logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

DOMINANCE STRATEGIES

DOMINANCE STRATEGIES

misshychii


KABANATA 1: MIDNIGHT CROWD

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)
"Ma, bakit ba kailangan natin magtago rito sa liblib na lugar?" tanong ko kay mama habang naglalaba ng aming mga damit.
Nasa labas kami pareho dahil sa labas ng bahay namin ay may poso kung saan doon kami kumukuha ng tubig habang nasa kabilang gilid ng bahay namin ay doon kami nagluluto ng pagkain ni mama. Kahoy lang ang ginagamit namin sa pagluluto na ako pa ang nagsisibak.
"Anak, mas maganda rito. Payapa at presko ang hangin kaysa siyudad," tugon niya sa akin pero alam ko hindi iyon ang dahilan niya.
Gusto ko sana pumunta sa siyudad para roon magtrabaho kaso wala pala akong natapos at baka walang tumanggap sa akin.
"Alam ko hindi 'yan ang rason. Kung sana, hindi lang tayo iniwan ni papa. Edi sana masaya sana ang pamumuhay natin," mahina kong sabi pero halatang narinig ni mama dahil napatigil siya sa pagpaypay sa apoy.
Sumama kasi si papa roon sa mayaman niyang kabit dahil hindi niya kami kayang buhayin. Napaka-lame ng rason niya dahil ayaw niya lang diretsong sabihin na mahal niya 'yong kabit niya.
"Anak, matagal ko na napatawad ang papa mo,"
Napailing na lang ako habang patuloy sa paglalaba. "Ma, bakit kasi ayaw mo akong payagan na makapagtrabaho sa siyudad. Mas malaki ang sahod roon kaysa naman sa paglalaba ko ng mga labahin sa bawat bahay rito. 100 nga lang ang pinakamalaki nilang naibigay," sabi ko pa kay mama at this time ay napalingon na siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ako payagan. Matagal ko na sa kanya ito hinihiling pero ayaw niya talaga.
"Ana, matagal na natin ito napag-usapan, kahit anong sabihin mo ay hindi kita papayagan. Naintindihan mo ba?" strict na sabi ni mama at tinaasan ako ng kilay.
Kahit ganyan siya ay alam ko na concern siya sa akin. Ana ang tawag niya sa akin, short term ng Anasha. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko na hindi niya ako papayagan.
"Sige. Gusto ko lang naman na mabigyan kayo ng maayos na buhay," sambit ko rin at tiningnan ko si mama na bumalik na sa ginagawa niya.
"Anak, kuntento na ako sa ganito. Mas mabuti na nandito lang tayo,"
Kahit hindi ko siya naintindihan ay pumayag ako sa mga habilin niya. Natapos na ako sa pagkuskos ng damit kaya magbabanlaw na ako ng damit. May sampayan kami sa tabi ng poso na hindi naman gaano kataas at kahaba.
Sang-ayon naman ako sa sinabi ni mama na presko at matiwasay ang pamumuhay rito pero natatakot lang ako kapag gabi. Habilin sa akin ni mama na huwag magbubukas ng pinto kapag gabi kahit sino pa naman ang kumakatok. Naririnig ko rin ang malakas na takbuhan at palahaw ng mga hayop dito.
Natatakot ako pero wala akong magawa dahil 'yon ang desisyon ni mama. May kaibigan ako na nakatira sa Vladiries District, ayon sa kanya ay ligtas naman sila roon. Sa Chan District kasi kami nakatira at bihira lang ang mga tao rito.
Wala masyado kaming kapitbahay. "Ma, bakit hindi na lang tayo tumira sa Vladiries District? Ayon sa kaibigan ko ay may bakanteng bahay sa tabi ng bahay nila," suhestyon ko sa kanya habang naglalaba.
Nagulat ako dahil nabitawan niya ang dala niyang mangkok at sandok. Hindi ko mawari ang reaksyon niya.
"Ma, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at lumingon siya sa akin.
Nagtaka ako sa inasta niya dahil naging balisa siya at nagsimula na maglakad palapit sa akin. Bakit ganito siya makaasta? May problema ba? Huminto siya sa tapat ko.
"Anak, mangako sa akin," sabi niya bigla kaya mas lalo akong nagtaka.
"Oo naman, Ma. Ano 'yon?" sagot ko sa kanya at parang Kinakabahan siya sa sasabihin niya.
"Huwag kang pupunta sa Vladiries District at mas lalo na sa siyudad. Mas mabuti na dito lang tayo. Anak, huwag mo sana itong mamasamain pero ginagawa ko ang lahat para sa'yo. Ikaw lang ang tanging naiwan sa akin at ayaw kong mawala ka pa," nagmamakaawa niyang sabi at nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha.
Binitawan ko ang damit na binabanlawan ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Pangako, gagawin ko ang mga habilin mo sa akin,"
***
Nakakapagod ang araw na ito. Kakatapos ko lang maglaba at nandito ako sa kwarto namin ni mama. Nakahiga sa banig na nakalatag sa semento. Aminado ako na hindi masyadong malaki ang bahay namin. Gawa sa kahoy at semento lang ito.
Hindi ko akalain na ang dami ko pa lang nilabhan. Napapaisip pa rin ako kung hindi kami iniwan ni papa ay buo sana kami at walang problema, obligasyon niya rin na buhayin kami pero mas pinili niyang iwan kami.
"Anak, handa na ang tanghalian. Hindi ka pa ba kakain?" tanong ni mama kaya napangiti naman ako.
Kanina pa ako nakakaramdam ng gutom at mabuti na lang at luto na ang niluluto ni mama. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at palukso-lukso lumapit kay mama.
Napailing naman siya sa inasta ko.
"Dalaga ka na anak pero kung umasta ka parang kang bata," suway sa akin ni mama habang natatawa.
Medyo mataba ang pisnge ni mama at namana ko naman 'yon pero ayon sa mga kakilala ko ay hindi naman daw mataba ang pisnge ko. "Alam ko naman 'yon, ginawa ko lang kasi ang sarap bumalik sa pagkabata," sabi ko sa kanya at napangiti na lang siya sa akin.
"Kumain ka na," aya niya sa akin at umupo naman ako sa upuan na gawa sa kahoy.
Mesa rin namin ay maliit lamang na gawa sa kahoy na nasa sala namin. Dalawa lang ang upuan nito. Wala masyadong ka-porma ang bahay namin. May mga kunting design lang sa dingding na ako ang naglagay.
Ang bintana naman namin ay sa sala lang at sa kusina. Gawa lang din sa kahoy na dalawang pintuan ang design then may lock sa gitna nito. Ang bubong naman namin ay mga butas kaya kapag umuulan ay nilalagyan namin ng basahan ang pinapatakan nito.
Nagsimula na kami sa pagkain at tahimik lang kami kumakain pero may katanungan pa rin sa isipan ko. "Ma, anong klaseng ingay 'yong naririnig ko kada alas dose ng gabi? Parang nahihirapan 'yong mga hayop at may naririnig akong tumatakbo," pagkwento ko sa kanya at tumigil muna sa pagnguya.
Noong isang gabi kasi, hindi ako dinalaw ng antok dahil lampara lang gamit namin at naiinitan ako dahil hindi naman kami mayaman para makabili ng mga appliances at makabayad sa kuryente. Nagulat ako na may narinig akong palahaw ng mga hayop at takbuhan.
"Anak, huwag mo na pansinin 'yon. Kapag narinig mo 'yon mas mabuti pa na manahimik ka na lang at hayaan na lang ito," sagot ni mama habang patuloy sa pagnguya ng pagkain.
Bakit kailangan na hayaan ko lang? Feeling ko kasi ay may something sa lugar na ito. Wala naman kaguluhan kapag umaga pero kapag gabi na ay ang lalakas ng ingay na naririnig ko na halos hindi ako makatulog.
"Bakit kailangan ko hayaan 'yon?" tanging tanong ko sa kanya.
Tinigil niya ang kanyang pagkain at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Hayaan mo na 'yon, mas mabuti pa na manahimik ka na lang," sagot ni mama at nagsimula na ulit kumain.
Nagsimula na rin ako kumain habang iniisip pa rin ang bagay na 'yon. Hindi ko namalayan na tapos na pala ako sa pagkain. Ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan. Pumayag naman si mama dahil nakaramdam na siya ng pagod.
"Anak, magpapahinga muna ako," paalam ni mama sa akin habang naghuhugas ako ng pinggan sa lababo.
"Sige po," sagot ko sa kanya na patuloy pa rin sa paghuhugas ng pinggan.
Hindi nagtagal ay natapos na rin ako sa paghugas ng pinggan at saka umupo sa upuan na gawa sa kahay na mahaba. Malapit ito sa pintuan at sinara ko ang pintuan. May gate rin kami kaso gawa sa kahoy.
Maliit lamang ang bakod namin. "Aalamin ko kung bakit ganun ang nangyayari kapag gabi? Abangan ko ito," bulong ko sa aking sarili.
Mabilis nakalipas ang oras at gabi na. Kakatapos lang namin kumain at patulog na si mama. Ako naman ay nakatingin sa wall clock na nakakabit sa harapan ng aming higaan sa may pader.
Narinig ko ang paghilik ni mama na tanda na tulog na siya. Malapit na pala mag-alas dose kaya naghanda na ako. Nagbilang ako ng mahina hanggang sa tumama na ang malaking arrow ng orasan sa 12.
Narinig ko na naman ang takbuhan at palahaw ng mga hayop na mukhang pinapahirapan. May naririnig din akong tao na umiiyak na humihingi ng tulong. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naglakad sa may butas sa aming kwarto.
Nasa sulok ito na malapit sa aparador namin na maliit. Hindi naman malaki ang butas at sakto lang sa mata ko. Dahan-dahan akong sumilip at may nakita akong isang tao yata na nakatayo at sa harap nito ay patay na hayop at isang katawan ng tao.
Puno ng dugo ang katawan ng nakatayo habang 'yong hayop at tao ay naliligo sa sarili nilang dugo. Halos manlaki ang aking mata at napatakip sa aking bibig sa sobrang gulat. Nakaramdam ako bigla ng takot at nagsitaasan ang balahibo sa aking katawan.
Bakit ganito ang nangyayari kapag gabi? May batas bang ganito sa amin. Humarap 'yong nakatalikod na tao at nagulat ako sa hitsura nito. Isang tao na may maitim na mata at napakaputing balat na parang naligo sa gatas. May pangil din siya na mataas na matulis. Ang mga kuko niya rin ay matulis.
Nagimbal ako sa takot dahil sa kanyang ginawa. Sinakmal niya ang babaeng tumatakbo at kinagat sa may leeg nito. Mabilis akong napaupo sa sobrang takot. What's wrong on this place? Bakit wala akong alam sa lahat? Kailangan na namin umalis dito kung gusto namin ng kaligtasan.

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Cristine Siaron Vargas

    I love the story❤️

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Mydear16

    love story

    03/10/2022

      0
  • avatar
    John Rey Famor Pradel

    Good story

    22/06/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes