logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5 : THE NEVER ENDING PAIN

"Gusto mo ba samahan muna kita?" tanong ni Kev kay Aebriel ng makarating sila sa bahay niya
Mag isa lang siya sa malaking bahay na iniwan sakanila ng mga magulang niya. Ang kuya Dino niya ay may sarili na rin pamilya at nakabukod na sakanya.
"Okay lang ako, gusto ko na din magpahinga" mababakas sa boses ang pagod na sambit niya
Tinitigan siya ng kaibigan na si Kev na tila may gustong sabihin o itanong pero hindi niya iyon masambit.
"Si Heizy?" tanong niya sa binata na alam niyang iyon ang gustong banggitin nito. "Hindi ko siya nakita, maybe kasama niyang umuwi pero hindi sumama sa kumpanya" pagtutuloy niya.
Nakatitig lang sakanya ang kaibigan at ayaw magsalita. Ngumiti siya ng mapait at niyakap ulit ang binata.
"Okay na tayo diba? Hindi na natin sila kailangan, nakaya natin na wala sila kaya magiging maayos pa rin tayo kahit bumalik pa sila. Hindi na dapat tayo maaapektuhan, Kev"
Hinaplos ni Kev ang buhok niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Wag na wag mong ipapakita sakanya na kahinaan mo siya, Aebriel. Mas sasaktan ka niya kapag nakita niya yun sayo"
Tumango siya habang nakayakap sa binata. Nginitian siya ni Kev at pilit nang pinapasok sa loob ng bahay nito. Ayaw man niyang iwan ang dalaga ay wala din siyang choice dahil kilala niya si Aebriel, ayaw nito na pinipilit mag open ng problema.
Pagkapasok ni Aebriel sa bahay ay doon lamang niya napansin na bukas ang ilaw niya sa sala hanggang sa kusina. Kumunot ang noo niya at nagulat ng may gumulat sakanya mula sa likod ng pintuan.
"Titaaa Abyyy" sigaw ng pamangkin niyang si Koshin at sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi. Tita Aby ang tawag nito sakanya dahil hirap ito sa pag bigkas ng letter L at R.
Nawala ang bigat na naramdaman niya maghapon dahil sa pamangkin niya. Niyakap niya ito pabalik at pinagpipisil ang matumbok niyang pisngi.
Koshin is her Kuya Dino's son. Apat na taon na ito at kamukhang kamukha nito ang kuya niya.
"Where's mommy and daddy?" tanong ng dalaga sa pamangkin
"There po sa kitchen, they're cooking foods for dinner po" magalang na sagot ng bata
Pinisil at hinalikan niya ulit ang pisngi nito bago tumakbo sa kusina at doon ay nadatnan ang asawa ng kuya niya na busy mag luto.
"Ateee" sigaw niya ng makita ang hipag at niyakap ito
Sobrang close nila ng ate Ella niya dahil mula high school ay magkarelasyon na ito at ang kuya niya.
"Miss you" bulong ng ate Ella niya at niyakap siya ng mahigpit. "Pasensiya ka na at pinasok na namin tong bahay mo, ang kuya mo kase gutom na daw" saad nito habang tumatawa.
"Okay lang ate, namiss ko rin kayo. Buti napasyal kayo akala ko pa naman kinalimutan niyo na ko" nakanguso at kunwaring nagtatampo na sabi niya
"Sus, panong makakalimutan e bukambibig ka ng pamangkin mo" tukoy nito kay Koshin
Tumawa ang dalaga at inilibot ang paningin para sana hanapin ang kuya ng may yumakap sa likod niya.
"Hey princess" bulong nito at hinalikan ang gilid ng ulo niya
Agad siyang humarap dito at niyakap ng mahigpit ang kapatid. Buwan din ang binilang niya bago ulit sila mag kita dahil malayo ang tinutuluyan ng mga ito sa bahay niya. Ayaw din siyang iwan ng kuya niya noon pero pinilit lang niya at pina kita niyang kaya na niyang mag isa. Walang nagawa ang kuya niya dahil malayo din ang trabaho ng asawa nito sa bahay na tinitirhan niya ngayon.
"Asan pasalubong ko?" parang bata na tanong niya sa kuya niya
Pinitik nito ang noo niya at ginulo ang buhok.
"Nasa kwarto mo na. Tinawagan ko si manang rose kanina sinabi kong pumunta bukas dito para mag linis. Siguradong wala kang oras gawin yun dahil sa trabaho"
"Pumupunta naman yun once a week dito kuya kaso last week di siya nakapunta kase nagka sakit daw yung apo niya" paliwanag ko
Tumango ang kuya niya at nilapitan ang asawa upang tikman ang niluluto nito. Pinagmasdan niya ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya. Makikita sa mga ito kung gaano sila kasaya at ka-kuntento sa isat-isa. Sila na lamang ang natitirang pamilya na meron siya. Napangiti na lamang siya at tumayo bago nagpaalam na magpapalit muna siya bago sila kumain.
Pagpasok niya sa kwarto ay bumalik ang kaninang bigat at sakit na nasa dibdib niya. Binalewala na muna niya iyon at naligo. Lalabas na sana siya ng kwarto ng may kumatok at bumungad ang nakangiting kapatid niya. Nginitian niya ito pabalik at naupo siya sa kama kaya naupo din ito sa tabi niya.
"How's my princess?" nakangiting tanong ng kuya niya
Sinubukan niyang ngumiti pero traydor ang luha niya dahil kusa nanaman na nag patakan. Agad siyang niyakap ng kuya niya at marahan na hinahaplos ang bagsak niyang buhok.
"Ssh, nandito lang si kuya" bulong nito sakanya
Dalawa nalang sila ng kuya niya sa buhay ang magkasama mula mamatay ang magulang nila sa mismong graduation niya noong grade six pa lamang siya. Masaya ang magulang niya noong umakyat ang mga ito sa entablado para isabit ang mga natanggap niyang medals at diploma. Noong pauwi na sila para sana magdaos ng konting salo-salo para sa pagtatapos niya sa elementarya ay naaksidente silang buong pamilya. Ang papa nila ang nagmaneho at nasa harap ang mama niya kaya sila ang napuruhan. Halos nadurog ang kalahating bahagi ng sasakyan nila at silang dalawang magkapatid ay tanging sugat lamang ang natamo.
Apat na taon ang agwat nilang magkapatid at dose anyos palang siya noon samantalang nasa fourth year naman si Dino. Sinuportahan sila ng mga kapatid ng magulang nila hanggang makapag tapos si Dino sa kolehiyo at ng matapos ay ito na ang kusa na magpa aral sakanya.
"Bumalik na siya kuya" tila ito batang nagsusumbong sa kapatid. "Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin kase kung tutuusin ako dapat ang makaramdam nun dahil di siya tumupad sa pangako niyang babalikan niya ko agad" mula kanina sa parking lot na nagsimula siyang umiyak hanggang sa paghatid ni Kev sakanya ay ngayon lamang siya umiyak ng sobra sa harap ng kuya niya.
"Anong ginawa niya sayo?" pigil ang galit sa boses ng kuya niya
"Siya ang bago kong boss, kuya." bakas sa mukha ng kuya niya ang gulat dahil sa sinabi niya
"And you choose to stay in that company?"
"Kanina lang siya dumating. Akala ko kanina, nagpapanggap lang siyang hindi niya ko kilala sa harap ng mga katrabaho ko."
"And?"
"Pero kanina sa meeting pinahiya niya ko, kitang kita ko yung galit niya sakin at hindi ko alam kung bakit."
Muli siyang niyakap ng kuya niya dahil siguro hindi siya kayang tagalan na tignan habang umiiyak at nasasaktan.
@justmytaste

Comentário do Livro (261)

  • avatar
    Yesha LynMonares

    As I read to this story, all I can say is that this story is well written. The author of this story did an excellent job. I'm excited to see what occurs next here in "The Never Ending Pain", as well as the following updates.

    13/03/2022

      6
  • avatar
    Jøhmürphy Barüc

    i wat ore

    7d

      0
  • avatar
    BerjaCelso

    that's ano ang

    24d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes