logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Humihikbi kong pinagmamasdan ang katawan ng mga magulang ko. Bakit magulang ko pa? Bakit kailangang mangyari ito samin? Bakit sabay pa silang nawala? Bakit wala man lang tumulong samin?
Ang daming bakit sa isip ko pero wala akong makuhang sagot. Sumisinghot akong tumingin sa may salarin ng pagkamatay ng mga magulang ko.
"Hayop ka!" I attacked him without a plan.
Nakuha kong masuntok siya sa panga. Wala akong alam sa pakikipaglaban kaya hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na suntukin siya. Dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kanya ay sinubukan din akong sugurin ng mga tauhan niya pero pinatigil niya ang mga ito.
HIndi ko alam kung ito na ba ang bagong lider nila at hindi ko rin alam kung ano ang pangalan niya. Pero nararamdaman ko na malakas siya.
He made a sword using his power. Ngumisi siya bago niya ibato sa'kin ang espada, but I averted it. 
Hindi nawala ang ngisi niya kaya nagtaka ako. Nawala sa mukha ko ang pagtataka ng makaramdam ako ng hapdi sa bewang ko. Hinawakan ko iyon at nakaramdam ako ng mainit na likido.
D-dugo?
Tumingin ako sa kalaban ko. Hawak na niya ngayon ang espadang binato niya. So he can turn the sword back on him huh?
"Hindi mo ako kaya bata kaya tumigil kana." mayabang na sabi niya. Nainis ako sa sinabi niya. I was about to attack him again, but I felt a hand on my shoulder.
"Ate Madison..." she shook her head.
And in a second, lumulutang na kami. Lagpas na kami sa mga bubong ng mga bahay. I saw Calliope who's busy controlling her power with her fairy. Kita ko sa mukha niya nahihirapan siya. 
Why is she here?
I looked at the leader of Raging Bulls. He is looking at us also. Sinenyasan niya ang mga kasama niya tumigil dahil balak kaming sundan. Wala sa sariling napatingin ako sa palasyo namin. I remembered my parents.
"Ate, bumalik tayo doon. Pinatay nila ang mga magulang ko..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Ate ang mga pisngi ko.
"Princess Abigail, hindi mo sila kaya dahil mahina ka." umawang ang bibig ko sa sinabi niya, gulat sa sinabi niya.
I know that. I r-really know that. Kaya nga hindi ko naipagtanggol ang mga magulang ko, eh.
"Kaya nga dapat magpakalakas ka para ipaghiganti ang mga magulang mo. Hmm?" sabi niya at tumango ako. Para akong nahipnotismo kaya tumango ako sa sinabi niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong Asterin. Ang mga ibang bahay ay nasira na. May nakikita rin akong usok sa ibang bahagi ng Asterin. My parents tried to protect this place, but they failed. They died protecting the people of Asterin. I promise to fulfill their responsibility someday.
Ma? Pa? Magpapakalakas muna po ako at babalik dito para ipaghiganti kayo at ang mga taong namatay dahil sa Raging Bulls. Ipinapangako ko na babalik ako dito pagdating ng araw.
Humanda kayo sa pagbabalik ko, Raging Bulls!
~*~*~*~*~
"Happy birthday, Princess Abigail!" bati sakin ni Ate. Nang makababa na ako sa hagdan.
"Ate, sinabi ko naman sayo na huwag mo na akong tawaging princess dahil wala na tayo sa Asterin and I am no longer a Princess."
"Ano gusto mo?"
"Abigail lang." rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"By the way, this my gift for you." I smiled when I heard that. Kaya gusto kong nagbibirthday dahil may regalo.
"Seriously, Ate?" nawala ang ngiti ko dahil sa nakita kong regalo niya sakin. Hindi naman ako nagrereklamo pero bakit ganto naman regalo niya? "Aanhin ko ang bibe, Ate?!."
"Eh, di'ba nagrereklamo ka na wala kang jowa? Hindi kita mabibigyan ng bebe pero bibe, oo. Atleast may tatawagin kang bibe. Bibe ko! Bibe ko!" she even changed her voice into pabebe voice. Inirapan ko nalang siya. 
"Happy birthday, bebs!" narinig ko ang sigaw ni Calliope mula sa labas dahilan para mapangiti ako.
The three of us are living in the same roof. Three years had past since we escaped from Alynthi. Three years din ang lumipas simula ng mapunta kami sa mundo na ito kung saan ang mga tao ay walang kapangyarihan.
Ang saya ko noong una dahil may tao pa palang katulad ko na walang kapangyarihan. Noong una ay nahihirapan kaming makihalubilo sa kanila. Hindi rin nagtagal ay nasanay kami dito. Nalaman na nga rin namin na ibang mundo na pala ito.
Hindi namin alam kung paano kami napunta dito. Basta ang alam namin ay may dinaanan kaming gubat.  Sinubukan naming bumalik kung saan kami nanggaling dahil gusto naming bumalik sa Alynthi pero hindi namin alam kung paano.
Ilang beses naming sinubukan hanggang sa sumuko nalang kami. Pero itutuloy ko pa ring ipaghiganti ang mga magulang ko. Hahanap ako ng paraan para makauwi sa Alynthi.
"Thank you, bebs!" hinalikan ko siya sa pisngi at ganoon din ang ginawa niya sakin.
"I have a gift for you din!" she said it happily.
May binigay siyang puting bulaklak sakin. Ang bango ng bulaklak, halatang bagong pitas din. Siguro pinitas niya ito sa kapitbahay.
"Nag-effort pa akong pitasin yan sa kabilang bahay." ngumiti ako at niyakap siya. Sinali ko na rin sa Ate, baka magtampo.
"Mahal ko kayo!"
"Mahal ka rin namin, Abigail!"
Niyakap kami pareho ni Ate at hinalikan sa noo. Dati kanang kamay lang siya ni Mama, ngayon para na namin siyang nanay ni Calliope.
No'ng araw ng namatay ang mga magulang ko ay siya ring huling pagkikita ni Calliope at magulang niya. Nagkataon kasi na papunta siya samin nang mangyari ang pagsugod ng Raging Bulls.
Pare-parehas kami na hindi inaasahan ang mapupunta kami rito.
"Happy 18th birthday, Abigail. It was supposed your debut being a Queen"
July 15, ito dapat ang araw na ililipat sakin ang korona ng nanay ko pero hindi nangyari dahil sa isang pangyayaring hindi namin inaasahan.
Kahit hindi na ako maging prinsesa basta maipaghiganti ko lang ang mga magulang ko, okay na ako doon.
Being a princess is not for me. I don't have any power nga, eh. Hindi ko rin alam kung bakit yung binigay sakin na kapangyarihan nila Mama at Papa ay wala. Sinubukan kong gamitin pero wala. 
~*~*~*~*~
"Abigail! Calliope!" napatigil kami sa paglalakad ni Calliope nang makarinig kami ng malakas na boses na tinatawag kami.
Napatingin kami sa isa't-isa ni Calliope at sabay sabing.....
"Hindi ko kilala yun. Kilala mo ba yun?" sabay din kaming umiling.
Itong si Felicity ang lakas ng boses. Kung gaano kalakas boses niya ganun din siya kaliit. Mukha siyang minion.
"Hey! Wait for me!" tumigil agad kami sa paglalakad.
Ganito lagi ang routine kapag may pasok kami. Sabay kaming papasok ni Calliope at may tatawag naman samin. Simula nung makasanayan namin dito ay napagpasyahan naming mag-aral ni Calliope katulad ng mga ginagawa ng mga tao dito.
Si Ate naman ay nagsimula ng maghanap ng trabaho para may pang-aral kami at pangkain. Buti nalang ay nakahanap siya ng trabaho na mataas ang sweldo.
Calliope and I thanked Ate so much. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nagugutom na kami at hindi na nakakapag-aral. We owe her our life.
"I like seeing how you wear your bag," sabi ni Felicity pagkatapos ay ginaya ang pagsuot ko ng bag.
Sinusuot ko ang bag ko na yung isang strap ay nasa balikat ko habang ang isang strap naman ay nakababa lang hanggang sa siko ko. I am comfortable with this.
"Pero hindi mo bagay. Mukha kang siga na babae na nag-aabang sa labas ng school." biro ko sa kanya.
"Grabe ka, ah!" tumawa ako nang pabiro niya akong sinuntok sa tiyan.
Eh, mukha naman kasi talaga siyang siga.
"Tara na! Magrereview pa tayo para sa quiz natin." sabay kaming pumasok sa room at umupo sa kanya-kanyang pwesto.
Inis kong pinalo si Disney ng reviewer na hawak ko sa ulo niya. "Ano ba?!"
Disney is my bestfriend too. She's kindi, beautiful and smart just like Felicity.
"Huwag na, 'te. Nagpapanggap ka lang," sabi niya at ibinaba ang reviewer na hawak ko.
"Disney, I have a dream. Huwag mo akong itulad sayo." ewan ko ba dito sa babaeng ito.
"No wonder why you're always with honors."
Gusto kong maging teacher someday. Mag-aaral ako nang mabuti para ako naman ang magtatrabaho para kay Ate and I will buy her expensive things because she deserve it.
Hindi pa nga yata sapat yun para sa lahat ng sakripisyo niya samin. Nagtataka nga ako bakit wala siyang jowa. Maganda naman siya, sexy, matalino, mabait. Nasa kanya na ang lahat pero walang jowa.
"Good morning, Class!" our teacher greeted us.
"Good morning, Maam!" we greeted her back.
"Prepare one half lengthwise paper. Let's start our quiz. Number your paper one to fifty." sinumalan na naming lagyan ang papel namin ng pangalaan.
Naging madali naman ang quiz namin para sa akin pero yung katabi ko kanina pa nagrereklamo na hindi alam ang sagot at mahirap daw pero nakaperfectscore.
Disney is smart, she just keep on denying it. Sa kanya pa nga ako minsan nagpapaturo kapag may problem solving.
Itong si math kasi problema niya yun bakit pinapasolve sa atin. Pati tuloy tayo namomoblema.
After our three class, it's our recess time. So we decided to go to our canteen and buy some snack. Meron kaming forty minutes break. Si Aaron ang pumila dahil siya ang lalaki samin. I was about to sit beside Calliope, but someone caught my eyes.
The time suddenly stop and he is the only one I see. Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.
He's handsome with his uniform. Matangkad din siya. I saw his disheveled hair dancing with the wind. He looks more handsome with his hair. Maputi siya at maganda ang katawan. Mukhang nagwowork-out siya.
Is it magic? Blurred ang paligid niya. Ang mga galaw naman niya ay naka-slowmo. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nakangiti siya habang nagbibiruan sila ng mga kaibigan niya. Nahawa ako sa ganda ng ngiti niya. Sa sobrang nagandahan ako sa ngiti niya ay hindi ko napansin na nakatingin na siya sakin habang nakangiti. His smile looks different than awhile ago.
Parang nakikita siya ng Diyosa.
Doon lang ako napabalik sa reyalidad ng may naglapag ng tray sa lamesa namin. Tumingin ulit ako sa lalaking iyon. Nakatingin pa rin siya sa'kin at ngumiti bago makipagbiruan ulit sa mga kaibigan niya.
Hindi ko mapigilan sarili ko na tumingin pa sa kanya na para bang naaadik ako sa mukha at ngiti niya.
Kasing gwapo niya ang nasa worldwide handsome. Mukha nga siyang basketball player. He looks cold, but when he smile, he's cute.
Kapag ito umiigting ang panga, pakakasalan ko na agad!
"Ang gwapo 'no?" Calliope whispered at my right ear.
"Huh? Sino?" umiwas ako ng tingin sa kanya at lumilikot ang mga mata ko.
"I saw you smiling at that boy. You want to know his name?"
"Hoy, Calliope!" lumapit ako sa kanya at bumulong na nanggigigil. "Don't you dare use your power."
"Who told you na gagamitin ko power ko? Masyado kang judgemental! Hahanapin ko lang sa facebook kung anong name niya!" sabay irap niya. 
According to Calliope, friend niya sa facebook yung kabiruan nung lalaking kangitian ko kanina. Kaya madali lang sa kanya para hanapin ang name ng nung lalaki.
We are busy finding the boy's name that we forgot to eat and we did not notice na nakikichismis na pala ang mga kaibigan namin sa amin.
"Calliope, sino ba ang hinahanap mo?" tanong ni Felicity.
Siningit niya pa ang ulo niya sa pagitan ng ulo namin ni Callliope para lang makita kung sino ang hinahanap namin.
"Yung lalaking naka-uniform," sabi ko at hindi ko namalayan ang lumabas sa bibig ko.
"Tanga ka ba? Lahat ng lalaki dito naka-uniform. Duh!" sinapok niya ako at napakamot nalang ako sa batok ko.
"Yung kasama ni Tristan. Yung cute tumawa." busy si Calliope sa kakascroll ng friend list nung Tristan na iyon habang sinasabi niya kay Disney kung sino ang hinahanap naming lalaki.
Infairness! Gwapo rin yung Tristan na yun. Pwede naman sigurong magkacrush ng dalawa?
"Uso kasi magtanong 'no?" napatingin kaming lahat nang magsalita si Disney. She is crossing her arms in her chest.
Nilingon niya muna ang table kung saan si Tristan at yung lalaking kinuha ang puso ko. "That cute guy is James Kurt Anderson."
Pangalan palang ulam na!
"Crush mo?" tanong ni Felicity. Kinikilig na tumango ako. "Dalaga na si Abigail. Hoy, Kuya Ja---" sa sobrang taranta ko ay nasampal ko siya.
Ang kamay ni Calliope, Disney at Aaron ay nasa bibig na ni Felicity. Pati yata sila nataranta. Tatawagin niya niyan si James at sasabihing crush ko siya. Ganyan din kasi ang ginawa niya sa iba. Kung pwede lang ay matagal na naming tinahi yung bibig niya kasi ang hilig niyang mangbulgar.
Pumasok na ulit kami sa classroom namin para sa pang-apat pa na klase namin. Wala ang teacher namin after this class, so our teacher for this time gave us permission to go around the school for one hour. Napag-usapan namin na sa library nalang kami at magreview nang kaunti tungkol sa quiz namin bukas. Solving kasi kaya medyo mahirap.
There are a few students inside the library. Naghanap kami ng mauupuan bago gumawa ng reviewer.
Sinubukan kong intindihin ang lesson pero hindi ko talaga gets. I tried asking Disney, but she doesn't know either. Tumayo ako para maghanap ng libro na tungkol sa lesson namin. Baka sakaling may maintindihan kami.
Iniwan ko sila sa pwesto namin at pumunta sa isang book shelf kung saan nandoon banda ang tungkol sa lesson namin. Inilabas ko ang phone ko para i-flashlight ang mga libro dahil medyo madilim at hindi ko makita ang title ng book.
I was busy finding what I need when I collided with someone.
"Sorry!" sabay naming sabi ng nakabanggaan ko.
Lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan ako nito siko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Agad napaawang ang bibig ko no'ng nakita ko kung sino yun. Napatulala ako sa mukha niya. 
Sinong hindi matutulala kung nasa harapan mo ang mukha ng crush mo?
"You drop your phone." sabi ni James. "Ahmm...your p-phone." winagayway niya sa harapan ko ang phone ko.
Doon lang ako natauhan nang mapansin kong natatawa siya. "A-ah y-yes. Thanks!"
Umalis na ako sa harapan niya dahil sa kahihiyan. Napatulala ako sa kagwapuhan niya. He looks more handsome sa malapitan.
"Wait!" hindi ko siya pinansin nang magsalita siya. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. 
Nabigla ako nang may humawak ng braso ko at hinila ako nito. Tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib ni James. Agad nanlaki ang mata ko dahil doon. 
I heard his heartbeat. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Magtatanong sana ako kung bakit niya ako hinila pero nakarinig ako ng kalabog. Tinignan ko ang banda kung saan iyon at umawang ang bibig ko ng may makita akong librong malaki at makapal sa sahig. 
Tiningala ko si James. "T-thanks."
Muli na naman akong napatulala nang ngumiti siya sa'kin. "You're welco--"
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. May nahulog na libro sa ulo ni James! 
Tarantang hinaplos ko ang ulo niya kung saan may nahulog na libro. He looked amazed with what I'm doing. 
"Okay lang ako," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Namula na naman ako dahil doon. Siguro napapansin na niya ang mukha kong parang kamatis dahil sa pula.
"Thanks again!" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Hindi ako tumatanggap ng thank you."
"Eh? Edi ano?"
"Ito.." nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti niyang ilapit mukha niya sa mukha ko.
Is he going to kiss me?
Nadismaya ako nang idikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko at bumulong. "Ano name mo?"
"Abigail...Yaretzi Abigail." ngayon ko lang sinabi buong name ko sa iba. Mas gusto ko kasi yung Abigail.
"Nice name, love." kumindat siya bago umalis sa harapan ko.
Ano daw? Love? Ehe! Pereng tenge nemen. Yuck, Abigail, di mo bagay.
"Landi niyo, ah." gulat ako napatingin sa likod ko.
"Calliope.. Kanina ka pa?"
"Oo, kanina pa." inilabas niya ang wand niya.
Itinutok niya ito sa shelf na malapit  samin kanina ni James at nahulog ang mga libro mula sa taas. Nanggigigil na niyakap ko siya. Alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"Galing mo! Next time ulit." I exclaimed.
Kumindat siya at inakbayan ako. "Bebs, basta kalandian, support kita diyan."
~*~*~*~*~
"Ate Madison, alam mo itong alaga mo ang landi." bungad ni Calliope kaagad kay Ate nang makita niya si Ate Madison na papasok. Nasa sala kami nanonood ng palabas at nakaupo sa sofa.
"Ngayon mo lang nalaman? Matagal ko ng alam na malandi yan," sabi ni Ate habang tinatanggal ang sapatos niya. Galing siya sa work kaya halatang pagod siya.
"Tignan mo nga yung kwarto niya ang daming picture ng mga boyfriend niya." Ate added and emphasize the "mga"
Marami akong pictures ng mga idol ko sa kwarto. Kung ano-ano nga nasa kwarto ko, lata,poster, printed photo at iba pa basta may pictures nila. They are the reason why I am studying hard 'cause someday I want to meet them in person.
"Ate, eat kana." sabi ko.
Hawak na ni Calliope ang pagkain ni Ate Madison habang si Ate naman ay humiga na, nakaunan ang ulo sa mga hita ko.
Inamoy ko si Ate kasi parang may something akong naaamoy. "Ate, you're so kadiri!" pinisil ko ang ilong ko para hindi ko maamoy.
"Bakit?" tanong ni Calliope. Si Ate naman ay natatawa pa siya.
"Yuck! Amoy basura ka! Parang pinagsama-sama lahat ng basura sa buong Pilipinas tas doon ka nagswimming!"
Inamoy din ni Calliope si Ate Madison at tinakpan din ang ilong.
"Ate, maligo ka nga!!!"
"Okay! Okay! Yung boss ko kasi, eh." tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang kriminal na sumusuko. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa banyo.
"Mga anak!" napangiwi kami ni Calliope nang sumigaw si Ate ng ganun. "Mabango na si Nanay!"
"Kung ikaw ang nanay ko, ang panget mo naman," sabi ko na sinang-ayunan naman ni Calliope.
"G-grabe!" napahawak pa si Ate Madison sa puso niya na parang nasasaktan talaga.
I smiled sweetly. "Biro lang." pinakita ko sa kanya ang facial mask na hawak ko, nanunudyong nakatingin sa kanya.
"Ay! Gusto ko yan!!" tumakbo siya papunta sa sofang kinauupuan namin ni Calliope.
Binuksan niya ang hawak ni Calliope na facial mask at nilagay ito sa mukha ni Calliope. Ganun din ang ginawa niya sa'kin bago niya ilagay ang kanya.
This is what we do every week. Pangpatanggal minsan ng stress. Matatanggal na stress mo, gaganda ka pa!
Napatingin ako sa kanilang dalawa na nakapikit habang nakasandal ang mga ulo sa head ng sofa. Ipinatong ko ang siko ko sa head ng sofa at doon nagpalumbaba. 
"Cal, abutin mo nga yung roller," sabi ni Ate kay Calliope.
Kung wala itong dalawang ito, ano kaya ang mangyayari sa'kin? May tinalikuran sila para lang sumama sa'kin. Katulad ni Calliope, hindi siya nagdalawang isip na sumama sa'kin kahit may pamilyang naghihintay sa kanya. Si Ate Madison na hindi naman niya responsibilidad na alagaan ako dahil hindi ako ang amo niya kundi si Mama.
The three of us did not expect this.
"Ate, curious lang ako. Bakit po inaalagaan niyo ako kahit hindi ako yung amo niyo? Patay na si Mama. Dahil po ba naaawaa kayo sa'kin?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nilingon niya ako. "Kailangan ba ng dahilan kapag nagiging mabait ka sa isang tao?" umiling ako sa tanong niya.
"Di'ba hindi? Kasama ako ng nanay mo sa pag-aalaga sayo hanggang sa lumaki ka. Oo, patay na siya kaya nga inaaalagaan kita kasi wala ka ng mga magulang, hindi dahil sa naaawa ako sayo kundi dahil ayaw kong matulad ka sa'kin."
"Why" Calliope asked.
"Wala na akong magulang."
Tumahimik ang paligid dahil sa sinabi niya. "Ano ba kayong dalawa? Nagpapaganda tayo! Huwag kayo magpaiyak!"
I am very thankful that I have them. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ko sila katulad ng paano nila ako napapasaya.
Inihiga na ulit nila ang ulo nila sa head ng sofa. Kinuha ko muna ang phone ko dahil tumunog iyon bago ko rin inihiga ang ulo ko sa head ng sofa.
Ngiting-ngiti ako habang binubuksan ang phone. Ang ngiti ko ay napalitan ng gulat na mukha nang may mabasa akong notification.
"Ouch!" nahulog ko ang cellphone ko sa mukha ko. Agad ko itong binuksan ulit para i-check kung totoo ba ang nakita ko.
'James Kurt Anderson sent you a friend request'
James:
Hi!
OMG!! Bye!! I'm getting married!!

Comentário do Livro (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    20d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    20d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes