ang akin. 
Isusubo ko na sana ang candy ko kaso natigilan ako sa nakita kong pamilyar na mukha. Siya ang dahilan bakit masarap ang tulog ko at muntik nang malate sa simbahan. My candy dropped on the floor. Hndi ko kasi napasok sa bibig ko.
The fuck?! What is he doing here? Tanga ka, Abi? Syempre magsisimba!
"Uy, si crush niya nandiyan!" panunuksong bulong sa'kin ni Calliope. Siniko ko naman siya.
Umupo sa harapan namin si James kasama ang mga pamilya niya. Nagsimula na ang misa kaya nanahimik kami. Hindi ko nagawang makinig sa sinasabi ng pari dahil nakatutok ang paningin ko sa likod ni James.
Lord, pasensya na at lumalandi ako.
Sa sobrang tulala ko ay hindi ko napansin na dapat na pala kaming magpeace be with you sa isa't-isa kaya dahan-dahan na rin akong tumayo at nagpeace be with you sa mga taong malapit sa'kin lalo na kila Ate Madison at Calliope.
"Peace be with you." nakarinig ako ng nagsalita pero parang may halong tawa yun.
Humarap ako doon at yumuko sa nagsalita. HIndi ko pa nakikita ang mukha niya pero yumuko pa rin ako. Habang nagsasalita ay iniangat ko ang paningin ko sa nagsalita.
"Peace be with yo---"
Ay shit! I love you!
Sumalubong sa'kin ang mukha ni James na nakangiti. Nakatulala ako habang siya naman ay nakangiti sa'kin. Tumango siya muna sa'kin bago muling humarap sa altar.
Lord, pasensyana na talaga!

Comentário do Livro (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    20d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    20d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes