logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

“OH, YOU’RE here already,” sabi ng kapwa DJ ni Avrea na si Cha nang makita siyang pumasok ng booth. Ang time slot nito ang sinusundan ng sa kanya. “Ang aga, ha.”
“Napaaga lang ng gising,” nakangiting sagot ni Avrea pagkatapos ay tinungo ang couch sa isang gilid ng booth.
Doon madalas tumatambay ang ilan sa mga guest listeners ng mga programa nila. Nang gabing iyon, walang live listeners. Siguro dahil maulan.
“Okay ka lang diyan, girl?” untag ni DJ Cha habang nakatungo sa script.
“Hmm, okay lang ako rito. Magtrabaho ka lang diyan habang papasadahan ko ng basa ang mga ipinadalang kuwento ng listeners sa e-mail ko.”
Tumango si DJ Cha at nag-thumbs up pa sa kanya.
Pero hindi makapag-concentrate si Avrea sa pagbabasa dahil binabagabag pa rin ang isip niya kung ano ba talaga ang nangyari sa penthouse ni Cent nang gabing nagpunta siya roon. Kaya inilabas niya ang cell phone at sa pagkakataong iyon ay nagpadala siya ng private message sa lalaki nang makitang naka-online ito.
Hey…
It took a couple of minutes before Cent viewed her message. Hindi niya inaalis ang tingin sa screen ng kanyang cell phone at hinintay hanggang sa sumagot ang lalaki.
Yes? sagot ni Cent sa ipinadala niyang message.
Hindi napigilan ni Avrea na magtaas ng kilay. Aba, aba, ano at nagpapatay-malisya pa yata ito? May utang itong paliwanag sa kanya! Mabilis siyang nag-type ng reply.
Cent, naghihintay ako!
Saan?
Naghihintay ako na sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari noong gabi na nagpunta ako sa bar mo!
Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan kapag nagkita na tayo. Hehe.
Hindi puwedeng saka na, saka na! Sabihin mo na sa akin, now na! Dali!
Mas magandang sabihin kapag personal. Kaya kapag nagkita na lang tayo.
Hindi ko alam kung kailan tayo magkikita uli.
Gumawa ka ng paraan.
Sasagot pa sana si Avrea nang bigla na lang mag-offline ang lalaki. At talagang siya pa ang inuutusan ng damuho na gumawa ng paraan para magkita sila. Feeling yata ni Cent, nasa pelikulang Romeo and Juliet silang dalawa. Well, it kinda looked like that dahil kontrang-kontra ang kuya niya sa lalaki kahit na nga ba wala namang romantic relationship sa pagitan nilang dalawa.
Bumuntong-hininga na lang si Avrea nang ibalik ang cell phone sa bag.
Para bang kay bilis lumipas ng oras dahil mayamaya pa ay siya naman ang sumalang sa ere.
“Good evening, Philippines!” masiglang bati ni Avrea pagkatapos umere ang kanilang station ID. “I hope you are all doing well, safe and sound sa maulang gabi na ito.”
Nagpatugtog siya ng isang mellow music na may background pang tunog ng ulan.
“Sa ating mga bagong listener diyan at sa ating mga avid listeners na walang sawang sumusubaybay sa programang Cupid’s Apprentice, hello sa inyong lahat! \
This is DJ Rea on air, na handang magbigay sa inyo ng payong kapatid, at ang inyong kaibigan na handang makinig sa inyong mga hinaing at kuwentong pag-ibig!
“Ang nabunot na liham para sa gabing ito ay ipinadala ng isa nating avid listener na itago natin sa pangalang ‘Bumblebee’. Pero bago ko basahin sa inyo ang kanyang kuwento, i-enjoy muna natin ang mga musikang inihanda ko para sa inyo…”
Ini-off ni Avrea ang microphone at nagsimulang magpatugtog ng mga kanta sa playlist niya sa gabing iyon. Habang pumapailanlang sa ere ang mga kanta, tiningnan uli niya ang cell phone kung naka-online si Cent. Pero bigo siyang makitang online ang lalaki. Mukhang nagtatago ito sa kanya. Mukhang nananadya.
NAGULAT si Avrea nang makita si Cent na nakaupo sa motor nito habang nakaparada iyon sa tapat sa bahay nila. Bagay itong model ng denim jeans o ng motorsiklo sa pose nitong nakababa ang mga paa sa lupa habang ang isang kamay ay nakahawak naman sa manibela. Ewan niya, pero ang lapad ng naging ngiti niya. Gusto sana niyang kunin ang cell phone sa bag para kuhanan ng litrato ang lalaki, pero saka na lang siguro kapag super close na sila.
Mayamaya pa ay bumaba na siya mula sa sasakyan at lumapit sa lalaki.
“Gabing-gabi na, ah. Ano pa ang ginagawa mo rito sa labas? Patambay-tambay ka pa, ang laki mo namang duwag,” biro niya na mukha namang walang epekto rito.
Kinuha ni Cent ang isang paper bag na nakasabit sa manibela ng motor nito at iniabot iyon sa kanya. Nakakunot ang noong tinanggap niya ang paper bag at kaagad na sinilip kung ano ang laman. Kahon-kahon ng magkakaibang uri ng tea ang bumungad sa kanya.
“Tea?” sabi ni Avrea nang mag-angat ng tingin.
“Hmm.” Nginitian siya ni Cent. “Nabasa ko sa isang article online na maganda ang epekto ng mga ganyang tea sa katawan. Inumin mo ang mga `yan, para hindi puro kape ang dumadaloy diyan sa mga ugat mo. Saka para hindi masayang. Mahal ang bili ko diyan.”
Ibinalik ni Avrea ang paper bag sa lalaki.
“Kung gano’n pala, eh, di sa `yo na. Isaksak mo sa baga mo. Isaksak mo lahat para worth it ang pagbili mo ng mahal!”
“O, bakit naman galit ka na kaagad?” nagtatakang tanong ni Cent.
“Galit? Hindi ako galit,” sagot niya sa mas mababang boses. “Ang totoo naiinis ako sa `yo.”
“Bakit ka naman naiinis sa akin?” Nagsalubong ang mga kilay ni Cent.
Nagbuga siya ng hangin. “Akala mo ba, madadaan mo ako sa pa-tea-tea—” Bigla siyang natigilan nang makitang nakangisi si Cent. Alam niya kung bakit. May ‘something’ sa sinabi niya. “Sasabihin mo sa akin kung ano ang nangyari noong gabing `yon, o bubutasin ko `yang gulong ng motor mo.” Ipinadyak niya ang mga paa.
“`Wag dito. Baka makita tayong magkasama ni Allen.”
Napakislot si Avrea nang hawakan siya ni Cent sa pupulsuhan. May parang maliliit na boltahe ng kuryente ang naramdaman niyang gumapang doon. Hindi siya puwedeng magkamali dahil kapag balot ng kadiliman ang paligid ay heightened ang senses
niya. Parang bampira lang, `di ba?
“S-saan naman tayo mag-uusap?” kinakabahang tanong niya.
Mabait naman si Cent, sigurado siyang hindi ito gagawa ng masama. Subukan lang nito at maghahalo ang balat sa tinalupan. Mas walang tiwala si Avrea sa sarili niya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari.
“Basta… diyan lang naman tayo sa malapit.” Umayos na ng puwesto si Cent sa motor nito.
Hindi muna sumakay si Avrea. Nag-isip muna siya kung sasama ba o hindi sa lalaki.
“Hindi mo malalaman kung hindi ka sasama sa akin,” sabi nito nang hindi pa rin siya gumagalaw.
She heaved a sigh. Alam ni Cent kung paano siya mapapasunod. Oo nga naman, paano niya malalaman ang pinagpapakamatayan niyang malaman kung hindi siya sasama?
Tahimik siyang sumakay sa motor ni Cent.
“Kumapit ka sa akin,” sabi nito.
“No need, marunong akong umangkas sa motor.” Sanay na sanay siya dahil noong hindi pa nakakabili ng kotse ay iniaangkas siya ng kapatid sa motor nito at inihahatid sa bus stop. “Kahit manginain pa ako rito sa likod mo, kering-keri ko,” pagmamayabang niya.
“Ikaw ang bahala…”
Inakay ni Cent palabas ng compound ang motor nito at nagbuhay lang ng makina nang sapitin na nila ang barangay road. Kaagad na binawi ni Avrea ang sinabi kanina nang biglang pinaharurot ng lalaki ang motor nito. Mukang sinadya nitong bilisan para mapahawak siya. At hindi lang basta hawak ang ginawa niya dahil napayakap na siya nang mahigpit kay Cent dahilan para masalat niya ang abs nito.
“Cent, anak ka ng ina mo!” sigaw ni Avrea na halos malunod na sa hangin na sumasalubong sa kanyang mukha. “Ni wala tayong helmet! Bagalan mo baka sumemplang tayo!”
Nakinig naman ito sa kanya at binagalan na ang andar ng motor. Napabuga na lang ng hangin si Avrea at dahan-dahang niluwagan ang pagkakayakap niya sa lalaki. Then, she rested her cheek on his back and closed her eyes. Ngayon na hindi na siya ninenerbiyos, masarap na sa pakiramdam ang may kalamigang hangin nang gabing iyon.
“Nandito na tayo,” sabi ni Cent nang huminto ang motor nito sa gilid ng kalsada.
Sa Baywalk siya dinala ng lalaki. Totoo nga ang sinabi nito na sa malapit lang sila pupunta. Maliwanag ang lugar, may mga ilaw pang nakasabit sa mga sanga ng puno. Kahit ala-una na ng madaling-araw, marami pa ring tao at bukas pa rin ang mga tindahan. Matagal na mula nang ma-develop ang kanilang lugar bilang tourist spot, pero iyon ang unang pagkakataon na nakapunta siya sa lugar. Sana lang ay walang makakita sa kanilang kakilala dahil baka matsismis silang nagde-date.
Patay na naman si Cent sa kuya niya kapag nagkataon.
Umupo sila sa isa sa mga cemented blocks sa gilid ng kalsada at tinanaw ang kalmadong tubig ng lawa.
“Matao pa rin pala rito kahit ganitong oras na.”
“Oo, pero mas matao pa rin naman kapag araw. Ikaw lang naman ang hindi marunong gumala.”
Nilingon niya si Cent. “Gusto ko rin namang gumala. Pero `yong oras ng trabaho ko hindi ideal para makagala ako.”
“First time mo bang makapunta rito?” Tumingala si Cent. Hindi niya alam kung nagbibilang ito ng mga bituin sa langit.
“Hmm… ikaw ba?”
“Madalas akong dumaan dito bago umuwi sa bahay, sumasagap ng hangin.”
Avrea snorted. “Ang sabihin mo, kaya hindi ka umuuwi kaagad kasi baka mamaya magkita kayo ni Kuya Allen.”
“Well… sort of.”
“Mag-usap na kasi kayo. Wala naman talagang mangyayari kung mag-iiwasan lang kayo. One has to make a move.” Bumuntong-hininga siya. “Pero alam mo, nalalayo na tayo sa totoong dahilan kung bakit tayo nagpunta rito. Ano ba kasi talaga ang nangyari sa bar, Cent?”
Mataman siyang tiningnan ng lalaki, pagkatapos ay unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
“We… kissed.”

Comentário do Livro (40)

  • avatar
    JHoy JHoy Al-ag

    Very nice

    16/08

      0
  • avatar
    Johnravengab Bael

    hi gusto korin po maging mayaman ano po pweding gawin dito

    03/08

      0
  • avatar
    Reynand Cominguis Salutin

    sow good

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes