logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

❝Hangganan❞
"Mag-iingat ka. Siguraduhin mong makakabalik ka nang buo at walang galos. Naiintindihan mo ba, anak? Ipangako mo." Si Ina ay walang tigil na hinahaplos ang pesnge ko. Parang tutulo na ang luha sa mata niya kaya hindi ko rin mapigilang mapasinghap at manubig ang mga mata.
Nalulungkot ako kase kinakailangan ko muna silang iwan sa ngayon. Sa loob ng tatlong buwan.
"Opo. Pangako, Ina," usal ko at mapait na ngumiti sa kaniya. Halos hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko, ayaw niya akong bitawan. Naiiyak na siya kaya parang maiiyak na rin ako.
Mahigpit ko siyang niyakap at hinagkan ang kaniyang pesnge ng ilang beses. Sigurado akong kakailanganin ko ang presensiya nila sa ano mang haharap sa amin sa misyon.
Nang kumawala ako kay Ina, si Lola naman ang tiningnan ko na matatag pa rin at puno nang tiwala ang ekspresyon. Doon ako nabuhayan ng loob. Pinapalakas niya talaga ang loob ko palagi.
"Naniniwala akong kaya mo, apo. Malakas ang loob kong babalik ka at mahahanap nin'yo siya." Aniya at ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik at siya naman ang tinungo ko at niyakap.
"Maraming salamat sa tiwala, la. Pangako, babalik po ako. Babalik ako sa in'yo." I whispered in her. Naramdaman kong hinaplos niya ang likuran ko at taman na tumango sa aking tinuran.
"Aasahan ko, Rione. Mag-iingat ka."
Para nang tutulo ang aking luha. Pinipigilan ko lang dahil ayokong magpakita sa kanila ng kahinaan. Ayaw kong ipakita sa aking mga kasamahan na iiyak.
Narinig ko ang pagtunog ng kabayo sa likuran namin kaya winala ko na ang namumuong luha sa mata at sa huling beses, nginitian ko ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko.
"Mahal na mahal ko po kayo, Ina, Lola,"
Tuluyan na akong tumalikod at bumungad sa akin ang naghihintay na kasamahan, kapwa nakasakay sa kanilang kabayo. Dumako ang tingin ko sa libreng kabayo sa tabi ni Akhi at ito ang nilapitan.
"H'wag po kayong mag-alala, kasama po ako ni Arza. Pinapangako ko pong sasamahan siya at tutulungan sa anu-mang oras. Ibabalik ko po siyang buo, Lola, Tiya,"
Tumango ang pamilya ko.
"Aasahan ko, anak. Mag-ingat kayo sa paglakbay. Nawa'y sumainyo ang basbas ng mga diyos sa langit."
Nagdadalawang isip akong umalis dahil tiyak mangungulila ako sa kanila. Hindi tiyak ang panahong susuungin namin. Labis itong mapanganib kaya sana gabayan ako ng mga diyos na mapagtagumpayan namin ang misyong ito. Kahit tungkol din sa kanila ang misyong gagawin namin.
"Opo, Tiya,"
Nauna kong isampay sa kabayo ang aking mga dala bago ako umangkas. Mabuti at marunong ako mangabayo dahil tinuro sa akin ni Lolo ng bata pa lang ako. Isa iyon sa pinakahindi ko makakalimutang ala-ala kaya pinapahalagahan ko ito at sinasanay palagi sa tuwing mahiram ko ang kabayo ni Akhira, si Akhiro.
Tipid kaming nagkatinginan ng kaibigan at nang maging handa na ako, tumango si Prudence sa lahat bilang tanda na aalis na kami. Kanina ay sila ang pormal na nagpaalam sa akin kina Ina. Doon nabawasan ang pag-aalala ni ina dahil pinangako mismo ni Prudence sa harapan ko na gagabayan niya ako at hindi hahayaang malagay sa panganib.
Pinalo ko ang kabayo kaya nagsimula itong gumalaw, kasunod sa mga kasamahan ko. Puno nang paninibugho ang aking dibdib. Hindi ko maiwasang malungkot dahil mawawala ako sa piling ng Ina at Lola pero nakakaramdam din nang kakaibang sensasyon dahil sa misyong tatahakin namin.
Magsisimula na. Nalulungkot ako ngunit kinakabahan din sa kabilang parte.
"Mag-iingat kayo!" bago lumiko ang aming kabayo palabas sa kakahuyang ng Fliore De Cereses, narinig ko pa ang malakas na pagsigaw ni Ina.
"Tulungan n'yo ang isa't-isa! H'wag nyo sana hahayaang magkawatak-watak kayo! Mag-iingat kayo!"
"Pangako, ina." Bulong ko sa sarili.
Inilihim ko na lang ang aking ngiti at itinuon sa daang tinatahak ang atensiyon. Nasa pinakahuli ako kaya natatanaw ko silang lahat. Siyam kami sa paglalakbay na ito. Si Prudence, Gihon, at Leviticus ay ang nasa pinakauna at seryosong nag-uusap. Si Dare, Khione, Akhira at Darius ang humahabol. Seryoso ang dalawa, si Akhi ay halata ang tuwa sa ekspresyon habang si Ione naman ay mukhang inaaway ang kabayo niya dahil magalaw ito at parang nahuhulog na siya. Nangiti ako nang makita ang kanilang iba't-ibang reaksiyon hanggang sa maligaw ang tingin ko sa isang seryosong mata na nasa akin ang tuon.
Napalunok ako sa paninitig sa akin ni Rithius. Ngayon ko lang namalayan na halos magkasabay lang ang kabayo namin.
Hindi tulad nang akala ko, hindi siya umiwas nang tingin at pinagmasdan pa ako kaya nakaramdam ako nang pagkailang. To ease the akwardness, tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Seryoso lang siyang umiwas nang tingin. Napako naman ang tingin ko sa kaniya pabalik.
Membro ng isa sa pinakamalakas na angkan sa buong Nervana si Rithius. Isa siyang dugong Ghaditi at malaki ang kanilang kontribusyon sa larangan nang pag-ungkat ng ginto at metal at iba pang yamang mineral na ginagawang kagamitan ng mga sundalo sa apat na kaharian. Sa pagkakaalam ko, siya ang tanging tagapagmana ng kaniyang balong Ama. Wala siyang ina dahil namatay raw ito sa malubhang sakit nang siya'y sanggol pa lamang.
Hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya nakikipag-usap sa amin dahil talagang iba kami sa kaniya. Ako at si Akhira ay lumaking mahirap. Mabuti pa ako, may Ina at Lolang kinagisnan, habang si Akhira ay namulat na walang mga magulang at ang isang malayong kamag-anak na ang nagpalaki sa kaniya. Mabuti sana kung mabait ito, ngunit ang Tiya niya ay nuknukan nang sungit kaya naging mapangahas siya klase ng babae. Malakas ang loob niya sa mga ganitong bagay at mas gugustuhin tumagal sa ibang lugar kaysa sa mamuro sa bahay ng Tiyahin niya.
Si Khione, Prudence at Gihon naman ay lumaki mula sa mayayamang angkan sa Ludemier. Isa sa mga mayamang angkan sa Ludimier ang kanilang Pamilya at nakukuha agad ang gusto sa isang pitik lang ng kamay.
Kaya hindi na nakakapagtakang maarte at pilyo si Khione dahil wala rin siyang mga kapatid sa mga mayamang magulang. Siya'y tinuring na milagro ng mga ito dahil ang ina niya'y walang kakayahang magdala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan kaya tinutularan lang ang mga bisyo.
Si Dare at ang kambal naman ay nasa normal na estado lamang ayun sa aking pagkakarinig sa kanilang usapan kahapon. Bukod doon, wala na akong ibang alam sa kanila ngunit tiyak na mga manggagawa rin ang kanilang angkan at namumuhay na sakto sa pang-araw-araw ang kinikita.
Tatlong buwan ang misyon namin. Siguradong may mapaghihihangahan kami pero sagot namin ang aming pagkain at kagamitan sa misyong ito. Kahapon, bago kami umuwi, hinati-hati namin ang mga kakailanganin at kung sino ang dadala.
Si Gihon at Khione ang siyang bahala sa mga pagkain namin. Si Rithius ang sa dadalhin naming ginto at pilak para sa paglalakbay at tiniyak niyang bastante ito sa mga hindi inaasang mangyayari. Si Darius, Dare at Leviticus naman ang sa mga pangangailangan namin iba bukod sa pera at pagkain. Habang kami naman ni Akhira ang tagadala ng mga espada at panangga.
Si Akhira ang matalino sa mga ganito kaya siya ang inaasahan ko. Magaling din siya sa pakikipaglaban kaya buo ang loob kong maliligtasan namin kung may haharapin man kaming kaaway. Sa tulong nang panalanging sa mga diyos at diyosa. Kahit papaano'y marunong din ako pumana. Iyong ang gamay ko. Doon lang ako magaling.
Pero sana walang mangyaring away. Mas gugustuhin ko ang mapayapang paglalakbay. Sana mahanap namin ang Lostrous at makita si Elmodor. Sana magtagumpay kami.
Diretso ang lakad nang aming mga kabayo sa ilalim nang matayog na kaguban ng Ludimier. Dalawang oras na ang tahimik naming paglalakabay at nangangawit na ang mga balikat ko sa paghawak nang pangontrol sa kabayo. Tiniyak lang din namin normal lang ang lakad ng hayop para hindi agad ito mapagod.
"Ang sakit na nang balikat ko! Hindi ba muna tayo magpapahinga?" reklamo ni Khione.
Tamad siyang nilingon ni Akhira.
"Dalawang oras pa lang tayong naglalakbay, pagod kana agad? Paano pa kaya kung abutin tayo ng tatlong buwan sa paglalakbay lang?" sarkastikong saad ng kaibigan kaya agad umusok ang ilong ni Ione.
"Tse! You're so pakeilamera! Hindi naman ikaw ang kinakausap ko!" Khione taunted and glared at her. She whipped her horse to reach Akhi and even surpassed her.
"Yuck, you should thank me for talking to you 'cause nobody wants to listen. I'm just concern you would look baliw in your horse while whining!" isang pamilyar na salita ang binanggit ni Akhi kaya tumakas ang tawa sa labi ng mga lalake sa unahan.
Khione sneered.
"What's so funny? And you!" she pointed Akhira. "Stop copying my words. Manggagaya ka!"
At iyon na naman ang mitsa nang walang katapusang sagutan ng dalawa. Wala talaga silang pagbabati at nakakarindi na ang kanilang sigawan. Pati ang mga hayop sa dinadaanan namin ay nabubulabog sa kanilang boses. Nagsisiliparan ang mga ibon sa sanga.
Wala silang pinipiling lugar. Ni-hindi nila naisip na maaring may mga bandido sa paligid at pwede kaming marinig at tugisin. Hay. Mga isip bata talaga. Parang wala lang kami sa gitna nang paglalakbay at nasa silid paaralan lamang sila.
"Ano ba kayo, tama na 'yan. Nasa gitna tayo ng kagubatan." Saway sa kanila ni Dare. Pinabilis at inilebel niya ang kabayo sa kanila.
"Patigilin mo kase iyang bruhang bratinilya na iyan! Ang ingay ng bunganga!" pinabilis ni Akhi ang kabayo para makasabay sina Prudence.
"Ikaw ang tumahimik! Bruha ka! Sumasabat e hindi naman ikaw ang kinakausap ko!" sabat naman ni Khione kaya napakamot na ng batok ang kambal.
"E sumasabat ka rin naman kung ako ang magsalita ah? Ako ka ba ginto?" asik na natatawa ni Akhi.
Si Dare ay bumuntong hininga at mas nilapitan siya. Sila ang nag-usap at nakakagulat na tumahimik agad si Khione. Nagbubulungan na nga sila sa katunayan. Wala akong reaksiyon. Nasanay na ako sa kanilang dalawa at sa kakulitan ni Akhira.
Natahimik ulit ang paligid. Si Rithius ay nasa tabi ko pa rin at seryoso ang tingin sa unahan. Ang tahimik talaga niya. Paano ko ba siya mapapagsalita?
Bumuntong-hininga ako. Siguro masabuting tumahimik na lamang ako kaysa ang isipin iyon.
"Saan ba talaga ang tungo natin?" Reklamo na iyon ni Dare nang inabot na kami ng apat na oras sa paglalakbay.
Nasa gitna pa rin kami ng kagubatan at batid kong nasa teritoryo pa rin kami ng Ludemier. Tila umiikot lamang kami.
"Patungo tayo sa hangganan ng Ludemier at Terremoir. Huwag kayong mag-alala, malapit na tayo--nandito na nga pala tayo," naputol ang salita ni Prudence nang malingat ang atensiyon niya sa unahan. Nalingat din ang amin.
Walang mataas na pader o bakal na harang ang humati sa dalawang kaharian dahil ang palatandaan nito ay ang magkaibang kulay ng lupa.
Kayumanggi ang sa Ludemier habang mapula-pula naman ang sa Terremoir. Nagmistula itong may linya sa gitna at kinulayan para magtandang nasa pagitan na pero ito'y natural na kulay ng lupa lamang.
Tumigil kaming lahat. Nasa hangganan na nga kami ng dalawang kaharian.
"Nandito na tayo."

Comentário do Livro (257)

  • avatar
    BaquiranJoy

    you're the best writer ate, support huhu ily! magbabalik alindog na ko sa pagbabasa para isupport ka. lab na lab kita ate bakit ganon, charot. basta kapag nagbabasa ako ng mga stories mo i feel like i'm moving into different dimension. literal na the best! 👌

    18/03/2022

      0
  • avatar
    KI Ven Benitez Taca

    nice story

    3d

      0
  • avatar
    Mark Johnson Bacquial

    Very good

    11d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes