logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

Bulaklak ng Liryo
Nasa madilim na parte na kami ng kagubatan at patuloy parin sa paglalakad si Puti. Habang papalayo kami ng papalayo sa pinaghulugan ko kanina mas nararamdaman ko ang simoy ng hangin, mas malamig iyon kumpara sa nakasanayan.
Maraming tuyong dahon sa aming nilalakaran kaya't rinig na rinig ang bawat hakbang ko. Makikita rin ang malalaking anino ng mga puno habang sumasabay ito sa ritmo ng hangin.
Pinagkrus ko ang aking kamay at niyakap ang aking magkabilang bisig. Masyado nang malamig, hiyang hiya naman ang sleeveless na suot ko.
"Puti saan ba tayo pupunta?" Alam kong isa siyang aso pero baka sakaling marunong siyang magsalita, baka katulad din siya ng mga kakaibang nilalang na nakita ko kanina.
Ilang saglit pa'y tumigil bigla sa paglalakad si Puti. Huminto rin ako dalawang hakbang mula sa aso.
"Puti?"
Imposibleng dito ang daan palabas. Dahil wala akong makitang lagusan kung saan, ngunit mayroong isang bangin sampung hakbang mula sa aming kinalalagyan.
Nanlaki ang mata ko nang mayroong ideya ang pumasok sa isip ko.
Wag mo sabihing kailangan kong tumalon bago makalabas?!
Hindi parin lumilingon ang aso sa aking direksyon at nanatili itong nakatingin sa harapan.
"Puti?" Lumapit ako ng dahan dahan sa kinaroroonan ng aso ngunit ka takot takot na imahe ang nakita ko.
Nakatulala sa harapan si Puti habang ang kanyang buong dalawang mata ay nagkulay itim malayong malayo sa kulay langit nitong mata kanina.
Napaatras ako ng lumingon siya sa akin habang nilalabas ang matutulis niyang pangil. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin na tila ako'y isang kalaban.
Grrrrrrrr!
Umatras ako ng dahan dahan, nakikiramdam sa bawat galaw ng aso papalapit sa akin. Sa paraan ng pagkakatayo niya'y handang handa na siyang umatake!
Bakit nagkaganun siya bigla?!
Umatras akong muli hanggang sa maabot ng kamay ko ang isang malaking puno.
Nang mahawakan ko ang puno, nawala ang kulay itim na mata ng aso at bumalik ito sa dating itsura. Sa katunayan ay mukha siyang maamong aso katulad kanina. Kinakawag na naman ang buntot na tila masayang masaya.
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa puno.
Anong nangyari? Imahinasyon ko lang ba yun kanina?
Kahit mukhang bumalik na sa normal ang aso ay nanatili parin akong nakahawak sa puno. Hindi parin humuhupa sa pagkabog nang mabilis ang puso ko.
"Wag kang matakot tao."
Isang malalim na boses. Boses mula sa aso!
"A-anong?" Tinitignan kong muli ang aso at hinintay ko itong magsalita muli.
"Kawawang tao." Ang kanyang kataga bago ito matunog na ngumisi.
"N-nagsasalita ka!" Dinuro ko siya kahit kitang kita na ng mata ko ang pagbuka ng bibig niya.
"Oo. Halata ba?" Hindi nawala ang pang uuyam sa tono ng pananalita niya.
Binitiwan ko ang puno at tumayo ng maayos.
"Hoy! Bakit mo ako inatake kanina?!" Tila tamad na tamad itong tumingin sa akin.
"Hindi kita inatake." Sabi niya na parang iyon ang totoo.
"Bago ka magsalita, pwede bang  pabalikin mo muna ako sa dati kong anyo. I don't like the smell of this dog."
Lumayo siya ng bahagya at isang nakakasilaw na liwanag ang nagpapikit sa akin.
Dinilat ko ang mata ko at isa nang tao ang asong kausap ko kanina.
Kayumanggi ang kanyang balat, lubhang mas matangkad sa akin, halos kasing tangkad niya na ang mahal na prinsipe. Matikas ang kanyang tindig, wala siyang pantaas at nakasuot lamang ng maong na kupas. Kitang kita ang hubog ng pangitaas niyang katawan.
Marahil mahal na mahal nito ang pageehersisyo, paano'y mayroong mga pandesal akong nakikita.
"A-ano, 'di ka ba magdadamit?"
Iniwas ko ang aking tingin. Hindi mabuti ang pagtitig sa mga tao, lalong lalo na sa katawan nila! Kung narito si Ina malamang ay kanina niya pa ako nakurot sa singit!
"Magdadamit." sagot niya pagkatapos ay inangat ang kamay.
Mula sa gilid ng aking paningin, nakita kong mayroong lumabas na mapusyaw na kulay ng pinaghalong puti at dilaw na liwanag mula sa kanang kamay niya.
Umusbong ang kulay puting bulaklak ng liryo. Malaki ito kumpara sa nakasanayang laki. Kinumpas ng lalaki ang kanyang kamay at gumalaw ang mga bulaklak.
Namangha ako nang makita kong bumubuo ito ng isang kasuotan. Isa iyong kapa na kulay puti at may gintong  linya sa dulong bahagi.
"Dammit! I don't know how to make a damn shirt." Binulong niya lamang yun ngunit rinig na rinig ko.
Mukha siyang problemadong problemado habang kinukumpas ang kamay. Nakikita ko panga ang mumunting butil ng pawis sa kanyang noo.
Mukhang mahirap nga.
Nang matapos niya ito ay dali dali niya nang sinuot bago humarap sa akin. Naroon na naman ang tinatamad niyang tingin na para bang hindi ito nahirapan kaninang magtahi gamit ang bulaklak ng liryo.
"Tao. Uulitin ko hindi kita inatake kanina."
"Kung ganun namamalik mata lamang ako?" Hindi ko dapat iyon sasabihin ng malakas ngunit naibigkas ko na.
"Yes."
Kanina pa ako nagtataka sa paraan ng pananalita niya. Kumpara sa mga taong nakasalamuha ko kanina, ang lalaking ito ay tila tulad kong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang pinagkaiba, mukhang lubhang mas magaling siyang mag ingles kaysa sa akin.
Ang tono niya'y katulad ng mga mayayamang naka kotse at bumibisita sa simbahan upang mag abot ng donasyon.
"We crossed the illusion border that's why you saw something terrible." Tumango na lamang ako sa kanya.
"Naiintindihan ko. Maari bang itanong kung bakit ka nag anyong aso kanina?" Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag irap niya sa kawalan.
"Someone commanded me to, Tao." Napangiwi ako nang tinawag niya ako muling 'Tao'. Tila isang indikasyon iyon na kakaiba siyang nilalang kumpara sa akin.
"Someone?" Tanong ko.
Bumuntong hininga siya bago sumagot.
"Ang mahal na Prinsipe." Naintindihan ko na agad, pagbitiw na pagbitiw niya palang ng katagang iyon. Ibig sabihin hindi na ako maaring magtanong ng karagdagang detalye dahil ang Prinsipe naman ang nag utos. Ngunit gusto ko sanang itanong kung iyon ba ang kapangyarihan niya, ang mag anyong aso.
"And no, I'm not a freaking dog. I'm a werewolf." Sabi niya na may kaunting inis.
"And an alpha." Mahangin niyang dagdag.
"By the way, I'm Kurt Adeem of Vinetus Kingdom." 
Nilagay niya ang kaliwang kamay sa likod at kanang kamay sa harap bago yumuko katulad ng isang prinsipe.
Medyo nailang ako sa pagyuko niya. Hindi ako sanay na mayroong yumuyuko sa akin ng ganun. Siguro'y ganito ang paraan ng pagbati rito.
Yumuko din ako ng bahagya at sinabi ang aking pangalan.
"Ako si Ashia Dawn ngunit Liwayway ang ngalan na laging tinatawag sa akin ni Ina kaya naman iyon na ang ginagamit ko." Mahaba kong paliwanag.
Tumango lamang siya.
"I guess I'll call you Liwayway too."
"Sige."
Tila may dumaan na anghel nang matigil bigla ang aming pag uusap. Paano'y hindi ko naman alam kung paano makikihalubilo sa nilalang na tulad niya kaya't mabuti na lamang na manahimik ako.
Tumalikod na siya at naglakad muli papunta sa harapan tumigil siya at lumingon sa akin.
"Kailangan mong lagpasan ang apat na pagsusulit kung gusto mong makalabas." Nag iba ang tono ng pananalita niya nang magsalita siya ng purong tagalog. Seryosong seryoso ito kumpara sa malaya niyang pagpapahayag ng sarili sa lengguwahe ng ingles.
"Naalala mo pa ba ang sinabi ni Ginang Aroa?" Naglakbay muli ang aking alaala sa mga katagang binigkas ng Ginang kanina.
Ang pintuan ay mabubuksan,
Kung puso ang pinaburan,
Latak ng kasinungalingan,
Tiyak na ika'y pagsasarhan,
Bahid ng pagkukunwari,
Hindi mo mawawari,
Sa paring nagkamali,
Hanapin ang ugat ng talulot sa bahaghari.
Tumango ako kay Adeem. Malinaw pa sa memorya ko ang mga katagang binitawan niya kanina.
"Bigkasin mo ang unang saknong."
"Ang pintuan ay mabubuksan, kung puso ang pinaburan." Pagkatapos kong bigkasin ang mga iyon, isang malakas na pag alog ng lupa ang naramdaman namin.
Tula nabibiak ang lupa sa sobrang lakas ng paglindol!
Bumaba ako upang hindi ako sobrang mahilo sa sobrang lakas nito.
Habang patuloy ang pag alog ng lupa, isang pinto ang aking nakita, sumisibol iyon mula sa biak ng lupa. Kulay berde iyon at may gumagapang na mga halaman dito.
Nang matapos na sa wakas. Doon ko nakita ang buong anyo ng pinto. Gawa iyon sa kahoy, mayroong mga lumot, halatang matagal na iyon at mukhang gamit na gamit dahil sa pasira nitong itsura.
"That's the Door of Envy. Isa sa pitong pintuan ng kasalanan. Iyan ang una mong kailangan lagpasan bago makatawid sa susunod na pinto. Iyan ang unang pagsubok na kinaharap namin nang kumuha kami ng pagsusulit upang makapasok sa Unibersidad ng Fleur." Mahaba niyang lintaya.
Mukhang alam niya na ang nasa loob ng pintuang yan.
"No, I don't know what's inside, Tao." Sabi ni Adeem na ngayo'y nasa tabi ko na. Bumaling siya sa akin.
Nagdududa na ako sa isang 'to. Kanina niya pa nababasa ang isip ko ha.
"And no, hindi ko nababasa ang nasa isip mo. Halata lang masyado sa mukha mo." Nakangisi niyang tugon.
Hindi katiwa tiwala ang ngisi niyang iyan ha!
Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumingin muli sa pintuan.
"Ang laman ng pintuang iyan ay nakadepende sa taong nasa loob. Repleksyon ng pagkatao mo ang laman niyan."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Kakalabanin ko ang sarili ko ganun ba?" tanong ko.
"Ganun na nga. Ang matatalo sa loob ng pintuang iyan ay habang buhay na makukulong sa loob, habang ang mananalo ay makakalabas." Parang bombang sumasabog ang bawat salitang sinasabi niya.
"K-kung natalo ako, ano ang mangyayari sa akin? " Nangangatal kong tanong.
"Siya ang lalabas at maiiwan ka habang buhay sa loob. Siya ang papalit bilang ikaw habang buhay." Ang kumpirmasyong iyon ang bumuwag sa damdamin ko. Hindi pa man ako nakakatapak ay gusto ko nang umatras.
"Sino kaya sa tingin mo ang mananalo? Ikaw o ang repleksyon mo?" Tiningnan niya ako ng diretso sa mata tsaka ngumisi.
Iyon ang pinaka nakakakilabot na ngising natanggap ko mula sa kanya.
aeliag © 2023
All rights reserved.

Comentário do Livro (19)

  • avatar
    Lapad Suriyao

    ok thanks

    1d

      0
  • avatar
    Alexandra Cabusas

    best and always the best

    7d

      0
  • avatar
    Ït'ß Më Ãl

    subrang ganda

    21/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes