logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 6: KILLED INFRONT OF ME

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)
Mabilis akong bumangon dahil ayaw kong ma-late ng gising. Sanay na kasi akong magising ng maaga dahil tumutulong ako kay nanay kapag siya'y nagluluto. Pero, iba na ngayon dahil wala na siya sa tabi ko. Lumingon ako kina Chan at Rylie na natutulog pa.
Ganito na lang ba ang buhay ko? Pangarap ko pa naman dati na mamasyal kami ni mama sa magagandang lugar pero hindi ko na 'yon magagawa ngayon. Gustong sumaya sa buhay pero my life is like a mess. A life of blank person that there's no path in her life.
Tumayo ako at unang ginising si Chan dahil malapit siya sa aking kama. "Chan, gumising ka na. Kailangan pa natin magtrabaho," sabi ko at ginigising siya.
Niyugyog ko siya at namulat ang isa niyang mata. "Gumising ka na, baka maparusahan ka pa," sambit ko sa kanya at agad naman siya kumilos.
Lumapit naman ako sa kinaroroonan ni Rylie at niyugyog ito. "Gumising ka na, Rylie. Kailangan mo magising ng maaga para hindi ka maparusahan," sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagmulat ng dalawa niyang mata.
Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at kinusot ang kanyang mata. Hindi namin alam kung anong oras na dahil wala kaming orasan dito sa kwarto namin. Narinig namin ang ring kaya naman tumayo kami ng maayos at nagsimula na maglakad. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko habang naka-bun ang buhok ni Ryle at ponytail si Chan.
Lumabas kami sa room at pumunta sa likod ng hall dahil doon ang kainan. Nakita namin ang iba na nakapila para kumuha ng kakainin nila. Pumila rin kaming tatlo at napansin ko na maraming nakabantay sa amin. Mabilis umusad ang pila at hindi ko namalayan na ako na pala. Nasa likod ko si Chan at sa likod naman niya si Rylie.
Umalis na 'yong sa harapan ko kaya ako na ang sunod. May binigay sa akin na plato ang namimigay ng pagkain. May isang cup na kanin, ulam na piniritong isda at pakbet. Sa tabi ng plato ng pagkain ay ang tubig na nakalagay sa tray. Nagsimula na ako maglakad at naghanap ng maupuhan. Nakita ko na may bakante na mesa roon sa dulo kaya roon ako pumunta. Sumunod naman sa akin si Chan at Rylie na kakatapos lang nila kumuha ng pagkain.
"Dito na tayo umupo," sambit ko sa kanila at umupo na kami sa upuan.
Kaharap ko si Rylie at sa tabi ko naman si Chan. "Kumain na tayo baka may gagawin na tayong trabaho pagkatapos nito," sabi sa amin ni Chan habang nagsisimula na siya sa pagsubo ng pagkain.
"Tama ka, baka pinamamadali na tayo," segunda naman ni Rylie sa amin.
Kumain na kami at wala mismo nagsasalita sa amin para mabilis kaming matapos sa pagkain. Napatigil kami sa pagsubo ng may narinig kaming malakas na dabog. Lumingon kami sa harap at nakita namin 'yong lalaki kahapon na nag-anunsyo na nakatayo na katabi pa 'yong lalaki na una naming nakita, 'yong laging nakangisi. Pansin ko rin na same height lang sila.
"Bilisan niyo sa pagkain para magawa niyo na ang mga gawain niyo. Habang 'yong head maid ay hatiran mo ng pagkain ang Superior sa 4th floor sa hapag kainan," anunsyo nito kaya hindi na kami nagsayang ng oras.
Binilisan namin ang pagkain dahil pinamamadali nila kami para magawa na namin ang aming mga trabaho. Mabilis kaming natapos sa pagkain at nagsilapitan naman ang mga babaeng  naka-assign sa kainan para iligpit ang mga pinagkainan namin.
Biglang may lumapit sa akin na babae na may hawak na uniform. "Isout niyo po ito at pagkatapos ay lumapit kayo ulit sa amin para maibigay namin ang pagkain ng Superior na dadalhin mo sa kanya," sabi nito habang nakalahad ang damit sa harapan ko.
Kinuha ko naman ito at lumingon kina Chan at Rylie. "Magkita na lang tayo mamaya, gawin niyo na ang trabaho niyo baka mapagalitan kayo," sabi ko sa kanila at tumango naman sila.
"Sige, magkita tayo mamaya," paalam sa akin ni Rylie at kumaway ako sa kanila.
"Basta, mag-iingat ka," paalala sa akin ni Chan.
"Kayo rin," paalam ko sa kanila at nagsimula na maglakad papunta sa cr na katabi ng counter.
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at nagsimula na magbihis narinig ko ang mga yapak kaya alam ko na may pumasok.
"Nakita ko ang pagmumukha ng Superior," rinig kong sabi ng isa.
"Talaga? Anong mukha niya?"
Paano kung malaman ng iba ang pinag-uusapan nila? Alam ba nila na pinagbabawal na makita ang pagmumukha ng Superior. Gusto ko sana pagsabihan sila pero baka madamay pa ako.
"Ang gwapo niya pero may napansin akong kakaiba sa kanya,"
"Ano naman 'yon?"
"Ang putla niya at 'yong mata niya,"
"Anong meron sa mata niya?"
"Basta,"
Wala na akong narinig na boses at tanging pagsara lang ng pintuan ang narinig ko. Lumabas ako sa cubicle at inayos ang aking sarili. Lumabas na ako tuluyan sa cr at lumapit sa counter.
"Nasaan na 'yong pagkain ng Superior?" tanong ko sa kanila at tiningnan naman nila ako pero agad din sila kumilos.
Nag-alaala ako roon sa dalawang babae. Paano kung may nakarinig sa kanila? Kamatayan ang kapalit kapag nalaman ng mga bantay at organisasyon ang pinag-usapan nila sa loob ng cr. Agad nilang binigay sa akin ang tray na may mga laman na pagkain pero may takip kaya hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ito.
"Mag-iingat ka," paalala sa akin ng taong nagbigay ng pagkain.
"Naitindihan ko, salamat,"
Tumango pa ako at saka nagsimula na tuluyan maglakad. Sana hindi ito matapon lalo na sa 4th floor ko ito dadalhin. Habang naglalakad ako papunta sa 1st floor ay kinakabahan na ako.
"Mag-ingat ka, baka matapon 'yan at maparusahan ka pa," sabi ng taong nasa gilid ng hagdan na nasa dulo ng itaas.
Nakasout ito ng white t-shirt na pares ng pajama gray. Black ang kanyang buhok at malinis ang gupit nito. Bilugan ang kanyang mata at napakaamo ng mukha niya. Matangkad din siya at manipis ang kanyang mga labi. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya.
"Naitindihan ko, salamat," sabi ko sa kanya at nagsimula na maglakad paalis.
May nakita akong straight na table na mahaba at maraming upuan. May nakita akong naka-mask ng itim sa dulo at maitim din ang kanyang sout. Agad akong yumuko dahil panigurado ako na siya ang Superior.
"Come here," utos nito kaya lumapit ako sa kanya habang nakayuko.
Nilapag ko sa mesa niya ang tray ng hindi man lang siya tinitingnan. Pagkatapos ko ilapag ito sa harapan niya ay mas lalo kong niyuko ang aking ulo.
"Ayan na po ang pagkain niyo," mahina kong sabi habang kinakabahan.
Narinig ko ang pagbukas niya sa mga takip nito. Bahagya akong lumayo sa kanya kasi naamoy ko ang pagkain na kinakain niya. "Do you know what I hate the most?" tanong niya bigla kaya nanlaki ang mata ko.
Anong ibig sabihin niya? May nagawa na akong mali? Pero, wala naman akong ginawang mali sa kanya. Nanatili akong tahimik dahil wala akong maisagot. "Are you not going to answer my questions?" tanong niya ulit kaya mas lalo akong kinabahan.
Malay ko ba kung ano ang pinakaayaw niya sa lahat. "I'm sorry, Superior. But, I don't know what you're talking about. I didn't do anything that against in the rules," mahina kong sabi kaya narinig ko ang pagtigil niya sa pagkain.
Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Basta, alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa kanya.
"I'm not pertaining you, I am talking to someone who disobeyed the most important rules in this Palace. Do you know the most important rules here?" dagdag niyang sabi at narinig ko ulit ang ingay ng mga utensils sa pagkain.
Kahit na kinakabahan ko ay kailangan ko sagutin.
"The most important rules here is no one can see your face or else they will receive punishment," sagot ko pero nanlaki ang aking mata dahil sa aking sinabi.
Narinig niya ba 'yong dalawang babae na pinag-usapan siya sa cr. Pero, paano niya nalaman gayong walang tao roon at wala siya roon.
"They will face death and that is the punishment. They really underestimate me and disobeyed my rules. Then they are ready to face the punishment,"
Ang lalim ng boses niya at boses ito na nakakatakot na ayaw mong marinig. Narinig ko ang pag-atras ng upuan kaya sa tingin ko ay tumayo siya. "Follow me, I want to show you something interesting," sabi niya at nagsimula na siya maglakad kaya sinundan ko naman siya.
Nakayuko lang ako dahil baka parusahan niya pa ako kapag tiningnan ko siya. Nakababa na kami at napansin ko napatigil lahat sa kanilang ginagawa. May ilang din na nagsilapitan. Umangat ako ng tingin at tiningnan ang mga tao. Nakita ko rin sina Chan at Rylie sa hindi kalayuan.
"Gusto ko parusahan ang lahat ng sumaway sa utos ko. Lalo na sa taong hindi sumunod sa importanteng rules," panimula niya at lahat ay napasinghap.
Walang sumubok na magsalita. "Bring them here," utos niya at nagulat ako dahil may hinihila na dalawang babae 'yong taong pumaslang noong una kaming kinuha.
Dinala niya sa harapan ng superior 'yong dalawang babae. Umiiyak naman ang dalawang babae. "Patawarin mo na kami, wala kaming ginawang masama," paghihingi nila ng tawad pero narinig ko ang tawanan ng mga lalaki.
Sila 'yong labing dalawang lalaki na bumubuo sa organisasyon. "Nagmaang-maangan pa, nalaman na nga namin ang ginawa niyo," sabi ng lalaking nakasout ng sleeve less.
Siya 'yong lalaking malaki ang biceps. "Parang awa niyo na, wala kaming ginawang masama," hinging patawad ng isang babae na mataas ang buhok.
"Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong nagsisinungaling. You look so stupid, how's the feeling? Begging your life for me? How nice of you. Sorry, but I'm not buying it. Congratulations for being brave, for being stupid people," sambit niya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Hinila niya sa leeg 'yong babaeng maliit ang buhok at sinakal sa leeg. Nagpatuloy sa pagpupumiglas 'yong babae pero wala man lang siya pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay mamatay 'yong babae. Nalagutan na ng hininga 'yong babae at tinapon niya ito pagkatapos.
Napatakip ako sa bibig ng makita ang mukha ng babae. Namutla siya habang unti-unti siyang natutunaw. Sunod naman niyang nilapitan ay 'yong babae at isang sampal niya lang ay natanggal na ang ulo ng babae.
Napaiwas ako ng tingin at nanginig ang aking katawan sa takot. Hindi ko akalain na ganito ang parusa. "This is daily reminders to all of you that never messed up with me. Follow my rules because I am the superior. I am the superior of this place and no one can beat me on it," sabi nito at lumingon sa akin kaya lang hindi na ako nakayuko.
Nakasout ito ng mask na halos walang makita sa kanya. Naka-hood din ito kaya mas lalo akong nagtaka sa hitsura niya. Ano kaya ang hitsura niya?

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Cristine Siaron Vargas

    I love the story❤️

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Mydear16

    love story

    03/10/2022

      0
  • avatar
    John Rey Famor Pradel

    Good story

    22/06/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes