logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Astrid's Point of View
"Hindi mo naman mapipigilan ang mga taong husgahan ka. Kung gusto nila gagawin nila. Ang dapat mong gawin ay ang huwag magpa-apekto. Dahil kapag ipinakita mong naaapektuhan ka sa mga sinasabi nila, talo ka. Pero kapag nakita nilang wala lang sayo ang mga panghuhusgang ginagawa nila, believe me, mapapagod at mapapagod din sila"
Mapait akong napangiti. Pero mahirap. Sinubukan ko namang maging matapang pero nasasaktan pa rin talaga ako.
"Kapag narinig mong may sinabi silang hindi maganda sayo, ilabas mo rin sa kabilang tenga. Huwag mong damdamin dahil alam mo naman sa sarili mo kung sino ka talaga"
Napatigil ako sa sinabi niya.
"I see how hurt you are right now and I don't know why but I don't like it. But I have an idea to ease your pain. Do you want me to kill the manager of that shop?"
Nanlaki ang mga mata ko at napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"W-what?" gulat na tanong ko.
"Do you want me to kill him? I can do that just tell me if you want"
He is so damn serious! Wala akong makitang kahit anong pagbibiro sa kanya ngayon. Oh ghad.
"A-are you serious?"
"Yes I am. He hurt you and degraded you"
Napatayo ako dahil sa sinabi niya at umatras ng ilang hakbang palayo sa kanya.
"Bakit parang napakadali sayong sabihin na papatay ka ng tao?" salubong ang kilay na tanong ko.
Naglakad siya palapit sa akin at ako naman itong patuloy sa pag-atras. At nang mapansin niyang walang katapusan ang pag-atras ko, siya na rin mismo ang kusang tumigil.
"Because that's what I do Astrid. I am born to kill"
Parang nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. He was born to kill?
"B-born to kill? I don't understand? Why do you kill people?" seryoso siyang tumingin sa akin. At ito ang klase ng tingin na talagang matatakot ka.
"Because that's my job"
"Job? What kind of job it is? Why is there a killing involved?"
Inalis niya ang tingin niya sa akin at ibinaling sa harap ng dagat. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago siya muling tumingin sa akin.
"I am a hitman"
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak na lang sa labi. Oh my ghad. He's a hitman? Then it means that he is paid to kill someone?
Ang lalaking bigla na lang sumulpot sa bahay ko at ang lalaking nagsabing pwede ko siyang sandalan kapag may problema ako ay isang hitman?
"But don't worry. I am hired by the government"
What? Ang gobyerno ang naghire sa kanya?
"Hindi naman kami basta-basta pumapatay na lang ng kung sino. May matindi kaming basehan bago namin gawin 'yon"
Napaiwas ako ng tingin nang muling magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero kinikilabutan na ako sa kanya. Ang kaharap ko ngayon ay isang mamamatay tao. At kahit isumbong ko siya sa awtoridad, makakalaya pa rin siya dahil ang gobyerno mismo ang may hawak sa kanya.
Kaya pala sinabi niya na kahit idemanda ko siya, makakahanap at makakahanap pa rin siya ng paraan para makatakas. At parang wala lang sa kanya nung sinabi niyang kaya niya akong patayin.
"At gaya mo, nilalayuan din ako ng mga tao kapag nalalaman nila ang trabaho na meron ako. That's why I understand what you feel right now"
Humakbang siya palapit sa akin pero humakbang din ako palayo na muling nakapagpatigil sa kanya. And I saw how his eyes suddenly became cold.
"I see. You are also afraid to me right?" he smirked.
"I understand. Who wants a man who was hired to kill right?"
Bahagyang bumuka ang labi ko nang makita ko ang reaksyon niya. Para bang lumambot bigla ang puso ko dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya ngayon.
And when he looked at me, I saw sadness in his eyes. And because of that, I just found myself walking towards him.
"Hey..." mahina kong sabi nang makarating ako sa harapan niya. Hindi siya nagsalita at tahimik lang na nakatingin sa akin. Wala akong ibang marinig kundi ang paghampas ng mga alon at walang maramdaman kundi ang malakas na simoy ng hangin.
"I'm sorry. I didn't mean to——"
"No. It's fine. I completely understand" para akong nataranta nang tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo.
Pinunasan ko muna ang mukha ko bago ako humabol sa kanya.
"Teka sandali! Akala ko bang willing kang icomfort ako? Eh bakit mo naman ako iniiwan?"
Dahil doon ay napatigil siya sa paglakad. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumingon sa akin.
"Would you still want me to comfort you knowing that i'm a hitman?" plain at walang kabuhay-buhay na pahayag niya. Bumuntong hininga ako at tinitigan muna siya ng ilang segundo bago ako nagsalita.
"Yes" sagot ko na nakapagpatigil sa kanya.
"You mean it?" tanong pa niya at tumango ako bilang sagot. I don't know why pero napangiti ako nang makita kong sumigla ang aura niya at tuluyan na siyang humarap sa akin.
"Ganun ang reaksyon ko dahil nabigla lang ako. I never heard someone that his or her job is to kill people. Atsaka ang sabi mo naman hawak ka ng gobyerno. And I have this feeling that you are a.... a nice person"
Nakita ko na naman ang pagkatigil niya. Pero maya-maya lang ay bigla siyang ngumisi.
"This is the first time that someone told me that I am nice" kumunot ang noo ko.
"What?"
"Usually people fear me. They fear us. But they don't know our purpose"
"Then i'm an exception?" mas lalo siyang napangisi.
"Akala ko bang natatakot ka rin sa akin?" nagkibit-balikat na lang ako.
"Nung una yun. Hindi na ngayon. Now tell me, marami ka na bang napatay?" hindi ko alam pero nacurious sa bagay na yun.
"Thousands of people" napahawak ako sa bibig ko.
"Oh my gosh. That's numerous"
"Well, i've been in this job for about seven years" napabilog na lang ang labi ko. Ang tagal na rin pala niya sa trabaho niya. And I think that's the part of him which is intimidating. The fact that he can kill a person anytime.
But the way we interact today, I do not really feel any fear on him. Siguro dahil na rin sa parehas kami ng pinagdadaanan kaya nakakarelate rin ako sa kanya.
"So are we good now? Hindi ka na nagtatampo?" tanong ko na ikinatawa niya kaya natawa rin ako.
"Kailan ako nagtampo?"
"Kanina kaya! May pawalk-out-walk-out ka pang nalalaman" nakita kong namula ang kanyang tenga kaya mas lalo akong natawa.
"Tsk. It's your fault" napanguso na lang ako.
"Since somehow we have the same situation, I think we can be friends. So friends?" nakangiting pahayag ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipagshake-hands. Pero tinitigan niya lang iyon.
"But I don't do friends" biglang sabi niya na nakapagpakunot ng noo ko.
"Huh? Edi ano pala?" kunot noong tanong ko.
"Let's see where it'll take us" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko atsaka tinanggap ang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak at napangiti na lang.
"Right. Let's see where it'll take us"

"So what's your plan now? Where are you going to find a job?" napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Hanggang dito sa bahay ko ay sumama siya. Nagpipainting nga ako pero ito siya nasa tabi ko at nagbabasa ng dyaryo.
"Hindi ko alam. May tatanggap pa ba sa akin? I highly doubt it" sagot ko naman.
"Then why don't you sell your car or your house?" itinigil ko ang pagpipinta ko at nilingon ko siya.
"Marami akong memories sa bahay na ito kaya ayokong ibenta. Yung kotse pwede pa pero wala pa akong mahanapan ng buyer. At baka hindi na nga ako makahanap pa" sagot ko at bumuntong hininga.
"Then ask for a help. You can ask me if you want to" tipid na lang akong ngumiti.
"As much as possible, ayokong nakaka-abala ng tao. Your comfort is enough. Masyado na ata akong pabigat kung hihingian pa kita ng tulong"
"Too thoughtful" mahina na lang akong napatawa sa sinabi niya.
"Hindi ka pa uuwi sa bahay mo? Gabi na. Wala ka bang trabaho?" kahit nagpipinta ako, nakita kong ibinaba niya ang binabasa niyang dyaryo.
"Ipinapatawag lang ako ng mga opisyal kapag may ipapagawa sila sa akin. And since nandito ako sa tabi mo, ibig sabihin wala akong mission" napatango-tango na lang ako.
"I see. Pero umuwi ka na. Gabi na"
"How about you? Matulog ka na. Gabi na" muli kong itinigil ang ginagawa ko at nilingon siya.
Bahagya pa akong napatigil nang makita kong titig na titig siya sa akin. Napakurap-kurap na lang ako at lihim na napailing.
"Can't you see? Marami pa akong dapat tapusin na painting. Dito muna ako magfofocus since ito ang primary source ko ng pera"
"Then i'll stay here up until you're done" nanlaki ang mga mata ko.
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang saad ko at tumango siya.
"Yeah. To make sure you're safe. Paano na lang kung pinasukan ka ng akyat-bahay rito? Kaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo?"
I don't know why but I think my heart melts knowing that he's concern about me. He wants to make sure that I am safe. And again, this is the first time that I felt secured after my life had been a tragedy.
"Oh sige na. Matutulog na ako. Umuwi ka na" sabi ko at ibinaba na ang paint brush na hawak ko. Natawa naman ako nang paningkitan niya ako ng mata.
"Why do I have this feeling that you'll continue what you are doing when I left?" hindi ko na napigilan na hampasin ang braso niya.
"Dami mong alam. Umuwi ka na nga" sabi ko sabay tulak na sa kanya palabas ng painting room ko. Napangisi na lang siya.
"Fine fine fine. Just lock the door and the windows"
"Alam ko alam ko"
Sabay kaming bumaba para na rin maihatid ko siya sa may pintuan. Akala ko ay lalabas na siya pero napataas ang dalawa kong kilay nang yumakap sa pinto at matamang tumingin sa akin.
So charismatic.
I won't deny it. That's how I see him right now.
"Before I go, let me remind you. If you have a problem, just knock on my door and I will not hesitate to open it for you"
Hindi ko alam kung ilang beses na akong ngumiti dahil sa mga sinabi niya.
"Noted and thank you" nakangiting sabi ko at saglit din siyang ngumiti bago humiwalay sa pintuan.
Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Pero may biglang pumasok sa isipan ko kaya tinawag ko siya ulit.
"Hey!" sigaw ko dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Hmm?" rinig kong sabi niya.
"Naaalala ko lang. Almost two weeks na simula nung makilala kita pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Can I know what's your name?"
Nakita ko na natigilan siya. Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin at nakuha ko iyon. Na para bang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya yun. Ganun ba kapag hitman? Hindi pwedeng ipagkalat ang pangalan?
Nang hindi pa rin siya nagsasalita, inunahan ko na siya.
"It's fine. Ayos lang kung ayaw——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin niya ito.
"No. It's fine. Even though it's against our law, I will still tell you my real name"
Pagkatapos ay bigla niya akong nginitian. Isang tipid na ngiti. Saglit lang iyon pero ganunpaman, dahil doon ay napangiti rin ako.
"It's Rehan. My name is Rehan Snyder"

Comentário do Livro (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes