logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

The Hitman's Downfall

The Hitman's Downfall

MissKryptons


Prologue

"Kaninang umaga lamang ay pumanaw na sa kulungan si Antonio Silvana dahil sa sakit nito sa puso. Matatandaan na si Silvana ay nakulong noong nakaraang taon dahil sa mga kaso nitong rape at murder..."
Malamig ang mga mata ng isang dalaga habang nakatitig sa tv na nasa kanyang harapan. Hindi niya rin namamalayan na tumutulo na pala ang luha niya.
Kaninang umaga lamang ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa presinto kung saan nakakulong ang kanyang ama at sinabi ngang patay na ito. At ngayon ay ibinibalita na sa publiko.
"And right at this moment, I know that my life will be much miserable" malamig na sabi niya at pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi.
Binitiwan niya ang paint brush na hawak at nagpunta sa kuwarto ng kanilang bahay. Nagpalit siya ng damit at nagsuot ng kulay itim na dress. Pagkatapos ay inilugay niya ang buhok at nagsuot ng kulay itim na cap bago siya lumabas ng kanyang kuwarto.
Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa garahe kung nasaan ang kotse at sumakay dito. Pumunta siya sa lugar na dapat niyang puntahan. At pagkarating niya sa presinto, kaagad siyang nilapitan ng chief police kung saan may hawak itong porcelain jar.
"Condolence to you Ms. Silvana" mababa ang boses na sabi ng chief. Tinanguan na lang niya ito atsaka inabot ang porcelain jar kung saan nakalagay ang abo ng katawan ng kanyang ama dahil sa cremation.
At halos manginig-nginig ang kamay niya habang hawak niya ang porcelain jar at pabalik sa kanyang sasakyan. Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang bago siya makalabas ng presinto, sandamakmak na reporter ang bumungad sa kanya.
"Ms. Astrid Silvana! Hindi ba't kayo lang ang nag-iisang anak ni Antonio Silvana?"
"Ano ang nararamdaman mo tungkol sa pagkamatay niya?"
"Ms. Astrid pwede ka ba naming makausap?"
"Bilang anak niya, may alam ka ba sa lahat ng mga pinaggagagawa niya?"
Hindi niya pinansin ang mga reporter at nanatili siyang tahimik at mahigpit ang pagkakahawak sa jar.
"Hep! Magsitabi kayong lahat! Bigyan niyo naman ng kapayapaan si Ms. Silvana! Pumanaw ang ama niya kaya naman huwag muna kayong manggulo. Magbigay naman kayo ng respeto!"
Inassist ng mga pulis si Astrid pabalik sa kanyang kotse dahilan na rin na marami pa ring reporter ang nakasunod sa kanya. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang kilala ang ama niya sa buong bansa. Iyon nga lang, kilala sa pagiging rapist at murderer.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang sasakyan, bigla na namang nagsibuhusan ang mga luha niya.
"I'm all alone now" tumatawa at umiiyak na wika niya.
Kahit na patong-patong ang kaso ng kanyang ama, hindi pa rin naman niya maikakaila na naging mabuting ama ito sa kanya. Kaya lang, hindi niya inaasahan na may itinatago pala itong napakalaking lihim.
Tiningnan niya ang porcelain jar na nasa shotgun seat at pinunasan ang kanyang pisngi.
"Rest in peace dad" tipid na sabi niya bago siya umalis sa tapat ng presinto.

Kinabukasan, nagising na lamang si Astrid dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell na naririnig niya.
"Ah shit. Ang sakit ng ulo ko" kaagad niyang sabi nang magising siya at mapahawak sa ulo niya. Inilibot niya ang paningin at napabuntong hininga nang makita niyang sa sala pala siya nakatulog.
Maraming bote ng alak sa center table at kalat-kalat din ang mga chips. Nag-inom na lang siya para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman niya.
"Aish" napakamot na lang siya ulo at dahan-dahang tumayo.
At ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang napakaraming tao sa tapat ng bahay nila.
"Ayan! Ayan na siya!"
Naguguluhan siyang lumapit sa malaki nilang gate at sinilip ang labas. Parang nawala ang hangover niya dahil sa mga galit na mukha ng mga taong nakikita niya.
"Ikaw ang anak ni Antonio Silvana hindi ba!?" dahan-dahan siyang tumango.
"A-ako nga po. Ano pong kailangan niyo?" nagulat siya ng biglang binuksan ng kung sino ang gate niya at nagsipasukan ang mga tao.
"Malaki ang pagkaka-utang ng ama sa akin! At hindi ako papayag iyon mababayaran!" tila nabuhusan ng malamig na tubig si Astrid sa kanyang narinig.
"Utang?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oo! At hindi lang ako! Marami pala kaming pinagka-utangan ng ama mong kriminal!"
Naikuyom niya bigla ang kanyang kamao.
"Don't call my dad like that"
"Ha!? Bakit naman hindi!? Hindi ba't kriminal naman talaga ang tatay mo? Bukod sa napakaraming utang, rapist pa at mamamatay tao! Siguro ganun ka rin ano!?"
Huminga ng malalim si Astrid dahil parang anumang oras ay sasabog na siya. Gustong-gusto na niyang saktan ang babaeng nagsabi sa kanya nun dahil inakusahan siya nitong isa ring kriminal.
"Wala kang karapatan na sabihan akong kriminal. Wala kang alam" naging sarkastiko ang mukha ng babaeng kausap niya.
"Nakikita niyo!? Walang galang pati ang anak! Diba may kasabihan tayong kung ano ang puno siya rin ang bunga? Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay nasa kulungan ka na rin"
Kulang na lang ay hilain niya ang buhok ng babae palapit sa kanya at kalbuhin ito. Pero ginawa niya ang lahat para magtimpi dahil ayaw niyang ipakita sa mga tao na kaya niyang manakit ng tao dahil alam niyang mas lalala lang ang kalagayan niya.
"May utang din sa akin si Antonio! Daan-daang libo ang halaga! At dahil ikaw na lang ang natitira niyang pamilya, kailangan bayaran mo kami! Kung hindi ay magsasampa kami ng kaso!"
Hindi na niya napigilan ang mapaluha.
"Why me? Why do I have to suffer this kind of life?" mapait at walang buhay na wika niya habang umiiyak.
"Bakit kailangan kong pagbayaran ang utang ng ama ko na wala naman akong alam?" lumuluha niyang tanong.
"Naku! Hindi mo kami madadaan sa pag-iyak-iyak mo! Kung pagsasama-samahin mo ang utang niya, milyun-milyon na ang aabutin. Putaragis! Bayaran mo ang mga utang niya!"
"Pero wala po akong pera!" dahil sa pagtaas niya ng boses, nakatanggap siya ng isang malutong na sampal.
"At sino ka para pagtaasan ako ng boses!? Wala akong pake kung wala kang pera! Gumawa ka ng paraan para bayaran ang utang ng kriminal mong ama!"
Mapait na lang siyang napangiti. Pakiramdam niya talaga ay manhid na siya matapos ang araw na maideklarang ikukulong na ang kanyang ama. Dahil doon ay maging ang pamumuhay niya ay naapektuhan. Nahusgahan maging ang pagkatao niya.
Malamig ang mga mata niyang tumingin sa babae dahilan para mapaatras ito.
"B-bakit ganyan ka makatingin? Tinatakot mo ba ako!?" huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Kung balak niyo akong kasuhan, siguro naman ay pwede ko rin kayong kasuhan sa salang trespassing at harassment" madiin at malamig na sabi niya dahilan para matawa ang babae at ang iba.
"Aba't talagang nanakot ka pa!? Sino ka para takutin ako! Siguro mamamatay tao ka rin talaga!" napangisi na lamang si Astrid.
"Kung totoong mamamatay tao ako, kanina pa lang patay ka na" nanlaki ang mga mata ng babae dahil sa sinabi niya.
"Talagang walang modo! Mana ka talaga sa ama mo! Dapat sayo itinatapon din sa kulungan!"
Muling itinaas ng babae ang kanyang palad para sana sampalin si Astrid pero ang lahat ay napatigil dahil sa pag-alingawngaw ng isang boses.
"If you lay your fucking filthy hands on her, I swear you'll never see the sunrise again"
Lahat ay napatingin sa biglaang pagdating isang lalaki. Maging si Astrid ay napakunot ang noo nang makita ang isang lalaking hindi pamilyar sa kanya. Nakasuot ito ng itim na pantalon at puting polo na nakatupi hanggang siko at bukas ang unang dalawang butones nito.
Sinuri ni Astrid ang mukha ng lalaki. May itsura ito at unang tingin mo pa lang ay mararamdaman mong malakas ang karisma nito kaya mas lalo siyang nagtaka sa biglaang pagsulpot ng lalaki. But what caught her attention was his devilish yet lovable eyes.
Who is he?
"At sino ka naman!?"
Tumigil ang lalaki sa paglakad at saglit na tiningnan si Astrid. At tila ba nagsitaasan ang kanyang mga balahibo nang ngisian siya ng binata.
"Me?" ngising tanong niya.
"Sino pa nga bang tinatanong ko? Alam mo ang gwapo mo pa naman sana pero bingi ka pala!" mas lalong napangisi ang binatang bagong dating.
"Sa sobrang bingi ko, naririnig ko na yung boses mong umaalingawngaw hanggang kanto" mapang-asar na saad niya dahilan para mamula ang babae dahil sa inis.
"Ano!? Anong sinabi mo!? Sino ka pa para pagsalitan ako ng ganyan!?"
Muli niyang nginisian ang babae.
"Me? My name is not worthy of telling it to a trash like you"
Burn! Yan ang nasa isip ni Astrid dahil sa pagsupalpal ng binata sa Ale na kausap nito gamit ang kanyang mga salita.
"But that girl..." natigilan si Astrid nang ituro siya ng binata. Napakurap-kurap na lamang siya nang muli siyang tingnan nito.
At ganon na lang ang pagkatigil ng mundo niya sa sunod nitong sinabi.
"That girl is mine. So whoever touches her will fucking face my wrath, and I swear to hell that I'm going to bring you down"

Comentário do Livro (245)

  • avatar
    Bai Zhizah AI

    plss. for may babies needed

    2d

      0
  • avatar
    Lang Tormis

    sobrang ganda at kilig😆😆😆🥰🥰🥰🥰😘

    12d

      0
  • avatar
    Imelda Rosario Ravancho

    so nice

    14d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes