logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 SWEETHEART

Nailipat na ang lahat ng gamit ni Yuri, sa napag-usapan nila ay sa Mansion nga ni Ian sila mamalagi, kinakabahan na naman siya kung saan pilit na magiging maayos ang pakikitungo niya sa lalaki.
Paano niya ito haharapin ga'yong hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magiging misis na siya at isang ina?
Parang isang pitik lang ay nangyari ang pagbabago sa buhay niya, gano'n pa man kailangan niyang suungin ang gusot na sila mismo ang gumawa, mabuti nalang at nariyan ang mga kaibigan nila para tulungan at alalayan sila sa problema nila, at ngayon kailangan na niyang harapin ang a.k.a bahay-bahayan nila.
"Are you okay?"mula sa likuran ay nilingon niya si Ian.
Naroon na sila sa sala, ang totoo nauna na siya kaya nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot nito.
Hindi rin siya agad nakasagot dahil ito ang unang beses na kinausap siya nito ng kusa.
"Uhm,oo,"nauutal pa na sagot niya.
Mabilis siyang tumalikod rito at muling pumikit.
Grabe!hindi 'ko akalaing may asawa na'ko at magiging Ina pa.
Hindi mawala sa isip niya ang hindi kapani-paniwalang nangyari sa buhay niya.
Muli tuloy siyang napalabi at napalipad ng buhok matapos niyang bumuntong-hininga.
Ito ba 'yong kabayaran sa pagiging single ko ng dalwampo't apat na taon?Instant husband and anakshi agad?
"I think it would be best if you rest, go now in our room and I'll bring your stuff upstairs."
Mabilis siyang napalingon rito."S-sa kuwarto na'tin?magsasama tayo sa iisang kwarto?" tanong niya sa pagkagulat.
"Yes, it is one of Kate suggestion remember?baka mahalata ng mga tao rito na nagbabahay-bahayan lang tayo if we are going to sleep in seperate rooms,"kaswal na tugon nito.
Napaawang ang labi niya saka tumalikod at nag-isip.
Wala namang sinabing gano'n si Kate ah?baka naman gawa-gawa lang niya para makasama niya 'ko sa iisang kuwarto.
Naikuyom niya ang palad at sarkastiko itong nginisihan bago inihanda ang nakataas na kilay.
"What?"nagsalubong ang kilay nito.
"Hindi, ayoko." Hindi nagbago ang reaksyon nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Tuloy ay naiharang niya ang parehang braso sa katawan at napapalunok na sinimaan ito ng tingin.
"Tss, I'm not going to do anything with you." Umiling ito saka siya tinalikuran dala ang mga maleta niya.
Napaawang ang labi niya at masama ang mukhang ngumuso.
Nang mawala ito sa paningin niya ay inilibot niya ang paningin sa buong bahay.
Para siyang batang naglilibot at namamangha sa bawat mamahalin at sosyaling bagay na nakikita niya.
"Psh!ano ba Yuri?para ka namang dukha niyan kung makanganga." Bulong niya sa sarili saka mabilis ulit na tumingin sa paligid dahil baka may nakarinig sa kaniya.
Isipin pang kasamahan nga siya ni Becky na nakatakas sa Mental.
Muli siyang lumapit sa isang malaking portrait na nadaanan niya.
Family portrait iyon na may nakapangalang Del Watson Family.
Sa tingin niya ay matagal na nga ang portrait na ginawa dahil lahat sila ay bata pa na naroon, mukhang bata rin ang mga magulang nito.
Doon niya napagtanto kung gaano  kaguwapo at kaganda ang mga magulang na pinagmulan ni Ian, saka niya tiningnan ang isang batang babae na katabi nito.
Mukha itong pamilyar sa kaniya, siguro dahil kahawig nito si Ian sa babaeng bersiyon.
Maganda at mukhang maldita.
Natawa siya sa naisip saka wala sa sariling nilingon ang katabi nito. Hindi niya na namalayan ang sariling mapangiti nang makita ang batang lalaki na natitiyak niyang si Ian.
Bata palang talaga ay guwapo na ito. Kagaya ng nakasanayan niyang ekspresiyon ay hindi ito nakangiti, hindi rin nakabusangot. Nananatili ang walang emosiyong ekspresiyon na para bang sa walang kuwentang bagay nakatingin.
Napakurap siya saglit dahil sa naisip.
Hindi niya maialis sa isip na gano'n din kung tumingin si Ian sa kaniya.
"Ibig sabihin mukha rin akong walang kwenta sa paningin niya?"nakaismid niya agad na bulong sa sarili.
"What are you doing?"
"Ay anak ng timawa!"napakapit siya sa dibdib kasabay ng paglingon sa lalaking nasa likuran niya.
"Jeez, be careful!you might hurt yourself and the baby!"nag-aalala itong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso.
Naestatwa siya at napakurap na tiningnan ang guwapo at nag-aalala nitong mukha.
"Ahh, a-ayos lang..."
Bumuntong-hininga siyang umayos ng tayo nang dahan-dahan niyang inagaw ang braso.
"Didn't I tell you to go upstair and take a rest?"magkasalubong ang kilay nitong tanong sa kaniya, hindi siya nakasagot.
"Uhm," nag-iwas siya ng tingin "Naglilibot lang naman ako, isa pa, hindi naman ako pagod,"mabilis niyang pagdadahilan.
Narinig na niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Does it mean that you have to exhaust yourself before you take a rest?"seryoso nitong tanong na magkakrus ang brasong tiningnan siya.
Naniningkit ang mata niyang hinarap ito."Pinapagalitan mo ba'ko?"wala sa sariling tanong niya. Mabilis itong nangunot-noo saka bumuntong-hininga.
"I'm not, I'm just concern of you."
Napangiwi siya, gusto niyang maniwala sa sinabi nito pero nang sabihin nito iyon ay para bang tinatakot siya.
"Psh, hindi mo kailangang sabihin sa'kin na magpahinga dahil hindi 'ko naman papabayaan ang anak ko." Tumalikod siya rito.
"Anak na'tin,"anito, dahilan para maibalik niya ang paningin sa asawa.
"O-oo nga, anak mo rin." Tumaas ang kilay niya.
Hindi niya aasahang ngingisi ito."Anak na'tin."
"Oo nga!anak mo na'rin."
"I said anak na'tin."
"Anak ng...oo nga—"
"Say it, anak na'tin." Para siyang grade one na tinuturuang bumigkas ng isang salita.
"A-anak na na'tin psh."
"Tss, take a rest now in our room."
"Mamaya na nga." Tumalikod siya ulit.
"You're tired, don't exhaust yourself too much it's my responsibility to take care of you."
"Wala naman kasing mangyayari sa 'kin." Pagdadahilan niya, hindi niya masalubong ang tingin nito.
"Ang tigas ng ulo mo." Naramdaman niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito. Nang mamayani ang katahimikan ay inakala niyang umalis na ito, pero namalayan nalang niya ang sariling hawak na ni Ian and kamay niya at patuloy na hinihila pataas ng hagdan.
Nang paakyat na sila ay mabilis niyang tinapik ang kamay nito kaya naman muli itong napalingon sa kaniya.
"'Wag ka ngang makulit,"nakanguso niyang ismid rito.
"So ako pa ang makulit?"seryoso na naman ang mukha nito at hindi siya nakasagot.
"Bakit ba ayaw mong magpunta sa kwarto na 'tin?"nagtatakang tanong nito. Napapalunok siyang nagbaba ng tingin.
"Kasi..."
"Kasi ayaw mo?"patuloy nito.
"Hindi naman sa gano'n,"mabilis na sagot niya na nag-iwas ng tingin.
"So gusto mo?"
"Hindi ah!"mabilis ulit na sagot niya.
"Then what?"tila clueless na tanong nito.
"Anong ano?"
Hanep din nito ah, manhid lang?
Bumuntong-hininga muna siya bago humarap dito.
"'Wag mong sabihing komportable ka lang na mahiga tayo sa iisang kama samantalang hindi naman tayo magkakilala at ni wala tayong relasyon!"prangka niyang sabi.
'Di porke lalaki siya, aba'y makiramdam naman siya noh!'
"Ah..."tumango-tango ito kapag kuwa'y tipid na ngumiti.
Ah hindi! sarkastikong ngisi 'yon!'yong ngising playboy!
"I see...you forgot what we are, I understand kahit ako hindi rin makapaniwala,"mabilis na nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.
Mas lalong siyang naguluhan.
'ano 'to? amnesia?'wag niyang sabihing MAG-ASAWA talaga kami noon at na car accident naman ako kaya wala akong maalala...hindi malala na 'yon...'
Napatingin siya ulit ng magsalita ito.
"You are Eurica Daz Mendez and I'm Ian Green Watson, see?we know each other at anong sinasabi mong wala tayong relasyon? we are married right?so therefore, MAG-ASAWA tayo." Pagdidiinan nito ang huling salita.
Napaawang  ang labi niya.
"Pero..."hindi pa'rin siya kumbinsido, hindi naman 'yon siguro mapapansin kung sa iba silang kuwarto mananatili.
"What?huwag mong sabihing naiilang kang makatabi ako sa kama,"nakangiting sabi nito, nanlaki naman ang mata niya sa diresto nitong sagot.
"Hoy!hindi mo dapat tinutukso ng gan'yan ang asawa mo!"sinimaan niya ito ng tingin pero hindi manlang nagbago ang ekspresiyon nito.
"Saka natural lang sa 'kin na mailang ako sa'yo, dahil hindi naman tayo magjowa no'n,"papahinang-pahina na sabi niya.
"You don't have to,"kaswal nitong sagot na nagpatahimik sa kaniya.
"I'm sure our baby won't mind having his Daddy lying beside her Mom every night,"saka itong nakangising kumindat sa kan'ya.
Naiinis na pinaningkitan niya ito saka siya tinalikuran.
'Ba't ba'ko nagpakasal sa playboy?'
Napairap nalang siya at napabaling sa kung saan.
Pinag-isapan niya ang lahat ng mga nangyari hanggang sa makuntento.
Nasa harap sila ng hapagkainan ngayon, masarap ang pakikipagtunggali ni Ian sa mga pagkain habang si Yuri ay naiirita dahil sa mga kaharap niya.
"Why you're not touching your food?"tanong sa kaniya ni Ian na sinulyapan lamang siya.
"Wala akong gana,"tinatamad niyang sagot habang walang interes na nakatingin sa pagkain.
Natigilan si Ian at mabilis na humarap sa kaniya.
"What do you mean wala kang gana?look, kailangan mong kumain baka mapano si baby..."
"Ayaw ko niya'n, wala akong gana,"angil niya.
"Then what do you want?I can ask the maids to cook something for you."
"Gusto ko ng prinetong aso,"kaswal niyang sagot na ngumiti rito.
"Yuck!"napapitlag siya ng halos iluwa ni Ian ang kinakaing pork chop, naduduwal na hinarap siya nito.
"What's wrong with you?how could you mention eating a descent adorable pet that supposed to be a man's bestfriend?"hindi siya makapaniwalang tiningnan nito.
Napangiwi  siya at bumuntong-hininga.
"Okay lang, lagi naman nila akong hinahabol noon e. Kwits na ngayon,"balewalang sagot niya.
Ang totoo hindi niya mapigilan ang sariling matakam habang iniisip ang paa ng isang aso sa imahinasyon niya.
"You don't mean that?"doon niya ulit tiningnan si Ian at nababagot itong hinarap.
"Wag kang O.A, okay?hindi naman ikaw ang kakain."
"Don't you have pity for dogs?"parang bata itong maiiyak.
anong meron?pssh arte nito
"Konti, sige na isa lang naman,"nakangiti niyang pangungumbinsi.
"No!"
"Sige na! nagugutom na'ko!"
"You're really serious?"hindi makapaniwalang tanong nito na masama na kung makatingin sa kaniya.
Napasimangot siya at napakrus ng braso.
"Mukha ba akong nagbibiro?"pagtataray niya.
"No fucking way,"mahinang mura nito pero imbes na pansinin iyon ay nakangiti niya ulit itong tinunghayan.
"Sige na."
"Where I supposed to get that?"
"Heheheh problema mo na 'yon,"saka siya nakangiting tumayo.
"Basta 'yon ang gusto ko, saka hindi naman ikaw ang kakain eh,"dagdag pa niya.
Akmang tatalikod na siya ng hawakan nito ang isang braso niya.
"Where are you going?aren't you going to eat your food?"
"Kakain lang ako pag may prinetong aso na,"saka siya dali-daling umalis.
Nakaawang ang bibig ni Ian na tiningnan ang likuran ni Yuri na naglakad papalayo.
Napapalunok siyang nagbaba ng tingin sa naudlot na pagkain. Naduduwal siyang tumayo at ilang beses na pumikit.
"That woman is disgusting!"nandidiring bulong niya saka ilang beses ulit na pumikit at umiling.
Naiirita niyang kinuha ang cellphone saka nakipagvideocall sa mga kaibigan, hindi pwedeng hindi kumain si Yuri baka mapano pa ang anak nila kaya wala siyang pamimilian kundi maghanap ng asong kakatayin. Sa naiisip niya parang masusuka na naman siya.
"Jee'z!"bulalas niya na diring-diri.
Ilang saglit pa ay kaharap na niya ang mga kaibigan.
"I'm busy, what is it?"unang nagsalita si Aldrich.
"Husband's emergency?"pangangatyaw agad ni Rocky.
"I'm a busy man dumbass, make it quick,"si Bry.
Nauutal na sinabi niya ang dahilan ng kan'yang pagtawag.
"Aso?"sabay-sabay na bulalas ng mga kaibigan niya, katulad niya tila naduduwal din ang mga reaksiyon nito pagkasabi no'n.
"Eew!what's wrong with your wife?"usal ni Rocky.
"I-I have no idea, pero puwede bang tulungan niyo muna ako kung saan kukuha ng asong preprituhin?"naiinis na balik niya sa mga ito.
"Yucks!at kami pa talaga ang pinapagproblema mo!"reklamo ni Aldrich.
"I really need your help, hindi puwedeng hindi kumain ang buntis na babaeng 'yon,"naiinis na wika niya.
"Look who's begging, it's a husband emergency,"pinagtawanan siya ni Rocky.
"Shut up! you're not helping."
"I think your wife is insane,"si Bry. Nagkibit-balikat siya dahil gano'n din ang naiisip niya, napabuntong-hininga nalang siya.
"Magpapabili nalang ako sa Pet Shop, siguro naman malinis ang mga aso do'n,"halata sa boses ni Bry ang pagkailang ng sabihin iyon.
Pansamantala siyang nakahinga ng maluwag.
"I owe you Bry."
"Nah." Umiling ito saka siya nginisihan. "Its a sign of my regards. I feel bad for you, you look miserable,"mabilis na sumama ang mukha niya.
"Parang ayaw ko nang mag-asawa, ang hirap mag-alaga ng buntis,"tawa-tawang singit ni Rocky.
"Whatever,"balik niya.
Tinawanan lang siya ng mga ito pagkatapos ay ibinaba niya na ang telepono.
Habang umiiling ay napagdesisyunan niyang puntahan si Yuri para ipaalam rito na meron na itong makakain.
Dang that woman!
Masaya si Yuri sa pamimitas ng mga mangga, hindi naman siya umakyat ng puno dahil gumamit siya ng stair case na pinakuha niya kay Mang Diosdado ang kanilang hardinero, inilalagay niya ang mga 'yon sa isang basket sa kaliwang gilid niya.
"What are you doing?"mula sa kung saan ay natigilan siya sa pamimitas ng marinig ang boses na iyon, lilingunin na sana niya ang pinagmulan ng tinig ng madulas ang isang paa niya. Mabilis ang tibok ng puso niya ng mapagtantong mahuhulog siya.
"Hah...hah...Aughhhh..."marahas niyang sigaw.
"Y-yuri!!!"nakapikit niyang hinintay ang pagbagsak sa lupa.
Pero bago pa siya sumalampak sa lupa ay naramdaman na niya ang isang brasong pumulupot at sumalo sa kan'ya.
Matinding takot at kaba ang naramdaman niya, mula sa pagkakapikit ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Nakita niya si Ian na nakakunot-noo, napaawang ang labi niya ng makita rito ang lubos na pag-aalala, pangamba at takot dahil kanina.
"Ian..."tanging sambit niya.
Dahan-dahan siyang ibinaba nito.
"Are you okay?"nag-aalalang tanong nito.
"Ahh,I'm okay." Parang nakalutang pa'rin siya ng isagot iyon.
"What the hell are you doing?hindi 'ka manlang ba nag-iingat? paano kung wala ako dito at walang sasalo sa'yo?are you out of your mind?"sunod-sunod na tanong nito sa galit na tinig.
Napaamang siya at tila nahimasmasan.
"N-namimitas l-lang n-naman ako ng m-mangga,"napayuko siya dahil sa pagkapahiya.
"Bakit ka ba kasi bigla nalang sumusulpot?"bumuntong-hininga siya at sinimaan ito ng tingin.
Ito naman ang sunod na napaamang.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para makalimutan ang pagkapahiya kanina.
"And now you're blaming me?"
Napalunok siya saka dali-daling bumitaw rito.
"I'm just saying na... kung hindi ka bigla-biglang sumusulpot at manggugulat ede sana hindi ako nahulog,"napalabing aniya.
"I can't believe you're really stubborn, nagdadahilan kapa,"tuluyan siyang natigilan.
Pakiramdam niya ay manunubig na ang mata niya. Suminghap nalang siya saka pasinghal itong tinalikuran.
"I told you I'm fine!" Nakatalikod niya iyong sinabi upang itago ang pagtulo ng luha niya.
Dali-dali siyang tumalikod rito, kinuha niya ang isang basket na pinaglagyan niya ng mga pinitas na mangga.
"Kainis ang lalaking 'yon!ano bang karapatan niya para sigawan ako?!"padabog niyang wika habang papalayo rito.
"Ano ba kasi ang gagawin mo d'yan?"tanong ni Ian na hindi pa niya nililingon.
Naikuyom niya ang kamao at pinahiran ang namasang pisnge.
"Ano bang ginagawa sa pagkain?ede kinakain!"sarkastikong tugon niya rito na hindi nililingon, saka tuluyan na itong tinalikuran.
Nang mawala na si Yuri ay naiwan si Ian, ntigilan siya saglit sa kinatatayuan. Hindi siya sigurado kung nakita niyang umiyak si Yuri.
Tuloy ay hindi niya maiwasang makonsensiya dahil sa nangyari. Nag-alala lang naman siya dahil kinahaban talaga siya ng todo kanina, akala niya ay kung ano nang mangyayari sa asawa at anak.
"Sir Ian and'yan na daw ang asong pinadala ni Sir Bryan,"napalingon siya sa nagsalitang si Mang Diosdado.
"I see..."wala sa sariling tugon niya.
"Ah sige Sir,"nang tatalikuran na siya nito ay mabilis niya ulit itong hinabol.
"Mang Diosdao..."pagtawag niya, mabilis itong lumingon. "Ipasok niyo nalang ang aso...atsaka ihawin niyo na'rin,"ibinulong niya ang huling litanya at napalunok.
Nanlalaki ang mga matang hinarap siya ng matanda.
"Sir, iihawin lang ang aso?"hindi makapaniwalang bulong nito.
"It's Yuri's request, hindi pa siya kumakain, hindi raw siya kakain hanggang hindi asong prineto ang ulam,"he slightly frown.
Napaawang ang labi ng matanda, wala itong nagawa kung hindi ang tumango at nanghihina na iniwanan siya.
Malakas siyang bumuntong-hininga at nakapamulsang tiningala ang masikat na araw.
In a gleam he decided to stay outdoors to breeze himself, in a sudden he realized everything in a history, he just entered the wrong hole but one thing he knew to himself there's no turning back, the company has to saved from his profession or else he will lost everything he had.
Muli niyang naalala ang muntikan nang mangyari kay Yuri kanina.
"Did I scared her?"he whispered.
He can't forget her reaction earlier. Simula no'ng pinakinggan at pinagmasdan niya ang ginagawa ni Yuri kanina habang tinitingnan ang portrait nila ng pamilya' ay hindi niya maiwasang isipin na may kakaiba rito.
Ni hindi niya namalayang nakangiti na siya habang pinagmasmasdan ito. He never seen an innocent and soft woman before like Yuri.
Tuloy ay muli niyang naalala ang mga mata nito, nag-alala siyang baka napaiyak o naoffend niya si Yuri kanina, kahit siya ay nabigla rin sa inasta. Kailangan na ba niyang humingi ng tawad?
Umiling-iling siya.
"No, I didn't do anything. Besides it's her own fault,"sagot niya sa sariling naisip.
Pero baka magtanim siya ng sama ng loob, mas makakasama 'yon sa kalusugan niya
Muling siyang napabuntong-hininga saka nahilamos ang mukha.
"Okay fine!I will apologise. Only now!"tumuro siya sa hangin na para bang kausap ang sarili.
"Tss, I'm getting crazy,"wala sa sariling usal niya saka iling-iling ulit na pumasok.
"Ehem,"tumikhim siya at huminto saglit sa harapan ng kanilang glass door. Iniisip niyang mag-ensayo muna bago ito harapin.
"Yuri?"panimula niya habang nakatingin sa reflection ng sarili sa salamin.
"I didn't intend to scare nor to shout on you...I'm just..."
Nahinto siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto. Napaawang ang labi niya nang lumantad sa kaniya si Yuri na nakangiti pa.
Mabilis siyang tumalikod rito at nagpanggap na may tinitingnan sa suot na pants.
"Anong binubulong-bulong mo d'yan?nagprapractice ka bang mag-acting?"tawa-tawang tanong nito. Napapalunok siyang nilingon ito, pero hindi 'yon ang napansin niya kung hindi ang hawak nitong pagkain.
Napangiwi siya na isa iyong binalitan na mangga na sinawsawan ng toyo.
She eat that? err
Hindi niya talaga maintindihan ang mga babae...o talagang ang buntis lang na ito.
Magsasalita na sana siya ng makaramdam siya ng pagkapit ng kung sino sa pantalon niya.
"What the f*ck!"nagugulat siyang napaatras dahil sa asong tumingala sa kan'ya.
"Hoy!grabe ka naman!masyado kang gugulatin!akala ko ba gusto mo ng aso? psh ang arte talaga ng mayayaman kahit kailan,"bubulong-bulong nito pero imbes na pansinin iyon ay  tiningnan niya ulit ang aso, pinanood niyang kargahin ito ni Yuri.
"A-ano ang ginagawa niyan dito?"nagtatakang tanong niya, bahagyang nakaatras.
Naniningkit na tiningala siya nito.
"Pati ba naman ginagawa ng aso proproblemahin mo?"hindi niya inaasahan ang isasagot nito, pero hindi 'yon ang pinansin niya.
"Ano nga kasi ang ginagawa niyan dito?"
"Isn't too obvious?he is my pet now,"nakangiti nitong hinimas ang aso.
"Nakita ko kasi ito na kasama ni Mang Diosdado kaya kinuha ko, ang cute niya atsaka ang sweet pa,"napataas siya ng kilay dahil ngiting-ngiti ito.
"I thought... gusto mong kumain ng prinetong aso,"nagtatakang sagot niya.
"Nagbago na ang isip ko, ayaw ko na no'n kaya simula ngayon alaga ko na siya."
"He will be my sweetheart,"aniya nakangisi pang hinagod-hagod ang aso.
Napakunot-noo siya. S-sweet heart?'
"Sweet heart,"pag-uulit niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Oo, sweetheart, nabinge ka ba?"hindi niya pinansin ang sinabi nito at tiningnan ang nakalabas na dila ng aso. Hindi niya mapigilang mapaismid ng palihim.
"Ang baduy ng pangalan, can't you think something else?"sa halip na sagot niya.
"Ang cute kaya."
"It's too common."
"Pero ibinagay ko sa personality niya,"mas lalo siyang napailing sa sinabi nito.
"Personality?you just met him a minute ago. Kilala mo na agad?"
"Okay first impression is important,"natigilan siya.
"Mas gagawin mo pa palang sweetheart ang asong ',yan kaysa sa'kin?"
"Ha?"maging siya ay napakurap dahil sa nasabi.
'Did I say what?'
" I mean..."
"Right." Bumuntong-hininga itong tumitig sa kan'ya. "Kailangan pala nating magpanggap na mahal ang isa't-isa 'no?"natigilan siya sa sinabi nito.
"I'm not pretending, why would I?"agad na pagtatama niya.
"Ewan ko,"kibit-balikat nito. "Isa pa,e ano naman sa'yo kung gawin 'ko siyang sweetheart kaysa sa'yo?e, hindi ka naman sweet katulad ni sweetheart."
Tss, pinagkumpara pa'ko sa aso
Napailing siya saka nakapamulsang  hinarap ito.
"Well..."inayos niya ang boses bago nagsalita. "Incase you didn't know, I am the one who buy that dog for you, isn't too sweet of mine?"pinanatili niya ang pagiging kaswal.
"Ikaw?"
"Yes,"he answered confidently.
"Heh!huwag mo nga akong patawanin e, si Bryan naman ang nagpabili nito hindi ikaw noh!"
WeDamn
Napalunok siya.
"Says who?"hindi siya nagpaapekto.
"Says me! narinig ko kaya ang sinabi ni Mang Diosadado na pinadala 'to ni Bryan."
Nakagat niya ang labi sa pagkapahiya.
"But I called him to buy that dog for you,"pangangatwiran niya.
"Oh?ang sabihin mo natatakot ka lang na baka kung ano ang mangyari sa baby mo kaya napilitan kang gawin 'yon,"mataray na balik nito sa kaniya.
Hindi nalang niya iyon pinansin saka bumuntong-hininga.
"I think you really have t-to uhm change the name, hindi bagay,"nakakrus ang brasong sabi niya.
"Bakit?nag-seselos ka?"napakurap siya.
"Of course not,"mabilis na sagot niya.
"Tss, it's hilarious sa isang aso?no way,"mariing pag-tutol niya.
"Hindi mo kailangang maging defensive, psh kala mo naman pinilit."
"I'm not being defensive." Habol niya nang talikuran na siya nito.
"Opo!hindi na,"nakataas ang kamay nitong sagot sa kaniya. Binabalewala siya.
"I told you, I'm not." Pinababa niya ang dating ng boses.
"Hay naku!ang mister ko po indenial,"natigilan siya sa sinabi nito.
"What did you say?"
"Ang alin?"
"'Yong sinabi mo lang."
"Ang dami kaya ng sinabi ko, alin ba do'n?"
"'Yong sinabi mo palang bago kita tanungin,"bumuntong-hininga siya.
"Alam kong narinig mo 'yon, gusto mo lang ulitin ko."
Napangisi siya at nanatiling kalmado. Saka siya tipid na ngumiti. "Exactly, can you say it again?"
"You're enjoying it aren't you?"
Muli siyang natigilan. "Maybe?"
"Psh."
Napalunoksiya ng tuluyan itong tumayo. Doon niya lang naisip ang mga pinagsasabi.
Why do I even care about it
Bakit nga ba?
Tss'
"O sige na nga, halika na honey!"muli siyang napalingon rito ng tuluyan itong maglakad papalayo. Mabilis siyang pumihit paharap.
"Did you just call me honey?"hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
"Excuse me, hindi ikaw 'yon,"unti-unting nawala ang ngiti niya pero hinarap pa'rin ito.
"Then who? 'yong aso? hindi ba't sweetheart ang pinangalan mo sa kan'ya?"nakataas ang kilay niyang tanong. He know he heard it right.
"You're right, pero hindi ba't kasasabi mo lang na kailangan palitan 'yon dahil hindi bagay?so...I just did, I will call him honey instead,"nakangiti nitong sinabi iyon at nakaawang ang labi niyang tuluyan siya nitong tinalikuran.
Dala ang bagong honey nito. He maybe heard it right but it exactly didn't meant for him.
Hindi niya akalaing nakaramdam siya ng inis habang naglalakad ito papalayo dala ang honey nito.
Dang!It's hilarious!and why do I even care?it's just a freaking dog!'
Sa isip niya ay sana natuluyan nalang talagang naihaw ang aso na 'yon!nabigyan pa siya ng karibal.
Tss.

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Pril26

    nice. kaso bitin

    02/06

      0
  • avatar
    Kassandra T Bayno

    Nice story I love it 😀

    18/03

      0
  • avatar
    Chelby Pumar

    I love it!

    16/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes