logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

Astrid's Point of View
"So this is where you live"
Hanggang ngayon ay kunot noo pa rin akong nakatingin sa lalaking bigla na lang sumulpot dito sa harap ng bahay namin. He is not really familiar to me. At hindi ko rin alam kung anong meron sa kanya at nagawa niyang paalisin yung mga taong nagwewelga dito kanina.
He threatened them. And as a result, they are threatened.
Hindi ko alam paano but I am grateful to him. Kamamatay lang ng daddy kahapon tapos ngayon bumungad sa akin ang mga pinagkaka-utangan niya ng milyon-milyon? My life is really a mess.
Nanlaki ang mga mata ko nang basta-basta na lang siya pumasok sa loob.
"Hey wait!" kaagad naman akong humabol sa kanya. Patingin-tingin lang siya sa paligid ng bahay.
"Sandali, sino ka ba?" dahil sa tanong kong yun, binalingan niya ako ng atensyon.
"I do not tell anyone my name unless you are willing to die" kumunot ang noo ko.
"What? Look. Gusto kong malaman dahil gusto kitang pasalamatan sa ginawa mo kanina" ipinagkrus niya ang mga braso niya at prenteng umupo sa may sofa.
"Nah. Naiingayan lang talaga ako sa kanila kaya nakisabat na ako" nagsalubong ang kilay ko.
"Naiingayan ka? Bakit? Saan ka ba nakatira?"
"I am your neighbor Astrid" nanlaki ang mga mata ko.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko!?" he smirked.
"Don't be surprised. I saw you on my television. You are the daughter of Antonio Silvana right?" hindi ko alam pero parang may diin ang pagbanggit niya sa pangalan ng daddy ko.
"Ako nga" saglit siyang tumango.
"I see" tipid na sabi niya at tumayo na pero napatingin siya sa center table na maraming alak at kalat-kalat na chips.
"You think drowning yourself in alcohol can make you escape your problems?"
Napabuntong hininga na lang ako sa center table ko at sinimulan kong ligpitin ang mga kalat doon.
"Masama bang uminom kapag may problema? My life has been messed ever since my father got jailed. Gusto ko lang namang makalimot kahit sandali. Now tell me, masama bang uminom sa sitwasyon ko?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at wala siyang sinabi. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko rin mawari kung ano ang iniisip niya. Nang hindi naman siya kumikibo, napabuga na lang ako ng hangin.
"I'm sorry kung naistorbo ka dahil sa ingay kanina. And thank you rin sa biglaang pagsulpot mo kanina at pagpapaalis mo sa kanila. But let me clear it to you, I am not yours" sabi ko habang ang atensyon ay nasa mga bote ng alak na nililigpit ko.
Mula sa peripheral vision ko, nakita ko ang pag-ayos niya ng tayo at ang kanyang nakakatakot na pagngisi. To be honest, he's intimidating. Hindi lang ako nagpapahalata.
"Diyan ka nagkakamali. The moment I told you that you are mine, I mean it" napakunot ang noo ko.
"Excuse me Mr. Neighbor, papaano ako naging sayo? Ni ngayon pa nga lang kita nakita" muli na naman siyang ngumisi at naglakad palapit sa akin.
"Ayaw mo? Sa itsura kong 'to ayaw mo pa sa akin?" napanganga na lang ako sa sinabi niya at tumayo para makalevel ko siya.
"Alam kong may utang na loob ako sayo sa ginawa mo kanina pero ang yabang mo pala. Ano ngayon kung gwapo ka? Porket gwapo ka, kapag sinabi mong sayo na ako, sayo na ako? Ano 'to? Gaguhan?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"You.are.mine Astrid Silvana"
Napaatras ako dahil sa isang iglap, biglang naging seryoso at madiin ang boses niya. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"S-sino ka ba talaga? Natatakot na ako" lakas loob kong sabi na nakapagpangisi na naman sa kanya.
"That's it. You should fear me. I mean it when I said that you are mine. And if you tried to run away from me, I swear you'll regret it"
"Ah shit! Sino ba siya!? Ano bang kailangan niya sa akin!?"
Kanina pa ako paggulong-gulong dito sa kama ko dahil ang magaling kong kapitbahay ay hindi maalis sa isipan ko. I am his? How!? And if I tried to run away, I'll regret it? Seryoso ba siya!?
Bigla na lang siyang sumulpot kanina tapos sasabihin niya yun? Yung totoo? Ang dami ko na ngang iniisip tapos dumagdag pa siya. Tsk.
Hindi kaya lasing din ang isang yun? Hindi lang halata? Psh.
Napahawak na lang ako sa sintido ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Paano ko babayaran ang sandamakmak na utang ng ama ko? Saan ako kukuha ng milyon-milyong pera?
Dahil kung hindi ako magbabayad, baka sa kulungan talaga ang bagsak ko. I never imagined na magiging ganito ang kahihinatnan ng buhay ko. Haist. Just what they say, you never know what may happen tomorrow.
"Kaya mo 'to Astrid. Lilipas din yan"
And that's what I could do at this moment. Motivate and cheer up myself.
Three days have been passed at napakarami ng message ang natatanggap ko mula sa pinagkautangan ng ama ko. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang number ko pero nagsisimula na akong mairita. Gusto ko na nga lang itapon ang sim ko at magpalit ng bagong number pero baka ang sabihin nila ay tinatakbuhan ko sila.
May plano naman talaga akong magbayad, but as of now, naghahanap pa ako ng mapagkakakitaan.
"Hello Astrid?"
"Yes CG?" I am talking to my boss now.
She is the CEO of the art company where I work. I am one of her painter for about four years. But bigira lang akong magpunta ng kompanya. Kadalasan ay sa bahay lang ako nagtatrabaho at ipinapadala ko na lang sa kanya ang mga nagagawa kong painting.
"May stack ka ba diyan? Your paintings have been sold out. At marami pang naghahanap ng gawa mo" mapait akong ngumiti.
They like my works because they don't know who I am. I am just using my initials A.S. on every painting I made. Pero magugustuhan pa rin ba nila kung malaman nilang anak ng isang rapist at murdered ang babaeng gumawa ng painting na natipuhan nila?
I bet not. Sa lagay ng sitwasyon ko ngayon, lahat na lang ay hinuhusgahan ako.
"I am currently doing some CG"
CG stands for CEO Gianna. That's her name. Gianna Salvador.
"Astrid if you're not still feeling well, you don't have to force yourself to work. I understand kung wala ka pang nagagawa. Nagtanong lang ako kung may stack ka pero hindi kita ino-obligang magpaint ngayon. I know your situation and I understand yo. So just take a rest for a while okay?"
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang pagluha ko. It's just so good to feel that there is someone who's concern about me. Siya na nga lang ata ang taong nakaka-intindi sa akin.
"I will CG. Thank you"
Matapos ang pag-uusap namin, minessage niya ako na may ihuhulog siyang pera sa bank account ko galing sa mga nabiling painting na gawa ko. Good time dahil kailangan kong magbayad sa hospital para sa hospital bills ni dad doon. Kahit nasa kulungan siya, he still receives medication for her heart problem. At syempre dahil ako lang naman ang natitirang kapamilya niya, kailangan ko siyang sustentuhan.
I still have a balance of 83,000 pesos. At uunahin ko muna ang sa hospital bago ang mga taong pinagka-utangan niya.
Inilapag ko muna ang phone ko at tumayo para lumabas mg painting room ko. This is the place where I work. Nauuhaw ako kaya kukuha muna ako ng tubig sa baba.
Pababa na ako ng hagdan nang mapatigil ako at manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang magaling kong kapitbahay na prenteng nakaupo sa sofa ko.
"You!" malakas na sabi ko dahilan para umalingawngaw ang boses ko. Napatingin siya sa akin at ang walanghiya, nginitian pa ako at kinawayan.
"Hi Astrid"
Napaawang na lang ang labi ko. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at patakbong lumapit sa puwesto niya.
"Papaano ka nakapasok sa bahay namin!? Dati ka bang akyat-bahay!?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.
"I have my ways Astrid. If I want something, I can have it"
Sinamaan ko siya ng tingin. Lumapit ako sa pinto at nakalock naman iyon. Maging ang mga bintana ay nakalock naman.
"Sabing papaano ka nga nakapasok eh! Alam mo bang trespassing yang ginagawa mo?" nagkibit-balikat siya at nginisian ako.
"I know. But if you will sue me, believe me. I always have a way to escape" makahulugan niyang sabi kaya nagsalubong ang mga kilay ko.
My ghad! Bakit ba bigla-bigla na lang siyang nasulpot? Hindi nakakatuwa. Ni hindi ko nga siya kilala.
"Get out" seryoso kong sabi at itinuro ko pa ang pinto. Pero napaawang ang labi ko nang umiling siya.
"Nah. Kararating ko pa lang tapos paaalisin mo na ako? Is that how you express your gratitude on me?" napahawak na lang ako sa sintido ko.
"Oo alam kong may dapat akong ikapagpasalamat sayo pero tama bang basta ka na lang pumasok dito sa bahay namin?"
Ipinagkrus niya ang mga braso niya.
"You should secure your house then. Kung nagawa kong makapasok, panigurado ay kaya rin ng iba. Papaano na lang kung may pumasok na kriminal dito at pinatay ka?" kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago tumingin sa kanya.
"I am not afraid of death" natigilan siya sa sinabi kong yun pero kalaunan ay ngumisi siya na para bang namangha siya sa isinagot ko.
"Really? Then you wouldn't mind if I will kill you right now?" napapoker-face na lang ako.
"Alam mo, kung papatayin mo ako ngayon, baka pasalamatan pa kita. Dahil kapag patay na ako, hindi ko na kailangan pang harapin ang mga problemang iniwan ng ama ko sa akin" mapakla kong saad na nakapagpatigil sa kanya.
Ilang segundo rin siguro kaming magkatinginan sa isa't isa hanggang sa tumayo na siya at naglakad palapit sa akin.
"Aren't you afraid on me?" kunot noong tanong niya na nakapagpasalubong ng kilay ko.
"Last three days oo dahil nakakatakot ka talaga nun. And to be honest, may takot pa rin naman ako sayo pero nagtatapang-tapangan lang ako. Diyan naman ako magaling, sa pagpapanggap"
Napaiwas na lang ako ng tingin at tumingala. Napabuntong hininga na lang din ako.
"You're too frank" wika niya nang makarating na siya sa harapan ko. Bahagya pa akong napatingala dahil mas matangkad siya sa akin.
"Is there a problem with that?" walang gana kong tanong. Pero hindi siya sumagot. Trip niya ba talagang laging hindi sumagot kapag tinatanong siya?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Look. Kung wala ka namang importanteng pakay sa akin o kung balak mo lang mang-istorbo, please huwag ngayon. Marami akong problema at huwag ka nang dumagdag pa" muli, hindi siya kumibo.
"Pakilock na lang din ang pinto kapag lumabas ka" huling sabi ko bago ako tumalikod sa kanya para pumunta na sa kusina at kumuha ng maiinom.
Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang may humawak sa pulsuhan ko dahilan para mapalingon ako. At ang magaling kong kapitbahay, nagbitiw ng mga salitang hindi ko inaasahang sasabihin niya.
"I know you still don't know who I am but if you're really having a hard time, you can always come to me"

Comentário do Livro (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes