logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Astrid's Point of View
Kaagad akong napatingin kay Rehan nang makita kong huminto kami sa tapat ng dalampasigan.
"I was really thinking about this place. Remember? Dito kita nakitang umiiyak at naglalabas ng sama ng loob. And I thought that this kind of place brings you peace" napataasang dalawa kong kilay sa sinabi niya.
"Come on. palagi ka na lang babad sa kakapaint mo and I am sure you also want to breathe in ease just for once" napangiti na lang ako.
"It seems like you know me huh" napangisi siya.
"I am just a silent observer Astrid. That's part of being a hitman" napatango na lang ako.
Sabay kaming bumaba ng kotse ko tapos pinababa niya rin si Audin. Siya rin ang nagsabing tanggalin naming ang suot naming sapatos para komportable kaming maglakad sa tabing dagat.
"This is so relaxing" nakangiting sabi ko habang nakatanaw sa dagat at dinamadama ang malakas na simoy ng hangin at pinapakinggan ang alon ng dagat. Nakita kong napatingin siya sa akin.
"You're more beautiful when smiling" sabi niya at ngumiti. Hindi ko naiwasan ang mapaikot ang mata.
"Ganyan mo siguro kinukuha ang loob ng mga naging babae mo no?" nakangisi kong sabi bago ako humarap sa kanya. Saglit pa akong napatingin kay Audin na naglalaro sa gilid.
"What? I never had a girlfriend before" napanganga ako sa sinabi niya.
"Hindi nga? Ni isa wala pa?" tumango siya na ikinamangha ko.
"Bakit wala?" tanong ko na naman.
"Because I am a hitman" natahimik ako sa sinabi niya. Nakita ko ang pilit na pagngiti niya tapos ay nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"I tried to have one but whenever they knew that I do kill people, they becae intimidated and eventually left me"
I do understand both sides. Hindi ko rin naman masisisi yung mga babae kung natakot sila sa katotohanang hitman nga si Rehan.
"Mas okay na rin siguro yun. Wala rin akong panahon pa sa ganyan. I think it's much better if I'll focus first on my work" napatango na lang ako.
"No need to rush when it comes to love and relationship. It will come on the right time. And besides, love is so worth it when you wait for it. Maybe not now, but I know soon there will be someone who can love and accept you for who you are" binalingan niya ako ng tingin at nginitian.
"Do you think there is someone who can accept me? Who can love me despite of me being a killer?" I didn't hesitate to nod.
"Of course. Nagawa ko ngang tanggapin ka diba? Kaya hindi rin imposible para sa ibang babae" again, he smiled. the smile that is contagious.
"What if you're the one? Are you willing to spend the rest of your life with me?" and that question caught me off. I surprisingly looked at him.
"Seryoso ka? Naisip mo talaga yan?" nagkibit-balikat siya.
"Why not? Malay mo tayo pala ang para sa isa't isa" napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Rehan nababaliw ka na ata. Seryoso ka? Gugustuhin mo ang isang tulad ko?"kumunot ang noo niya.
"What do you mean by that?"
"I mean me. Gugustuhin mo ba ang anak ng isang rapist at murderer? I bet not. You wouldn't want your life to be in mess just because of me. Marami pa namang ibang babae diyan na mas better sa akin. Yung babaeng walang problema at malinis ang pangalan. And I don't think that I will let myself fall for someone. Hindi ko kasi gusto na may mahusgahan na ibang tao nang dahil sa akin" napaayos ako ng tayo nang hawakan niya ako sa magkabilang braso koat seryoso akong tiningnan sa mata.
"Are you fucking downgrading yourself Astrid?" hindi ako nakasagot dahil nabigla ako sa kaseryosoha ng boses niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang hindi ko mawari kung ano ang gustong ipahiwatig sa akin.
"You deserve to be loved and to be in love. who cares what others might say to you. How many times do I have to tell you that don't mind those mother fuckers who keeps on judging you?" napabuntong hininga na lang ako.
"And if you're thinking that it is impossible for someone to love you, then I'll prove it wrong" he seriously said which made my heart stunned.
"Rehan"
"Remember the first day we met? The day that I claimed that you are mine? I really mean it. Because the moment I saw you, I knew that you're special and it pushed me to know you more"
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita sa sinabi niya.
"So fuck what others say to you. Fuck what they think of you. Fuck those assholes. They don't have the rights to define you. Because I can see it right through you, you're a good person. Actually you can just runaway from your father's debt but you didn't. You are working hard in order to pay for it and I admire you for that"
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at napaiwas ng tingin dahil parang nagtutubig ang mga mata ko. Mababaw lang ang emosyon ko. Madali akong maapektuhan.
"And I also want tell that even if all the people in this world might judge you, always remember that I am here to remind you that what they say is wrong. I got your back Astrid"
-------------------
"Audin! Come here! It's dinner time na!" pagtawag ko kay Audin and in just a few econds, Nakita ko siyang pababa na ng hagdan at palapit sa akin.
"Arf! Arf!" napangiti ako nang makalapit na siya sa akin.
"Here's your food" nakangiti kong sabi bago ko inabot sa kanya ang pagkainna niya. It's been three days since Rehan left me his dog. And it's been three days since he went on his mission.
Until now wala pa rin akong balita sa kanya. I hope he's doing fine.
"Audin, babalik muna ako sa taas okay? Sunod ka na lang" sabi ko habang kumakain siya. Usually pagkatapos niyang kumain, pupuntahan niya ako sa painting room ko dahil halos nandoon lang naman ako buong araw.
What I liked about him is that he's easy to get with. hindi siya yung tipo ng aso na maarte at lagging nakasumpong. And because he's a trained dog, madali siyang makaintindi.
Nakakailang hakbang pa lang ako sa hagdan nang mapahawak ako sa hand rail dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Shit" napamura na lang ako dahil kumikirot talaga ang ulo ko at napahawak ako ng mahigpit nang maging ang paningin ko ay umikot.
Huminga na lang ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. Lately these days kasi ay napapadalas ang pagsakit ng ulo ko at halos hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil nga nagdododoble-kayod talaga ako. Siguro ay kulang lang ito sa tulog kaya ako nagkakaganito.
Mga ilang minuto rin siguro akong nakatayo sa hagdan at nakahawak sa rails bago ako nakahanap ng tsempo na umakyat sa taas. bagama't kumikirot pa rin ang ulo ko, kaya ko namang ihandle. Pagdating ko sa painting room, parang mas lalong sumakit ang ulo ko nang pagbukas ko ng phone ko, sandamakmak na message ang natanggap ko mula sa pinagkaka-utangan ni dad.
"Seriously? Talagang sabay-sabay pa silang nagmessage? Nananadya ba sila/ Pwede bang patahimikin muna nila ako?" frustrated kong sabi.Napaupo na lang ako at napasuklay sa buhok ko.
Magbabayad naman ako eh. Hindi ko naman sila tatakbuhan. kulang na nga lang ay hindi ako kumain para lang makatipid sa pera.
Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan na ang paint brush na kanina ko pa gamit. Akmang magpipinta na ako nang maghang ang kamay ko dahil muling kumirot ang ulo ko.
"Learn to rest when you're tired"
Hindi ko alam pero nanumbalik sa isipan ko yung sinabi sa akin ni Rehan bago siya umalis para sa mission niya. Wala akong ibang alam tungkol doon bukod sa sinabi niyang isang sindikato ang pupuntiryahin niya.
"Arf! Arf!"
Napalingon ako sa may pintuan nang narinig ko ang boses ni Audin. Pagkatapos ay kaagad siyang tumabi sa akin.
"Should I take a rest Audin?" pasimple akong napangiti nang sumagot siya gamit ang pagtahol.
"I think I should. Baka pagalitan ako ng amo mo kapag nalaman niyang hindi ako nagpapahinga ng maayos"
Tumayo ako at iniligpit muna ang mga gamit ko. Matapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng painting room para pumunta sa kuwarto ko. Pero bago pa ako makarating sa kuwarto, nakita ko na lang ang sarili kong nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig.
Narinig ko pa ang pagtahol ni Audin pero ang sunod na nangyari, nandilim na ang paligid.

Comentário do Livro (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes