logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Astrid's Point of View
Nagising ako dahil parang may gumagalaw sa akin. Nang ilibot ko ang paningin ko, kaagad akong napaupo nang makita kong nandito ako sa tapat ng kuwarto ko.
Napatingin ako sa gilid ko nang tumabi sa akin si Audin. Siya pala itong gumagalaw sa akin.
What the? Dito ako nakatulog sa tapat ng kuwarto ko?
Ang huli kong natatandaan ay yung nawalan ako ng balanse at pagtahol ni Audin. Mahina na lang akong napatawa.
"Sa sobrang kapaguran ko na siguro to" iiling-iling kong sabi at tumayo na. Pumasok ako sa kuwarto ko at tiningnan ang oras mula sa wall clock. Alas nuebe na pala ng umaga. Ang haba rin pala ng tulog ko sa sahig.
Pagkatapos ay lumabas din ako at dumiretso sa kusina.
"Audin breakfast ka na" inabot ko kay Audin ang pagkainan niya at nilagyan ng dog food na iniwan ni Rehan.
Habang ako naman ay nagbukas ng ref at napasimangot na lang ako nang wala akong makitang pagkain doon. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang kaisa-isang fresh milk sa ref at iyon na lang ang iinumin ko para sa agahan.
Mamimili na muna siguro ako ng pagkain bago ako bumalik sa pagpainting.
An hour later ay nakaligo na ako at ready na akong umalis. Iiwan ko muna si Audin dito sa bahay.
"Dito ka muna ha? Babalik din ako kaagad" sabi ko sa kanya at napangiti ako nang tumahol siya. Hinawakan ko muna ang ulo niya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Almost thirty minutes din siguro ang itinagal bago ako nakarating sa grocery store. Kumuha ako ng push cart at nagsimulang mag-ikot. Kung dati ay nagagawa kong kuhanin ang lahat ng gusto kong kainin, ngayon hindi. Kailangan kong maging matipid. Bibilhin lang kung ano ang dapat bilihin.
Hanggang sa napadaan ako sa chocolates. Hindi ko maiwasan ang malungkot habang nakatingin sa kanila. Back then, my mother and father always gave me a chocolate whenever I am sad. And because of that, chocolate became my comfort food.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko habang nanaumbalik ang mga ala-ala sa isipan ko. I don't want to cry in here. Baka sabihin pa nilang baliw na ako.
"Aren't you going to buy it?"
Napatingin ako sa nagsalita. Isa siyang lalaki na matangkad, siguro ay medyo kaheight ni Rehan. Maputi rin siya tapos may maipagmamalaki ring mukha. Pero ang kakaiba sa kanya ay ang medyo singkit niyang mga mata. Medyo lang naman. But still, he's good-looking.
Gaya ko ay may dala rin siyang push-cart. Namimili rin siya for sure.
"H-huh?" gusto kong kagatin ang dila ko dahil talagang nautal pa ako.
"Kanina ka pa kasi nakatitig sa mga chocolate. Hindi ka ba bibili?" muling tanong niya. Tipid akong ngumiti at umiling.
"Ah hindi. Hindi ako bibili" sagot ko na lang at itinulak na ang push-cart para umalis.
Pero bigla na lang niya akong hinawakan sa braso kaya napatigil ako sa paglakad. Pagkatapos ay bahagya siyang yumuko na para bang sinilip ang mukha sa ilalim ng suot kong sumbrero. Napaatras pa nga ako dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. At maya-maya lamang, ngumiti siya.
"I knew it. You're Astrid Silvana" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"How did you know?" nagtataka kong tanong. Binitiwan na niya ang braso ko at lumayo sa akin kaya kahit papaano ay nakahinga na ako ng maayos. Saglit siyang ngumiti.
"I've seen you in the news and read some article about you" napa-ahh na lang ako sa sinabi niya.
"Edi kriminal din ang tingin mo sa akin?" lakas-loob na tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya.
"Criminal? I know you're not. We know you" ako naman ngayon ang napasalubong ang kilay.
"We?" ani ko.
"Did I say we? I said you. I know you" mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Ang pagkakadinig ko ay 'we'. 'You' ba ang sinabi niya? Nabingi lang ba ako?
"What they wrote in the article are too exaggerated. And by seeing you today, I think you're a good and easy-to-get-with person"
Hindi ko siya maiwasang ikumpara kay Rehan. Kung si Rehan ay fierce and intimidating, ito namang lalaking ito ay medyo cool and have a light aura.
"Well thank you for saying that. Bilang na lang ata kayong hindi nag-iisip ng masama tungkol sa akin" sabi ko at pinilit na tumawa para pagaanin ang atmosphere.
"Kahit onti na lang kami, at least may mga tao pa rin na naniniwalang hindi ka masamang tao. At isa na ako doon" hindi ko na napigilan ang pagngiti.
"Salamat. Nakakagaan ng loob yung sinabi mo. By the way, mauna na ako" pagpapaalam ko pero bago pa man ako makaalis, nanlaki ang mga mata ko nang kumuha siya ng mga chocolate at walang pasabing nilagay sa cart ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Wala akong pambayad diyan!" hindi ko napigilan ang mapataas ng boses. Tapos ang mga pinaglalagay niya sa cart ko ay sinimulan kong ibalik. Pero napapitlag ako nang mahina niyang hampasin ang kamay ko.
"Huwag mong ibabalik. Ako ang magbabayad niyan" kumunot ang noo ko.
"Eh bakit dito sa pushcart na dala ko mo nilagay? May sarili ka namang cart" sabay nguso ko pa sa push cart na dala niya.
"Sayo yan. Ako lang ang magbabayad" bahagyang bumuka ang bibig ko.
"What?"
Ang mga naibalik kong chocolate ay kinuha niya ulit at inilagay sa cart.
"Habang pinagmamasdan kita kanina, alam kong gusto mong bilhin ang mga chocolate na tinitingnan mo. I don't know the reason but it's like you remembered something because of chocolates. Is it your family?" napanganga na lang ako.
"Are you a mind reader?" tahimik siyang natawa.
"Just an observant"
Napatigil ako dahil parehas sila ng sinabi ng kapitbahay ko. Minsan na rin yang sinabi sa akin ni Rehan.
"Malungkot ka kasi kanina habang nakatingin sa chocolates. At ang unang pumasok sa isipan ko ay naalala mo siguro ang nga magulang mo"
Kung observant nga siya, well magaling siyang observer.
"Ganun nga. Dati kasi lagi nila akong binibigyan ng chocolates kapag malungkot ako kaya naalala ko sila kanina" napatango siya.
"I knew it. I am right" tatango-tangong sabi niya.
"Pero hindi mo naman ako kailangang bilihan ng chocolates. Kaya ibalik mo na lang yan" umiling siya.
"I insist. Sabi mo chocolates ang nakakapagpagaan sa loob mo. Kaya kumuha ka lang kahit gaano kadami ang gusto mo. Ako na ang magbabayad" natutop ko na lang ang labi ko.
"Pero sandali. Kakakita ko pa lang sayo ngayon tapos gagastos ka na kaagad ng pera sa akin?" ngumiti na naman siya.
"Matagal na kitang kilala Astrid" nakangiti niyang sabi.
"Ha? Pero——-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko nang siya na mismo ang nagtulak ng push cart na dala ko. Kaya ngayoj ay dalawa ang tulak-tulak niya.
"Teka sandali!" malakas kong sabi at humabol sa kanya. Pero hindi pa rin siya tumigil sa paglakad.
Seryoso talaga siyang ibibili niya akong ng chocolates? My goodness! Ang dami kaya ng pinaglalalagay niya sa cart ko! Kahit ano kasing madampot niya kanina nilalagay niya.
"Uy! Sige na payag na akong bilhan mo ako ng chocolates pero pwede bang bawasan mo naman? Sobrang dami niyan" sabi ko na lang dahil mukhang hindi ko naman siya mapipigilang bilihan ako.
Nilingon niya ako habang naglalakad siya.
"Ayaw mo yun? Madami kang chocolates?" bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Pagkatapos ay napahawak na lang ako sa batok ko. Aish.
Hanggang sa turn na namin sa counter, hindi niya binitiwan ang push cart ko. Kinukuha ko nga sa kanya kanina pero ayaw niyang ibigay. Ang sabi niya ay baka raw tumakbo ako at ibalik ko ang mga tsokolate. As if namang magagawa ko siyang takbuhan.
Nauna niyang bayaran ang mga pinamili niya at nang ako na ang magbabayad, inunahan niya ako at inabot niya kaagad sa cashier yung credit card niya.
"Miss ako na rin ang magbabayad nung sa kanya" nakangiting sabi niya sa cashier girl at itinuro pa ako.
Ito namang babaeng cashier at parang hindi pa makapaniwala sa sinabi niya. Pero maya-maya lang ay ngumiti rin ito. Sa lalaking kasama ko pero hindi sa akin. Tsk.
"Sige po sir" halatang pagpapacute pang sabi niya. Well gwapo naman kasi talaga ang kaharap niya. Pero mga ibang babae nga naman ngayon oh. Haist.
"Uy ako na ang magbabaya——-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita yung babae.
"Nine thousand and three hundred seventy five pesos po lahat sir" napasinghap ako sa sinabing presyo nung cashier.
"Okay" prenteng sabi nitong kasama ko kaya hindi ko na napigilan ang sikuhin siya sa tagiliran kaya nakuha ko ang atensyon niya.
"Bakit ko binayaran lahat? Ang mahal-mahal ng binayaran mo"
Wala pa nga sigurong dalawang libo ang napapamili ko para sa akin. So ibig sabihin yung mga chocolate na kinuha niya ay umabot ng seven thousand? Oh ghad.
Naiwan akong tulala. Kung hindi niya lang siguro ako hinila palabas ng store ay hindi ko pa malalamang tapos nang ipack ang mga pinamili niya. Niya dahil siya naman ang nagbayad ng lahat.
"May kotse kang dala?" tanong niya at tumango naman ako.
"Nasaan?"
"Nasa parking lot" sagot ko.
"Let's go there"
Nauna siyang maglakad sa akin. Habang nasa likuran niya ako, hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya. May isang lalaki na naman ang nagpakita ng magandang loob sa akin. Parang kasing hindi ako makapaniwala. Kakakita lang namin kanina pero binayaran niya ang mga pinamili ko.
"Ayun ang kotse ko. Yung kulay gray" sabay turo ko sa sasakyan ko. Nang makarating kami doon, siya pa ang naglagay ng mga pinamili sa trunk.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko nang maisara na niya ang trunk ng sasakyan. Tapos ay tumingin siya sa akin.
"Why?"
"Anong why? Syempre gusto kitang pasalamatan sa ginawa mo ngayon. Ang laki ng binayaran mo para sa akin kaya sobrang thank you. Maraming salamat talaga. Pero mukhang kahit sabihin kong babayaran kita ay hindi ka papayag tama ba?" napangisi siya sa sinabi ko.
"You got it" sagot niya. Sabi ko na nga ba.
"Then babawi na lang ako sayo. Sa anong paraan ako makakabawi sayo?" lumapit siya sa akin at napaatras na naman ako nang maglean-forward siya sa akin kaya nagkalapit ang mga mukha namin.
"Just kiss me and in that way, you can pay for what I did for you" nanlaki ang mga mata ko at bigla ko siyang naitulak na ikinatawa niya.
"What the!? Manyak ka ba!? Bakit gusto mong halikan kita!?" nakataas ang kilay kong saad.
"Biro lang. Masyado ka kasing seryoso. You don't have to pay me. Just eat the chocolates I bought for you"
"Pero——-"
"Oh I have to go. I have something to take care of" biglang sabi niya habang nakatingin sa relo niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ako.
"I have to go Astrid. Kainin mo yung mga chocolate ah. Much better kung magpicture ka habang kumakain ka tapos kapag nagkita tayo ulit, ipakita mo sa akin para masiguro kong kinain mo nga ang mga yan"
I was left dumbfounded.
"So, 'til we meet again" saad niya at ngumiti ng matamis. Yung tipong ngiting nakakasilaw.
Pero bago siya makaalis, hinawakan ko ang braso niya.
"Please. Tell me your name. Kahit pangalan mo lang" pangungulit ko dahil gusto ko siyang mapasalamatan ng maayos.
Saglit siyang napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya tapos ay hinawakan niya yun atsaka nakangiting tumingin sa akin.
"I can't really tell you my real name but you can call me...." hindi niya tinapos ang sasabihin niya dahil inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko na hindi ko inasahang gagawin niya.
"Just call me Marco"

Comentário do Livro (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes